Sobrang gulo ng paligid niya ng mga oras na iyon at halos hindi na niyang makita ang kanyang dinadaanan. Sa gitna ng mga tao ay bigla na lamang tumunog ang kanyang cellphone ngunit hindi niya magawang sagutin ito dahil naiipit siya ng mga oras na iyon. Mas nagsiksikan pa ang mga tao at halos hindi na siya makagalaw pa ang espasyo sa kanyang harapan ay paliit ng paliit hanggang sa wala na talaga. Wala siyang magawa kundi ang tumingala ay pilit na huminga, pinilit niyang ihakbang ang kanyang mga paa paalis doon ngunit ang mga tao ay parami ng parami hanggang sa ang hawak niyang cellphone ay bigla na lamang nahulog. Pinilit niyang abutin ito para makahingi na siya ng tulong kay Lucas at makaalis doon ngunit nang abutin niya ito gamit ang kamay niya ay bigla-bigla na lamang may tumapak rito.Nagsimula sa isa, hanggang sa nasundan at hanggang sa maging ang kanyang mga binti ay natapakan na at napaikit na lamang siya sa sakit. Napasigaw siya ngunit wala iyong naging epekto sa mga tao na pa
Hindi maiwasan ni Annie na matigilan nang makita niya si Lucas na nasa harapan na niya ng mga oras na iyon. Kahit na isang araw pa lang silang hindi nagkikita sa hindi malamang dahilan, pakiramdam niya ay nasa ibang mundo siya.Humakbang ito pasulong ay lumapit sa kaniya pagkatapos ay hinawakan nito ang kamay niya at pagkatapos ay hinila siya nito sa tabi nito at agad na ipinulupot ang kamay nito sa beywang niya. Hindi niya naman akalain na gagawin nito ang bagay na iyon at hanggang sa tuluyan na nga niyang nagawang magsalita.“Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?” sunod-sunod na tanong niya rito at hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman ng mga oras na iyon.Bakit ito naroon? Para ba sunduin siya? Pero noong mga panahong kailangang-kailangan niya ito ay hindi ito dumating, ngunit ngayong hindi niya inaasahang dadating ito ay bigla na lamang itong dumating. What a coincedence. Hinila niya ang kanyang kamay mula rito at tahimik na itinulak niya si Lucas palayo sa kaniya.
Kung kanina sa dami ng basher na nakapaligid sa kaniya sa mall ay takot na siya, ngayon naman ay mas natakot pa siya lalo isa pa ay sobrang sakit ng mga braso at binti niya dahil sa pagkakatapak sa kaniya kanina. Mabuti na lamang at hindi natapakan ang tiyan niya dahil kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa mga baby niya.Ni hindi man lang siya tinanong ni Lucas kung kamusta ba siya at wala man lang itong pakialam sa kaniya kung nasugatan man lang ba siya. Alam niya kung ano ang inisiip nito kung bakit siya nito hinalikan hindi dahil sa selos kundi dahil lang sa pride nito.Gusto lang nitong malaman niya na siya pa rin ay asawa nito at hindi nito pwedeng makita na nakikipag-usap sa ibang lalaki bukod sa kaniya. Dahil nga nakita rin nito na magkahawak ang kamay nila kanina ni Greg kaya mas lalo pa sigurong nagalit ito sa kaniya ngunit alam niya at sigurado siya na hindi siya hinalikan nito dahil lang sa nagseselos ito, napakaimposibleng mangyari iyon.…Ang halik na iginawad ni
Nang umandar ang kotse ay tahimik na tahimik sa loob ng sasakyan, walang gustong magsalita sa kanilang dalawa ni Lucas at tanging tunog lamang ng musika ang maririnig sa loob. Habang nakaupo siya sa kotse ay nakatanaw siya sa labas ng bintana habang magkasalubong ang kanyang mga kilay nang bigla na lamang tumunog ang cellphone niya.Kaagad niyang tiningnan ito at nakita nya na mga text iyon galing kay Olivia. ‘Annie, kamusta? Nakalabas ka ba? Okay ka lang ba?’ sunod-sunod na tanong nito sa text nito.Agad naman siyang nagreply rito para huwag na itong mag-alala sa kaniya. ‘Via okay lang ako. Ikaw kamusta ka diyan?’ ‘Nandito ang mga pulis para hindi na magkagulo pa, isa pa ay nagpadala ulit ang manager ko ng susundo sa akin rito. Kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala.’ reply naman nito sa kaniya.Nang mabasa niya iyon ay kaagad na gumaan ang pakiramdam ni Annie. Ngayong nalaman niya na naroon na ang mga pulis ay siguradong hindi mapapahamak si Olivia.Pulis?Bigla niyang naalala ang m
Agad naman itong napakamot sa ulo nito at pagkatapos ay napatawa. “Mukha ngang mahihirapan ka. Pero boss, kung may oras ka naman ay bakit hindi ka mag-reply? Wala ka namang ginagawa ngayon.” dagdag pa nito at hindi pa rin ito sumusuko.Hindi na lamang niya ito pinansin ngunit muli na naman itong nagsalita. “Pero sigurado ka ba boss na hindi ka pa naiinlove sa binibini?” tanong nitong muli sa kaniya.“Boss magsabi kana kasi ng totoo. Isa pa ay kitang-kita ko naman sa mga mata mo kapag nakatingin ka sa kaniya e.” dagdag pa nito na nagpakuyom ng mga kamay niya.Nang makita nito ang ekspresyon niya ay kaagad itong lumayo sa kaniya at pagkatapos ay dumistansiya. “Boss uuwi na muna ako. Nakakapagod na araw ito at kailangan muna nating magpahinga. Ikaw rin boss umuwi kana ng makapagpahinga ka!” sigaw nito sa kaniya at pagkatapos ay kinawayan siya.“Mamaya na ako uuwi.” bulong niya naman na tila ba maririnig pa siya nito kung sakali.…Pagkaalis ni Billy ay kaagad niyang dinampot ang kanyang
“Civil status?” pabulong na tanong ni Lilian rito at pagkatapos ay pilit na inaalala. “Sa pagkakatanda ko ay parang may asawa na siya.” sagot niya rito pagkalipas ng ilang sandali at pagkatapos ay nagpatuloy. “Nabalitaan ko noon na nagpakasal ito ngunit napaka-misteryoso ng pagkakakilanlan ng babae dahil ni minsa ay hindi siya ipinakilala ng pamilya Montenegro sa publiko, pero bakit mo alam ang tungkol rito?” tanong niya.“Greg huwag mong sabihin na…” ibinitin niya ang kanyang sinasabi.“Ate ano bang iniisip mo?” putol niya sa susunod pang sasabihin nito sana sa kaniya.“Anyway tulungan mo akong makilalala pa siya lalo.” pagkatapos na sabihin iyon ay tuluyan na ngang pinatay ni Greg ang tawag.“Walang puso.” inis na sambit ni Lilian sa kanyang cellphone pagkatapos. Nilingon niya ang kanyang personal assistant na nakatayo sa kanyang tabi. “Tumawag ka sa bahay at magpaluto ng mga pagkain.” sabi niya.Mabilis naman itong tumango sa kaniya. “Masusunod po ma’am.” agad na sagot nito.Samant
“Lucas, ayoko! Tama na please…” pagpupumiglas ni Annie at kasabay ng pagmamakaawa niya rito dahil saglit siya nitong binitawan habang naghahabol sila pareho ng hininga.Ngunit tila walang narinig si Lucas at hinawakan lamang nito ang kanyang beywang at ang isang kamay naman nito ay inilagay sa likod ng kanyang ulo na mas lalo pa siya nitong hinalika. Nang makita niya ang mga mata ni Lucas na sobrang mapupula ay napaisip tuloy siya, mukhang nababaliw na ito.Isa pa ay noon pa man ay napakagaling nito na kontrolin ang emosyon ngunit ngayon ay tila lubusan na itong nawalan ng kontrol.Samantala, hindi alam ni Lucas kung bakit galit na galit siya ng mga oras na iyon. Sa tuwing naiisip niya ang lalaking iyon na kausap ni Annie ay gusto niyang kunin si Annie at ipakita rito kung sino siya sa buhay nito. Nang mga oras na iyon ay bigla na lamang sumakit na ang bibig niya at pagkatapos ay may nalasahan na siyang dugo.Noon lamang niya napagtanto ang nangyari ngunit hindi siya bumitaw at nanati
“Lucas!” tawag ni Annie sa pangalan nito upang kuhanin sana rito ang kanyang cellphone ngunit tila wala itong naririnig at patuloy sa ginagawa na pagbabasa sa cellphone niya.Habang nakatingin rito ay napuno ng kalungkutan ang puso niya ng mga oras na iyon dahil pinaghihinalaan siya nito at binuksan pa talaga nito sa harapan niya ang kanyang cellphone. Pakiramdam niya tuloy ay pinagtaksilan niya nga ito at ipinagkanulo niya ang kasal nila at gumawa ng isang bagay na hindi maganda sa relasyon nilang dalawa.Pero kung tutuusin ay hindi naman talaga siyang nagtaksil rito. Sa huli ay hindi na lamang siya lumaban pa at hinayaan na lamang ito na basahin nito ang gusto nitong basahin sa cellphone niya.Mabilis naman na inopen ni Lucas ang nag-pop up na notification niya sa taas at nabasa kaagad ang salitang nasa itaas. Nang makita niya ang salitang, “knight in shining armor” ay naikuyom kaagad ni Lucas ang kanyang kamao at nakaramdam ng galit na dumaloy sa kanyang puso at ganap na nawalan si