Dahil nga sa naging usapan nila ni Reid ay nauna na siyang lumabas patungo sa parking lot. Doon na lamang niya ito hihintayin. Habang naglalakad ay napapaisip siya kung paano niya sasabihin kay Lucas na sinasagot na niya ito. Hindi niya maiwasang hindi maging excited dahil alam niya kung gaano ito magiging masaya nang bigla na lamang may humawak sa pulso niya. Ilang sandali pa ay ibubuka niya na sana ang kanyang mga labi upang magsalita nang bigla na lamang tinakpan ng kung sino ang kanyang bibig at hindi siya makagawa ng kahit anumang tunog. Hindi nagtagal ay umepekto ang gamot na nakagalay sa panyo at nawalan siya ng malay.Agad na kinaladkad ng taong nagtakip sa bibig ni Annie ito sa loob ng isang kotse.Sumunod na bumaba si Reid at nagpunta sa parking lot ngunit hindi niya natagpuan si Annie. “Annie…” tawag niya pero walang tumugon sa kaniya. “Annie!” muli niyang sigaw ngunit wala pa ring tumutugon sa kaniya. Naglalakad lakad siya sa parking lot hinahanap niya si Annie ngunit nagu
Maaga pa lamang ay umalis na si Annie sa bahay ni Lucas. Hindi pa siya nagigising ng mga oras na iyon. Pinili niyang umalis ng maaga dahil hindi niya alam kung paano niya nga ba ito haharapin. Dumiretso siya sa isang parke at doon naglagi. Paulit-ulit nagring ang cellphone niya ngunit hindi niya ito pinansin. Gusto niyang mapag-isa at gusto niyang mag-isip.Inabot siya ng alas-tres doon at pagkatapos ay pumasok sa isang cafe upang bumili ng kape. Hindi sinasadya na magkita sila rito ni Greg at dahil doon ay nagkamustahan sila. Tinanong pa nga siya nito kung okay lang ba siya dahil bakit parang napakaputla daw yata niya ngunit sinagot niya ito na okay lang siya. Hindi nga nagtagal ay nagpaalam na siya rito dahil baka hindi niya mapigilan na umiyak sa harap nito at baka mamaya ay masabi niya ang tunay na nararamdaman niya.Pagkagaling niya sa cafe ay dumiretso siya sa ospital. Pumunta siya sa kanilang department kung saan ay agad siyang sinalubong ng yakap ni Kendra. “Annie sa wakas ay
Pagkalabas lang niya sa ospisina nito ay agad na tinawagan ni Annie si Lucas. Nang makita naman ni Lucas ang kanyang cellphone ay halos hindi pa siya makapaniwala sa kanyang nakikita at pakiramdam niya ay namamalikmata lamang siya dahil pangalan ni Annie ang naka-flash sa screen ng cellphone niya.Hindi siya nag-aksaya ng kahit na kalahating segundo lang at dali-dali niya itong dinampot at sinagot ang tawag nito. Sa isang iglap ay narinig ni Annie mula sa kabilang linya ang namamaos na tinig ni Lucas. “Annie, ikaw ba talaga yan? Nasaan ka? Susunduin kita at iuuwi kita.” sabi nito sa kaniya at sa sandaling marinig niya ang tinig nito ay biglang kumirot ang puso ni Annie. Bago pa man siya makapagsalita ay bigla na lang tumulo ang luha niya.Nang marinig ni Lucas na walang tugon mula sa kabilang linya ay mas lalo pa siyang nag-alala. “Umiiyak ka na naman ba? Okay, kung ayaw mo akong makita ay hindi ako magpapakita sayo pero atleast ay sabihin mo sa akin na safe ka ngayon.” sabi niya ri
Bigla namang napangiti si REid dahil sa sinabi nito. Mula pagkabata niya hanggang sa pagtanda ay kinamumuhian pa rin siya nito. Akala niya sa pagdaan ng panahon ay wala paring pagbabago ang ang turing nito sa kaniya.“Bakit ko naman iyon gagawin?” tanong niya rito at pagkatapos ay napangisi. “Pagkatapos ng gabing iyon ay akin na siya. Kailangan kong maging responsable sa kaniya. Lucas kung mayroon man sa ating dalawa ang dapat na lumayo sa kaniya ay ikaw iyon at hindi ako.” sabi niya rito.“Anong sabi mo?” mabilis na tumayo si Lucas mula sa kanyang kinauupuan at pagkatapos ay hinawakan ang kwelyo ng polo ni REid at mabilis na sinuntok ang mukha nito.“Ulitin mo ang sinabi mo!” galit na galit na sabi ni Lucas rito habang patuloy niyang sinusuntok ito.“Hindi mo ba matanggap?” ngumisi ito sa kaniya. Parang kutsilyo sa puso ni Lucas ang mga salitang sinabi ni REid sa kaniya. Pakiramdam niya ay nagdurugo na ito ng mga oras na iyon. Hindi na siya nakapagtimpi at paulit-ulit na pinagsusunto
Nang pumunta si TRistan sa bar ay lasing na si Lucas. Napabuntung-hininga siya nang makita niya ito. Agad niyang nilapitan ito at kinuha ang bote sa kamay nito. “Nag-away ba kayo ni Annie para uminom ka ng ganito?” tanong niya rito.Mabilis naman itong napailing sa kaniya. “Hindi naman pero mas seryoso ito kaysa sa simpleng away.” sabi nito sa kaniya. “Isa pa, wala akong balak pag-usapan. Samahan mo na lang akong uminom.” sabi nito sa kaniya.“Nakakarami ka na, tumigil ka na.” sabi niya rito ngunit umiling lag ito at hindi nagpapigil sa kaniya at pagkatapos ay ginawa nitong tubig ang alak. Ilang sandali pa ay napahawak ito sa tiyan, tumayo at tumakbo sa banyo. Sa banyo ay nagsuka ng nagsuka si Lucas hanggang sa sumuka na siya ng dugo.Nang makita ito ni Tristan ay agad niya itong dinala sa ospital. Ang resulta ng pagsusuri ay dahil sa labis na pag-inom nito ng alak.~~~~Pagkaparada ni REid ng sasakyan niya sa may praking lot ng bahay nila ay agad siyang bumaba sa kanyang kotse at gal
Pagkatapos makita ni Reid ang mga picture at video ay agad niyang ipinasa iyon sa kanyang cellphone at hinanap si Annie upang ipakita ito rito. Nang makita at mapanuod naman ito ni Annie ay halos manginig ang buong katawan niya at nasuka siya. Paglabas niya galing sa banyo ay agad nitong hinawakan ang kamay niya. “Annie pananagutan kita at pakakasalan kita. Ibibigay ko sayo ang lahat ng bagay na gusto mo.” sabi nito sa kaniya.Malamig naman siyang tiningnan ni Annie at walang pag-aatubiling tumanggi. “Mangarap ka hanggang gsuto mo pero hindi kita pakakasalan kahit na mamatay pa ako.” sabi niya rito. “Bukod pa doon…” tumigil siya at izinoom ang larawan. “Makikita mo naman ang nunal sa braso niya, wala akong nunal sa braso ko.” sabi niya rito.“Ano ang ibig mong sabihin?” hindi naman makapaniwalang tanong nito sa kaniya. Itinaas niya ang kanyang braso upang ipakita ito rito.“Nakikita mo ba? Wala akong nunal at ang babaeng nasa video ay meron.” malamig na sagot ni Annie rito.Bagamat m
“Basang-basa ka. Maligo ka na muna.” sabi sa kaniya ni Lucas nang bitawan siya nito.Mabilis naman na tumango siya rito at pagkatapos ay inakay na nga siya nito hanggang sa banyo. Nang maihatid siya nito doon ay tatalikod na sana ito sa kaniya ngunit inabot niya ang braso nito. Huminga muna siya ng malalim bago niya ibuka ang bibig niya. “Pasensya ka na Lucas, wala akong alam. Hindi ko alam na anak pala ni DAd sa labas si REid at isa pa ay maniwala ka sa akin na wala talagang nangyari sa amin. Sinabi lang niya iyon para galitin ka.” paliwanag niya rito.Sa sumunod na sandali ay muli lang siyang niyakap ni Lucas. Ipinatong nito ang baba sa knaiyang ulo at marahang hinaplos ng mga daliri nito ang buhok niya. “Naniniwala ako sayo.” sabi nito sa kaniya.“Talaga?” ngumiti si Annie at tiningnan ang mga mata nito.Tumango ito. “Basta lahat ng sasabihin mo ay paniniwalaan ko.” sabi nito at hinalikan siya nito sa noo. Dahil sa sinabi nito ay biglang nakaramdaman si Annie ng kapayapaan sa puso
Excited si Annie na sabihin kay Lucas ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Nang dumating ito sa bahay nila ay hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Lucas iyon.Nang pumasok ito ay agad niya itong sinalubong sa at pagkatapos ay niyakap niya ito. “Ang sweet naman.” bulong nito sa kaniya at pagkatapos ay niyakap na rin siya nito ng mahigpit. “May kasalanan ka ba sa akin?” tanong ni Lucas sa kaniya.Mabilis naman na umiling si Annie rito at humiwalay kay Lucas. Hinawakan niya ang pisngi ni Lucas at tumitig sa mga mata nito. “Lucas buntis ako…” masayang sabi niya rito at halos magningning pa ang mga mata.Hindi naman makagalaw mula sa kanyang kinatatayuan si Lucas at pagkatapos ay hindi siya makapaniwalang napatitig kay Annie. Buntis na daw ito? Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Biglang umahon ang saya sa puso niya ng mga oras na iyon. Muli niyang niyakap ng mahigpit si Annie. “Totoo ba? Totoo ba ang sinabi mo?” tanong niya rito.Paulit-ulit naman na tumango si Annie rito. “Is
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka