Share

Chapter 133.1

Si Lucas pala talaga. Talagang dumating ito. Napatitig si Annie rito at habang nakatitig rito, pakiramdam niya ay tila ba nakalimutan niya lahat ng takot na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Nakalimutan niya na nasa tabi nga pala siya ng isang bangin at nakalimutan niya rin na siya ay dinukot. Nakita niya lamang ito ay tila nawala lahat ng kanyang takot at sobrang nakahinga siya ng maluwag.

“Lucas…” bulong niya sa nangingig na tinig.

“Annie huwag kang matakot. Andito na ako. Ililigtas na kita.” sabi nito sa kaniya at punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.

Bigla naman siyang napaluha ng wala sa oras nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay marahang napatango. “Hindi na ako matatakot. Pangako.” bulong niya habang umiiyak. “Basta nandito ka ay hinding-hindi ako matatakot.” dagdag pa niyang sabi rito.

Sa mga oras na iyon ay hindi na nakatiis pa ang pinaka-boss ng mga ito at mabilis na sumigaw. “Ibigay mo na sa akin ngayon ang pera kung ayaw mong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status