"AGATHA!" Nilingon ni Agatha ang pinsan na pinagsalikop ang mga braso at matiim siyang tinitigan. Tinaasan ito ng kilay ng dalaga."Tayong dalawa na lang, baka gusto mo ng magpaliwanag-" ani Tristan. Luminga sa paligid si Agatha, napagsolo na nga sila ng pinsan niya na personal bodyguard niya na rin na si Tristan. Humugot muna ng malalim na hangin ang dalaga saka tila binura ang imahe ng pagiging Agatha Mondragon. "Nakakapagod," "Baka nakakalimutan mo na iba na ang mundo mo ngayon?" Inabutan ni Tristan ng vape ang pinsan na tila pansamantalang nakawala sa pagiging aristokratang heredera. Naging normal na ulit ang bawat kilos at galaw, naging si Agatha Buenamente na ulit ito."Gagi, naaalala ko pa naman. Ang hirap pasukin ng mundo ng Mondragon." Naghitit-buga si Agatha ng vape, ipinagpapasalamat niya na may pinsan siyang gaya ni Tristan. Komportable siya rito at kasundo niya. "Napapansin kong tila nagseselos si Khevin sa'kin," Pilyong biro nito. Natigilan si Agatha, talaga ba? "
BUMABA na ng sasakyan si Khevin, nakamasid pa rin kina Agatha at Tristan na makahulugang nagpapalitan ng tingin. May kakaiba sa ikinikilos ng dalawa? Kung tama ang hula niya, may relasyon ang dalawa. "Sir Khev!" Tawag ni Mang Emil. "Yes, Mang Emil?" "Sigurado ho ba kayo na hindi siya si Agatha?" Nagdududang tanong nito na kina Agatha pa rin nakatingin. Natigilan si Khevin. "a-anong ibig n'yong sabihin?" "Sa palagay ko, mas higit n'yong kilala si Agatha kaysa sa'kin." Wika ni Mang Emil, tila pinag-isip lang nito si Khevin. "Magkahawig lang sila, pero hindi sila iisang tao. Nagkakamali kayo." Pagdaka'y sagot ng binata. Ngunit bakit tila may kabang bumundol sa dibdib niya? Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang nakalitaw nitong balikat. Ang nunal ni Agatha at Miss Mondragon ay parehong nasa iisang bahagi. Posible kayang nagkataon lang? "Alam mo bang nahahalata ka na ni Khevin?" Pabulong na saad ni Tristan kay Agatha, halos dumikit na ang labi niya sa punong-tainga ng dalaga. Kumun
"Hindi kaya magselos ang bodyguard mo?" Ani Khevin habang nakatingin sa nakamasid na si Tristan. Bahagyang natawa si Agatha. "Magselos?" "Hindi naman maitatanggi na-" Tumawa si Agatha, napapantastikuhan na tiningnan ito ni Khevin. Nakaramdam ng inis at pagkapahiya ang binata na naging katawa-tawa lang siya sa paningin nito. "Hindi ko siya boyfriend, Khevin." Natigilan si Khevin."Personal bodyguard ko lang si Tristan, hindi ako papatol sa bodyguard lang." Sinulyapan ni Agatha ang pinsan at kinawayan. "Mataas nga pala ang standard mo," saad ng binata. Baka nga mali siya ng hinala."Hindi ako papatol sa hindi ko ka-level. Ayoko ng utusan." Nakataas ang kilay na paliwanag ni Agatha.May tila ipinaalala kay Khevin ang tinuran ni Agatha, sinabi niya na rin 'yun. "Katulong, utusan, alipin. Hindi sila ang uri ng mga taong papasa sa panlasa ko para gawing nobyo." Ngumiti ng sarkatiko si Agatha saka nagsimula ng lumangoy papalayo sa binata. Kailangan niya ng huminga bago pa siya tuluyan
MAAGAP si Tristan, lumapit na agad nang mapansing tila nagiging marupok na si Agatha. Lahat ay natigilan sa nakitang pagkapagkit ng mga tingin ng dalawang CEO na ngayon ay magbusiness partner na."Kailangan n'yo ng bumalik ng mansyon, Senorita." ani Tristan saka sinalubong ang mapanuring titig ni Khevin. "Sige," iniabot ni Agatha ang kanang-kamay kay Tristan upang alalayan siyang makaahon sa tubig. "Talaga bang kailangan mo ng umalis?" Nakakunot-noong tanong ni Khevin. Marami pa siyang gustong tuklasin sa kaharap. "Hinihintay ka na ni Señorito Kheanne," ani Tristan na nakatingin sa pinsan. "Kheanne?" Nagtatanong ang mga matang saad ni Khevin. Tama nga yata ang hinala niya, haliparot ang heredera sa kabila ng pagiging mayaman at edukada. Gusto niyang mapailing. "N-nobyo mo?" tanong ni Khevin. Napangiti lang si Agatha, makahulugang tingin ang ipinukol kay Tristan na natawa dahil sa narinig. Kung alam lang ni Khevin na si Kheanne ay anak nito. Kapwa sila natawa ni Agatha. "Hindi,"
"SALAMAT," Saad ni Khevin saka inilahad ang palad upang kamayan si Agatha bilang pasasalamat sa naging pagtanggap nito sa kanila sa hacienda. Tinanggap naman ni Agatha ang palad nito ngunit pinigilan ang sariling ngitian ito. "You're welcome, Khevin-" Lihim na nakadama ng lungkot si Agatha. Tila lalo pang naging hungkag ang pakiramdam nang malingunan ang anak na kumaway at nginitian ang hindi nakikilalang ama. Nakita niya ang pagsilay ng dimples ni Khevin nang gumanti ito ng ngiti sa kanilang anak. "Maraming paraan, Sir Khev," Sa gitna na ng pagmamaneho ay suhestiyon ni Mang Emil. Nasa malalim na ng pag-iisip si Khevin habang binabaybay ng sasakyan nila ang daang palabas ng Villa.Paanong kamukhang-kamukha niya ang anak ni Agatha Mondragon? "Kailangan nating makabalik sa Villa Agatha sa lalong madaling panahon, Mang Emil." Dama ni Khevin na may itinatago si Agatha Mondragon na gusto niyang alamin. "Kamukha n'yo ang anak ni Miss Agatha, Sir Khev!" Bulalas na opinyon ni Trixie, wala
NANLALAMBOT ang mga tuhod ni Agatha habang humahakbang papalapit sa katawan ng ama na wala ng buhay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ni Tristan. "Agatha-" Naglandas ang mga luha sa pisnge ni Agatha. Inihanda na siya ng ama sa pagpanaw nito ngunit tila hindi niya napaghandaan ang damdamin na maaari palang mas masakit pa sa inaasahan niya. "Tristan," sumubsob siya sa balikat ng pinsan. Masuyo siyang inakbayan nito. "Magpakatatag ka." Tumango si Agatha, hindi siya pwede magpakita ng kahinaan. Sa pagkawala ng ama, tila naipasa na rin sa kaniya ng tuluyan ang napakalaking responsibilidad sa mga naiwan nitong pag-aari. Dapat isa siyang matatag na Mondragon. Pinahid ng dalaga ang mga luha saka tinatagan ang loob na nilapitan ang ama na payapa ng nakahimlay. "Salamat sa lahat, Papa. Hindi kita bibiguin." Sa unang araw pa lang ng burol ni Don Sylvestre, ipinagluksa na ng buong Villa ang kamatayan nito. Iniyakan ng lahat at dama ang matinding kalungkutan sa buong hacienda. Nagsuot
NABALING ang atensyon ni Khevin kay Kheanne, napatitig siya sa munting mukha nito na tila replika niya. Humawak na ang munting palad nito sa kamay niya."I'm sad-" lumabi si Kheanne at akmang iiyak na kaya maagap na niyakap ito ni Khevin. Magaan ang loob niya sa anak ni Agatha. Makahulugang nagkatinginan sina Tristan at Agatha. "Dapat matapang ka palagi, kasi iyon din ang gusto ng Lolo Seve mo." Masuyong inalo ni Khevin ang buhok ng hindi nakikilalang anak. "Yes po," Nagpahid ito ng luha gamit ang likod ng palad. "Dapat brave ako always.""Yaya, dalhin mo na sa silid niya si Kheanne." Utos ni Agatha sa Yaya nito na tumalima naman. Halos ayaw pang bumitiw ni Kheanne sa hindi nakikilalang ama.Muli naman itong niyakap ni Khevin, tila ayaw niya ring mawalay sa tabi niya ang munting Mondragon. Tila naging larawan sila ng isang pamilya. "Bye, Tito Tristan!" Humalik muna ito sa Tito nito at sa ina saka sumama na sa Yaya nito pabalik sa silid nito.Sinundan na lamang nila ito ng tanaw hab
SERYOSO, matiim at nanunuot ang mga titig ni Agatha sa paparating na si Cassey. Umiimbay ang balakang nito, modelong-modelo gumalaw. Maganda, sexy at sopistikada. Sinulyapan ni Agatha si Tristan, mas naging alerto ang pinsan maging ang mga kasama nitong bodyguard. Kilalang-kilala nila ang pagkatao ni Cassandra, maliban sa pagiging plastik ang pag-uugali ay traydor ito. Kasama nito ang personal assistant nito na si Ayezha, driver at dalawang personal bodyguard. Damang-dama ni Agatha na ang pakikiramay nito ay tila formality at hindi pakikisimpatiya. "Condolence, cousin." B****o si Cassey. Yumakap din ito at nagpahid ng pekeng luha. "Nakilala din kita sa wakas!" "Salamat," Mas malamig pa sa yelong sagot ng heredera. Napasulyap si Agatha sa kinaroroonan ni Khevin, mataman lang itong nakamasid. Bahagya lang itong sinulyapan ni Cassey saka sumilip sa coffin ni Don Sylvestre. Nagkatinginan sina Tristan at Agatha. Parang gustong hilain ni Agatha ang modelo papalabas ng mansyon dahil sa kap