“Civil status?” pabulong na tanong ni Lilian rito at pagkatapos ay pilit na inaalala. “Sa pagkakatanda ko ay parang may asawa na siya.” sagot niya rito pagkalipas ng ilang sandali at pagkatapos ay nagpatuloy. “Nabalitaan ko noon na nagpakasal ito ngunit napaka-misteryoso ng pagkakakilanlan ng babae dahil ni minsa ay hindi siya ipinakilala ng pamilya Montenegro sa publiko, pero bakit mo alam ang tungkol rito?” tanong niya.“Greg huwag mong sabihin na…” ibinitin niya ang kanyang sinasabi.“Ate ano bang iniisip mo?” putol niya sa susunod pang sasabihin nito sana sa kaniya.“Anyway tulungan mo akong makilalala pa siya lalo.” pagkatapos na sabihin iyon ay tuluyan na ngang pinatay ni Greg ang tawag.“Walang puso.” inis na sambit ni Lilian sa kanyang cellphone pagkatapos. Nilingon niya ang kanyang personal assistant na nakatayo sa kanyang tabi. “Tumawag ka sa bahay at magpaluto ng mga pagkain.” sabi niya.Mabilis naman itong tumango sa kaniya. “Masusunod po ma’am.” agad na sagot nito.Samant
“Lucas, ayoko! Tama na please…” pagpupumiglas ni Annie at kasabay ng pagmamakaawa niya rito dahil saglit siya nitong binitawan habang naghahabol sila pareho ng hininga.Ngunit tila walang narinig si Lucas at hinawakan lamang nito ang kanyang beywang at ang isang kamay naman nito ay inilagay sa likod ng kanyang ulo na mas lalo pa siya nitong hinalika. Nang makita niya ang mga mata ni Lucas na sobrang mapupula ay napaisip tuloy siya, mukhang nababaliw na ito.Isa pa ay noon pa man ay napakagaling nito na kontrolin ang emosyon ngunit ngayon ay tila lubusan na itong nawalan ng kontrol.Samantala, hindi alam ni Lucas kung bakit galit na galit siya ng mga oras na iyon. Sa tuwing naiisip niya ang lalaking iyon na kausap ni Annie ay gusto niyang kunin si Annie at ipakita rito kung sino siya sa buhay nito. Nang mga oras na iyon ay bigla na lamang sumakit na ang bibig niya at pagkatapos ay may nalasahan na siyang dugo.Noon lamang niya napagtanto ang nangyari ngunit hindi siya bumitaw at nanati
“Lucas!” tawag ni Annie sa pangalan nito upang kuhanin sana rito ang kanyang cellphone ngunit tila wala itong naririnig at patuloy sa ginagawa na pagbabasa sa cellphone niya.Habang nakatingin rito ay napuno ng kalungkutan ang puso niya ng mga oras na iyon dahil pinaghihinalaan siya nito at binuksan pa talaga nito sa harapan niya ang kanyang cellphone. Pakiramdam niya tuloy ay pinagtaksilan niya nga ito at ipinagkanulo niya ang kasal nila at gumawa ng isang bagay na hindi maganda sa relasyon nilang dalawa.Pero kung tutuusin ay hindi naman talaga siyang nagtaksil rito. Sa huli ay hindi na lamang siya lumaban pa at hinayaan na lamang ito na basahin nito ang gusto nitong basahin sa cellphone niya.Mabilis naman na inopen ni Lucas ang nag-pop up na notification niya sa taas at nabasa kaagad ang salitang nasa itaas. Nang makita niya ang salitang, “knight in shining armor” ay naikuyom kaagad ni Lucas ang kanyang kamao at nakaramdam ng galit na dumaloy sa kanyang puso at ganap na nawalan si
Naisip niya na kahit na anupaman ang dahilan sa wakas ay dumating ito para sunduin siya. Ang nangyari sa mall kanina ay nag-iwan pa sa kaniya ng takot at kaba sa kanyang puso at para bang may trauma pa rin siya. Gusto niyang yakapin ito at sabihin rito ang lahat ng takot na naramdaman niya kanina, pero nagbago na ang isip niya. Hindi na kailangan na sabihin rito iyon.“Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko. Isipin mo na lang ang gusto mong isipin.” sumusukong sabi niya rito. “Pagod ako at gusto ko ng magpahinga.” dagdag niyang sabi rito.Pagkatapos niyang magsalita ay agad siyang tumalikod rito at umakyat sa taas habang hawak-hawak ang kanyang cellphone.Pagkapasok niya sa silid ay kaagad siyang nag-ready ng kanyang damit at dali-daling nagbabad sa bathtub. Habang nakababad siya sa bathtub ay hindi niya maiwasang mapaisip. Sa totoo lang ay walang nakakaalam kung gaano siya natakot kanina nang sabihin sa kaniya ni Olivia na tawagan niya si Lucas nang nasa mall pa siya.Hinawakan niya
Nang marinig ito ni Lucas ay dali-dali niyang itinaas ang kumot na nakabalot rito at pagkatapos ay bahagya niya ring itinaas ang suot nitong pajama. Doon tumambad sa kaniya ang binti ni Annie na puno ng pasa at pagkatapos ay dahil doon a agad na nanlamig ang mga kamay niya.Kasabay nito ay bigla na lamang niyang pinagalitang ang sarili niya. Bakit nga ba hindi niya napansin na may sugat pala ito at mga pasa?Samantala nang marinig naman ni Olivia na walang sumasagot sa kabilang linya ay bigla siyang nabalisa. “Hoy Lucas, huwag mong sabihin sa akin na hindi mo alam kung ano ang nangyari kay Annie hanggang sa mga oras na ito?” tanong niya kaagad rito.Samantala si Lucas ay walang balak tumanggi sa sinabi nito sa kaniya. “Naging pabaya ako.” iyon ang mga salitang lumabas sa bibig niya.Bagamat malapit nang mainis si Olivia dahil sa kawalang pakialam nito kay Annie ay pinili na lamang niya na kalamahin ang sarali niya. “Ibig sabihin ay hindi mo talaga alam kung ano ang nangyari?” tanong n
Nang magising si Annie ay umaga na at nakakulong siya sa isang mainit na yakap. Pag-angat niya ng kanyang mukha ay agad na sinalubong siya ng pamilyar na mukha ni Lucas. Nang makita niya ito ay agad siyang kumawala rito at bahagyang lumayo.Dahil sa pagtulak ni Annie sa kaniya ay awtomatikong gumalaw ang mga kamay ni Lucas at muling hinila si Annie pabalik sa kanyang mga bisig.Gulat naman na napatingin si Annie sa mukha nito dahil ang akala niya ay tulog pa rin ng mga oras na iyon si Luvas, ngunit sa kabilang banda ay hindi nito alam na matagal na pala itong gising at hindi lamang nito iminumulat pa ang mga mata.Makalipas ang tatlong minuto ay muli niyang sinubukang lumayo rito ngunit nang igalaw pa lamang niya ang kanyang mga kamay ay mas mabilis na naman na gumalaw ang mga kamay nito at pagkatapos ay mahigpit siya nitong niyakap at pagkatapos ay bumulong. “Well, inaantok pa ako. Pwede bang samahan mo muna akong matulog.” sabi nito sa pinaka-seksing tinig nito.Agad na tumigil ang
“Tumigil ka na pagsasalita Lucas. Please lang, tumigil ka na sa pagsasalita mo at ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin mo.” sabi nito sa kaniya.Sa halip naman na tumigil ito ay hinawakan niya ang kanyang mga kamay na nakatakip sa kanyang tenga at pagkatapos ay nagpatuloy pa rin sa pagsasalita at ipinilit pa rin ang sinasabi nito. “Annie hindi ko naman hinihiling sayo na patawarin mo ako pero pwede ang patapusin mo na muna ako sa sinasabi ko?” sabi nito sa kaniya.“Inaamin ko na pinakasalan kita dahil sa utos ni lolo at noong bumalik si Trisha ay oo, inaamin ko na gusto kitang hiwalayan pero noong mamatay si lolo ay nangako ako sa kaniya na hindi na kita hihiwalayan kaya nagpasya akong manatali sa tabi mo, kasama ka hanggang sa tumanda tayong dalawa.”“Wala na sa isip ko ang makipaghiwalay pa sayo at hindi ko rin insiip na iwan ka para lang makasama pa ulit si TRisha.” sabi nito sa kaniya.Nakatitig ito sa kanyang mga mata at hindi nito inalis ang titig nito sa kaniya. “Totoo. Annie
Binawi ni Lucas ang kamay niya at nagpatuloy sa paghalik kay Annie. Sa mga sumunod na sandali ay ang mga halik nito ay nagpalimot sa kaniya ng iniisip niya kanina. Nadala siya sa bawat galaw ng malambot nitong mga labi at pagkatapos ay idiniin nito ang noo sa kanyang noo at ang kanyang tinig ay namamaos at napakaseksi, punong-puno ng pagtitiis. “Annie…”“Hindi ba talaga pwede?” tanong nito sa kaniya habang ang mga daliri nito ay masuyong nakahawak sa kanyang buhok at ang kanyang mga mata ay pulang-pula maging ang buo niyang mukha.“Gusto mo ba talaga?” tanong ni Annie rito sa mahinang tinig.“Sa tingin mo ba? Hindi lang gusto, kundi gustong-gusto.” mahinang bulong ni Lucas sa kaniya.Nang mga oras na iyon nang marinig ni Annie ang sinabi nito ay natalo siya at nakalimutan lahat-lahat ng nasa isip nya kanina. Awtomatikong iniunat niya ang kanyang mga braso at ipinulupot ang mga ito sa leeg ni Lucas at siya na mismo ang humalik sa labi nito.Hanggang sa walang ibang maririnig sa buong s
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka