Sinamahan ni Annie si Lucas sa ward. Matapos maghintay ng ilang oras ay nagising din sa wakas si Lucas. Sa pag-iisip ng huling usapan nila ng kanyang ama ay pinili ni Annie na aminin kay Lucas ang lahat. “Sinabi niya sa akin na hindi niya ako tunay na anak. Pinakasalan niya lang daw ang nanay ko pero hindi siya ang tatay ko. Magkahalong lungkot at gulat ang naramdaman ko. Binantaan niya rin ako na kapag hindi ko raw siya binigyan ng pera ay ilalantad niya na hindi niya ako anak sa publiko.”Ilang sandali pa nga ay tumigil siya at pagkatapos ay tumitig rito. Pagkatapos kasi nilang mag-usap ay nagpadala sa kaniya ng mensahe si Trisha na magkasama raw sila ni Lucas at hindi maalis iyon sa isip niya. Dahil sa nangyaring pagdakip sa kaniya ay hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin ang tungkol sa bagay na iyon. Isa pa ay parang natatakot siya na banggitin rito iyon. “Nag-send sa akin ng chat si TRisha at, at may larawan pa kayong magkatabi at mukhang nasa hotel kayo…” hirap na hirap na s
Matagal bago siya nakapag-react hanggang sa tuluyan na nga niyang sinagot ang bawat galaw ng labi nito. Ang tibok ng kanyang puso ng mga oras na iyon ay sobrang lakas. Akala niya ay ayaw nito na magpahalik sa kaniya. Iyon pala ay gusto lang nito na ito mismo ang humalik sa kaniya. Yun pala ang ibig sabihin nito.Magkahalong gulat at saya ang nararamdaman ni Lucas ng mga oras na iyon. Walang kahit na anumang tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon kundi ang si Annie mismo ang humalik sa kaniya. Ngunit nag-uumpisa pa lamang siyang mag-enjoy nang bigla na lamang lumayo ang mga labi nito sa kaniya.“Bakit?” tanong niya rito at medyo dismayado.Medyo nahihiya namang sumagot sa kaniya si Annie. “Uhm, hindi pa kasi ako ganun kagaling na humalik.” pulang-pula ang mukha ni Annie na sabi rito.Kunot naman ang noo ni Lucas habang nakatitig sa kaniya at pagkatapos ay dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito."Kung ganoon, tuturuan kita." sagot ni Lucas kay Annie.Nang matapos siyang mag
Hanggang sa nakatulog na si Lucas ay hindi nawala sa isip ni Annie iyon kaya nang makita niyang tulog na tulog na ito ay dahan-dahan siyang lumapit rito at hinawakan ang dulo ng damit nito. Habang inaangat niya ang damit nito ay napuno ng pawis ang noo niya at nanginig ang kamay niya. Sa isang banda ay nag-aalala siya sa mga tinamong pinsala nito ngunit natatakot din siya sa totoo lang. Baka kapag nakita niya ang mga iyon ay mas lalo pa siyang mag-alala. Nabitin ang kamay niya nang bigla na lamang niyang maalala ang sinabi nito na gusto niya lang yatang makita ang abs nito.Hindi naman iyon ang gusto niya dahil gusto niya lang makita ang katawan nito. Pero habang iniisip niya na kapag ang babae hinubaran ang lalaki ay parang napakahirap isipin na hindi nga ganun ang gusto niya. Lalo na at simula pa noon ay hindi niya naman ginagawa iyon na hubaran ito ng damit. Dalawang taon silang nagsama pero ni minsan ay hindi siya naging ganun ka-intimate rito.May paminsan-minsang intimacy, oo p
“Hindi na siya masakit. Okay na siya at pagaling na. Wala ka ng dapat pang ipag-alala.” sagot ni Lucas kay Annie at pagkatapos ay nilingon niya ito. Nang makita niyang nakasimangot pa rin si Annie ay mabilis siyang napabuntung-hininga. “Annie, magaling na talaga ang mga iyan. Bakit ba ayaw mo pag maniwala?” tanong niya rito.Nang mga oras naman na iyon ay ito naman ang napabuntung-hininga at pagkatapos ay tumitig sa kanyang mga mata. “Okay, sige. Naniniwala na ako sayo.” sumusukong sabi nito sa kaniya. Dail rito ay agad na hinawakan ni Lucas ang mukha ni Annie at hinalikan ito sa labi.“Yan, ganyan nga.” sabi nito sa kaniya matapos siya nitong hinalikan.“Pero…” hinaplos pa rin ni Annie ang mga sugat sa likod nito. “Sa susunod ay palagi kang mag-iingat para hindi ka masaktan. Sobra akong nag-aalala kapag nasusugatan ka.” sabi ni Annie rito.Nang sabihin naman iyon ni Annie ay bigla-bigla na lamang pumasok sa isip niya ang isang taong napakahalaga rito. Hindi niya napigilan ang sarili
Bagama't naoperahan si Lucas ay naging mas mabilis ang kanyang paggaling. Pagkalipas lamang ng dalawang araw ay sinabi ng doktor na pwede na raw itong lumabas ng ospital. Abala si Annie sa pag-iimpake ng gamit nilang dalawa dahil maya-maya lang ay susunduin na sila ni Kian. hindi nga nagtagal pagkatapos niyang ayusin ang mga gamit nila ay dumating na si Kian. inalalayan niya si Lucas hanggang sa makapasok ito sa kotse. Nagdadalawang isip pa siya ng mga oras na iyon na magsalita ngunit sa huli ay naibuka rin niya ang bibig niya. “Uhm Lucas si Kian na lang muna ang maghahatid sayo. Susunod na lang ako mamaya.” sabi niya rito.“Pupuntahan mo si Greg no?” tanong nito bigla sa kaniya at nang marinig niya iyon ay agad na nanlaki ang mga mata ni Annie at nagulat. “Paano mo nalaman?” tanong niya rito kaagad.“Halatang-halata sa mukha mo.” mabilis naman na sagot nito sa kaniya.Napalunok siya at pagkatapos ay napatitig sa mga mata nito. “Magagalit ka ba kung pupuntahan ko nga siya?” tanong na
Sa bahay? Nang marinig ito ni Annie ay parang hindi naman tama na bisitahin niya ito na wala man lang siyang kadala-dala. Nang magsasalita na sana siya ay doon na tumigil ang sasakyan. “Nandito na tayo.” sabi nito sa kaniya. Mabilis ang naging kilos nito at nakababa kaagad sa driver seat upang umikot at personal na binuksan ang pinto para sa kaniya. Nang makababa si Annie mula sa kotse at napatingala kung nasaan sila ay gulat na gulat siya. Ang nasa harapan niya ay isang napakalaking mansyon.Kaya lang hindi ito ang uri ng mansyon na pag nakita mo pa lang ay makikita mo na sobrang yaman ang nakatira dahil ito ay kabaliktaran. Napakasimple ng mansyon na nasa harap niya at halos walang kaarte-arte.Ito ang unang beses na makakapunta siya sa bahay ni Greg at hindi niya akalaing ganito pala ito kalaki. Naunang pumasok si Andrei sa kaniya at nakasunod lang siya rito. Nang makarating sila sa pinto ay dahan-dahan silang pumasok at pagkatapos ay agad siyang natigilan nang makitang may ilang b
“Kaya?” muling sabi ni reg sa kaniya.“Ewan ko rin. Isa pa ay dapat lang na magpaliwanag ka nga dahil paano na lang dinala mo rito ang girlfriend mo at mag-kwento ang Mommy mo.” sabi niya rito.Agad naman na ngumiti ito sa kaniya. “Napaka-imposibleng mangyari nun dahil wala naman akong girlfriend.” sabi nito sa kaniya.Agad naman na napakunot ang noo ni Annie ng mga oras na iyon dahil sa sinabi ni Greg at halos hindi siya makapaniwalang tumingin rito. “Seryoso ka ba? Tiyak na napakaraming babae ang naghahabol sayo. Mamili ka na sa mga iyon at imbitahin mo na ang isa na makipa-date sayo.” mabilis na sabi niya rito.“Hmm.” sagot nito sa kaniya at pagkatapos ay tumango. Sa mga oras na iyon ay hindi alam ni Greg kung dapat ba siyang maging masaya o hindi. Masaya siya na napakagaling niyang itago ang nararamdaman niya para rito ngunit nalulungkot din siya dahil hindi nito man lang napansin.“Annie…” tawag niya rito na punong-puno ng pait ang kanyang puso.“Hmm?” agad naman na sagot ni A
Nang maibaba ni Annie ang kanyang cellphone ay agad siyang lumingon kay Greg. “since mukhang pagaling ka naman na ay uuwi na ako. Kaya lang pala ay ang Mommy mo, baka nga nagpahanda talaga siya ng lunch para sa akin.” sabi niya rito na medyo worried dahil paano nga kung naghanda talaga ito ng pagkain para sa kaniya e di nakakahiya namang tumanggi.“Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa mommy ko.” mabilis naman na sagot nito sa kaniya.“Sige, salamat Greg.” sabi niya rito at pagkatapos ay sabay na silang bumabang dalawa. Nang makita silang pababa ng Mommy ni Greg ay dali-dali itong tumayo at pagkatapos ay sinalubong sila. “Halika hija, tara na sa kusina at nakapagpahanda na ako ng—”Bago pa man nito matapos ang sinasabi nito ay mabilis na nagsalita si Greg. “mommy, may gagawin pa si Annie kaya hindi siya makakasabay sa inyong kumain. Ako na lang ang sasabay sa inyong kumain.” sabi ni Greg rito.“Ah pero diba…” medyo naglaho bigla ang ngiti sa labi ng Mommy ni Greg dahil sa sinabi
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka