MAAGAP na inalalayan nina Paul si Agatha upang makababa ng kabayo. Panay ang sulyap ni Khevin sa magandang mukha ng heredera. Ewan niya, pero tila nakadarama siya ng inggit sa bawat paghawak-hawak ng mga bodyguard nito. Hindi niya maikakaila na piling-pili ang mga escort nito. Gwapo at simpatiko, na tiyak na magaling din sa martial arts at paghawak ng baril na tila larawan ng Mafia Gangster. Dapat niya bang ipagtaka? Mataas ang standard ni Agatha Mondragon, masyadong maarte ngunit palaban ang pagiging aristokrata nito. "Ipaghain n'yo na si Mister Tolentino-" utos nito sa mga katulong, saka bahagya lang siyang sinulyapan at naglakad na patungo sa silid nito sa ikalawang palapag kasunod ang ilang kasambahay. Mas maarte pa ito ng doble sa nobya niyang si Cassey. Napabuntong-hininga si Khevin, ngayon niya lang napagtanto na mas nagugustuhan niya pala ang simpleng babae. Naaakit lang pala siya ng ganda at karisma ngunit huli sa listahan na naising makasama habang-buhay ang gaya nina Casse
"MAY kailangan ka?" Nagsalubong ang kilay ni Agatha, matiim niyang tinitigan si Khevin na agad na napatingin sa balikat niya. "Yes, Khevin?" Muli niyang tanong. Nakaupo siya sa veranda at masayang ka-videocall ang anak nang lumapit ito. "Ikaw ba si Agatha Buenamente?" Seryosong tanong ng binata. Kumunot ang noo ni Agatha. "Siya ba ang tinutukoy mong kakilala na kamukha ko?" Balik-tanong niya rito. "Oo o hindi?" Pagak na tumawa si Agatha. "Agatha Mondragon ang pangalan ko, talaga bang kamukha ko siya?" Nagtagis ang bagang ni Khevin, imposible pero paano kung iisang tao lang pala ang dalawa? "Khevin, hindi lang ikaw ang unang nagsabi na may kamukha ako. Kung maganda 'yung Agatha na sinasabi mo, ituturing kung compliment." Nginitian ito ni Agatha. Napabuntong-hininga ang binata. Marahil nga ay hindi o baka kasi umaasa pa siya na muling makikita ang dalaga. "Pero sige, ipapahanap ko ang Agatha na sinasabi mo baka may kapatid pa pala ako ng hindi ko nalalaman. Pero sa pagkakaalam
NAGPUPUYOS ang kalooban ni Cassey, gigil na tinapunan ng masamang tingin ang larawan nina Khevin at Agatha na kumakalat sa newsfeed. Tila lovely couple na magkasamang nakasakay sa kabayo. Lalong uminit ang ulo niya nang mkita ang sumunod na mga larawan, magkayakap habang nasa tubig. "I hate her!" "Cassey, pinsan mo siya-" naiiling na paalala ni Ayezha, ang personal assistant at bestfriend ni Cassandra. Kaisa-isang nagtitiis sa masamang ugali ng modelo. "Wala akong pakialam! Bumalik siya sa pinanggalingan niyang impyerno!" "Mukhang gusto siya ni Khevin, baka sumama pa 'yun sa impyernong sinasabi mo." Pananakot ni Ayezha. Natigilan naman ang dalaga saka nanlisik ang mga mata. "Kilala mo ako, Ayezha. Kaya kong burahin lahat ng kumukuha ng mga bagay na pag-aari ko." may diing turan ni Cassey. Napahalakhak si Ayezha. Kumunot ang noo ni Cassey. "Wala kang pag-aari, girl. Matagal na kayong hiwalay ni Khevin, negosyo at 'yang attitude mo na lang ang nag-uugnay sainyong dalawa ni Khevi
"AGATHA!" Nilingon ni Agatha ang pinsan na pinagsalikop ang mga braso at matiim siyang tinitigan. Tinaasan ito ng kilay ng dalaga."Tayong dalawa na lang, baka gusto mo ng magpaliwanag-" ani Tristan. Luminga sa paligid si Agatha, napagsolo na nga sila ng pinsan niya na personal bodyguard niya na rin na si Tristan. Humugot muna ng malalim na hangin ang dalaga saka tila binura ang imahe ng pagiging Agatha Mondragon. "Nakakapagod," "Baka nakakalimutan mo na iba na ang mundo mo ngayon?" Inabutan ni Tristan ng vape ang pinsan na tila pansamantalang nakawala sa pagiging aristokratang heredera. Naging normal na ulit ang bawat kilos at galaw, naging si Agatha Buenamente na ulit ito."Gagi, naaalala ko pa naman. Ang hirap pasukin ng mundo ng Mondragon." Naghitit-buga si Agatha ng vape, ipinagpapasalamat niya na may pinsan siyang gaya ni Tristan. Komportable siya rito at kasundo niya. "Napapansin kong tila nagseselos si Khevin sa'kin," Pilyong biro nito. Natigilan si Agatha, talaga ba? "
BUMABA na ng sasakyan si Khevin, nakamasid pa rin kina Agatha at Tristan na makahulugang nagpapalitan ng tingin. May kakaiba sa ikinikilos ng dalawa? Kung tama ang hula niya, may relasyon ang dalawa. "Sir Khev!" Tawag ni Mang Emil. "Yes, Mang Emil?" "Sigurado ho ba kayo na hindi siya si Agatha?" Nagdududang tanong nito na kina Agatha pa rin nakatingin. Natigilan si Khevin. "a-anong ibig n'yong sabihin?" "Sa palagay ko, mas higit n'yong kilala si Agatha kaysa sa'kin." Wika ni Mang Emil, tila pinag-isip lang nito si Khevin. "Magkahawig lang sila, pero hindi sila iisang tao. Nagkakamali kayo." Pagdaka'y sagot ng binata. Ngunit bakit tila may kabang bumundol sa dibdib niya? Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang nakalitaw nitong balikat. Ang nunal ni Agatha at Miss Mondragon ay parehong nasa iisang bahagi. Posible kayang nagkataon lang? "Alam mo bang nahahalata ka na ni Khevin?" Pabulong na saad ni Tristan kay Agatha, halos dumikit na ang labi niya sa punong-tainga ng dalaga. Kumun
"Hindi kaya magselos ang bodyguard mo?" Ani Khevin habang nakatingin sa nakamasid na si Tristan. Bahagyang natawa si Agatha. "Magselos?" "Hindi naman maitatanggi na-" Tumawa si Agatha, napapantastikuhan na tiningnan ito ni Khevin. Nakaramdam ng inis at pagkapahiya ang binata na naging katawa-tawa lang siya sa paningin nito. "Hindi ko siya boyfriend, Khevin." Natigilan si Khevin."Personal bodyguard ko lang si Tristan, hindi ako papatol sa bodyguard lang." Sinulyapan ni Agatha ang pinsan at kinawayan. "Mataas nga pala ang standard mo," saad ng binata. Baka nga mali siya ng hinala."Hindi ako papatol sa hindi ko ka-level. Ayoko ng utusan." Nakataas ang kilay na paliwanag ni Agatha.May tila ipinaalala kay Khevin ang tinuran ni Agatha, sinabi niya na rin 'yun. "Katulong, utusan, alipin. Hindi sila ang uri ng mga taong papasa sa panlasa ko para gawing nobyo." Ngumiti ng sarkatiko si Agatha saka nagsimula ng lumangoy papalayo sa binata. Kailangan niya ng huminga bago pa siya tuluyan
MAAGAP si Tristan, lumapit na agad nang mapansing tila nagiging marupok na si Agatha. Lahat ay natigilan sa nakitang pagkapagkit ng mga tingin ng dalawang CEO na ngayon ay magbusiness partner na."Kailangan n'yo ng bumalik ng mansyon, Senorita." ani Tristan saka sinalubong ang mapanuring titig ni Khevin. "Sige," iniabot ni Agatha ang kanang-kamay kay Tristan upang alalayan siyang makaahon sa tubig. "Talaga bang kailangan mo ng umalis?" Nakakunot-noong tanong ni Khevin. Marami pa siyang gustong tuklasin sa kaharap. "Hinihintay ka na ni Señorito Kheanne," ani Tristan na nakatingin sa pinsan. "Kheanne?" Nagtatanong ang mga matang saad ni Khevin. Tama nga yata ang hinala niya, haliparot ang heredera sa kabila ng pagiging mayaman at edukada. Gusto niyang mapailing. "N-nobyo mo?" tanong ni Khevin. Napangiti lang si Agatha, makahulugang tingin ang ipinukol kay Tristan na natawa dahil sa narinig. Kung alam lang ni Khevin na si Kheanne ay anak nito. Kapwa sila natawa ni Agatha. "Hindi,"
"SALAMAT," Saad ni Khevin saka inilahad ang palad upang kamayan si Agatha bilang pasasalamat sa naging pagtanggap nito sa kanila sa hacienda. Tinanggap naman ni Agatha ang palad nito ngunit pinigilan ang sariling ngitian ito. "You're welcome, Khevin-" Lihim na nakadama ng lungkot si Agatha. Tila lalo pang naging hungkag ang pakiramdam nang malingunan ang anak na kumaway at nginitian ang hindi nakikilalang ama. Nakita niya ang pagsilay ng dimples ni Khevin nang gumanti ito ng ngiti sa kanilang anak. "Maraming paraan, Sir Khev," Sa gitna na ng pagmamaneho ay suhestiyon ni Mang Emil. Nasa malalim na ng pag-iisip si Khevin habang binabaybay ng sasakyan nila ang daang palabas ng Villa.Paanong kamukhang-kamukha niya ang anak ni Agatha Mondragon? "Kailangan nating makabalik sa Villa Agatha sa lalong madaling panahon, Mang Emil." Dama ni Khevin na may itinatago si Agatha Mondragon na gusto niyang alamin. "Kamukha n'yo ang anak ni Miss Agatha, Sir Khev!" Bulalas na opinyon ni Trixie, wala