"Bakit mo sinasabi ngayon sa akin ang lahat ng ito?” tanong ni Lucas sa kanya."Alam ko kasi na kahit hindi ko sabihin sayo ay malalaman at malalaman mo pa rin dahil sa mga koneksiyon mo. kayang-kaya mong malaman iyon ng walang kahirap-hirap." sabi niya rito at pagkatapos ay muling nagsalita. "Isa pa ay siya pa rin ang tatay ko. Kahit na hindi ko siya palaging nakakasama at pinabayaan niya ako noon ay hindi ko pa rin naman maaatim na panuorin siyang makulong na lamang basta.” dagdag pa niyang sabi rito.Ilang segundo itong hindi sumagot, kaya labis-labis ang kaba niya ng mga oras na iyon. Iniisip niya kasi na baka hindi pumayag si Lucas sa pakiusap niya sa sobrang galit nito sa kanyang ama. "So, tumawag ka sa akin sa pag-asang patawarin ko siya at palampasin ang ginawa, ganuon ba?" tanong nito.Napalunok siya. "Ganun na nga." mabilis na sagot niya rito. Nang matapos siyang magsalita ay talaga namang napahigpit ang hawak siya sa kanyang cellphone habang naghihintay ng sagot mula rito.
"Anong sabi mo, ako makukulong?" Hindi makapaniwalang tanong nito kay Annie. "Hindi ako posibleng makulong dahil lang sa ginawa ko. Wala naman akong ginawang mali, ipinakita ko lang sa publiko ang ginagawa ng magaling mong asawa, kaya huwag mo akong takutin." dagdag pa nitong sabi sa kanya. "Hindi kita tinatakot, binabalaan lang kita. Dahil sa ginawa mo ay nasira ang reputasyon ni Lucas idagdag pa na dahil sa ginawa mong to ay baka bumaba pa ang investments ng kompanya ni Lucas dahil sa pagpapakalat mo ng mga larawang iyon. Tandaan mo na napakayaman nya kaya tiyak na magagaling ang mga lawyer team ni Lucas dahil kilala ang mga ito sa buong bansa. Sa oras na kumilos sila ay sinisiguro ko sayo na baka makulong ka." dagdag pa niyang banta rito. Napangisi lang naman ito sa kabilang dako at pagkatapos ay ngumiti. "Huwag mo akong takutin Annie. Bakit sa tingin mo ba kung tatakutin mo ako na makulong ako ay matatakot mo talaga ako? Nagkakamali ka. Wala akong dapat ikatakot." puno ng kumpiy
Tumango si Annie rito. "Eh parang mahilig ka kasi sa western food e." sabi niya rito pero ang totoo ay medyo nagsinungaling siya. Gusto niya sanang magluto ng korean food pero nang mag-search siya ng recipe ay nakita niya na napakaraming side dish na dapat ihanda at iba-iba rin ang mga seasonings na ginamit na ang ilan ay hindi niya naman lang kilala kaya iyon nag western food na lamang siya at talaga namang nag-search pa siya ng pinaka the best na pagluluto nito. Naisip niya kasi na ang steak ay kailangan lamang na iprito nang isang beses at may mga kagamitan naman sila sa kusina at kumpleto rin ang kusina ng pampalasa kaya iyon na lamang ang naisip niya para hindi na siya masyadong mahirapan pa. Nang makita ni Annie ang kanyang inahandang pagkain ay hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng kasiyahan dahil sa matagumpay na pagluluto niya. Nakaupo na si Lucas sa harapan ng hapag at maging sya ngunit habang nakatitig siya sa mesa ay pakiramdam niya ay may kulang sa mga iyon. Doon niy
"Tikman mo." Sabi ni Lucas nang mapatingin siya kay Annie. Agad naman na umupo si Annie at pagkatapos ay dali-daling dinampot ang mga kubyertos.Naghiwa si Annie ng isang maliit na piraso at mabilis na isinubo sa kanyang bibig. Halos mapapikit siya nang malasahan ang lasa ng karne sa bibig niya. Grabe, napakasarap nito. Ninamnam niya ang bawat pagnguya niya at pagkatapos niyang lunukin ito ay nagmulat siya ng kanyang nga mata at nilingon si Lucas na nakatitig sa kaniya, naghihintay ng sasabihin niya. "Masarap.” sabi niya rito "Masarap lang?" May himig na pagkadismaya ang tinig nito. At dahil doon ay dali-dali siya napakunot noo.“Sa totoo lang ay napakasarap ng luto mo, pwede ko ng sabihin na pang first class restaurant na ito.” Nakangitig sabi niya rito. Ewan niya na lang kung hindi pa masiyahan ito sa papuri niyang iyon.Nagtaas lang ito ng kilay sa kaniya at pagkatapos ay dali-dali nang inumpisahang hiwain ang steak nito sa plato kaya maging siya ay naghiwa na lang din ng isang pi
"Bakit mo nga ako tinititigan?" muling tanong nito sa kaniya dahil hindi niya nasagot ang tanong nito kanina. Ngunit sa halip na sumagot ay nag-iwas na lamang siya rito ng tingin at hindi sumagot, hindi niya rin kasi alam ang isasagot niya rito sa totoo lang.Paano ba niya sasabihin rito? O sasabihin nga ba niya? Hindi ba masyadong nakakahiya pag nagkataon? Pero kung pipigilan niya iyon ay baka mabaliw siya."Uhm, ano kasi…" Muli siyang tumingin sa TV at pilit na naghanap ang isang pinakamagandang dahilan para tigilan siya nito. "Sa tingin ko lang medyo katulad ka ng lalaking bida sa TV." sabi na lamang niya."Kung ganun ay may problema na ang mga mata mo." sabi sa kaniya bigla ni Lucas.Sasabihin sana ni Annie rito na tama na dahil artista ang mga iyon at mga sikat. Kahit na gwapo si Lucas ay hinding-hindi siya magiging artista, sasabihin niya sana ngunit pinigil niya ang sarili niya. Hanggang sa ilang sandali pa ay narinig niya ang tinig nito bigla. "Tingnan mo nga ang mukha niya.
"Lucas, ano bang ginagawa mo?" nagtatakang tanong ni Annie at pagkatapos ay halos hindi makahabol rito. Kulang na lamang ay madapa na siya dahil sa bilis ng paglalakad nito. Ang kinakatakot niya ay baka masubsub siya. Idagdag pa na hinihila siya nito pataas ng hagdan."Dahan-dahan lang Lucas. Baka madapa ako." sabi ni Annie rito ngunit hindi ito naman ito nakinig sa kaniya at nagtuloy-tuloy pa rin sa paghila sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay tuluyan na itong tumigil sa tapat ng kanilang silid at dali-daling hinila siya papasok ng silid. Pagkasara nito ng pinto ay mabilis siya nitong idiniin sa likod ng pinto.Nanlalaki naman ang mga mata niyang napatitig rito. Nalilito, kung ano ang balak ni Lucas sa kaniya."Init na init ako." bulong nito na namamaos ang tinig at habang nakatitig sa kanyang mga mata. Napalunok naman si Annie dahil rito at halos pabulong na sumagot."Kung ganuon, bubuhusan kita ng tubig." sabi niya rito."Hindi na kailangan." sagot naman nito sa kaniya at pagkatapos
"Talaga ba?" nang-iinis na tanong nito sa kaniya. Umagang-umaga ay nagawa pa nitong asarin siya."Oo naman." mabilis niyang sabi rito."Sabi mo e." Hinawakan ni Lucas ang kanyang kamay at bigla na lamang nitong inilapit sa bibig nito at hinalikan. "Kung ganun, sabihin mo sa akin ngayon kung sino ang mas gwapo, ako o ang lalaking bida sa pinapanuod mo kagabi?" bigla-bigla nitong tanong sa kaniya.Napakunot naman ng noo si Annie at biglang napabuka ang kanyang bibig upang sagutin ang tanong nito.“Pag-isipan mo munang mabuti ang magiging sagot dahil pwede kitang parusahan sa magiging sagot mo.” sabi ni Lucas sa kaniya na nagbabanta.Hindi naman naiwasan ni Annie ang hindi mapangiti dahil sa sinabi nito at pagkatapos ay napapailing na sumagot. “Syempre ang bawat lalaki naman ay may kaniya-kanyang taglay na kagwapuhan.” mabilis na sabi niya rito.Hindi nagtagal ay gumapang ang kamay ni Lucas at mabilis siyang kiniliti nito at hindi niya napigilan ang sarili na hindi mapatawa, dahil sobr
Nang makita niya ang nasa kanyang harapan ay halos hindi niya makapaniwala. Napaka-romantic at halos malusaw ang puso niya dahil rito. Ang kanyang mga mata ay nagningning bigla at pakiramdam niya hindi totoo ang nasa harap niya at isa lamang panaginip. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang sa mga oras na iyon.Napaganda, masasabi niya na isa ito sa mga pangarap niya simula pa lamang noong bata pa siya at ngayon ay nasa harapan na niya ito. Halos hindi siya kumurap dahil baka sa isang kurap niya ay mawala ang mga ito bigla. Punong-puno ang buong silid ng napakaraming stuff toys at ibat-ibang klaseng mga manika. Ang iba ay maliliit ang iba ay malalaki na halos mas malaki pa sa kaniya.Napaka-realistic pa ng ilan at habang iginagala niya ang kanyang paningin sa loob ay medyo nakabuka ang kanyang bibig sa sobrang pagkamangha. Ang mga manikang naroon ay ang mga usong mga manika noong bata pa siya. Naroon din ang mga manikang pinapangarap niya lang noon at inaasam na mapasakaniya pero nga
Isang taon ang mabilis na lumipas, nang araw na iyon ay unang kaarawan na nang triplets. Sina Kian at Liliane ay magkakaanak na rin.“Happy birthday!” bati ni Kenna sa kanyang mga anak at pagkatapos ay isa-isa nitong hinalikan ang mga ito. Napakabilis ng araw, parang kahapon lang ay kapapanganak niya lang pagkatapos ngayon ay isang taon na kaagad ang mga anak niya.May lungkot at saya siyang nararamdaman ng mga oras na iyon dahil sa bilis ng pagdaan ng mga araw, baka mamaya hindi niya namamalayan ay malalaki na ang mga baby niya kaagad samantalang hindi pa niya nasusulit ang pag-aalaga sa mga ito lalo na at bumalik na siya ulit sa ospital. Sa katunayan, napagplanuhan nila ni Lucas na magtayo na siyang sarili niyang ospital which is inuumpisahan na ngang itayo ngunit hanggang hindi pa ito natatapos ay doon na muna siya sa ospital na pinapasukan niya dati pa.Marami siyang bisita ng mga oras na iyon, ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang ilang kakilala ni Lucas. Ilang sandali pa ay lu
Mabilis nga na lumipas ang isang buwan kung saan ay mas naging tahimik na ang buhay ni Annie at Lucas. Nang araw na iyon ay maagang nagsigising ang lahat at ang ilan ay halos hindi pa nakakatulog. Dumating na kasi ang pinakahihintay ng lahat, ang kasal nina Annie at Lucas. Sa labas ng simbahan ay tumutunog na ang napakalakas na tugtog. Nang mga oras na iyon ay nakasakay siya sa kanyang bridal car. Masaya siya dahil ikakasal na siya sa wakas sa taong mahal niya kung saan ay mahal na mahal din siya nito, kaya nga lamang ay hindi niya maiwasang hindi malungkot dahil ni wala man lang siyang isang magulang na naroon para saksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buong buhay niya.Napangiti siya ng mapait habang nakatanaw sa labas ng bintana. Sayang Nay, wala ka rito ngayon… bulong niya sa kanyang isip. Agad siyang tumingala at pagkatapos ay agad na pinunasan ang kanyang luha upang hindi ito bumagsak mula sa kanyang mga mata dahil baka masira ang make up niya. Kailangan niyang maging mag
Kinabukasan, dumating ang box na ipinakuha ni Liliane mula sa kanyang mga tauhan at agad itong binuksan ni Beth. ang box ay naglalaman ng mga sulat, papeles at ilang mga titulo ng mga pag-aari nito. Hindi niya alam kung bakit nito ibinigay ang mga iyon sa kaniya. Habang naghahalungkat siya ay may isang sobre siyang nakita. Iyon lang ang sobre sa loob dahil ang iba ay puro ng mga papel.Nang buksan niya iyon ay tumambad sa kaniya ang isang sulat na naka-address talaga sa kaniya. “Beth, kung nababasa mo man ito ay tiyak na wala na ako. Pasensiya na kung nawala ako ng hindi man lang nakikipag-usap sa inyo o ni kumontak man lang sa inyo. Masyado akong maraming iniisip at maraming akong ginustong gawin sa buhay ko at naabot ko naman ang mga iyon kaya nga lang ay may isang bagay ang pinagsisihan, ang abanduhin ang babaeng minahal ko. Buntis siya noon at alam kong anak ko ang dinadala niya ngunit pinili ko pa rin ang talikuran siya at iyon ang labis kong pinagsisisihan sa buong buhay ko. Sin
“Anong ibig mong sabihin Liliane?” tanong ni Beth sa kanyang panganay na anak.Napabuntung-hininga ito at pagkatapos ay umupo sa tabi niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay. “Si Tito Vic Ma, wala na siya.” sabi nito sa kaniya.Nang marinig niya naman ito ay bigla na lamang siyang nalungkot bigla. Sa mga taong nakalipas ay halos nawalan siya ng komunikasyon sa kanyang bayaw. Ito ang kapatid ng yumao niyang asawa. Sinubukan nila itong hanapin noon ngunit ni hindi man lang ito nagpakita sa kanila.“Kung kailan wala na siya ay tyaka siya nagpakita. Bakit hindi pa siya noon nagpakita? Ano raw ang ikinamatay niya?” sunod-sunod na tanong niya rito.“Dahil daw sa malalang sakit Ma.” sagot naman nito sa kaniya. Dahil doon ay napabuntung-hininga siya. Mabuti na lamang siya at kahit papano ay gumaling sa sakit niya dahil na rin sa tulong ni Annie. Ilang buwan na rin ang nakalipas noong huli niyang nakita ito at ang balita niya mula ay buntis na daw di umano ito at mukhang malapit na ring ikasal
Kinabukasan ay pormal nang nagpaalam si Reid sa ospital na aalis na nga ito at sa ibang bansa na maninirahan. Madaming mga tanong ang nabuo sa mga isip ng kanyang kasamahan ngunit pinili na lamang niya na huwag nang makisawsaw pa, isa pa ay ayaw niya nang madawit pa sa tsismis tungkol nga sa mga ito. Sa sumunod na araw ay tuluyan na ngang nakaalis ng bansa ang mga ito at doon ay tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag dahil rito.~~~“Sir may report ako tungkol kay Trisha.” sabi ni Kian na humahangos papasok ng opisina ni Lucas. Dahil doon ay bigla niyang itinigil ang kanyang ginagawa. Sa mga oras na iyon ay ito pa ang bumabagabag sa kaniya. Kahit na wala na si Reid kung naroon pa rin ito ay tiyak na maaari pa rin silang magkaproblema, lalo na at hindi niya alam ang likaw ng bituka nito. Mamaya ay may maisip na naman ito at saktan na naman si Annie, lalo pa ngayon at buntis ito. Hindi niya ito papayagang madaplisan ng kamay nito si Annie.Nilingon niya si Kian. “anong tungkol sa kaniya
“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Lucas kay Reid. tinawagan siya nito at pinakiusapan siya na kung pwede ay magkita sila dahil may importante daw itong sasabihin sa kaniya. Dahil doon ay umuoo na lamang siya at nagpunta sa sinabi nitong lugar kung saan sila magkikita.Tiningnan siya nito. “Hanggang ngayon ba naman ay napakalamig pa rin ng pakikitungo mo sa akin?” tanong nito sa kaniya.Agad naman na tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa sinabi nito. E anong gusto nito? Maging close sila sa kabila ng lahat na ginawa nito kay Annie? Isa pa ay noon pa man ay mainit na talaga ang dugo niya rito dahil kung hindi sa kaniya at sa nanay nito ay hindi nasira ang pamilya nila, bagamat pinili pa rin sila ng kanyang ama ay nagkalamat na ang relasyon nito at ng kanyang ina na hindi na naibalik pa sa dati kahit na ilang taon na ang lumipas.“Talaga? May gana ka pang sabihin sa akin yan pagkatapos ng lahat ng ginawa mo? You know what? Wala akong oras para makipagtalo sayo dahil madami akon
Sa kabilang banda, pag uwi ni Reid sa bahay nila ay naabutan niyang umiiyak ang kanyang ina. “Anak, ano nakagawa ka ba ng paraan? Sinabi ko na sa tatay mo pero wala lang siyang pakialam.” sabi nito sa kaniya. Malamig ang mukha ni Reid na sinulyapan niya ito at pagkatapos ay seryosong nagsalita. “Ma may tinatago ka ba sa akin? Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ni Annie na kinidnap mo siya at binantaan? Wala akong alam doon.” sabi ni Reid rito.Dahil sa wala na ngang choice si Veron ay sinabi na niya nag totoo rito. “Anak, ang totoo ay hindi sinasadya ni Mommy at hindi naman grabeng kidnapping iyon at isa pa ay inimbitahan ko lang siya na magkape at hiniling ko sa kaniya na huwag niyang pakasalan si Lucas at ikaw ang pakasalan niya.” sabi niya rito.Nang mga oras na iyon ay hindi naman makapagsalita si Reid. hindi siya makapaniwalang napatingin sa kanyang ina at hindi nagsalita ng ilang sandali. Pagkaraan ng mahabang pananahimik ay huminga siya ng malalim at walang magawa
“Mangarap ka hanggang gusto mo.” malamig na sabi ni Lian bago tuluyang umalis doon.Samantala, si Veron naman ay itinali ng mga tauhan ni Lian bago sila umalis at hinayaan lang sa sahig. Nasa palabas na sila nang bahay nang makasalubong ni Lian si Reid, ang bastardo ni Alejandro.Nang makita sila nito ay nanlalaki ang mga mata nito na tumingin sa kanila. “Anong ginawa mo sa Mommy ko?” tanong nito sa kaniya.Malamig naman siyang sinulyapan ni Lian. “kung ayaw mong mamatay ang nanay mo ay payo ko sayo na huwag na huwag mo na siyang hayaan pang gumawa ng ikasisira ng pamilya namin. Lubayan niyo kami at siguruhin mo na hinding-hindi ko na kayo makikita pa dahil kung hindi, baka kung ano pa ang magawa ko sa inyong dalawa lalo na sa ina mo.” malamig na sabi ni Lian at pagkatapos ay tuluyan nang umalis.Napasunod si Reid sa likod nito at habang nakakuyom ang kanyang mga kamao at kanyang mga ngipin ay nagkikiskisan. Nang maalala niya ang tungkol sa kanyang ina ay nagmamadali siyang pumasok sa
Nang dumating si Lian sa villa ay wala ni isa sa mga tauhan ni Lucas ang umalis at nanatili silang lahat doon at hinihintay siya. Pagdating niya sa loob ay agad niyang nakita si Veron. Ito ay nakatali sa makapal na lubid at nakahiga ito sa may sahig na punong-puno ng kahihiyan.Nang makita niya si Lian na pumasok ay aaminin niya na natakot siya bigla.Walang balak na makipag-usap si Lian rito kaya direkta niya itong tiningnan ata pagkatapos ay nilapitan. “Veron hindi mo alam kung paano ako magalit. Hindi ako mahilig makipag-usap, isa pa ay nasaan ang original na kopya ng video.” tanong niya rito.“Wala na, sinira ng anak mo ang laptop kung nasaan ang original na video.” sabi nito ngunit ang mukha nitong nakakaawa habang sinasabi iyon ay hindi pwedeng linlangin si Lian.Dahil sa sinabi nito ay tinapakan niya ang kamay nito na nasa sahig. “Ako na ang nagsasabi sayo na huwag kang magsinungaling sa akin kung ayaw mo na mas malala pa ang gawin ko sayo.” sabi ni Lian rito at diniinan ang ka