SERYOSO, matiim at nanunuot ang mga titig ni Agatha sa paparating na si Cassey. Umiimbay ang balakang nito, modelong-modelo gumalaw. Maganda, sexy at sopistikada. Sinulyapan ni Agatha si Tristan, mas naging alerto ang pinsan maging ang mga kasama nitong bodyguard. Kilalang-kilala nila ang pagkatao ni Cassandra, maliban sa pagiging plastik ang pag-uugali ay traydor ito. Kasama nito ang personal assistant nito na si Ayezha, driver at dalawang personal bodyguard. Damang-dama ni Agatha na ang pakikiramay nito ay tila formality at hindi pakikisimpatiya. "Condolence, cousin." B****o si Cassey. Yumakap din ito at nagpahid ng pekeng luha. "Nakilala din kita sa wakas!" "Salamat," Mas malamig pa sa yelong sagot ng heredera. Napasulyap si Agatha sa kinaroroonan ni Khevin, mataman lang itong nakamasid. Bahagya lang itong sinulyapan ni Cassey saka sumilip sa coffin ni Don Sylvestre. Nagkatinginan sina Tristan at Agatha. Parang gustong hilain ni Agatha ang modelo papalabas ng mansyon dahil sa kap
BUMUHOS ang emosyon nang ihatid sa huling hantungan si Don Sylvestre, buong Villa ang nagluksa at lumuha. Hindi matatawarang utang na loob para sa nag-iisang Don Sylvestre Mondragon. Mahusay na negosyante, Boss at pinaka-down to earth na bilyonaryo sa Bayan ng Zambales. Minahal ng taong-bayan, ang pagiging pilantropo ng Don ay tumatak sa gitna ng mga mahihirap na kababayan ni Don Sylvestre. Bukod-tangi.Nanatiling kalmado si Agatha sa kabila ng pagluha. Tanging si Kheanne ang yumakap sa ataul ng Lolo nito at nagpalahaw ng iyak habang nakaalalay si Agatha sa anak. "Kheanne. ." Lumapit na si Khevin sa mag-ina. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila pinipiga ang damdamin niya sa nakikitang paghihinagpis ng anak ni Agatha? Nang makita nman ni Kheanne ang hindi nakikilalang ama ay mabilis itong yumakap sa binata. Inalo naman ito ni Khevin, pinatahan at kumalma naman. Panay ang pahid ng luha ni Agatha, sinisikap niyang magpakatatag. Napaka-ikli ng mga taong pinagsamahan nila ng
MALUNGKOT na tinanaw ni Agatha ang malawak na hardin ng Villa. Tila nakikisimpatiya sa kaniya ang malamlam na liwanag ng mga bombilyang naroon. Humugot ng malalim na hangin si Agatha, yaman at karangyaan, impluwensya at kapangyarihan. Ano pang kulang sa kaniya bilang Agatha Buenamente Mondragon? Ipinag-utos niya kina Tristan na hayaan muna siyang mapag-isa sa veranda. Gusto niyang mag-isip. Huminga mula sa nakalulunod na estado ng buhay. Tama ang kaniyang Papa, walang silbi ang kayamanan kapag binawi na ng Lumikha ang hiram na buhay. Pinahid ni Agatha ang namalisbis na luha sa pisnge. Huling pagluha niya na ito, ipinangangako niya sa sarili. Ang matinding kalungkutan dahil sa pagkawala ng ama ay tila pumipiga ng kaniyang damdamin. Ipinakita niya ang katatagan niya sa lahat bilang Mondragon ngunit ang totoong naramdaman bilang Buenamente, hindi. "Umiiyak din pala ang isang Agatha Mondragon?" Tinig mula sa kaniyang likuran. Awtomatikong napalingon si Agatha. Nagkasalubungan ang mga
NAGHITIT-BUGA ng usok mula sa vape si Agatha saka dumekwatro, naiiling na tinitigan siya ni Tristan. "Bakit hindi ka na lang magreveal ng real identity para matapos na?" ani Tristan. "Para ano? Para manganib maging ang buhay ni Kheanne?" Sagot ni Agatha. Hindi siya natatakot sa panganib ng buhay niya, pero may anak na siya ngayon na kailangang protektahan. Higit sa sarili, mas mahal niya ang buhay ng anak nila ni Khevin. "Agatha, iba ka na ngayon maimpluwensya ka na maraming puprotekta sainyong mag-ina." Malalim na nag-isip si Agatha saka sarkastikong napangiti. "Kapag inilantad ko ang katotohanan, gagawa ng paraan si Cassandra na kalkalin ang pinagmulan ko. Sisirain niya ako sa publiko. Tulad ng sabi mo, may pangalan na ako ngayon, isa na akong Mondragon. Tinitingala at nirerespeto." Tumango si Tristan saka nagsalin ng brandy sa baso, dinalawa niya na at inabutan si Agatha. Madalas nilang gawin ni Agatha ang magdeep talk noong nasa ibang bansa sila. Naging malapit sila sa isa't
BUMUNGAD kay Agatha ang mga nakahaing iba't ibang breakfast meal sa mahabang lamesa. Pagkatapos ng ilang araw na pagpupuyat ngayon lang siya tinanghali ng gising dahil sa mahabang tulog. Nginitian ni Agatha ang mga katulong, hinanap ng paningin sina Tristan. "Good morning, Señorita!" bati ng mga nadatnan niyang maid na abala sa kusina."Good morning, too! Saluhan n'yo na ako." alok niya sa mga ito kahit hindi naman talaga sa kaniya nangangahas na sumabay. "Si Sir Tristan n'yo, nas'an?" "I'm here!" Puyat din ang pinsan ni Agatha at ngayon lang medyo nakabawi. Humila na ito ng isang silya at sinabayan na siyang kumain. "Wala na ba ang mga bisita mo?" Tanong ng binata. "Hindi ko alam," binalingan ni Agatha ang Mayordoma. "Si Khevin, narito pa ba?" "Maaga hong umalis, tatawagan na lang daw po kayo." sagot ng Mayordoma. Nakadama ng lungkot si Agatha. Pilyong napangiti si Tristan. "Sundan mo na sa Maynila." Inirapan ni Agatha ang pinsan. Plano niya naman talagang lumuwas upang puntah
MATAPOS makapagpaalam sa anak ay nagbilin lang si Agatha sa mga pinagkakatiwalaan sa Mansyon na mawawala siya ng ilang linggo. Pupunta siya ng Manila upang personal nang makilala ang Board of Directors ng Tolentino Corporation. Bilang investor ay kailangan siyang personal na makaharap ng mga ito. "Ako na ang magmamaneho," saad ni Agatha. Tumango lang si Tristan. Maliban sa sinasakyan nina Agatha ay may convoy siya na kinalululanan naman nila Paul at iba pa niyang bodyguard. Isa sa unahan at isa sa gawing likuran ng sasakyan nila bilang pag-iingat sa seguridad ng heredera. "Talasan mo ang pandinig mo, ang pakiramdam. Nasa mundo ka na hindi mo malalaman kung sino ang kaaway at kakampi." Saad ni Tristan. "Ako pa ba?" Mayabang na sagot ni Agatha na nakatutok ang atensyon sa kalsadang tinatahak. "Utak, prinsipyo at paninindigan. Itatak mo sa isipan mo ngunit maging tuso ka." Makahulugang turan ni Tristan. Kumunot ang noo ni Agatha, "Tuso?" "Papasukin mo ang mundo ng mga mayayaman na
"Thank you, Mr Chairman and good afternoon to all of you! I'm very proud to attend this Shareholders Meeting of Tolentino Corporation. I'm very honoured to be a part of this group of companies. I wish to thank the Board of Directors which appointed me to lead this organisation together with the CEO, Mr. Khevin Tolentino." Taas ang noo na tiningnan ni Agatha ang paligid, lahat ay nakatutok ang atensyon sa kaniya bahagya niyang sinulyapan si Khevin na nakatitig din sa kaniya. Dama niya ang paghanga sa mga mata nito."First of all, I will briefly introduce myself for those who do not know me. I'm Miss Agatha Mondragon, the daughter of late Don Sylvestre Mondragon-"Aral ang bawat salita at kilos na natapos ni Agatha ang maikli ngunit makahulugang mensahe. Umugong ang palakpakan sa maluwang na conference room. Matapos pormal na pumirma sa ilang dokumento, makipagkamay sa mga kilalang tao, at mga kapwa-investors ay tila nakahinga na ng maluwag na naglakad na si Agatha kasunod ang mga bodygua
"ANO?!" Galit na tumayo si Cassey. "Wala na tayong magagawa, Cassandra. Tinerminate na ang kontrata mo, hindi ka na nila gustong maging endorser pa ng kanilang produkto." Saad ng kaniyang manager. "Idedemanda ko sila!" Inihagis ni Cassey ang hawak na kopita, nagkapira-piraso ito sa sahig. "Demanda? Nag-iisip ka ba Cassey? Milyon ang magagastos para sa sinasabi mong demanda."Inis na tiningnan ng modelo ang manager. "Maging ang fashion show sa London na inaasahan mong ilalaunch next month ng Armani Magazine, nagcancel na." "What?!" Tili ni Cassey, mahalaga sa kaniya ang nasabing fashion-show. Umiikot ang kasikatan niya sa pagrampa sa entablado at pagiging endorser. Anong mangyayari sa career niya? Bubulusok ang pangalan niya pabagsak at tiyak mahihirapan siyang makabangon. "Wala ng may gusto sa'yo-" "No! Shut-up, Yashie!" Tili ni Cassey. "Kakausapin ko ang management ng Armani." ani Cassey na napatiim-bagang. Bagamat mayaman si Cassandra ay hindi sasapat upang matustusan ang lu
SA LIKOD ng mga ngiti ng mga taong naroon ay alam ni Agatha, na sabik ang lahat na malaman ang balitang kaniyang iaanunsyo. Tanaw niya ang kabuuan ng malawak na bakuran ng mansyon, matamang nag-aabang ang lahat. Pagkalipas ng ilang buwan na namuhay na may tensyon ang mga taga Villa Agatha, tila ngayon pa lang magkakaroon ng kapanatagan."Una, gusto kong magpasalamat sa lahat. Dahil ano man ang nangyari ay pinili n'yong manatili-" huminto sa pagsasalita si Agatha saka nilingon ang asawa na tumango bilang suporta. "Hindi lingid sainyo na nais kong ibigay ang karapatan sa hacienda sa maybahay at orihinal na asawa ng aking Papa." Nagkatinginan ang lahat, batid na nila iyon at alam nilang hindi makabubuti sa pamamalakad sa Villa Agatha. Samu't saring alalahanin dahil kilala nila na matapobre ang dating asawa ni Don Seve."Ngunit bago pa mangyari iyon ay napag-alaman naming kamakailan lang ay namayapa na ang tunay na asawa ng Papa na nasa ibang bansa dahil sa kaniyang sakit at ikinalulung
BU MUNGAD kina Agatha at Khevin ang seryosong mukha ni Attorney Ismael Morales, napatingin si Agatha kay Tristan na makahulugang tumango. "May kailangan ka, Attorney?" Hindi niya maintindihan kung bakit pinapasok pa ito ng pinsan. "Gusto kong i-atras mo ang kasong isinampa mo sa'kin." utos nito." Tiningnan ni Agatha ang asawa saka napailing. "Bakit ko gagawin 'yun? Pagkatapos ng pagtatraydor mo sa Papa, sa akin at sa pagsira mo sa tiwalang ibinigay sa'yo sa mahabang panahon. "Agatha, akala ko ba matalino ka." Kumunot ang noo ni Agatha. "Anong ibig mong sabihin?" "Hindi ako nagsiserbisyo sa ama mo para sa wala."ani Attorney na napangisi. "Bayad ka, walang libre sa serbisyo mo." Gigil na saad ni Agatha." "Kinukuha ko lang ang para sa kapatid ko, pero walang itinira si Sylvestre dahil ibinigay lahat sa'yo!" Dinuro nito ang heredera. Napatiim-bagang si Khevin, gusto niyang durugin ang pagmumukha nito, hindi niya kayang tingnan lang na basta na lang dinuduro ang a
HINDI napigilan ni Agatha ang mahinang pagnulas ng halinghing. Sino naman ang hindi mapapaungol sa sarap na dulot ng labi ng kaniyang asawa? Napapaliyad na siya, namamasa na ang ibabang bahagi na nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Walang kasing-sarap ang bawat pagdampi ng labi ni Khevin sa kaniyang balat. Mula sa paghalik sa labi niya ay bumababa ang paghalik nito sa kaniyang dibdib. Kapwa sila hubo't hubad. Dama nila ang pagkasabik sa isa't isa, mas masarap palang lasapin ang ritwal ng pag-iisa ng kanilang katawan kapag legal kayong mag-asawa. "ohhhh!" kagat-labi na napasabunot siya sa buhok ng asawa, awtomatikong umangat ang hubad na katawan ng dumampi ang labi nito sa k*pay niya na naglalawa na sa katas. Sheeetttt! Walang nagbago sa galing ni Khevin sa kama. Sinisimsim nito ang katas na walang patid sa pagdaloy. Napapamura na at napapaliyad na si Agatha. Ang sarap! Nilalaro ng dila nito maging ang kaloob-looban ng kaniyang k*pyas. Napatingala si Agatha sa kisame ng silid, napapat
"Lumalala ang tensyon, para naman akong Presidente na gustong iimpeach ng taong-bayan." Himutok ni Agatha habang nakatingin sa mga magsasaka na kasalukuyang nagpapahinga sa malawak at malaking sala ng mansyon. Okupado din ng mga ito ang mga silid na naroon."Nasa labas na sina General William Debandina, Agatha." saad ni Tristan. Sumilip sa glass-wall si Agatha na natatabingan ng makapal na kurtina. Nanlaki ang mga mata ng heredera. Talaga ba? May mga tangke de gera pa? "Tris naman," naiiling na naupo siya sa sofa. "Inaayos lang nila ang hidwaan sa pagitan n'yo para hindi na umabot sa gulo at hindi na maulit ang pagpapasabog sa hacienda para sa seguridad ng Villa Agatha.""Next week na ang kasal ko," naiiling na saad ng heredera na napatingin sa nobyo."Naayos ko na ang lahat, Hon. Wala ka ng dapat ipag-alala. Magpapakasal tayo dito mismo sa mansyon." Sabad ni Khevin. "Hindi nga lang makakadalo ang pamilya ko pero sasaksihan nila thru live-video streaming." Tumango si Agatha, churc
MAGKAHAWAK-KAMAY na pinagmamasdan nina Khevin at Agatha ang mga tauhan at magsasaka ng Villa Agatha. Abala ngunit bakas sa mga mukha ang hindi matatawarang tuwa at saya. Pagkalipas ng isang linggo ay muling isinagawa ang salu-salo sa hacienda, nakalatag ang dahon ng saging sa mahahabang lamesa na may iba't ibang nakahaing masasarap na pagkain, pangunahin ang seafoods at lechon. Sobra-sobrang pagkain para sa lahat, at iyon naman ang nais ni Agatha ang mabusog at makapag-uwi pa ang mga ito ng pagkain sa mga tahanan nito. Mapasaya ang lahat tulad ng legacy na iniwan ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang Papa, masarap sa pakiramdam na ibinabalik mo ang kabutihan sa mga taong naglilingkod sa'yo ng tapat, nasa di-kalayuan si Kheanne kasama nito ang lola at tita Alexis nito at ng dalawang yaya kasama si Ligaya na hindi niya na pinabalik pa ng Club, binayaran niya ang pagkakautang nito sa club na pinagtatrabahuan nito. Hinango niya ito mula sa lusak na kinasasadlakan. Marami pa siyang babaguhin s
ABALA ang buong Villa Agatha, lahat ay eksayted sa formal announcement ng nalalapit na pagpapakasal ng unica hija ng namayapang si Don Sylvestre. "Hinihintay ka na sa ibaba," ani Tristan sa pinsan na lalong gumanda sa espesyal na gabing iyon. Nginitian ni Agatha ang pinsan. "Kapag may asawa ka na, wala na din ba akong trabaho?" Biro ni Tristan. "Hindi mo naman kailangang magtrabaho dahil marami ka namang pera sa bangko, pero magtatrabaho ka pa rin naman sa'kin habang-buhay dahil paborito mo akong pinsan." Iningusan ni Agatha ang binata na natawa na lang. "Talaga?" Nakangiting saad ni Tristan. "Mahal mo ako at magiging hipag mo na din," tudyo ni Agatha na ikinaasim ng facial expression ng binata, napahalakhak si Agatha. Umpisa pa lang ng pagkikita nina Alexis at Tristan ay naiirita na kasi ang binata rito at kinikilig siya sa mga ito. Bagay ang dalawa, idagdag pang boto siya sa pinsan para sa kapatid. Dumarami na ang mga bisita, maging ang pamilya ni Khevin ay kanina pa hinihint
"Señorita-" tinig ng katulong ni Agatha.Lumingon si Agatha saka napaawang ang bibig, sorpresa ngang matatawag dahil parang malalalaglag ang panga niya sa pagkagulat. Maliban sa isa sa mga katulong niya sa mansyon ay may hindi siya inaasahang makita. "Aling Lydia!?" bulalas ni Agatha. Napatingin si Agatha sa fiancee na si Khevin, nakalutang ang dimples nito mula sa pagkakangiti. "Khev-""Pinapunta ko si Aling Lydia para saksihan ang engagement party natin." Napangiti si Agatha. Awtomatikong lumapit sa mayordoma saka niyakap ito. Wala siyang nakikitang dahilan para hindi na magpakatotoo sa katiwala ng mansyon ni Khevin na noon pa man ay hindi naman siya itinuring na ibang tao. Ang isa sa mga naging saksi sa nabuong pagmamahalan nila ng daddy ni Kheanne noong nagsisilbi pa lang siya sa binata bilang katulong."Miss Agatha," nakangiti ang mayordoma na nagpahid ng luha. "Agatha na lang ho," nakangiting saad ng heredera. "Kayo talaga ang itinadhana ni Sir Khev. Natutuwa ako para sain
"Ibibigay mo ng ganon kadali?!" inis na tumayo si Tristan saka napailing. Nagkatinginan naman sina Khevin at Agatha. "Tris, may karapatan siya. Anak din siya ni Lolo Sylverio." "Agatha, walang duda 'dun. Pero sa tunay na motibo hindi ka makakasiguro na may mabuti siyang layunin sa hacienda." Kumunot ang noo ni Agatha. "May punto si Tristan, Babe." sabad ni Khevin. "Pag-aralan mong mabuti ang sitwasyon." "Ang gusto ko lang mapunta sa Tita Crisanta ang nararapat." paninindigan ni Agatha. Umiling si Tristan saka sarkastikong napangiti. "Ni hindi mo pa nga nakakausap ang ina ni Christoff, maghaharap pa lang kayo." Natigilan si Agatha, pinag-isipan niya na rin naman ang desisyon niya at gusto niyang malaman kung bakit interesado ang anak nito sa kalahati ng hacienda? "Hindi mo malalagay sa bitag ang isang matalinong gaya ni Christoff," opinyon ni Tristan. Tumango si Khevin. "Babe, tama si Tristan. Kapag ibinigay mo ng ganon kadali sa Tamayo ang karapatan nila posib
SAKAY ng Land Cruiser na binagtas nina Agatha ang kahabaan ng daan patungo sa karatig-hacienda, kasunod nila ang sasakyan ng mga tauhan ni Agatha. Mapanganib ngunit kailangan nilang harapin si Christoff, linawin at ilatag ang katotohanan para sa kapayapaan sa pagitan nila ng binatang naghahanap ng katarungan sa mali nitong paraan."Maligayang pagbisita, Miss Agatha!" maluwang ang pagkakangiti na bungad ni Christoff. Ang suot nitong black-suit at black leather pants ay dumagdag lang sa angas ng pagkatao nito. Tila isang gwapong Mafia ang binata na may hatid na panganib sa bawat makakaharap. "Paumanhin, Mr. Tamayo. Gusto lang kitang makausap ng sarilinan," seryoso at may diing saad ni Agatha. Sarkastikong ngumiti si Christoff saka binalingan ang mga tauhan na lumabas upang mapagsolo sila ni Agatha. Sumenyas lang sa pamamagitan ng tingin si Agatha sa mga kasama kaya nanatili sa labas ng veranda sina Tristan at Khevin at iba pang mga tauhan nito. Iminuwestra ni Christoff ang isang upua