BANDANG ALAS SINCO NA NG HAPON NANG MULING DUMAON ang yate sa port at isa-isa nang nagbabaan ang buong pamilya. Everyone had fun, including the kids. Tuwang-tuwa ang mga ito dahil iyon ang unang beses na nakasakay sa sasakyang pandagat. Sa sobrang saya ay napagod ang anak ni Levi kaya nagpakarga na sa ama, ang anak naman nina Mau at Jimmy ay hyper pa rin kaya hanggang sa makababa ang mga ito ay nakipaghabulan pa sa ama.
Nakangiting pinagmasan ni Demani sina Jimmy at si Baby Mico na nagba-bonding habang hinihintay na makatawid ang mommy at daddy niya sa dock. Siya ang kasunod ng mga ito habang nasa likuran naman niya sina Van at Attorney Salviejo. Matapo
NATIGILAN SA PAGHAKBANG SI DEMANI NANG sa pagdating niya sa hagdan ay may narinig na mga tao sa ibaba. Nasa landing na siya nang marinig ang pag-uusap sa living room. She knew it wasn’t just Van and his maid. There were more people downstairs. Bisita? Bakit kay aga ay may bisita na si Van? Alas siete pa lang ng umaga. Alas sinco pa lang ay nagising na siya at hindi na nakabalik pa sa pagtulog. Bandang alas seis nang bumangon siya at dumiretso sa banyo upang maligo. She wore a white summer dress and flipflops, at bababa na sana siya upang gumawa ng kape nang marinig ang ingay sa ibaba. At upang malaman kung ano ang mayroon ay inituloy niya ang pagbaba sa hagdan, at nang tuluyan niy
HUMIHIKAB NA LUMABAS NG SILID SI DEMANI AT BUMABA sa kusina isang gabing nagising ito at nakaramdam ng pagkauhaw. Pagdating sa kusina ay dumiretso ito sa fridge at kaagad na kumuha ng isang sealed bottle ng mineral water. She took off the cover and drank the water when suddenly, she noticed the kitchen door was open. Pinangalahati na muna niya ang laman ng bote bago tinakpang muli at ipinatong sa ibabaw ng mesa. Salubong ang mga kilay na humakbang siya patungo sa kitchen door at sumilip sa labas. Sa isip ay nagtatanong kung nakalimutan ba iyong isara ng katulong, may lumabas, o may pumasok? A burgler maybe? Nah, she dismissed the thoug
TAHIMIK NA SINUNDAN NG TINGIN NI VAN ANG PAPALAYONG si Demani hanggang sa tuluyan na itong nakapasok sa kusina at mawala sa tanaw niya. He let out a deep sigh as he turned his attention back to nowhere. Nakamata siya sa isang lokasyon subalit ang kaniyang pansin ay wala naman talaga roon. All he saw was his wife's beautiful face. God, she is still beautiful. And she still makes my heart skip a beat. He was truly happy that Demani joined him for a quick drink. Sinubukan lang niya itong alukin, hindi niya inakalang pagbibigyan siya nito. Isa pang buntonghininga ang pinakawalan niya bago siya sumandal sa wheelc
“HEY, KAILANGAN NA NATING MAG-EMPAKE NG MGA GAMIT MO.” “Good morning to you, too,” ani Van bago itinuloy ang naudlot na pagdadala ng tasa sa bibig nang pumasok sa dining area si Demani. Sa mesa ay may almusal nang nakahanda. Bread, ham, bacon, eggs. Hindi pinansin ni Demani ang sinabi ni Van. Kaagad na natuon ang pansin nito sa naka-hain sa ibabaw ng mesa. Nagsalubong ang mga kilay nito. “Who cooked breakfast?” “The maid, who else?” Niyuko ni Demani ang relos at sinuri ang oras. It was only past seven o-clock. “Your m
MANGHA SI DEMANI sa laki ng bahay ni Van sa Arizona. There were indeed four bedrooms on the second floor, plus library and his home office, totalling six rooms. The first floor was also huge; may malaking kitchen, may dining room, may malaking sala na loft style ang kisame at sa ibabaw ay glass roofing kaya maliwanag, may mga indoor plants and indoor tree na nakatanim malapit sa hagdan. Yes, nakatanim. Ang sahig ay gawa sa marmol subalit ang maliit na puno na hindi niya alam kung ano ang pangalan ay diretsong nakatanim sa lupa. It was creatively placed there. Ang style ng bahay ay minimalist tropical, katulad ng sa bahay nila sa Antipolo. Tingin niya’y mahilig talaga sa ganoon ang asawa. Ang nakapagtataka lang ay bakit ito kumuha ng malaking bahay? At para saan iyon?
MAAGANG BUMANGON SI DEMANI KINAUMAGAHAN. Halos hindi rin naman siya nakatulog. Wala siyang ibang ginagawa buong gabi kung hindi pakinggan ang banayad na paghinga ni Van at pagmasdan ang natutulog nitong anyo. Hindi niya alam kung naninibago lang ba siya dahil nasa ibang bansa sila, o dahil iba ang oras doon sa Arizona, o talagang nate-tensiyon siya na makatabing muli sa iisang higaan ang kaniyang asawa? Alin man sa mga iyon, ay hindi maganda ang simula ng araw niya dahil sa kakulangan sa tulog. Oh, she was only able to get some sleep for fifteen minutes, and then, she would wake up and back to gaping at her husband's sleeping form. Muli na naman siyang maiidlip, at muling maaalimpungatan. Same cycle for the rest of the night. Pagising-gising, hindi mapakali.&nbs
NAGHANDA SI DEMANI NG MALAPAD NA NGITI nang pumasok sa dining area sina Van at Nurse Art. Si Nurse Art ay tulak-tulak ang wheelchair ni Van habang ang kaniyang asawa nama’y kinunutan ng noo nang makita ang mesa. Nakahanda na ang almusal at nasa mesa na ang lahat ng pagkaing niluto niya. She stood beside the table holding the percolator as she waited for them to enter the room. “Good morning, Mrs. Loudd,” bati ni Nurse Art, may malapad itong ngiti sa mga labi. Kung noong mga nakaraan ay naiilang siya sa muling pag-address sa kaniya bilang Mrs. Loudd, ngayon ay tila kay sarap na sa tenga ang mga salitang iy
PASADO ALAS DOS NG HAPON NANG MAKAUWI SINA DEMANI. Matapos nilang manggaling sa ospital ay nagtungo muna sila sa isang restaurant para doon na mag-lunch, pagkatapos ay muli silang nag-ikot sa siyudad. Habang nasa sasakyan pauwi ay napag-usapan nina Nurse Art at Nurse Ella na bago bumalik sa Maynila ay kailangan muna nilang makapasyal sa Grand Canyon, na sinuportahan naman ni Van at ini-suhestiyon na mas magiging maganda ang experience kung susubukan nilang gawin iyon via a helicopter trip. Lalong na-excite ang dalawa, lalo na si Ella na ayaw raw maglakad nang malayo kaya pabor sa helicopter trip. Doon pa lang sa sasakyan ay tinawagan na ni Van si Michelle, ang sekretarya nito, upang mag-set g schedule. Nurse Ella had also requested to experience the hot air balloon ride over Phoenix, at ni-set up iyon ni Van para sa dalawa. Gusto niyang isatinig