PALIHIM na napangiti si Agatha, dama niya na pinagmamasdan siya ni Khevin. Mas ginagalingan niya pa ang pangangabayo, ipinamalas ang husay niya bilang Mondragon. "Maaari mong sakyan si Sabrina," ang tinutukoy niya ay isa sa mga matikas na kabayong naroon, pagkababa sa kabayong si Apollo ay saad ni Agatha. Nakamasid lang si Khevin ngunit napailing dahil sa tinuran niya."Tulad ni Apollo, marami ng naipanalong laban si Sabrina." Pagpapatuloy ni Agatha. Hinaplos ang makintab na balat ng kulay-itim na kabayo. Napansin ng dalaga na maging si Mang Emil ay nag oobserba sa kaniyang kilos. "H-hindi ako sumasakay ng kabayo, Miss Agatha." Pagtanggi ni Khevin. Natigilan si Agatha saka nilingon ang gwapong CEO. Pinipigilan niyang mapasinghap, ang taglay na karisma ni Khevin kaya pa ring magpaluwag ng garter ng panty niya ngunit hindi na siya ganon karupok. Nginitian niya ito saka napailing. "Marami ang nangangarap na masakyan ang mga kabayo ko." Sinalubong ni Agatha ang nanunuring mga titig nito
MAS malaki at marangya ang Master's Bedroom na okupado ni Khevin sa Mansyon ng Mondragon kumpara sa kaniyang silid sa sariling mansyon. Antigo at nakakalula ang halaga ng mga dekorasyon at kagamitan, maagap ang mga katulong na nakaantabay upang magsilbi. Aristokratang pamumuhay na hindi niya na ipinagtataka dahil kilalang bilyonaryo si Don Sylvestre na may dugong banyaga. Hindi niya man lang nakaharap ang ama ni Agatha dahil hindi pinahintulutan ng mga dalubhasang doktor na gumagamot rito na tumanggap ito ng sino mang bisita dahil sa maselan nitong kondisyon na magpahanggang ngayon ay walang malinaw na detalye kung ano nga ba ang sakit nito? Sa laki at lawak ng Villa, tila mahihirapan ngang magkita-kita ang mga nakatira roon. Pinagmamasdan ni Khevin ang malaking portrait na nakasabit, ang larawan ni Don Sylvestre at ng anak nitong si Agatha. Kumunot ang noo niya, wala siyang makitang larawan man lang ng asawa nito, napansin niya na 'yun mula pa nang dumating siya sa Mansyon. Nahihipn
MABILIS na kumalat sa newsfeed ang balitang magkasama ang heredera ni Don Sylvestre na si Agatha Mondragon at ang CEO ng Tolentino Corporation na si Khevin Tolentino at kasalukuyang nasa Villa ng Bilyonaryo. Marami ang tila kinilig ngunit maraming fans ni Cassandra ang hindi natutuwa at nagtataas ng kilay. Tila naging kontrabida si Agatha sa lovely couple na ilang taon na ring napabalitang engaged. Tumaas ang kaliwang-kilay ni Agatha, pakana niya ang pagpapakalat ng balita. Gusto niyang makarating sa kaalaman ni Cassandra. At hindi naman siya nabigo. Sarkastikong napangiti si Agatha habang kasalukuyang pinagmamasdan sa monitor ng CCTV ang binatang CEO na nakatayo sa Veranda ng inuokupa nitong silid. Ang perpektong anyo ng CEO tila bumubuhay ng pagkababae ni Agatha. Tarag*s! Kahit saang anggulo tingnan, tila masarap na putahe ang binata na masarap papakin. Napalunok ng tuyong-laway si Agatha, ang tagal niyang pinangarap na mapangasawa ito ngunit nabigo siya ng paulit-ulit. Mabuti na l
MAAGAP na inalalayan nina Paul si Agatha upang makababa ng kabayo. Panay ang sulyap ni Khevin sa magandang mukha ng heredera. Ewan niya, pero tila nakadarama siya ng inggit sa bawat paghawak-hawak ng mga bodyguard nito. Hindi niya maikakaila na piling-pili ang mga escort nito. Gwapo at simpatiko, na tiyak na magaling din sa martial arts at paghawak ng baril na tila larawan ng Mafia Gangster. Dapat niya bang ipagtaka? Mataas ang standard ni Agatha Mondragon, masyadong maarte ngunit palaban ang pagiging aristokrata nito. "Ipaghain n'yo na si Mister Tolentino-" utos nito sa mga katulong, saka bahagya lang siyang sinulyapan at naglakad na patungo sa silid nito sa ikalawang palapag kasunod ang ilang kasambahay. Mas maarte pa ito ng doble sa nobya niyang si Cassey. Napabuntong-hininga si Khevin, ngayon niya lang napagtanto na mas nagugustuhan niya pala ang simpleng babae. Naaakit lang pala siya ng ganda at karisma ngunit huli sa listahan na naising makasama habang-buhay ang gaya nina Casse
"MAY kailangan ka?" Nagsalubong ang kilay ni Agatha, matiim niyang tinitigan si Khevin na agad na napatingin sa balikat niya. "Yes, Khevin?" Muli niyang tanong. Nakaupo siya sa veranda at masayang ka-videocall ang anak nang lumapit ito. "Ikaw ba si Agatha Buenamente?" Seryosong tanong ng binata. Kumunot ang noo ni Agatha. "Siya ba ang tinutukoy mong kakilala na kamukha ko?" Balik-tanong niya rito. "Oo o hindi?" Pagak na tumawa si Agatha. "Agatha Mondragon ang pangalan ko, talaga bang kamukha ko siya?" Nagtagis ang bagang ni Khevin, imposible pero paano kung iisang tao lang pala ang dalawa? "Khevin, hindi lang ikaw ang unang nagsabi na may kamukha ako. Kung maganda 'yung Agatha na sinasabi mo, ituturing kung compliment." Nginitian ito ni Agatha. Napabuntong-hininga ang binata. Marahil nga ay hindi o baka kasi umaasa pa siya na muling makikita ang dalaga. "Pero sige, ipapahanap ko ang Agatha na sinasabi mo baka may kapatid pa pala ako ng hindi ko nalalaman. Pero sa pagkakaalam
NAGPUPUYOS ang kalooban ni Cassey, gigil na tinapunan ng masamang tingin ang larawan nina Khevin at Agatha na kumakalat sa newsfeed. Tila lovely couple na magkasamang nakasakay sa kabayo. Lalong uminit ang ulo niya nang mkita ang sumunod na mga larawan, magkayakap habang nasa tubig. "I hate her!" "Cassey, pinsan mo siya-" naiiling na paalala ni Ayezha, ang personal assistant at bestfriend ni Cassandra. Kaisa-isang nagtitiis sa masamang ugali ng modelo. "Wala akong pakialam! Bumalik siya sa pinanggalingan niyang impyerno!" "Mukhang gusto siya ni Khevin, baka sumama pa 'yun sa impyernong sinasabi mo." Pananakot ni Ayezha. Natigilan naman ang dalaga saka nanlisik ang mga mata. "Kilala mo ako, Ayezha. Kaya kong burahin lahat ng kumukuha ng mga bagay na pag-aari ko." may diing turan ni Cassey. Napahalakhak si Ayezha. Kumunot ang noo ni Cassey. "Wala kang pag-aari, girl. Matagal na kayong hiwalay ni Khevin, negosyo at 'yang attitude mo na lang ang nag-uugnay sainyong dalawa ni Khevi
"AGATHA!" Nilingon ni Agatha ang pinsan na pinagsalikop ang mga braso at matiim siyang tinitigan. Tinaasan ito ng kilay ng dalaga."Tayong dalawa na lang, baka gusto mo ng magpaliwanag-" ani Tristan. Luminga sa paligid si Agatha, napagsolo na nga sila ng pinsan niya na personal bodyguard niya na rin na si Tristan. Humugot muna ng malalim na hangin ang dalaga saka tila binura ang imahe ng pagiging Agatha Mondragon. "Nakakapagod," "Baka nakakalimutan mo na iba na ang mundo mo ngayon?" Inabutan ni Tristan ng vape ang pinsan na tila pansamantalang nakawala sa pagiging aristokratang heredera. Naging normal na ulit ang bawat kilos at galaw, naging si Agatha Buenamente na ulit ito."Gagi, naaalala ko pa naman. Ang hirap pasukin ng mundo ng Mondragon." Naghitit-buga si Agatha ng vape, ipinagpapasalamat niya na may pinsan siyang gaya ni Tristan. Komportable siya rito at kasundo niya. "Napapansin kong tila nagseselos si Khevin sa'kin," Pilyong biro nito. Natigilan si Agatha, talaga ba? "
BUMABA na ng sasakyan si Khevin, nakamasid pa rin kina Agatha at Tristan na makahulugang nagpapalitan ng tingin. May kakaiba sa ikinikilos ng dalawa? Kung tama ang hula niya, may relasyon ang dalawa. "Sir Khev!" Tawag ni Mang Emil. "Yes, Mang Emil?" "Sigurado ho ba kayo na hindi siya si Agatha?" Nagdududang tanong nito na kina Agatha pa rin nakatingin. Natigilan si Khevin. "a-anong ibig n'yong sabihin?" "Sa palagay ko, mas higit n'yong kilala si Agatha kaysa sa'kin." Wika ni Mang Emil, tila pinag-isip lang nito si Khevin. "Magkahawig lang sila, pero hindi sila iisang tao. Nagkakamali kayo." Pagdaka'y sagot ng binata. Ngunit bakit tila may kabang bumundol sa dibdib niya? Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang nakalitaw nitong balikat. Ang nunal ni Agatha at Miss Mondragon ay parehong nasa iisang bahagi. Posible kayang nagkataon lang? "Alam mo bang nahahalata ka na ni Khevin?" Pabulong na saad ni Tristan kay Agatha, halos dumikit na ang labi niya sa punong-tainga ng dalaga. Kumun