“Hindi na siya masakit. Okay na siya at pagaling na. Wala ka ng dapat pang ipag-alala.” sagot ni Lucas kay Annie at pagkatapos ay nilingon niya ito. Nang makita niyang nakasimangot pa rin si Annie ay mabilis siyang napabuntung-hininga. “Annie, magaling na talaga ang mga iyan. Bakit ba ayaw mo pag maniwala?” tanong niya rito.Nang mga oras naman na iyon ay ito naman ang napabuntung-hininga at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. “Okay, sige. Naniniwala na ako sayo.” sumusukong sabi nito sa kaniya. Dail rito ay agad na hinawakan ni Lucas ang mukha ni Annie at hinalikan ito sa labi.“Yan, ganyan nga.” sabi nito sa kaniya matapos siya nitong hinalikan.“Pero…” hinaplos pa rin ni Annie ang mga sugat sa likod nito. “Sa susunod ay palagi kang mag-iingat para hindi ka masaktan. Sobra akong nag-aalala kapag nasusugatan ka.” sabi ni Annie rito.Nang sabihin naman iyon ni Annie ay bigla-bigla na lamang pumasok sa isip niya ang isang taong napakahalaga rito. Hindi niya napigilan ang sarili
Bagama't naoperahan si Lucas ay naging mas mabilis ang kanyang paggaling. Pagkalipas lamang ng dalawang araw ay sinabi ng doktor na pwede na raw itong lumabas ng ospital. Abala si Annie sa pag-iimpake ng gamit nilang dalawa dahil maya-maya lang ay susunduin na sila ni Kian. hindi nga nagtagal pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit nila ay dumating na si Kian. inalalayan niya si Lucas hanggang sa makapasok ito sa kotse. Nagdadalawang isip pa siya ng mga oras na iyon na magsalita ngunit sa huli ay naibuka rin niya ang bibig niya. “Uhm Lucas si Kian na lang muna ang maghahatid sayo. Susunod na lang ako mamaya.” sabi niya rito.“Pupuntahan mo si Greg no?” tanong nito bigla sa kaniya at nang marinig niya iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ni Annie at nagulat. “Paano mo nalaman?” tanong niya rito kaagad.“Halatang-halata sa mukha mo.” mabilis naman na sagot nito sa kaniya.Napalunok siya at pagkatapos ay napatitig sa mga mata nito. “Magagalit ka ba kung pupuntahan ko nga siya?” tanong na
Sa bahay? Nang marinig ito ni Annie ay parang hindi naman tama na bisitahin niya ito na wala man lang siyang kadala-dala. Nang magsasalita na sana siya ay doon na tumigil ang sasakyan. “Nandito na tayo.” sabi nito sa kaniya. Mabilis ang naging kilos nito at nakababa kaagad sa driver seat upang umikot at personal na binuksan ang pinto para sa kaniya. Nang makababa si Annie mula sa kotse at napatingala kung nasaan sila ay gulat na gulat siya. Ang nasa harapan niya ay isang napakalaking mansyon.Kaya lang hindi ito ang uri ng mansyon na pag nakita mo pa lang ay makikita mo na sobrang yaman ang nakatira dahil ito ay kabaliktaran. Napakasimple ng mansyon na nasa harap niya at halos walang kaarte-arte.Ito ang unang beses na makakapunta siya sa bahay ni Greg at hindi niya akalaing ganito pala ito kalaki. Naunang pumasok si Andrei sa kaniya at nakasunod lang siya rito. Nang makarating sila sa pinto ay dahan-dahan silang pumasok at pagkatapos ay agad siyang natigilan nang makitang may ilang b
“Kaya?” muling sabi ni reg sa kaniya.“Ewan ko rin. Isa pa ay dapat lang na magpaliwanag ka nga dahil paano na lang dinala mo rito ang girlfriend mo at mag-kwento ang Mommy mo.” sabi niya rito.Agad naman na ngumiti ito sa kaniya. “Napaka-imposibleng mangyari nun dahil wala naman akong girlfriend.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na napakunot ang noo ni Annie ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Greg at halos hindi siya makapaniwalang tumingin rito. “Seryoso ka ba? Tiyak na napakaraming babae ang naghahabol sayo. Mamili ka na sa mga iyon at imbitahin mo na ang isa na makipa-date sayo.” mabilis na sabi niya rito.“Hmm.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay tumango. Sa mga oras na iyon ay hindi alam ni Greg kung dapat ba siyang maging masaya o hindi. Masaya siya na napakagaling niyang itago ang nararamdaman niya para rito ngunit nalulungkot din siya dahil hindi nito man lang napansin.“Annie…” tawag niya rito na punong-puno ng pait ang kanyang puso.“Hmm?” agad naman na sagot ni A
Nang maibaba ni Annie ang kanyang cellphone ay agad siyang lumingon kay Greg. “since mukhang pagaling ka naman na ay uuwi na ako. Kaya lang pala ay ang Mommy mo, baka nga nagpahanda talaga siya ng lunch para sa akin.” sabi niya rito na medyo worried dahil paano nga kung naghanda talaga ito ng pagkain para sa kaniya e di nakakahiya namang tumanggi.“Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa mommy ko.” mabilis naman na sagot nito sa kaniya.“Sige, salamat Greg.” sabi niya rito at pagkatapos ay sabay na silang bumabang dalawa. Nang makita silang pababa ng Mommy ni Greg ay dali-dali itong tumayo at pagkatapos ay sinalubong sila. “Halika hija, tara na sa kusina at nakapagpahanda na ako ng—”Bago pa man nito matapos ang sinasabi nito ay mabilis na nagsalita si Greg. “mommy, may gagawin pa si Annie kaya hindi siya makakasabay sa inyong kumain. Ako na lang ang sasabay sa inyong kumain.” sabi ni Greg rito.“Ah pero diba…” medyo naglaho bigla ang ngiti sa labi ng Mommy ni Greg dahil sa sinabi
Agad na nagtaas ito ng kilay sa kaniya. “Ikaw ang nakababata kong kapatid. Napakaduwag mo naman. Bakit, natatakot ka ba sa pamilyang iyon? Hindi ka dapat matakot sa sinuman dahil halos magkapantay lang tayo ng pamilyang iyon. Kung gusto mo talaga ang babaeng iyon ay bakit hindi mo habulin? Kesa magmukmok ka sa isang tabi.” sabi nito sa kaniya. Napalunok si Greg ng mga oras na iyon at sinalubong ang mga mata ng kanyang ate. “Alam mo ba na mag-asawa silang dalawa? Gusto mo ba na sirain ko ang pagsasama nilang dalawa?” tanong niya rito. Kahit na gusto niya si Annie ay hindi siya papayag na siya ang maging dahilan ng pagkasira ng pagsasama ng mga ito. Nangulubot naman ang noo nito habang nakatitig sa kaniya. “Ano bang sinasabi mo? Hindi mo ba nabalitaan na naghiwalay na sila? Since malaya naman na ang babaeng iyon ay pwede na siyang ligawan ng kahit na sino.” sabi nito sa kaniya. Agad naman na nagulat si Greg nang marinig niya ang sinabi nito at hindi makapaniwalang tumingin rito, “anon
Kapapasok lamang ni Annie sa pinto nang bigla na lamang siyang hinila ni Lucas at hinalikan siya sa kanyang labi. Wala siyang nagawa kundi ang magparaya na lamang ng mga oras na iyon at hinayaan niyang halikan siya nito. Ilang sandali pa nga ay binitawan na rin naman siya nito pagkatapos. Isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi pagkatapos.“Ikaw ah.” sabi niya rito at pagkatapos ay sumandal sa dibdib nito habang nkasandal din ito sa may pinto.“Huh? Anong sinasabi mo? Wala naman akong ginagawa ah?” sabi nito sa kaniya at nagkunwari nga na tila walang ginawa.“Hindi ba at sinabi ko na sayo na mauna ka ng umuwi at hintayin mo na lang ako sa bahay? Pero anong ginawa mo? Talagang sinundan mo pa ako at takot na takot ka talaga na baka hindi na ako bumalik.” sabi niya rito nang may panunukso.Agad naman na ngumiti rin sa kaniya si Lucas at tumango. “Hmm, aba mahirap na.” sabi nito at pagkatapos ay pinisil nito ang pisngi niya. “Napakaganda kaya ng girlfriend ko e kung agawin pa siya ng
“Ano bang ginagawa mo rito at bakit ka nandito?” tanong nito sa kaniya. Mabilis niyang binitawan ang hawak niyang sigarilyo at mabilis na tinapakan pagkatapos ay sumagot rito.“Maganda kasi ang panahon at gusto ko lang sumagap ng sariwang hangin.” mabilis naman na sagot niya rito."Ganun ba…" sabi ni Annie at pagkatapos ay binitawan si Lucas at umayos ng tayo at nilapitan si Lucas at dahan-dahang inamoy. Nang masiguro niya na tama ang naamoy niya ay mabilis siyang nameywang sa harap nito. Salubong din ang kilay niya ng mga oras na iyon. Napanguso siya at napasimangot. “Hindi ka pa nga gumagaling pero naninigarilyo ka na kaagad. Bakit hindi mo alagaan ang sarili mo.” sabi niya rito.Agad naman na gumuhit ang ngiti sa labi ni Lucas. “Napakahigpit naman pala.” napakamot sa ulo nitong sagot habang nakangiti pa rin.“Bakit ayaw mo ba na pinagsasabihan kita? O edi sige, bahala ka na sa buhay mo. buhay mo naman yan e.” sabi niya rito at pagkatapos ay mabilis na tumalikod at nagkunwaring gali