HINDI MAKAHUMA DOON si Geoff dahil ang lahat ng sinabi ni Oliver ay totoo. Aminado naman siya doon kaya nga sinubukan niyang hanapin si Alyson. Sinubukan niyang itama ang mali niya pero nahirapan siya. Pinapahirapan siya at sangkot pala doon ang lalakeng kaharap niya. Hindi naman siya sumuko pero ng
ISANG ARAW LANG ang ginugol ni Alyson sa bahay nila sa New York kahit na alam niyang pagod pa ang katawang lupa niya ay nagdesisyon na siyang bumalik ng Pilipinas kinabukasan din ng araw na iyon. Hindi sa ayaw niyang magtagal sa lugar, pero may mga bagay siyang naisip na kailangang isaalang-alang ha
NAIPILIG NA NI Alyson ang kanyang ulo ng maalala ang tagpong iyon habang mahinang natawa sa kanyang sarili. Susuwayin din naman pala niya ang kapatid, inaway pa niya ito ng araw na iyon at ilang Linggo niyang hindi inimikan upang ipakitang galit siya sa ginawa nito. Tapos heto siya ngayon? Sinusundo
MINABUTI NI GEOFF na ipagpabukas na lang ng umaga ang pagpunta sa address ng bahay nina Alyson. Nasa New York na siya. Gahol na at alanganin na rin ang oras noon na halos ay malapit ng maghati ang gabi. Dumeretso siya sa hotel na kanyang ibinook ng isang gabi. Malapit lang sa bahay iyon ng dati niya
NANGHAHAPDI PA ANG mga mata ni Alyson at namimigat man ang katawan ay kinakailangan na niyang bumangon ng kama at maghanda. May lakad sila ng mga bata ng araw na iyon na hindi niya pwedeng ipagpabukas pa. Nang nagdaang gabi matapos namakapagpahinga at bagama’t malalim na ang gabi bago matulog ay nag
NAKANGITING YUMUKOD SI Alyson upang salubungin ang mga anak at bigyan sila ng halik kahit na pawis na pawis. Natutuwa siya na hindi nag-iinarte ang tatlo na maaga pa lang ay ang alinsangan na ng panahon na hindi gaya sa klima ng bansang kinamulatan nila. Panigurado na excited pa rin kasi sila dahil
WALANG HUMOR NA natawa si Alyson sa sagot ng kapatid. Gusto pa rin niya talagang malaman kung sino iyon, at naiinis na siyang hindi madulas-dulas ang kapatid sa pangalan ng nakasuntukan. “Talaga? Ang galing. Nakaka-proud pa pala ang ginawa mo. So sino ang talipandas na nakalaban mo at sa anong dahi
SA GATE PA lang ng mansion ni Don Gonzalo Carreon ay maningning na ang mga mata ng triplets na sabik na gumagala sa paligid. Mababasa ang kakaibang saya sa kanilang mga mata na noon lang nakita ni Alyson sa mga anak. Ilang minuto na silang nasa harapan ng gate, nakatigil na parang may sign na hinihi
SA ARAW DIN na iyon ay lumipat silang mag-anak ng villa kagaya ng naunang plano ng mag-asawa. Hinakot ang lahat ng gamit nila at maging ang mga maid nila ay kasama na. Wala silang iniwan sa villa ng mga Carreon ang kanilang pamilya kundi bakas. Ang mga naiwan na doon ay ang lumang mga maid. “We can
HINDI NA PINATAGAL nina Alia at Oliver ang kanilang napagkasunduang magiging kasal sa civil. Agad nilang nilakad ang mga kailangan nilang papers upang mapagtibay na silang dalawa ay muling maging mag-asawa sa legal na paraan. Hindi naman na sila nahirapan pa doon dahil parehong ready na ang lahat ng
HINDI NA MAPAWI ang mga ngiti sa labing humarap na si Alia kay Oliver matapos niyang hawakan ang kamay nitong nakahawak sa beywang niya. Sa hitsura niyang iyon ngayon ay tila ba hindi siya umiyak kanina. Si Alia na ang kusang humalik sa labi ni Oliver ng ilang segundo na ikinalamlam na ng mga mata n
NAPAAWANG NA ANG labi ni Oliver nang makita ang pagbaba ng mga luha ni Alia na halatang sobrang nasasaktan sa mga salitang sarili niyang binitawan. Sinalo ni Oliver iyon gamit ang kanyang mga daliri at sinubukan siyang kalmahin sa pamamagitan ng pagyakap ngunit mabilis lang siyang itinulak papalayo
NAHANAP NI ALIA ang sasakyan ni Oliver pagkalabas niya ng coffee shop kahit na medyo natataranta pa ang kanyang katawan nang dahil sa pag-uusap nilang dalawa ni Leo. Nagbago ang expression ng mukha si Oliver nang lingunin niya na si Alia na nasa labas na ng kanyang sasakyan nakatayo. Pinagbuksan na
DAMA ANG HIMIG ng iritasyon ni Alia sa huling sinabi niya, Hindi pa kalat na legal na hiwalay na sila ni Oliver kung kaya naman walang masama kung ariin niya itong kanyang asawa. Hindi iyon naging public kung kaya naman kahit sabihin iyon ni Alia ay walang magiging problema dahil muli rin naman sila
MAHIGPIT NA NIYAKAP ni Alia ang anak. Sa Malaysia umuulan pero hindi madalas ang malakas na kulog at kidlat kumpara nitong nasa Pilipinas na sila. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa trauma nito noong bata pa siya na naranasan niya sa kamay ni Melody nang madukot, pero tanging sa kulog at kidlat l
MULA SA OPISINA ay dumiretso si Oliver sa Gallery ni Alia upang sunduin niya ito. Ilang minuto siyang naghintay sa labas noon habang bitbit ang malaking bouquet ng bulaklak na kanyang ibibigay. Mula ng magkabalikan sila ay hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na maging sweet sa kanya. Naging part
BANTULOT NA PUMASOK at puno ng pag-aalinlangan si Zayda sa loob ng opisina habang masusing pinagmamasdan ni Oliver ang bawat galaw. Kasalukuyang kakababa lang ng tawag sa kanyang cellphone na mula kay Alia. Umayos ng upo ang lalaki upang makinig sa mga sasabihin ng kanyang empleyado na nagawa ng mak