PARANG ITINULOS SA kinatatayuan niya si Alyson ng mga sandaling iyon. Hindi makapaniwala ang kanyang mga mata nasasaksihan na parang nilalaro siya ng kanyang imahinasyon. Napuno ng maraming katanungan ang kanyang isipan habang pinagmamasdan ang mga anak niyang nagka-karera kung sino ang unang makaka
HINDI GAYA NG inaasahan ni Alyson na makakaharap nila ngayon si Geoff sa hapag, natapos na lang kasi ang pagkain nila ng lunch pero ni anino ng dating asawa ay hindi niya nakita. Hindi naman siya naglakas ng loob na magtanong sa matanda, mamaya niya na gagawin iyon oras na ma-klaro niya ang mga kata
“P-Paano niyo nagawa sa akin, ‘yun Lolo? Paano niyo nagawang papiliin siya?” iling-iling doon ni Alyson na hindi na alam kung tama pa bang kausapin niya ang matanda, “Alam niyo ba na sa loob ng apat na taong iyon, sa kanya ako nagalit? Inipon ko ang sama ng loob ko sa kanya dahil ang buong akala ko
WALANG IMIK NA sumunod ang mga yaya ng anak ni Alyson bitbit ang mga batang naguguluhan sa nangyayari nang sabihin ng babae sa kanilang uuwi na sila. Puno man ng pagtataka ang kanilang mga mata sa biglaang desisyon ng amo nila ay hindi sila dito nagtanong. Hindi nakaligtas sa kanila ang mga mata nit
Dahan-dahang humina ang pag-iyak ng mga bata. Agad namang nakonsensya si Alyson pero hindi niya iyon ipinakita sa mga anak. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at mabilis na niyang pinaharurot iyon paalis ng bakuran ng mansion ni Don Gonzalo Carreon. Hindi pa nakakalayo ang sasakyan sa mansion ay
PUPUNGAS-PUNGAS NA napatayo si Geoff nang biglang maalimpungatan sa kanyang mahimbing na pagtulog. Muli siyang napaupo nang maramdaman ang biglang pagkahilo sa ginawa niyang agarang pagtayo. Nasapo niya ang noo nang ilang segundong maging madilim ang kanyang buong paningin. Nasa immigration na siya
MALAKAS PANG UMATUNGAL ng iyak si Alyson sa narinig niyang sinabi ng kapatid. Ipinadyak-padyak ang mga paa sa sahig ng sasakyan. Sinapo na ang mukha niyang puno ng pagluluksa na patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Hindi pansin at alintana ang mga lingon ni Oliver na sobrang awang-awa na sa kan
LINGID SA KAALAMAN ni Xandria ay alam na ng mga magulang niya na may anak na triplets sina Geoff at Alyson. Hindi man sila naniniwala nang hindi nakikita ng kanilang mga mata, basta ang mahalaga ay alam na nila ang tungkol doon. Hindi na rin nakatiis ang matandang Don at sinabi niya na iyon habang t
MATAPOS NOON AY tumulak na sila patungo ng dating villa nina Alyson. Habang patungo doon ay iniisip na ni Alia ang kanyang mga gagawin sa sunod na mga araw upang ukupahin ang sarili dahil sa guilt na nararamdaman sa puso niya na alam niya naman kung saan iyon galing. Kailangan niyang maayos na rin a
LUMARGA NA PAALIS ng mansion si Oliver matapos ng almusal at ilang usapan pa ng mga magulang. Hindi nagtagal ang topic nila kay Alia at nalipat na rin sa problema na kinakaharap ng lalaki. Samantala, isang oras pa pagkaalis ni Oliver ay nagising naman si Alia sa ingay ng mga anak na hyper na tumatal
BAGAMA'T KUNG ANONG oras na nakatulog ay maaga pa ‘ring nagising si Oliver kinabukasan. Inalo niya pa kasi si Alia na halatang nainis sa ginagawa niyang mga pagtatanong sa personal nitong buhay at desisyon. Tulog pa rin ang kanyang mag-iina sa kama nang lumabas siya ng banyo matapos na maligo. Hindi
MULI PANG NAGUSOT ang mukha ni Oliver nang maramdaman niyang umiling si Alia sa magandang naging suggestion niya. Alin ang ayaw nito? Tumira sila ng mga bata sa condo unit niya? Bakit naman?“Ano na namang ibig sabihin niyan, Alia? Bakit ayaw mong magsalita? Halikan ko kaya ulit ang labi mo para may
PANAY ANG TINGIN ni Oliver kay Alia na nasa tabi lang niya walang imik na nakahiga. Nagawa na nilang tuyuin ang buhok at nasa kama na rin silang muli nang hindi nagigising ang isa sa mga bata. Magkahawak ang kanilang mga kamay na para bang kapag may bumitaw ay mawawalan ng bait ang isa sa kanila. Hi
DALA NG KAKAIBANG kiliti ng sabik na sabik na halik ni Oliver ay nangunyapit na ang isang braso ni Alia sa leeg ng lalaki. Nang dahil doon ay mas naengganyo pa si Oliver na palalimin ang halik nito. Aminin man ni Alia sa sarili o hindi, miss na miss niya ang bawat halik at haplos ng dati niyang asaw
TAHIMIK PA RIN ang buong hapag-kainan matapos na sabihin iyon ni Oliver. Tila ba may dumaang anghel kaya sila natahimik. Walang sinuman ang gustong magsalita kahit na ang mga bata ay behave na behave sa kanilang harap. Kinailangan pa na tumikhim si Mr. Gadaza para kunin ang atensyon ng lahat at nang
PAGBABA NI ALIA ay eksaktong naghahain na ang mga maid ng kanilang magiging dinner sa kusina. Ilang sandali lang silang tumambay sa sala at kapagdaka ay inanyayahan na rin silang magtungo doon ng mag-asawang Gadaza. Nahihiya man ay nagtungo na rin doon si Alia lalo pa at nauna ng tumakbo doon ang mg
MAHINANG TUMAWA SI Geoff sa kabilang linya na mas ikinakunot pa ng noo ni Oliver. Sinabihan na siya ng asawa niyang si Alyson na huwag ditong babanggitin ang tungkol kay Alia na dating secretary niya, pero hindi niya mapigilan dahil nangangati ang dila niya. Batid niyang anumang dami ng trabaho ni O