Agad na nagsalubong ang mga kilay ni TRistan nang marinig niya ang sinabi nito ngunit pinilit niya pa ring kumalma. “Ang ganda ng damit na yan at bagay yan sa yo. Makinig ka nga sa akin. Isuot mo na yan.” sabi niya rito.Samantala, pagkatapos na sabihin iyon sa kaniya ni Trista ay hindi nasiyahan si Olivia. “Ang kulay nito au makaluma at ang pangit ng estilo. Tristan naman, alam mo naman kung ano ang trabaho ko at baka mamaya ay may makakilala sa akin? Makikita nila na ganito ang suot ko?” bulalas niya rito.“Ikuha mo ako ng iba pa.” sabi nito sa kaniya. Napaisip din naman siya at tama nga naman ito aya mabilis siyang nag-ikot sa loob ng shop upang mamili ng damit. Ilang sandali pa ay wala siyang nahanap na damit dahil halos pare-pareho lang ang mga design at ang iba ay ang iikli na at mababa ang leeg at halos kita na ang dibdib. Hindi naman siya pumayag na ang mga iyon ang isuot nito. Sa huli ay tiningnan niya ito ng may banta.“Wala na akong ibang damit na mahanap maliban sa damit n
Habang naglalakad si Annie palayo doon ay puno ng pangamba ang puso ni Annie ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay pinagsasabihan niya pa rin ang sarili niya na manatiling maging kalmado at huwag mag-isip ng kung ano-ano. Napatingala siya sa kalangitan at nakita niya ang bilog na bilog na buwan kung saan ay napagtanto niya na miss na niya kaagad si Lucas.Nang makauwi siya sa kanyang apartment ay agad niyang tinext ito at kinamusta. Nang wala itong reply ay muli siyang nagtext rito na nagtitiwala siya rito at hihintayin niya itong bumalik sa kaniya. Pagkahiga niya ay halos hindi siya nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip. Idagdag pa na wala siyang natanggap na reply mula kay Lucas dahil alam niya naman na mahigit sampung oras ang byahe nito papunta sa ibang bansa.Sa kabila ng puyat niya, pinilit pa rin ni Annie na bumangon upang makapasok siya sa ospital. Umaga pa lang ay sobrang busy na niya kaya halos wala din siyang pahinga, hanggang sa nakatanggap siya ng tawag at ipinapatawag da
Hindi mapigilang manginig ni Annie nang palapit na ito ng palapit sa kaniya. “Reid ano ba? Tumigil ka. Diyan ka lang, kung hindi ay sisigaw ako.” banta niya rito.“Tatakutin mo pa ako ngayon? Nagpapatawa ka ba? Kahit na sumigaw ka pa ay hindi ka nila maririnig. Alam mo kung bakit? Nag-iisa lang ang opisina ko sa floor na ito.” bulong nito sa kaniya at pagkatapos ay muling iniharang ang mga kamay nito sa kanyang pagitan at sa pinto. Dahil rito ay mas lalo pang natakot si Annie at pagkatapos ay mas lalo ring bumilis ang tibok ng kanyang puso.“Reid—” bago man niya matapos ang kanyang sasabihin ay bigla na lamang itong gumalaw at hinalikan siya sa kanyang mga labi kung saan ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis siyang gumalaw at itinulak ito ng buo niyang makakaya at sinampal ito. Pagkatapos niya itong masampal ay nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa at tanging ang malalim lamang nila na paghinga ang maririnig. Nang mga oras na iyon ay pareho silang natig
Pagkababa ng taway ay unti-unting napadausdos si Annie mula sa kanyang kinauupuan patungo sa sahig at pagatapos ay niyakap niya ang kanyang sarili at napaiyak. Mabuti na lamang at tuluyan na niyang naibaba ang tawag dahil baka kung hanggang sa mga oras na iyon ay magkausap pa rin sila ni Lucas ay baka hindi niya na matiis pa na hindi maiyak sa harap nito. Mabuti na lang din at lunch time na ng mga oras na iyon at siya na lang ang naiwang mag-isa doon.Kung sana naroon lang ito sa harap niya ng mga oras na iyon ay sasabihin niya rito ang nangyari sa kaniya at kung gaano siya katakot pero dahil nga nasa ibang bansa ito ay hindi niya masabi-sabi dahil anong magagawa nito kung sakali? Idagdag pa na kararating lamang nito doon kaya ayaw niyang mas lalo pa itong mag-alala sa kaniya. Ayaw niya na maging pabigat siya rito.Sa totoo lang ay nalulungkot siya na wala ito sa tabi niya ng mga oras na iyon dahil sino ba naman ang may ayaw na nasa tabi nila ang taong mahal nila lalo na at ganun pa a
Napatigil sa pagtakbo si Reid at pinanuod na lamang na makalayo si Annie at pagkatapos napaguhit ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi. Sure enough ay takot na takot na ito sa kaniya pero ang totoo ay gusto niya lang sana humingi ng sorry rito dahil sa ginawa. Alam niya kasi sa sarili niya na sobrang mali ang ginawa niya.SA KANYANG pagmamadali ay agad na nakarating si Annie sa kanyang apartment at dali-daling nagtungo sa pinto. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto pero napansin niya na bukas na ito dahil nakabukas na ito ng kaunti.“Via? Nandiyan ka ba?” gulat na tanong ni Annie rito at hindi pa pumasok sa loob.Hindi nagsalita si Olivia at naglakad palapit sa kaniya at pagkatapos ay tuluyang binuksan ang pinto at niyakap siya nito. “Loka. bakit hindi mo ako tinawagan na may kung anong problema ka na pala? Kung hindi pa sinabi sa akin ni Lucas ay hindi mo ko pa malalaman.” sabi nito sa kaniya habang yakap-yakap siya nito.Napakagat-labi naman si Annie at pagkatapos ay yumakap na
Napasimangot si Lucas nang tingnan niya si TRisha na nasa harapan niya ng mga oras na iyon. Nakita niya na napakagat-labi ito at pagkatapos ay napabuntung-hininga na lamang siya dahil mukha itong kaawa-awa. Ilang sandali pa ay tumitig ito sa kanyang mga mata. “Pasensiya na alam kong ayaw mo akong makita, pero kasi… miss na miss na kita.” sabi nito sa kaniya. “Trisha, hindi ba at malinaw ko ng sinabi sayo na mula sa oras na paalisin kita ng bansa ay wala ng kahit na anumang namamagitan pa sa atin?” sabi niya rito na malamig ang mga matang nakatingin rito. “Hindi.” umiling ito at pagkatapos ay nag-umpisang umiyak sa harap niya. “Paano ko tatanggapin ang lahat ng iyon kung ako ang first love mo? Napakaraming taon tayong nagmahalan at may pag-asa pa rin ako na gusto mo pa rin ako. Asawa mo si Annie kaya responsibilidad mo siya at handa ko yung tanggapin.” sab nito sa kaniya. Napabuntung-hininga si Lucas. “Trisha mali ka. Wala na akong nararamdaman pa sayo kahit na katiting lang dah
Nang magmulat ng mga mata si Lucas ay agad niyang nakita si TRisha na nakadukdok sa tabi niya. Sa totoo lang ay medyo nahihirapan pa siyang igalaw ang katawan niya. Nang mga oras na iyon ay sobrang galak ang naramdaman niya dahil buhay pa siya at ang unang pumasok sa isip niya ay makakasama niya pas i Annie. Inabot niya si Trisha na naging dahilan ng pagkagising nito. Naalimpungatan ito at pagkatapos ay kinusot-kusot ang matang tumingin sa kaniya at nang makita siya nitong nakamulat ay bigla itong umiyak, marahil sa sobrang tuwa. “Gising ka na ba talaga? Hindi ba ako namamalikmata lang?” tanong nito sa kaniya. “Hindi ka nagkakamali. Gising na talaga ako.” sagot niya rito at nang mga oras na iyon ay biglang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kaniya at masasabi niya na napaka-swerte niya dahil nabuhay pa siya sa kabila ng lahat ng tinamo niyang sugat. Ibig lamang sabihin ay hindi pa siya hinayaan ng Diyos na mamatay dahil hindi pa niya natutupad ang pangako niya kay Annie. I
Nang makitang tuloy-tuloy sa paglabas si Lucas ay mabilis na pinagulong ni TRisha ang gulong ng kanyang wheelchair at sinundan ito.Samantala, sa kabilang banda at halos mabaliw na si Annie sa sobrang pag-aalala niya. Tinawagan niyang muli ng limang beses si Lucas ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi nito sinagot. Ibinaba niya ang kanyang cellphone at punong-puno ng pagkadismaya at punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha.Nang makita naman ni Olivia ang ekspresyon ng mukha nito ay agad niyang naunawaan kung bakit. “Hindi pa rin siya sumasagot?” tanong niya rito.Napatango si Annie. Sobra ng pag-aalala ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. “Via, dalawang araw na siyang hindi sumasagot, magtatatlong araw na. Pati sa mga chat ay hindi siya nagrereply. Sa tingin mo? May nangyari kaya sa kaniya?” tanong niya rito at habang iniisip iyon ay mas nabalisa pa lalo si Annie. Hindi niya magawang kumalma simula pa kahapon. Ni matulog ng maayos ay hindi na niya nagawa dahil sa sobrang pag-aa