Hindi mapigilang manginig ni Annie nang palapit na ito ng palapit sa kaniya. “Reid ano ba? Tumigil ka. Diyan ka lang, kung hindi ay sisigaw ako.” banta niya rito.“Tatakutin mo pa ako ngayon? Nagpapatawa ka ba? Kahit na sumigaw ka pa ay hindi ka nila maririnig. Alam mo kung bakit? Nag-iisa lang ang opisina ko sa floor na ito.” bulong nito sa kaniya at pagkatapos ay muling iniharang ang mga kamay nito sa kanyang pagitan at sa pinto. Dahil rito ay mas lalo pang natakot si Annie at pagkatapos ay mas lalo ring bumilis ang tibok ng kanyang puso.“Reid—” bago man niya matapos ang kanyang sasabihin ay bigla na lamang itong gumalaw at hinalikan siya sa kanyang mga labi kung saan ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis siyang gumalaw at itinulak ito ng buo niyang makakaya at sinampal ito. Pagkatapos niya itong masampal ay nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa at tanging ang malalim lamang nila na paghinga ang maririnig. Nang mga oras na iyon ay pareho silang natig
Pagkababa ng taway ay unti-unting napadausdos si Annie mula sa kanyang kinauupuan patungo sa sahig at pagatapos ay niyakap niya ang kanyang sarili at napaiyak. Mabuti na lamang at tuluyan na niyang naibaba ang tawag dahil baka kung hanggang sa mga oras na iyon ay magkausap pa rin sila ni Lucas ay baka hindi niya na matiis pa na hindi maiyak sa harap nito. Mabuti na lang din at lunch time na ng mga oras na iyon at siya na lang ang naiwang mag-isa doon.Kung sana naroon lang ito sa harap niya ng mga oras na iyon ay sasabihin niya rito ang nangyari sa kaniya at kung gaano siya katakot pero dahil nga nasa ibang bansa ito ay hindi niya masabi-sabi dahil anong magagawa nito kung sakali? Idagdag pa na kararating lamang nito doon kaya ayaw niyang mas lalo pa itong mag-alala sa kaniya. Ayaw niya na maging pabigat siya rito.Sa totoo lang ay nalulungkot siya na wala ito sa tabi niya ng mga oras na iyon dahil sino ba naman ang may ayaw na nasa tabi nila ang taong mahal nila lalo na at ganun pa a
Napatigil sa pagtakbo si Reid at pinanuod na lamang na makalayo si Annie at pagkatapos napaguhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Sure enough ay takot na takot na ito sa kaniya pero ang totoo ay gusto niya lang sana humingi ng sorry rito dahil sa ginawa. Alam niya kasi sa sarili niya na sobrang mali ang ginawa niya.SA KANYANG pagmamadali ay agad na nakarating si Annie sa kanyang apartment at dali-daling nagtungo sa pinto. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto pero napansin niya na bukas na ito dahil nakabukas na ito ng kaunti.“Via? Nandiyan ka ba?” gulat na tanong ni Annie rito at hindi pa pumasok sa loob.Hindi nagsalita si Olivia at naglakad palapit sa kaniya at pagkatapos ay tuluyang binuksan ang pinto at niyakap siya nito. “Loka. bakit hindi mo ako tinawagan na may kung anong problema ka na pala? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Lucas ay hindi mo ko pa malalaman.” sabi nito sa kaniya habang yakap-yakap siya nito.Napakagat-labi naman si Annie at pagkatapos ay yumakap na
Napasimangot si Lucas nang tingnan niya si TRisha na nasa harapan niya ng mga oras na iyon. Nakita niya na napakagat-labi ito at pagkatapos ay napabuntung-hininga na lamang siya dahil mukha itong kaawa-awa. Ilang sandali pa ay tumitig ito sa kanyang mga mata. “Pasensiya na alam kong ayaw mo akong makita, pero kasi… miss na miss na kita.” sabi nito sa kaniya. “Trisha, hindi ba at malinaw ko ng sinabi sayo na mula sa oras na paalisin kita ng bansa ay wala ng kahit na anumang namamagitan pa sa atin?” sabi niya rito na malamig ang mga matang nakatingin rito. “Hindi.” umiling ito at pagkatapos ay nag-umpisang umiyak sa harap niya. “Paano ko tatanggapin ang lahat ng iyon kung ako ang first love mo? Napakaraming taon tayong nagmahalan at may pag-asa pa rin ako na gusto mo pa rin ako. Asawa mo si Annie kaya responsibilidad mo siya at handa ko yung tanggapin.” sab nito sa kaniya. Napabuntung-hininga si Lucas. “Trisha mali ka. Wala na akong nararamdaman pa sayo kahit na katiting lang dah
Nang magmulat ng mga mata si Lucas ay agad niyang nakita si TRisha na nakadukdok sa tabi niya. Sa totoo lang ay medyo nahihirapan pa siyang igalaw ang katawan niya. Nang mga oras na iyon ay sobrang galak ang naramdaman niya dahil buhay pa siya at ang unang pumasok sa isip niya ay makakasama niya pas i Annie. Inabot niya si Trisha na naging dahilan ng pagkagising nito. Naalimpungatan ito at pagkatapos ay kinusot-kusot ang matang tumingin sa kaniya at nang makita siya nitong nakamulat ay bigla itong umiyak, marahil sa sobrang tuwa. “Gising ka na ba talaga? Hindi ba ako namamalikmata lang?” tanong nito sa kaniya. “Hindi ka nagkakamali. Gising na talaga ako.” sagot niya rito at nang mga oras na iyon ay biglang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kaniya at masasabi niya na napaka-swerte niya dahil nabuhay pa siya sa kabila ng lahat ng tinamo niyang sugat. Ibig lamang sabihin ay hindi pa siya hinayaan ng Diyos na mamatay dahil hindi pa niya natutupad ang pangako niya kay Annie. I
Nang makitang tuloy-tuloy sa paglabas si Lucas ay mabilis na pinagulong ni TRisha ang gulong ng kanyang wheelchair at sinundan ito.Samantala, sa kabilang banda at halos mabaliw na si Annie sa sobrang pag-aalala niya. Tinawagan niyang muli ng limang beses si Lucas ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi nito sinagot. Ibinaba niya ang kanyang cellphone at punong-puno ng pagkadismaya at punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Nang makita naman ni Olivia ang ekspresyon ng mukha nito ay agad niyang naunawaan kung bakit. “Hindi pa rin siya sumasagot?” tanong niya rito.Napatango si Annie. Sobra ng pag-aalala ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. “Via, dalawang araw na siyang hindi sumasagot, magtatatlong araw na. Pati sa mga chat ay hindi siya nagrereply. Sa tingin mo? May nangyari kaya sa kaniya?” tanong niya rito at habang iniisip iyon ay mas nabalisa pa lalo si Annie. Hindi niya magawang kumalma simula pa kahapon. Ni matulog ng maayos ay hindi na niya nagawa dahil sa sobrang pag-aa
“Annie…” ang pamilyar na tinig ni Lucas ay agad na narinig ni Annie mula sa kabilang linya. Dahil rito ay bigla na lamang napaiyak si Annie. Ang pananabik at pag-aalala niya rito ay biglang bumuhos na tila buhos ng ulan.“Lucas…” halos hindi niya makapagsalita. Napakagat-labi siya at napahikbi.Nang marinig niya ang paghikbi ni Annie ay biglang nadurog ang puso niya. Alam niya na kaagad na labis itong nag-alala sa kaniya. “Huwag ka ng umiyak. Pasensiya ka na at hindi ko nasagot ang mga tawag mo at ngayon lang din ako nakatawag sayo.” pang-aalo niya rito. “Huwag kang mag-alala, okay lang ako rito.” dagdag pa niyang sabi at pilit na pinagaan ang kanyang tinig upang hindi na ito mag-alala pa sa kaniya.Suminghot-singhot si Annie. “E bakit hindi mo sinagot ang mga tawag ko? Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo?” sabi ni Annie rito. “Lucas, tinakot mo ako…” napapahikbing sabi niya rito. Samantala nang makita naman ni Olivia ang pag-iyak ni ay mabilis niyang hinagod ang likod nito para
Pagkatapos lamang ng isang araw na pananatili ni Lucas sa ospital ay lumabas na siya. Pagkalabas na pagkalabas niya ay kaagad na niyang tinapos lahat ng pakikipag-meeting niya sa mga magiging investor niya para sa bago niyang itatayong negosyo niya.Alas syete na nang gabi at abala siya sa pakikipag-usap pa. Tinatapos niya na lahat kasi gustong-gusto na niyang umuwi kay Annie dahil miss na miss na niya ito. Tumunog ang kanyang cellphone ngunit hindi niya iyon pinsan dahil nga abala siya sa pakikipag-usap pa.PINAALIS ni TRisha ang mga inutusan ni Lucas na magbantay sa kaniya at pagkatapos ay inilock niya ang pinto ng kwarto niya. Pinagulong niya ang kanyang wheel chair patungo sa banyo at pinuno ng tubig ang bathtub. Nang puno na ang tubig ng bathtub ay nahihirapan siyang makaalis mula sa kanyang wheelchair. Kung wala talaga ang tulong ng iba ay halos hindi siya makagalaw ng maayos. Nang handa na ang tubig, nahirapan siyang tumayo at gustong pumasok sa banyo. Ngunit sa ilang beses n