MATAPOS makapagpaalam sa anak ay nagbilin lang si Agatha sa mga pinagkakatiwalaan sa Mansyon na mawawala siya ng ilang linggo. Pupunta siya ng Manila upang personal nang makilala ang Board of Directors ng Tolentino Corporation. Bilang investor ay kailangan siyang personal na makaharap ng mga ito. "Ako na ang magmamaneho," saad ni Agatha. Tumango lang si Tristan. Maliban sa sinasakyan nina Agatha ay may convoy siya na kinalululanan naman nila Paul at iba pa niyang bodyguard. Isa sa unahan at isa sa gawing likuran ng sasakyan nila bilang pag-iingat sa seguridad ng heredera. "Talasan mo ang pandinig mo, ang pakiramdam. Nasa mundo ka na hindi mo malalaman kung sino ang kaaway at kakampi." Saad ni Tristan. "Ako pa ba?" Mayabang na sagot ni Agatha na nakatutok ang atensyon sa kalsadang tinatahak. "Utak, prinsipyo at paninindigan. Itatak mo sa isipan mo ngunit maging tuso ka." Makahulugang turan ni Tristan. Kumunot ang noo ni Agatha, "Tuso?" "Papasukin mo ang mundo ng mga mayayaman na
"Thank you, Mr Chairman and good afternoon to all of you! I'm very proud to attend this Shareholders Meeting of Tolentino Corporation. I'm very honoured to be a part of this group of companies. I wish to thank the Board of Directors which appointed me to lead this organisation together with the CEO, Mr. Khevin Tolentino." Taas ang noo na tiningnan ni Agatha ang paligid, lahat ay nakatutok ang atensyon sa kaniya bahagya niyang sinulyapan si Khevin na nakatitig din sa kaniya. Dama niya ang paghanga sa mga mata nito."First of all, I will briefly introduce myself for those who do not know me. I'm Miss Agatha Mondragon, the daughter of late Don Sylvestre Mondragon-"Aral ang bawat salita at kilos na natapos ni Agatha ang maikli ngunit makahulugang mensahe. Umugong ang palakpakan sa maluwang na conference room. Matapos pormal na pumirma sa ilang dokumento, makipagkamay sa mga kilalang tao, at mga kapwa-investors ay tila nakahinga na ng maluwag na naglakad na si Agatha kasunod ang mga bodygua
"ANO?!" Galit na tumayo si Cassey. "Wala na tayong magagawa, Cassandra. Tinerminate na ang kontrata mo, hindi ka na nila gustong maging endorser pa ng kanilang produkto." Saad ng kaniyang manager. "Idedemanda ko sila!" Inihagis ni Cassey ang hawak na kopita, nagkapira-piraso ito sa sahig. "Demanda? Nag-iisip ka ba Cassey? Milyon ang magagastos para sa sinasabi mong demanda."Inis na tiningnan ng modelo ang manager. "Maging ang fashion show sa London na inaasahan mong ilalaunch next month ng Armani Magazine, nagcancel na." "What?!" Tili ni Cassey, mahalaga sa kaniya ang nasabing fashion-show. Umiikot ang kasikatan niya sa pagrampa sa entablado at pagiging endorser. Anong mangyayari sa career niya? Bubulusok ang pangalan niya pabagsak at tiyak mahihirapan siyang makabangon. "Wala ng may gusto sa'yo-" "No! Shut-up, Yashie!" Tili ni Cassey. "Kakausapin ko ang management ng Armani." ani Cassey na napatiim-bagang. Bagamat mayaman si Cassandra ay hindi sasapat upang matustusan ang lu
"Anong nangyari kay Agatha, Sir Khev?" Tanong ni Aling Lydia. Napatingin si Khevin sa Mayordoma, saglit na nag-isip. "Hindi ko alam, wala na akong balita sa babaeng 'yun.""Nasa inyo ang desisyon kung nais n'yong sagutin o hindi?" Muli ay saad ni Aling Lydia. Napatingin sa kawalan ang binata, dapat niya bang sabihin ang natuklasan?"Mayaman na si Agatha." Pagdaka ay turan ni Khevin, si Aling Lydia naman ang natigilan. "Nahanap na siya ng tunay niyang ama, natupad na ang pangarap niyang yumaman." "Tunay niyang ama?" Nagulat man ay napangiti si Aling Lydia. Mayaman pala si Agatha. Matamang tinitigan ng mayordoma ang binata. "Si Agatha Mondragon ba at Agatha Buenamente ay iisa?" Paniniyak ni Aling Lydia sa hinala.Tumango si Khevin, napabuga ng mahinang hangin."Kung gayon, maaari mo na ba siyang magustuhan?" Seryosong tanong ni Aling Lydia. Natitigilang uminom ng alak sa hawak na wine glass si Khevin, saka nag-isip. "Hindi na siya ang Agatha na nakilala ko." "Hindi ko masisisi si A
SA HALIP na puntahan si Cassandra upang komprontahin ay sa Mansyon ni Agatha sa Forbes Park dumiretso si Khevin. Inalam niya mula kay Tristan kung saan ito nakatira. Ngayon niya lang aaminin sa sarili na namiss niya ito ng sobra kahit pa naiinis siya sa pagpapanggap nitong hindi siya kilala."Agatha, tandaan mo tiyak na alam na ni Khevin na ikaw si Agatha Buenamente." Paalala ni Tristan. "Rule #2, bawal ang marupok."Tumango lang si Agatha, alam niyang darating ang pagkakataon na malalaman din naman ni Khevin ang katotohanan. Matapos ayusin ang sarili ay nakahanda na siyang harapin ito, ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para tuluyan na siyang magpakilala rito. Higit sa sarili, mas mahalaga ang kapakanan ni Kheanne. "Magandang gabi, Miss Agatha!" Pagbati nito, saka tiningnan ang mga bodyguard ng heredera. Naintindihan naman agad ni Agatha na gusto nitong magkasarilinan sila. Pinaalis niya ang kaniyang mga bodyguard saka makahulugang sinulyapan ang pinsan na hinayaan na rin silang
"NAMIMISS ko ang anak ko Tristan," Nilingon ni Agatha ang pinsan na ginising niya lang mula sa mahimbing na pagkakatulog para sabihing uuwi sila ng Villa Agatha. "Wala namang problema, pero ala-una talaga ng madaling-araw, Agatha?" Naiiling na ipinikit ni Tristan ang mga mata, inaantok pa siya. "Ako naman ang magmamaneho hindi ikaw," ani Agatha na nginitian ang pinsan. "Matulog ka na lang gigisingin na lang kita kapag nasa Zambales na tayo." Masunurin naman ito na inayos pa ang pagkakasandal ng likod. Nasa gawing unahan nila ang kotse na minamaneho ng mga bodyguard ni Agatha. Mas gugustuhin niya kasi na dalawa lang sila ni Tristan ang magkasama sa iisang sasakyan. Naglalakbay na ang diwa ni Agatha habang nagmamaneho. Iniisip niya pa rin ang namagitan sa kanila ng ama ng anak, ang pag-alok ni Khevin na gawin siyang girlfriend. Talaga ba? Iba pala talaga ang nagagawa ng pera. Kung dati ay isinusuka siya nito, bakit tila nag-iba na ang ihip ng hangin? Napangiti sa sarili si
SAKAY ni Apollo na nilibot ni Agatha ang Hacienda, binisita ang mga magsasaka at tiniyak na maayos ang lahat. "Magandang araw po, Señorita!" Bati nina Mang Temyong. Nginitian niya ang kapatas saka bumaba sa kabayo. Nag-uumpisa ng mananghalian sa kubo ang mga ito. Nasa di kalayuan ang kaniyang mga bodyguard na mas naging alerto pa pagkatapos ng nangyaring pamamaril sa kanila. "Kumusta po ang lahat?" Tanong ni Agatha, inilibot ang tingin sa mga masisipag na tauhan. Nagkatinginan ang mga ito. Kumunot ang noo ng heredera nang mapansing tila atubili ang mga ito at may nais sabihin."May nangyari ba?" "Señorita, isang grupo ng mga kalalakihan ang nag-aalok ng malaking halaga upang ibenta namin ang mga lupaing ipinamana sa amin ni Don Sylvestre." Sagot ni Mang Caloy. Natigilan si Agatha, "Bibilhin?! Sino ho?" Napatingin si Agatha sa pinsan. "Taga Maynila daw ho sila, nagmamay-ari ng karatig na lupain." si Mang Temyong ang sumagot."Ibibenta n'yo ba?" Bagamat alam na ni Agatha na hindi '
ANG luwang ng ngiti ni Alexis habang nag-iimpake, eksayted siyang makita ang ate Agatha niya na pupuntahan na nila sa Zambales. Isasama daw siya ni Khevin at kahit biglaan itong nag-aya ay natuwa naman silang mag-ina. "Ang dami kong itatanong kay ate,Sir Khev-" nilingon ni Alexis si Khevin na nakatayo sa pintuan ng silid. "Alexis, baka naman kung anu-ano pa ang itanong mo ha. . . Iba na ang mundo ng ate mo," Paalala ni Nanay Rosa. "Nay, itatanong ko lang kung anong nangyari sa kaniya sa loob ng limang-taon? 'Yun lang." Sagot ni Alexis saka nagkibit-balikat. "Anak, baka nagtatampo sa'tin ang ate mo-" "Itanong mo na rin kung sino ang Daddy ni Kheanne?" Sabad ni Khevin. Kapwa napatingin ang mag-ina sa binata na natigilan. "Sino si Kheanne, Sir Khev?" Kunot-noong tanong ni Alexis. "Anak ni Agatha," "May anak na si Agatha?" Gulat na tanong ni Nanay Rosa. "May pamangkin na pala ako?!" Natutop ni Alexis ang bibig, natuwa ito sa nalaman. "Inay, may apo ka na!" Nanubig ang mga mata
SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung
BU MUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a
HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat
"Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc
MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s
ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint
"Señorita-" tinig ng katulong ni Agatha.Lumingon si Agatha saka napaawang ang bibig, sorpresa ngang matatawag dahil parang malalalaglag ang panga niya sa pagkagulat. Maliban sa isa sa mga katulong niya sa mansyon ay may hindi siya inaasahang makita. "Aling Lydia!?" bulalas ni Agatha. Napatingin si Agatha sa fiancee na si Khevin, nakalutang ang dimples nito mula sa pagkakangiti. "Khev-""Pinapunta ko si Aling Lydia para saksihan ang engagement party natin." Napangiti si Agatha. Awtomatikong lumapit sa mayordoma saka niyakap ito. Wala siyang nakikitang dahilan para hindi na magpakatotoo sa katiwala ng mansyon ni Khevin na noon pa man ay hindi naman siya itinuring na ibang tao. Ang isa sa mga naging saksi sa nabuong pagmamahalan nila ng daddy ni Kheanne noong nagsisilbi pa lang siya sa binata bilang katulong."Miss Agatha," nakangiti ang mayordoma na nagpahid ng luha. "Agatha na lang ho," nakangiting saad ng heredera. "Kayo talaga ang itinadhana ni Sir Khev. Natutuwa ako para sain
"Ibibigay mo ng ganon kadali?!" inis na tumayo si Tristan saka napailing. Nagkatinginan naman sina Khevin at Agatha. "Tris, may karapatan siya. Anak din siya ni Lolo Sylverio." "Agatha, walang duda 'dun. Pero sa tunay na motibo hindi ka makakasiguro na may mabuti siyang layunin sa hacienda." Kumunot ang noo ni Agatha. "May punto si Tristan, Babe." sabad ni Khevin. "Pag-aralan mong mabuti ang sitwasyon." "Ang gusto ko lang mapunta sa Tita Crisanta ang nararapat." paninindigan ni Agatha. Umiling si Tristan saka sarkastikong napangiti. "Ni hindi mo pa nga nakakausap ang ina ni Christoff, maghaharap pa lang kayo." Natigilan si Agatha, pinag-isipan niya na rin naman ang desisyon niya at gusto niyang malaman kung bakit interesado ang anak nito sa kalahati ng hacienda? "Hindi mo malalagay sa bitag ang isang matalinong gaya ni Christoff," opinyon ni Tristan. Tumango si Khevin. "Babe, tama si Tristan. Kapag ibinigay mo ng ganon kadali sa Tamayo ang karapatan nila posib
SAKAY ng Land Cruiser na binagtas nina Agatha ang kahabaan ng daan patungo sa karatig-hacienda, kasunod nila ang sasakyan ng mga tauhan ni Agatha. Mapanganib ngunit kailangan nilang harapin si Christoff, linawin at ilatag ang katotohanan para sa kapayapaan sa pagitan nila ng binatang naghahanap ng katarungan sa mali nitong paraan."Maligayang pagbisita, Miss Agatha!" maluwang ang pagkakangiti na bungad ni Christoff. Ang suot nitong black-suit at black leather pants ay dumagdag lang sa angas ng pagkatao nito. Tila isang gwapong Mafia ang binata na may hatid na panganib sa bawat makakaharap. "Paumanhin, Mr. Tamayo. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan," seryoso at may diing saad ni Agatha. Sarkastikong ngumiti si Christoff saka binalingan ang mga tauhan na lumabas upang mapagsolo sila ni Agatha. Sumenyas lang sa pamamagitan ng tingin si Agatha sa mga kasama kaya nanatili sa labas ng veranda sina Tristan at Khevin at iba pang mga tauhan nito. Iminuwestra ni Christoff ang isang upua