Pagkatapos lamang ng isang araw na pananatili ni Lucas sa ospital ay lumabas na siya. Pagkalabas na pagkalabas niya ay kaagad na niyang tinapos lahat ng pakikipag-meeting niya sa mga magiging investor niya para sa bago niyang itatayong negosyo niya.Alas syete na nang gabi at abala siya sa pakikipag-usap pa. Tinatapos niya na lahat kasi gustong-gusto na niyang umuwi kay Annie dahil miss na miss na niya ito. Tumunog ang kanyang cellphone ngunit hindi niya iyon pinsan dahil nga abala siya sa pakikipag-usap pa.PINAALIS ni TRisha ang mga inutusan ni Lucas na magbantay sa kaniya at pagkatapos ay inilock niya ang pinto ng kwarto niya. Pinagulong niya ang kanyang wheel chair patungo sa banyo at pinuno ng tubig ang bathtub. Nang puno na ang tubig ng bathtub ay nahihirapan siyang makaalis mula sa kanyang wheelchair. Kung wala talaga ang tulong ng iba ay halos hindi siya makagalaw ng maayos. Nang handa na ang tubig, nahirapan siyang tumayo at gustong pumasok sa banyo. Ngunit sa ilang beses n
Nang magising si Annie ay nakabalot ang ulo niya at wala siyang makita. Nakatali din ang kanyang mga kamay at paa. Natitiyak niya na umaandar ang kinaroroonan niya at naririnig niya ang tawanan ng mga lalaki sa unahan ng sasakyan.“Boss, sigurado ba kayo na darating ang asawa niya upang iligtas siya?” narinig niya tanong ng isang lalaki.“Sa tingin ko naman ay mula sa mayamang pamilya ang asawa niya kaya natitiyak ko na darating nga siya dala ang pera.” mabilis naman na sagot nito sa lalaking nagtanong. Mula sa pakikinig ng usapan ng mga ito ay na-realize niya na nasa hindi siya magandang sitwasyon. Dinukot siya ng mga ito upang makahuthut ng pera mula kay Lucas. Gayunpaman ay nasa ibang bansa ngayon si Lucas at paano siya nito maililigtas?Habang iniisip niya ito ay biglang kumirot ang kanyang puso. Kung kailan wala ito sa tabi niya ay tyaka naman ito nangyari sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay naramdaman niya ang pagtigil ng kotse at pagkatapos nito ay binuhat siya ng mga ito. Pagka
Dahan-dahan siyang humiga at hinayaan na nakatitig sa buwan. Hindi na niya namalayan pa na nakatulog na pala siya hanggang sa nagulat siya at napabalikwas ng bangon nang maramdaman niya ang pagkabasa ng buong katawan niya. Dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya ay halos manginig ang buong pagkatao niya at nawala bigla ang antok niya.Bigla niyang sinamaan ng tingin ang mga lalaking naroon nang bigla na lamang nilang tanggalin ang kadena ng kanyang kamay at pagkatapos ay pilit siyang pinatayo. “Anong ginagawa niyo?!” sigaw niya.“Dalhin niyo na yan!” sigaw naman ng pinaka boss nila at pagkatapos ay doon na siya nila kinaladkad at pagkatapos ay nilagyan na naman ng takip ang kanyang ulo. “Saan ninyo ako dadalhin?!” sigaw niya habang nagpupumiglas nang buhatin siya ng mga ito ngunit hindi lang siya pinansin ng mga ito at ipinagpatuloy ang ginagawa hanggang sa tuluyan niyang naramdaman na isinakay siya sa sasakyan.NANG ibaba si Annie ng mga ito at tanggalin ang takip sa kanyang
Si Lucas pala talaga. Talagang dumating ito. Napatitig si Annie rito at habang nakatitig rito, pakiramdam niya ay tila ba nakalimutan niya lahat ng takot na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Nakalimutan niya na nasa tabi nga pala siya ng isang bangin at nakalimutan niya rin na siya ay dinukot. Nakita niya lamang ito ay tila nawala lahat ng kanyang takot at sobrang nakahinga siya ng maluwag.“Lucas…” bulong niya sa nangingig na tinig.“Annie huwag kang matakot. Andito na ako. Ililigtas na kita.” sabi nito sa kaniya at punong-puno ng pag-aalala ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Bigla naman siyang napaluha ng wala sa oras nang marinig niya ang sinabi nito at pagkatapos ay marahang napatango. “Hindi na ako matatakot. Pangako.” bulong niya habang umiiyak. “Basta nandito ka ay hinding-hindi ako matatakot.” dagdag pa niyang sabi rito.Sa mga oras na iyon ay hindi na nakatiis pa ang pinaka-boss ng mga ito at mabilis na sumigaw. “Ibigay mo na sa akin ngayon ang pera kung ayaw mong
Nang maisuot ni Lucas sa kaniya ang jacket ay agad na uminit ang pakiramdam ni Annie. “Hindi ka na ba nilalamig?” tanong nito sa kaniya na muli niya lang ulit ikinatango. Ilang sandali pa ay hinawakan ni Lucas ang kanyang kamay. “Kumapit ka ng mahigpit sa kamay ko at huwag na huwag kang bibitaw.” sabi nito sa kaniya bago siya nito tuluyang hinila pababa ng bundok na iyon.Habang hawak-hawak ni Lucas ang kanyang kamay ay pakiramdam niya ay sobrang safe na siya. Nang makita naman ng isang tauhan ng lalaki na paalis na sila ay agad itong lumapit sa pinaka-boss ng mga ito at mabilis na nagtanong. “Boss, talaga bang pababayaan mo silang umalis?” tanong nito rito.“Oo.” sagot naman nito kaagad at pagkatapos ay malamig na sinundan ng tingin ang mga ito.Ilang sandali pa ay ang ilang tauhan nito ay naglakad palapit sa kaniya at pagkatapos ay nagtanong ang isa. “Boss, sigurado ba kayo na ibibigay niya sa atin ang natitirang sampung milyon?”“Hindi ko alam.” sagot niya sa mga ito.“Sabihin niyo
Sa buong proseso ng pagbebenda ni Annie sa sugat ni Lucas at nanginginig ang mga kamay niya. Ilang sandali pa nga ay bigla na lamang may isang tinig ang dumating. “Sir!” sabi nito.Dahil rito ay sabay silang napaangat ng ulo at nilingon kung sino ang dumating. “Sir anong nangyari? Nasugatan kayo.” kinakabahang sabi nito.Napabuntung-hininga naman si Lucas at pagkatapos ay magaang nagsalita. “Maliit na sugat lang to. Malayo sa bituka.” sagot nito.Samantala, takot na takot si Annie at kung kinakabahan ang mga ito dahil sa kalagayan ni Lucas ay mas lalo na siya. “Pasensiya na po sir, late ang pagdating namin.” sabi nito kay Lucas.“Hindi kita sinisisi. Wala namang may gustong mangyari nito e.” sabi nito sa kaniya. “Pasensiya na po talaga sir. Isa pa ay hindi namin alam na may pupunta palang pulis rito. Mukhang sila rin ang pakay ng pulis e.” sabi nito kay Lucas.Ilang sandali pa nga ay doon na may mga pulis na naglalakad pababa habang hawak-hawak na ang mga kidnapper. Nang makita ng mg
Agad naman tiningnan ni Annie ito at nang makita niya ang dugo mula doon ay nakaramdam siya ng kaunting pagkabalisa. Marami nang dugo sa suot nito at tiyak niya na hindi ganun ka-simple ang sitwasyon. Tiningnan niya ito. “Pupunitin ko na muna ang suot mo para mas makita ko ng mas malinaw ang sugat mo.” sabi niya rito.Agad naman na tumango sa kaniya si Greg. “sige, ikaw na ang bahala.” sagot nito sa banayad na tinig. Ilang sandali pa nga ay dinampot na ni Annie ang gunting at inumpisahan na nga niyang gupitin ang suot nitong pantalon. Ang sinag ng araw ay nagniningning sa pamamagitan ng mga puwang sa mga puno at ang ilang ay tumatama sa banda ni Annie. Kitang-kita ni Lucas mula sa sasakyan ang napakagandang mukha nito kung saan ay halos lumabas ang puso niya sa walang katapusang paggiliw.Gayunpaman, nang makita niya na seryoso si Annie sa paggamot kay Greg at ang lahat ng atensiyon nito ay nasa lalaking iyon ay labis na nalukot ang kanyang mukha. Hindi siya masaya sa kanyang nakikit
“Heto na nga ako sa harap mo diba?” salubong ang mga kilay na sabi ni Annie.“Ngayon mo lang ako naalala dahil tapos mo ng gamutin ang Marasigan na iyon.” sagot nito sa kaniya.Nagsalubong naman ang kanyang kilay at naguguluhan sa sinabi nito. “Ako ang gumamot ng sugat mo hindi ba? Kaya ano bang sinasabi mo? Isa pa ay mas malala ang natamo niyang pinsala kaysa sayo. Hindi naman pwede na kung saan-saan naka-ano ang atensiyon ko dahil kailangan kong maging maingat.” sabi ni Annie rito.Ngumuso si Lucas at tiningnan siya ng malamig. “Sa huli ang mahalaga pa rin siya kaysa sa akin. Pumapangalawa lang ako sa kaniya.” sabi ni Lucas sa kaniya.“Ano bang sinasabi mo? Sinabi ko ba na siya ang mas mahalaga sa akin?” kunot na kunot ang noong tanong ni Annie rito.“Hindi mo nga sinabi pero iyon ang ginagawa mo.” sagot nito sa kaniya. Halos hindi siya makapagsalita dahil sa mga sinasabi nito ng mga oras na iyon. Napaka-imposible nito. Halos mapailing na lamang siya at napatingla pagkatapos ay humu
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka