“HEY, KAILANGAN NA NATING MAG-EMPAKE NG MGA GAMIT MO.”
“Good morning to you, too,” ani Van bago itinuloy ang naudlot na pagdadala ng tasa sa bibig nang pumasok sa dining area si Demani. Sa mesa ay may almusal nang nakahanda. Bread, ham, bacon, eggs.
Hindi pinansin ni Demani ang sinabi ni Van. Kaagad na natuon ang pansin nito sa naka-hain sa ibabaw ng mesa. Nagsalubong ang mga kilay nito. “Who cooked breakfast?”
“The maid, who else?”
Niyuko ni Demani ang relos at sinuri ang oras. It was only past seven o-clock.
“Your m
MANGHA SI DEMANI sa laki ng bahay ni Van sa Arizona. There were indeed four bedrooms on the second floor, plus library and his home office, totalling six rooms. The first floor was also huge; may malaking kitchen, may dining room, may malaking sala na loft style ang kisame at sa ibabaw ay glass roofing kaya maliwanag, may mga indoor plants and indoor tree na nakatanim malapit sa hagdan. Yes, nakatanim. Ang sahig ay gawa sa marmol subalit ang maliit na puno na hindi niya alam kung ano ang pangalan ay diretsong nakatanim sa lupa. It was creatively placed there. Ang style ng bahay ay minimalist tropical, katulad ng sa bahay nila sa Antipolo. Tingin niya’y mahilig talaga sa ganoon ang asawa. Ang nakapagtataka lang ay bakit ito kumuha ng malaking bahay? At para saan iyon?
MAAGANG BUMANGON SI DEMANI KINAUMAGAHAN. Halos hindi rin naman siya nakatulog. Wala siyang ibang ginagawa buong gabi kung hindi pakinggan ang banayad na paghinga ni Van at pagmasdan ang natutulog nitong anyo. Hindi niya alam kung naninibago lang ba siya dahil nasa ibang bansa sila, o dahil iba ang oras doon sa Arizona, o talagang nate-tensiyon siya na makatabing muli sa iisang higaan ang kaniyang asawa? Alin man sa mga iyon, ay hindi maganda ang simula ng araw niya dahil sa kakulangan sa tulog. Oh, she was only able to get some sleep for fifteen minutes, and then, she would wake up and back to gaping at her husband's sleeping form. Muli na naman siyang maiidlip, at muling maaalimpungatan. Same cycle for the rest of the night. Pagising-gising, hindi mapakali.&nbs
NAGHANDA SI DEMANI NG MALAPAD NA NGITI nang pumasok sa dining area sina Van at Nurse Art. Si Nurse Art ay tulak-tulak ang wheelchair ni Van habang ang kaniyang asawa nama’y kinunutan ng noo nang makita ang mesa. Nakahanda na ang almusal at nasa mesa na ang lahat ng pagkaing niluto niya. She stood beside the table holding the percolator as she waited for them to enter the room. “Good morning, Mrs. Loudd,” bati ni Nurse Art, may malapad itong ngiti sa mga labi. Kung noong mga nakaraan ay naiilang siya sa muling pag-address sa kaniya bilang Mrs. Loudd, ngayon ay tila kay sarap na sa tenga ang mga salitang iy
PASADO ALAS DOS NG HAPON NANG MAKAUWI SINA DEMANI. Matapos nilang manggaling sa ospital ay nagtungo muna sila sa isang restaurant para doon na mag-lunch, pagkatapos ay muli silang nag-ikot sa siyudad. Habang nasa sasakyan pauwi ay napag-usapan nina Nurse Art at Nurse Ella na bago bumalik sa Maynila ay kailangan muna nilang makapasyal sa Grand Canyon, na sinuportahan naman ni Van at ini-suhestiyon na mas magiging maganda ang experience kung susubukan nilang gawin iyon via a helicopter trip. Lalong na-excite ang dalawa, lalo na si Ella na ayaw raw maglakad nang malayo kaya pabor sa helicopter trip. Doon pa lang sa sasakyan ay tinawagan na ni Van si Michelle, ang sekretarya nito, upang mag-set g schedule. Nurse Ella had also requested to experience the hot air balloon ride over Phoenix, at ni-set up iyon ni Van para sa dalawa. Gusto niyang isatinig
DEMANI SHUDDERED WHEN VAN’S LIPS TOUCHED HERS. She was momentarily shocked but it didn’t take long for her to close her eyes and kiss him back. The sweetness of his lips was almost past bearing, and his kiss became more insistent when she started responding. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang katawan habang magkarugtong ang kanilang mga labi. Her mind was telling her to push Van, to slap him and yell at him for doing such dirty trick. Ano ang binabalak nitong gawin? Ano ang karapatan nitong halikan siya? Pero kahit anong sulsol ng utak niya ay ayaw sumunod ng kaniyang katawan sa nais niyong mangyari. Mas matimbang pa rin ang sinasabi ng kaniyang puso. Na hayaan muna ang
HINDI KUMILOS SI DEMANI. She planted herself on the bed and stared at Van. Hindi siya bibigay rito; ayaw niyang bumigay. Nais niyang alagaan ang sarili, ang puso. Ayaw niyang masaktang muli. At napansin marahil nito na wala siyang balak na kumilos, kaya ngumiti ito at inayos na ang higa saka pinatay ang ilaw. Nanatili siyang nakatitig dito. “Good night, Demani…” he said before sleeping on the other side, turning his back on her. Hindi siya sumagot at nahiga na rin patalikod kay Van. Inabot niya ang lamp sa bahagi niya, pinatay iyon saka ipinikit ang mga mata. Makalipas ang ilang sandali, nang hindi pa rin siya dalawin ng antok, ay muli siyang nagmulat at nakipagtitigan sa madilim na kisame. Gusto na rin niyang magpah
It was a cottage in the middle of the forrest. At dahil nasa itaas na bahagi nakatayo ang cottage ay natatanaw niya mula sa attic ang malawak na gubat, ang mahaba at paikot na kalye, ang malaking lawa sa kabilang bahagi, at ang malawak at matataas na pine trees na nakapaligid sa gubat. The place reminded her of the forrest she would also see on Western movies. And Demani liked it. Tahimik doon, malamig, at presko. Malayong-malayo na kinalakihan niya sa Maynila. Ang cottage na kinaroroonan nilang pag-aari ni Dr. Eisenburg ay malawak; sa ibaba’y may isang silid. Sa loob ng silid na iyon ay may bunker na maaaring tulugan ng dalawang tao, at mayroon ding matress n
Ilang segundo muna ang pinalipas ni Van bago sumagot. “Is that even a serious question, Demani?” “Just answer it.” “No. Paano ako aakyat sa attic kung ganitong naka-lugmok ako sa wheelchair?” Bumaba ang kaniyang tingin sa automatic wheelchair nito, pababa pa sa mga binti nitong natatakpan ng makapal na blanket. “Dahil ba ito sa kumot?” Muling umangat ang kaniyang tingin sa mukha ni Van nang marinig ang sinabi nito.