Dahan-dahang humina ang pag-iyak ng mga bata. Agad namang nakonsensya si Alyson pero hindi niya iyon ipinakita sa mga anak. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at mabilis na niyang pinaharurot iyon paalis ng bakuran ng mansion ni Don Gonzalo Carreon. Hindi pa nakakalayo ang sasakyan sa mansion ay
PUPUNGAS-PUNGAS NA napatayo si Geoff nang biglang maalimpungatan sa kanyang mahimbing na pagtulog. Muli siyang napaupo nang maramdaman ang biglang pagkahilo sa ginawa niyang agarang pagtayo. Nasapo niya ang noo nang ilang segundong maging madilim ang kanyang buong paningin. Nasa immigration na siya
MALAKAS PANG UMATUNGAL ng iyak si Alyson sa narinig niyang sinabi ng kapatid. Ipinadyak-padyak ang mga paa sa sahig ng sasakyan. Sinapo na ang mukha niyang puno ng pagluluksa na patuloy sa pagbuhos ang kanyang mga luha. Hindi pansin at alintana ang mga lingon ni Oliver na sobrang awang-awa na sa kan
LINGID SA KAALAMAN ni Xandria ay alam na ng mga magulang niya na may anak na triplets sina Geoff at Alyson. Hindi man sila naniniwala nang hindi nakikita ng kanilang mga mata, basta ang mahalaga ay alam na nila ang tungkol doon. Hindi na rin nakatiis ang matandang Don at sinabi niya na iyon habang t
TILA NAWAWALA SA sariling naglakad na si Alyson palabas ng area. Doon sana siya pupunta sa malapit lang sa pinaghihintayan nilang banyo, ngunit ang haba ng pila. May bagong lapag kasing eroplano at ang ilan sa mga pasahero ay doon halos dumeretso. Minabuti niyang bumaba sa ground floor at kahit na m
NAHIGIT NI GEOFF ang hininga nang marinig ang sinabing iyon ni Alyson habang humihikbi at bumabaha pa rin ang kanyang mga luha. Halos hindi niya malunok ang laway sa sobrang pagkabigla. Kumibot-kibot ang kanyang bibig, nanginig na iyon sa nabasa niyang takot sa mga mata ng dating asawa habang sinasa
SA MGA SANDALING iyon, sa villa nina Alyson ay kasalukuyang pinahihirapan ng triplets ang kanilang mga yaya sa loob ng kanilang silid. Panay ang dabog at iyak ng mga ito na para bang mayroong kaaway. Ipinagbabato nila ang mga laruan, ikinalat sa buong silid ang mga ibinato nilang laruan pagpasok pa
NAUNANG BUMABA SI Alyson ng sasakyan pagkaparada noon sa garahe ng kanyang villa, ni hindi pa napapatay ang makina nito ni Oliver ay nagawa na niyang bumaba. Nagkukumahog na sumunod sa kanya si Geoff na animo ay ayaw siyang mawala sa paningin kahit na isang saglit, nakilulan lang sa sasakyan nila ng
DUMATING NA ANG waiter upang kunin ang order nila kung kaya naman nabaling na doon ang atensyon ni Alia at maging si Oliver na nananatili pa rin na tahimik. Pinagsasawa ang mga mata niya sa paligid ng lugar. Okay naman iyon sa kanya pero nakukulangan siya. Sobrang simple lang kasi kahit na may live
DATI, KAPAG TINANONG ni Alia si Oliver ang sasabihin nita sa kanya ay siya na ang bahala at huwag niya ng alalahanin pa ang bagay na iyon. Hindi tuloy makapili si Alia noon kung saan niya gusto dahil ito ang batas at palaging nasusunod. Ayos lang naman iyon kay Alia noon, pero ngayon iba sa pakiramd
NADAGDAGAN PA NOON ang isipin ni Alia. Natutulak pa siya na pagbigyan nga ang hiling ng dating asawa, kahit na may kaunting takot at matinding kaba. Ano pa nga naman ba ang kinakatakutan niya? Na-hit na nila noon pa man ng dating asawa ang kailaliman ng relasyon nila. Umabot pa nga sila sa puntong g
BUONG BIYAHE NILA pabalik ng townhouse ay tahimik lang si Alia habang nagmamaneho. Tutok na tutok ang kanyang mga mata sa kalsada. Nasa passenger seat lang muli si Oliver habang ang mga bata sa likod ay parang mga manok na inaantok. Hapong-hapo sa kanilang paggala. Panaka-naka ang sulyap ni Alia kay
LINGGO NG UMAGA ay maagang nagsimba ang kanilang pamilya. Lunes after lunch ang biyahe ni Oliver pabalik ng Pilipinas kung kaya naman gusto niyang sulitin ang araw ng Linggo para sa kanyang mag-iina na alam niyang mami-miss niya. Pagkatapos nilang magsimba, diretso sila sa park kung saan nagkaroon s
NANG SUMUNOD NA mga oras ay wala namang unusual na nangyari hanggang sa kumain sila ng hapunan. Panay ang harutan lang ng mag-aama habang si Alia ay inabala ang kanyang sarili sa loob ng studio na kagaya ng plano kanina. Iyon ang buong akala ng mag-asawa dahil nang antukin na ang mga bata, nag-aya n
DALAWANG MAGKASUNOD NA araw na nagawa ni Oliver nang maayos ang kanyang plano, ngunit pumalpak iyon sa pangatlo. Late na kasi siyang nagising at tapos na ang breakfast nilang mag-iina nang sapitin niya ang townhouse. Sa pagtatampo ni Nero, hindi siya nito pinapansin kahit na kinakausap siya ng ama.
MALIIT NA NGUMITI si Oliver upang kalamayin ang kanyang sarili na huwag ipakita kung gaano na siya noon kinakabahan. Nagulat siya sa biglang pagtatanong ni Alia pero hindi niya iyon ipinahalata. Tinanggal niya sa bulsa ng suot na short ang dalawang palad na isinilid niya dito kanina at saka umayos n
MATAPOS NA MAGPALIT ng damit at kumalma ay pumanaog na rin si Alia. Malikot ang mga mata niya habang pababa ng hagdan na kunawari ay wala siyang ibang nakikita. Hindi siya pwedeng magtagal sa silid at baka isipin ni Oliver na apektado pa rin siya. Kailangan niyang panindigan na wala na siyang pakial