Share

79

Author: Aurora Solace
last update Huling Na-update: 2024-10-21 13:19:11
"Anong ginawa ko?! Kumalat na sa media, naglipana na ang mga litrato nila ni Harman. Kung hindi ka naniniwala, tingnan mo sa Weibo, siya ang top trending. Kung ako ang tatanungin, ang galing talaga ng abogadong ‘yon. Kahit hindi siya celebrity, lagi siyang nasa hot search. Talagang magaling!"

Walang tinag ang pangungutya sa mga mata ni Michaela, at hindi niya nakalimutang tingnan ang lalaking nasa harap niya. Pero... wala man lang pakialam si Dominic sa sinasabi niya, abala itong nag-aayos ng mga file sa computer.

Hindi na nakatiis si Michaela at nagsalita ulit, "Dominic, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?! Si Karylle ay isang babaeng mababa ang moralidad!!"

Tumingin si Dominic sa kanya nang malamig, "Tapos ka na ba?"

Magpapatuloy sana si Michaela, pero bigla siyang hinila ni Andrea, ang isa pang abogado at bumulong, "Michaela, huwag mo na ituloy."

Habang nagsasalita si Andrea, binigyan niya ito ng senyas, at nakita ni Karylle na nasa pinto siya.

Pero hindi napansin ni Michaela ito. Bi
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Kaugnay na kabanata

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   80

    Kahit simpleng mga salita lang ang sinabi ni Karylle, ramdam ng anim na tao ang matinding tensyon.Nagtinginan sila kay Karylle nang hindi makapaniwala. Siya ba talaga ang dating Mrs. Sanbuelgo? Ibang-iba ang dating niya kumpara sa karaniwang tao.Hindi maganda ang itsura ni Michaela. Kahit may takot siya, pilit niyang pinapanatili ang kanyang pride at sinabing, "Takot ba ako sa'yo?! Totoo lang naman ang mga sinasabi ko!"Ngumiti lang si Karylle at nagpatuloy na naglakad papasok sa opisina.Naiwan sina Michaela at ang iba pang mga tao sa kinatatayuan nila, tahimik na tinititigan ang likod ni Karylle. Parang hindi sila makapaniwala sa kanyang dignidad at kakayahang di mapantayan.Tila nakatakda si Karylle na maging sentro ng atensyon kahit saan siya magpunta, at lahat ng mga masamang komento tungkol sa kanya ay tila naging inggit na lang.Napabuntong-hininga si Andrea, saka tinulak si Michaela, "Michaela, bawasan mo na lang ang sinasabi mo. Kahit divorced na siya, hindi mo pa rin dapat

    Huling Na-update : 2024-10-21
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   81

    Hindi pa rin tumitigil ang mga usapan sa lawfirm. AT patuloy ang takbo ng orasan, at hapon na.Si Adeliya ay hindi naman nagpapabaya at dumiretso sa lumang bahay ng pamilya Sanbuelgo.Marami siyang dalang mga regalo, para magpakitang-gilas sa pamilya Sanbuelgo. Nag-abiso na siya kay Lauren, kaya hindi na kailangan pang ipaalam muli.Pagkapasok niya sa pintuan, agad siyang binati ni Lauren nang masaya, "Hello Adeliya."Ngumiti si Adeliya at tumango, "Hello, tita."Iniabot niya ang isang mamahaling kahon ng skincare, "Tita, pinadala ito ng kaibigan ko mula sa abroad. Siguradong totoo 'yan at maganda ang epekto. Subukan mo, kapag nagustuhan mo, hihingi ako ulit ng iba."Tinanggap ni Lauren ang regalo at ngumiti ng magalang, "Oh, lagi ka na lang may dala kapag pumupunta ka. Hindi mo na kailangang magdala ng mga regalo sa susunod, ha? Nakaligtas ang anak ko dahil sa'yo, hindi ko makakalimutan ang utang na loob na 'to."Ngumiti si Adeliya at umiling, "Instinct lang 'yon nung nangyari, tita.

    Huling Na-update : 2024-10-21
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   82

    Tumango si Adeliya na parang sang-ayon, "Oo nga, sobra na talaga, pero ganito na talaga sa internet, tita, kailangan mo nang masanay.""Hindi! Ang ibig kong sabihin, sobra na sila!" Bumagsak ang mukha ni Jenny, hindi pinansin si Adeliya, at agad niyang kinuha ang telepono at tumawag.Agad naman sumagot ang nasa kabilang linya, at mariing sinabi ni Jenny, "Nasaan ka ngayon?"Kalma lang ang boses ni Harman, "Pauwi na ako."Pilit pa ring pinipigilan ni Jenny ang kanyang galit, mahigpit na hawak ang telepono, "Bakit hindi mo ako sinabihan na uuwi ka na?! Bakit mas inuna mo pang puntahan si Karylle?!"May bahagyang ngiti sa mata ni Adeliya, kung magkaaway ang dalawa, lalo pang mababawasan ang respeto ni Jenny kay Karylle, at sa oras na 'yon, tiyak na hindi na makakabalik si Karylle sa pamilya Sanbuelgo.At ang namumuno sa pamilya ay si Joseph Sanbuelgo, na hindi rin gusto si Karylle. Si Adeliya lang ang nais magpakasal sa pamilya Sanbuelgo, at determinado siya rito.Hinila ni Adeliya ang la

    Huling Na-update : 2024-10-21
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   83

    Katatapos lang makipag-usap ni Mr. Monde sa telepono at papalapit na sana siya kay Karylle, nang bigla siyang makatanggap ng isa pang tawag.Naging mas seryoso ang ekspresyon ni Mr. Monde, at paminsan-minsan ay tinitingnan niya si Karylle, na tila may kaunting paghingi ng tawad sa kanyang mga mata.Napansin ito ni Karylle at nagtaka siya sa kanyang isipan. Hindi nagtagal, lumapit si Mr. Monde kay Karylle at puno ng pagkakonsensya, "Ms. Granle, pasensya na talaga, pero... mukhang hindi ko na ito maibebenta sa iyo."Nagtaka si Karylle, "May problema ba?"Napabuntong-hininga si Mr. Monde, "Kasalanan ko rin, wala akong lakas para magdesisyon sa sarili kong tindahan... Kanina, may tumawag sa akin, isang malaking tao, at gusto niyang bilhin ito. Kung hindi ko raw ibenta sa kanya..."Hindi na niya itinuloy ang sinasabi, pero halatang may iba pang interes na kasama rito para kay Mr. Sandejas.Bahagyang kumunot ang noo ni Karylle, "Sino ba ang taong iyon, pwede mo bang sabihin?"Walang magawa s

    Huling Na-update : 2024-10-21
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   84

    Malinaw ang isip ni Mr. Monde. Kung gusto man ni Harold na guluhin siya, walang silbi ang basta tignan lang ang kontrata. Kinuha niya agad ang card at walang pag-aalinlangan na pinirmahan ito. Ngumiti siya at sinabing, "Well in that case, dadalhin kita bukas para mailipat na natin ang property."Kalma lang si Harold at iniabot ang kontrata kay Karylle, "Here you go."Nang malapit ng mahulog ang kontrata, mabilis niya itong hinawakan, pero tinitigan si Harold ng may pagtataka.Nakangisi si Harold, "Alam kong galit ka sa akin ngayon, pero hindi kailangan gawing pangit ang lahat. Dahil gusto mo itong lugar, bibilhin ko para sa'yo. I just hope na hindi mo na istorbohin ang pamilya Sanbuelgo."Ang paghamak sa mata ni Harold ay nagpatawa kay Karylle. Basta na lang niyang inihagis ang kontrata sa sahig, "Naalala ko na sinabi ko sa'yo na ang mga gamit mo ay madumi."Miss Granle...Kaya pala! Si Miss Granle pala ang dating asawa ni Harold! Dahil naka-maskara at sunglasses siya, hindi siya nakil

    Huling Na-update : 2024-10-22
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   85

    Maaga pa lang, pagbaba ni Karylle, nakaparada na ang isang asul na Lamborghini sa tapat ng bahay niya. Sandaling tumigil ang tingin ni Karylle sa kotse, at biglang bumukas ang pinto ng driver. Bumaba si Alexander mula sa sasakyan.Suot niya ang royal blue na suit, na lalong nagpatingkad sa makinis niyang balat. Hindi siya mukhang pretty boy, pero sobrang mahinahon ang dating niya.Kung hindi mo alam na malamig siya sa loob, sa mga oras na ito, para lang siyang warm and caring guy."Morning."Lumapit si Alexander at binuksan ang pinto ng front seat para kay Karylle, may bakas ng sorpresa sa mga mata niya.Lagi siyang nagugulat kay Karylle.Ang suot ni Karylle ngayon ay simple lang—isang itim na formal suit.Pero kahit noong nakita niya si Karylle sa lawfim, pormal din ang suot nito, pero iba ang dating ngayon.Nakatali ang mahabang buhok ni Karylle. Ngayon, malinis at maayos siyang tingnan, at hindi nawala ang malumanay na tingin ni Alexander sa kanya.Walang pag-aalinlangan si Karylle.

    Huling Na-update : 2024-10-22
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   86

    Biglang nanlamig ang mukha ni Harold. Napansin ni Atty. Lee na may mali at tumingin sa direksyon niya. Nakita niyang magkasabay na naglalakad sina Karylle at Alexander, mukhang nagtatawanan pa. Napangiwi siya."Hindi ka talaga mapakali," galit na sabi ni Harold sa kanyang sarili.Masyadong matalim ang tingin niya, kaya't napansin agad sila ni Karylle at Alexander.Bahagyang ngumiti si Alexander, pero bago pa siya makapagsalita, pumasok na agad si Harold sa loob.Tumingin si Atty. Lee kay Karylle, tinaas ang gitnang daliri sa kanya, at pumasok na rin.Bahagyang ngumiti si Alexander at tumingin kay Karylle. Hindi nagsalita si Karylle at patuloy lang na naglakad papasok.Nang mga oras na iyon, nakaupo na si Harold sa upuan ng defendant.Pero nang makita niya ang sign sa kabilang panig, mas lalo pang humigpit ang ekspresyon ng mukha niya.Napatitig din si Atty. Lee at nagulat, "Anak ng—kailan pa naging abogado si Karylle?!"Nanggigigil si Harold pero hindi nagsalita."Nagpapatawa ba si Ale

    Huling Na-update : 2024-10-22
  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   87

    Sayang nga lang na nasa korte sila at hindi puwedeng mag-record, kung hindi, siguradong ire-record nila ito mula umpisa hanggang dulo.Ipapakita nila sa lahat ang eksenang 'to.Walang nag-aakalang magiging ganito ka-powerful si Karylle, gusto lang talaga ng mga tao na makita ang tsismis dito.Kalma ang judge habang nagsalita, "Defendant, ano sa tingin niyo ang mali sa mga sinabi ng plaintiff?"Handa na si Atty. Lee para dito, at naisip na rin niya ang mga puntong babanggitin ng kabilang panig, kaya’t diretsong sumagot siya."We object."Nasa upuan si Harold, pero wala siyang balak makinig sa sinasabi ni Atty. Lee. Ang matalim niyang tingin ay nakatutok kay Karylle.Napataas ang kilay ni Alexander, mukhang mas nagiging interesting ang susunod na mangyayari."May lima kaming objection sa mga tanong ng plaintiff.""Una, ayon sa Contract Law at General Principles of the Civil Law, protektado ang mga online virtual property. Sa kasong ito..."Sunod-sunod na sinabi ni Atty. Lee ang limang pu

    Huling Na-update : 2024-10-22

Pinakabagong kabanata

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   505

    Medyo nagulat sina Nicole at Roxanne sa narinig."Teka, parang may tinatago ka," sabi ni Nicole habang sinusulyapan si Karylle sa rearview mirror.Napatingin din si Roxanne kay Karylle, pero nanatiling tahimik.Sandaling nag-alinlangan si Karylle bago siya marahang nagsalita."Nagpakita siya ng malasakit sa akin, pero ramdam kong mas maingat na siya ngayon. Parang may halong komplikado ang tono ng boses niya. Nang masiguro niyang ayos lang ako, hindi na siya muling nag-text o tumawag. Sinabi rin niya na hindi na raw niya ako guguluhin."Napakunot-noo si Nicole. "Totoo ‘yan? Parang hindi siya ‘yan. Talaga bang sinabi niya 'yon?"Tumango si Karylle. "Oo, totoo."Pagliko ni Nicole sa kaliwa, hindi na niya napigilang muling magsalita. "Grabe, parang ibang tao siya ngayon. Dati gusto ka niyang guluhin araw-araw, ngayon siya pa nagsasabing di ka na niya guguluhin? Matagal ka niyang gusto, diba?"Tumango lang si Karylle, kalmado ang boses. "Nagulat din ako. Pero dahil sinabi niya ‘yon, hi

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   504

    "H-Hindi ako!" mariing depensa ni Alen. "Huwag kang tanga!"Masama ang timpla ng mukha ni Alen habang sinusubukang itanggi ang akusasyon. Halata sa kanyang kilos ang matinding inis at pagkabalisa. Ganoon din si Roy—halatang hindi rin makapaniwala at mukhang hindi maganda ang pakiramdam.Ngunit sa puntong ito, pina-play na ng hukuman ang audio at video recordings na hawak nila.At pagkalabas ng mga ebidensyang ito...Lahat ng nandoon ay tila biglang natahimik.Sa recording, hirap marinig ang mga sinasabi ni Alen—malabo, pero malinaw ang intensyon. Sa video naman, lantad ang mga nakakahiya at hindi kanais-nais na eksena.Walang makapagsalita. Lalong lumala ang tingin ng mga tao kay Alen. Pati mismong pamilya at mga kaibigan niya, hindi maitago ang hiya. Gusto na nilang lumubog sa kahihiyan—o umalis na lang nang hindi nagpapaalam.Nang makita ni Alexa ang ebidensya, namutla siya. Kita sa mukha niya ang matinding pagkasira ng loob.Parang isinusumbat ng mundo sa kanya na siya ay pinagtaks

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   503

    Muling nagsiupo ang lahat, at bakas sa mukha ng mga hukom at iba pang mga opisyal ang seryosong ekspresyon.Sa hanay ng mga manonood.Dumating din sina Roxanne at Nicole.Si Nicole, syempre, hindi palalampasin ang pagkakataong matuto—lalo na’t ang kaibigan niya mismo ang nasa kaso, isang napakahusay na abogada.Samantala, si Roxanne naman ay walang ginagawa sa araw na iyon, kaya naisip niyang sumama para makapag-relax.Ngunit nang makita ni Nicole kung sino ang isa pang abogado, biglang nagdilim ang kanyang mukha."Anak ng—! Anong ginagawa niya rito?!"Kanina pa sila nagkukuwentuhan ni Roxanne kaya hindi nila agad napansin. Ang alam lang nila, siguradong panalo na si Karylle sa kasong ito. Sa totoo lang, iniisip nilang walang matinong abogado ang tatanggap ng kaso ng kabilang panig.Pero nang tiningnan nila kung sino ang lumitaw, hindi nila inaasahan ito!Maging si Roxanne ay bahagyang nagulat. "Malamang nalaman niya na si Karylle ang humawak sa kaso.""Hindi pa ba siya nadadala? Nata

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   502

    Pagkababa ni Karylle ng tawag, muling tumunog ang kanyang cellphone.Sinagot niya ito at bago pa siya makapagsalita, agad nang narinig ang boses sa kabilang linya."Kumusta ka?"Malamig ngunit kalmadong sagot ni Karylle, "Ayos lang ako, wala namang problema."Bahagyang kumunot ang noo ni Alexander. "Pinag-usisa ko na ang sitwasyon mo. May alam na ako tungkol sa nangyari.""Wala ka nang kailangang alalahanin," sagot ni Karylle, nananatiling mahinahon.Napabuntong-hininga si Alexander. "Lagi mong iniisip na ginagamit lang kita, na may motibo ako sa bawat ginagawa ko."Napipi si Karylle. Gusto niyang hindi na lang sagutin, pero hindi rin niya gustong manahimik nang tuluyan. Sa huli, bahagya siyang napangiti at sinabing, "Masyado mong pinag-iisipan."Alam ni Alexander kung ano ang tunay na iniisip ni Karylle, kaya hindi na niya pinagpatuloy ang usapan. Sa halip, bahagya niyang binaba ang tono ng boses niya."Nagkaproblema ako kay Harold, kung hindi lang dahil sa kanya, agad na sana akong

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   501

    Nararamdaman ni Karylle na posibleng galit na galit na ang pamilya ni Lucio at hindi na nila mapigilan ang kanilang galit, kaya't maaaring desidido silang may gawin laban sa kanya.Napuno ng pag-iisip ang kanyang mga mata."Hay... Sa hinaharap, anuman ang mangyari, kailangan mo pa ring mag-ingat," sabi ni Lady Jessa. "Bakit hindi ka na lang magdala ng bodyguard? Pahanap ka kay Harold ng dalawang tao na maaaring sumunod sa'yo para lang makasigurado tayo sa iyong kaligtasan. Ngayong nakatutok na sila sa'yo, hindi malayong may kinalaman ito sa mga kaaway. Mag-isa ka lang, hindi iyon ligtas."Ngumiti lang si Karylle. "Lola, ayos lang ako, huwag kang mag-alala."Ngunit sa totoo lang, nais niyang alamin ang buong katotohanan sa likod ng nangyari.Hindi mapakali si Lady Jessa at patuloy siyang pinayuhan. Sa huli, pumayag na rin si Karylle, bagaman may pag-aatubili, at sinabing hahanap siya ng taong maaaring magbantay sa kanya.Walang nagawa si Harold kundi sumang-ayon na maghanap ng dalawang

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   500

    Habang kalmadong naglakad patungo sa upuan ng driver, mabilis na pinaandar ng lalaki ang sasakyan at umalis. Napakunot ang noo ni Karylle.Tahimik ding nagsalita si Harold, waring nakatutok lamang sa pagmamaneho.Pumikit sandali si Karylle bago nagsalita, "Naiwan pa ang kotse ko roon. Pagdating sa intersection, ibaba mo na lang ako."Ang tinutukoy niyang "roon" ay malapit sa eskinita.Ngunit hindi man lang siya sinagot ni Harold. Sa halip, nagpatuloy ito sa pagmamaneho na tila hindi narinig ang sinabi niya.Habang tumatagal, napansin ni Karylle na hindi dumaan si Harold sa inaasahan niyang ruta.Bigla siyang napalingon dito. "Saan tayo pupunta?"Hindi pa rin ito sumagot, patuloy lang sa pagmamaneho na may malamig na ekspresyon sa mukha. Hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin.Habang palayo sila nang palayo, unti-unting nakuha ni Karylle kung saan sila patungo.Napakagat siya ng labi at hindi na nagsalita pa.Sa dami ng ingay sa social media, malamang ay nalaman na rin ito ng kan

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   499

    Narating na ng lahat ang kanilang destinasyon. Samantala, ramdam na ramdam ng mga basagulero at siga ang matinding sakit sa kanilang katawan. Ang ilan sa kanila ay halos hindi na makalakad, lalo na ang kanilang pinuno na si Manon. Kinailangan nitong sandalan ang dalawa niyang tauhan para lang makagalaw, at sa bawat hakbang ay tila nalalapit siya sa pagkawala ng ulirat.Habang naglalakad patungo sa presinto, nais sanang sabihin ni Manon sa mga pulis na may iniinda siyang karamdaman at kailangang dalhin sa ospital. Ngunit nang magtama ang kanilang mga mata ni Karylle at makita niya ang malamig nitong tingin, napalunok siya at piniling manahimik.Pagdating sa presinto, agad na pinatugtog ni Karylle ang nairekord niyang usapan mula kanina. Sa isang iglap, lumabas ang lahat ng kabastusang sinabi ng mga siga, dahilan upang mas lalo silang kabahan. Samantala, ang dalawang pulis na nakikinig ay unti-unting sumimangot, tila lumalala ang inis habang pinakikinggan ang ebidensyang inilatag ni Kar

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   498

    Sabay na tumingin sina Adeliya at Andrea sa cellphone, dahil pareho nilang alam na maaaring galing na naman ito sa misteryosong tumatawag.Tiningnan ni Adeliya ang screen at napansin niyang isang virtual call ito—walang lumabas na regular na numero ng cellphone.Saglit siyang nagdalawang-isip bago sinagot ang tawag, ngunit hindi siya nagsalita.Agad namang sumunod ang boses ng kausap—ang pamilyar na tinig na parang isang batang babae dahil sa voice changer."Nakita mo na ba sa internet?"Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Adeliya. Sandali siyang nag-isip bago marahang sumagot, "Oo, nakita ko."Tatlong salita lang ang kanyang binitiwan—hindi dahil wala siyang gus

  • AFTER DIVORCE: Loving My Ex-Wife   497

    Madiing nakakunot ang noo ni Adeliya, hindi nagsasalita.Lalong nakaramdam ng kaba si Andrea—"Nagsisinungaling ka ba sa akin?"Mariing ngumiti si Adeliya at sumagot, "Hindi ako ang gumawa. Sigurado akong hindi ako, pero... alam ko ang nangyari."Lalong napuno ng pagtataka si Andrea. "Ano bang sinasabi mo? Hindi mo ba pwedeng sabihin nang diretso? Pinapakaba mo lang ako!"Mariing pinagdikit ni Adeliya ang kanyang mga labi, halatang nag-aalangan magsalita.Pero hindi basta-basta palalampasin ni Andrea ang bagay na ito. Kilalang-kilala niya ang anak kaya mas lalong lumalim ang boses niya."Ako ang ina mo! Ano pa bang hindi mo pwedeng sabihin sa akin? May nangyari ba? May nakausap ka ba? Sabihin mo na, dahil kung hindi, baka ito mismo ang patibong ni Karylle laban sa’yo!"Napakurap si Adeliya, halatang tinamaan. Nag-alinlangan pa siya ng ilang sandali, pero sa huli, unti-unting ikinuwento niya ang nangyari noong araw na iyon.Noong araw na iyon, may inaasikasong bagay si Andrea kaya naiwa

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status