Napakurap-kurap na si Alyson. "Pero ito ang pakatandaan mo, sa taas ng mga pangarap mo alalahanin mo na malalim din ang lagapak mo oras na bumagsak ka!" turo pa nito sa mukha ni Alyson gamit ang nanginginig na daliri. "Diyan ka na! Lakas mong makasira ng araw!"Napapailing na lang si Alyson habang
HINDI makatulog si Alyson kahit kanina pa nakahiga. Pabiling-biling siya sa higaan. Naghahanap ng maayos na pwesto. Kahit na anong gawin niya ay hindi siya dapuan ng antok. Hindi mawala sa isipan niya ang encounter nila ni Geoff pagdating ng bahay kanina. Nilalamon na siya ng konsensiya."Nagtatanon
NAPANGIWI at halos pupungas-pungas si Alyson paggising niya kinabukasan. Pagdilat pa lang ng kanyang mga mata ay parang gusto na niyang magwala. Bukod sa ang sakit ng buong katawan niya ay halos humalik na rin ang pagmumukha niya sa pader ng kinaroroonang silid. Nang subukan niyang gumalaw ay nahira
"N-Nasaan ako?""Nasa silid ko. Hindi ba obvious? Anong tingin mo bakit ako narito? Do you think ay papasukin kita sa kwarto mo kaya magkasama tayo?!" pabalang na sagot ni Alyson, humalukipkip na ito. "At kapag hindi ka pa lumayas sa harapan ko pagbilang ko ng tatlo ay matitikman mo na ang impyerno!
NAPAIGIK si Alyson sabay kurap ng nanlalaki niyang mga mata nang bigla at walang pakundangan na siyang bitawan ni Geoff. Bumagsak lang naman ang katawan niya sa matigas na sahig bago siya nito tinalikuran at pamartsang iniwan. Umaapoy sa galit ang matang napahawak si Alyson sa masakit niyang balakan
MALAKAS na tumikhim si Roxan na hindi na gusto ang daloy ng usapan ng boss niya at ni Alyson. Nanunuot na sa buto ang galit niya sa ka-trabaho. Kung hindi lang kalapastangan kay Mr. Evangelio ay paniguradong na-prangka na niya ang babae."Mamili ka na Alyson, ang dami mo pang sabi." "Sure," nakataa
NAPALINGON halos ang lahat ng pares ng mga mata na nasa may bulwagan ng Clemente Hotel na gayak na gayak sa iba't-ibang mga palamuti nang mabagal na pumasok si Alyson. Pino ang galaw nito na animo ay dalagang pilipina. Sa naturang hotel gaganapin nila ang piging. Malamyos at parang medyo nakakaantok
SINALUBONG ni Geoff ang nanlilisik na mga mata ni Alyson at mahigpit na hinawakan ang kamay nito na humihila sa laylayan ng suot niyang suit. Mariin at sapilitang tinanggal na niya iyon na halos gumalaw na ang magkabilang panga. Bagama't labag sa loob iyon ni Alyson ay wala siyang nagawa kung hindi
NAKAGAT NA NI Oliver ang labi upang mapigilan ang sarili na malakas na humalakhak sa tinuran at ginawa ni Alia. Ngayon lang ito nangyari na para bang ang laya-laya na ng babae. Nagagawa na nito ang lahat ng kanyang gusto. Dati, natatandaan ni Oliver na pwersahan niya pa itong inaangkin. Noong magkas
NAPAANGAT NA ANG mukha ng dalawang bata ng marahas ang naging pagbukas ng pintuan ng silid at iluwa noon ang kanilang mga magulang. Napakunot na ang noo ni Nero nang makitang inaakay ng ama ang kanilang ina na parang walang lakas ng katawang maglakad ng sarili niya at matutumba kung wala ditong aala
BAGSAK ANG MAGKABILANG balikat na lumabas ng Gallery si Leo matapos na sabihin iyon ng amo. Tumayo na rin noon si Alia at humakbang na palabas. Dala niya ang painting na regalo ni Oliver na sa studio niya ilalagay. “Ano kaya ang pakay nila? Si Helvy?” Hanggang sa makauwi ng villa ay iyon pa rin an
MALAKAS NA HUMALAKHAK si Oliver sa kabilang linya na kinailangan pa niyang tumigil sa kanyang ginagawa dahil paulit-ulit niyang ni-replay ang dulong sinabi ni Alia patungkol sa kanyang regalo. Wala iyong katumbas na halaga para dito. Kaya nga iyon ang regalo niya, ma-sentimental value ang babae kung
ANG INAALALA LANG naman ni Oliver ay baka mamaya hindi siya makaalis nang dahil sa mga bata kung uuwi pa sila ng villa. Tutal ay nasa labas na sila ni Alia kung kaya naman lulubusin niya ng kunin ang pagkakataong iyon. Saka baka biglang magbago ang isip nito ay mamaya ay biglang hindi na lang siya n
KINABUKASAN, ITINAON NINA Oliver at Alia ang pag-alis ng villa na tulog pa ang dalawang bata upang hindi sila humabol. Baka akalain kasi ng mga ito na sinadya nilang dalawa na hindi sila kasama kung kaya naman idsangdaang porsyento na safe na umalis sila ng tulog pa sila. Ibinilin lang nila ang mga
BUMULAGA SA PANINGIN ni Alia ang naka-dim na ilaw ng silid matapos na mabuksan niya ang pintuan. Lumipad ang kanyang mga mata sa computer na patay naman at sa nakaharap na swivel chair na walang laman. Pinatunayan lang nito ang kutob niya na wala doon ang bulto ng lalaking hinahanap niya. Tama siya,
AWTOMATIKO NG NAGKATINGINAN sina Oliver at Alia sa katanungang iyon ng anak. Sabay din silang napailing. Lalong naguluhan si Nero sa awkward na kilos nilang dalawa. Patuloy naman ang kain ni Helvy na kung hindi nakatingin sa kapatid ay sa ina. “Para po kayong nag-away eh. M*****i na po kayo.” Tumi
HINDI PINANSIN NI Oliver si Alia na nalingunan naman niya ang pintuan kung saan ito nakatingin. Agad na dumaan sa kanyang isipan ang naiisip nito. Awtomatiko siyang kumalas ng yakap at tinungo ang pintuan upang isara iyon dahil ito ang dahilan ng paghi-histerikal ni Alia. Hindi niya lang basta sinar