NAPANGIWI at halos pupungas-pungas si Alyson paggising niya kinabukasan. Pagdilat pa lang ng kanyang mga mata ay parang gusto na niyang magwala. Bukod sa ang sakit ng buong katawan niya ay halos humalik na rin ang pagmumukha niya sa pader ng kinaroroonang silid. Nang subukan niyang gumalaw ay nahira
"N-Nasaan ako?""Nasa silid ko. Hindi ba obvious? Anong tingin mo bakit ako narito? Do you think ay papasukin kita sa kwarto mo kaya magkasama tayo?!" pabalang na sagot ni Alyson, humalukipkip na ito. "At kapag hindi ka pa lumayas sa harapan ko pagbilang ko ng tatlo ay matitikman mo na ang impyerno!
NAPAIGIK si Alyson sabay kurap ng nanlalaki niyang mga mata nang bigla at walang pakundangan na siyang bitawan ni Geoff. Bumagsak lang naman ang katawan niya sa matigas na sahig bago siya nito tinalikuran at pamartsang iniwan. Umaapoy sa galit ang matang napahawak si Alyson sa masakit niyang balakan
MALAKAS na tumikhim si Roxan na hindi na gusto ang daloy ng usapan ng boss niya at ni Alyson. Nanunuot na sa buto ang galit niya sa ka-trabaho. Kung hindi lang kalapastangan kay Mr. Evangelio ay paniguradong na-prangka na niya ang babae."Mamili ka na Alyson, ang dami mo pang sabi." "Sure," nakataa
NAPALINGON halos ang lahat ng pares ng mga mata na nasa may bulwagan ng Clemente Hotel na gayak na gayak sa iba't-ibang mga palamuti nang mabagal na pumasok si Alyson. Pino ang galaw nito na animo ay dalagang pilipina. Sa naturang hotel gaganapin nila ang piging. Malamyos at parang medyo nakakaantok
SINALUBONG ni Geoff ang nanlilisik na mga mata ni Alyson at mahigpit na hinawakan ang kamay nito na humihila sa laylayan ng suot niyang suit. Mariin at sapilitang tinanggal na niya iyon na halos gumalaw na ang magkabilang panga. Bagama't labag sa loob iyon ni Alyson ay wala siyang nagawa kung hindi
NABITIN sa ere ang baso ng alak na muli sanang lalaklakin ni Geoff nang agawin ni Alia 'yun mula sa kamay niya. Pinanlisikan agad ni Geoff ng mga mata ang babae na hindi man lang doon natinag, bagkus ay matamis pa itong ngumiti at pinaliit ang kanyang mga mata. Halatang pilit 'yun pero wala namang i
HUMANTONG sina Geoff sa isang private room na kung saan nasa kabilang dulo lang ito ng hallway. Tuloy-tuloy silang pumasok doon na binuksan ng isa sa mga security. Nakilala kasi sila agad ng bantay. "Mr. Carreon!" bulalas ni Rodolfo na nag-echo sa apat na sulok ng silid, pahapyaw na niyakap pa si G
ISANG MALAKAS NA sigaw ng padaing ang ginawa ni Addison habang mariing kagat ang kanyang labi nang biglang itulos ni Landon ang kanyang sarili sa kanya na bagama’t napaghandaan naman niya ay hindi niya napaghandaan ang sakit na idudulot noon. Pakiramdam ng babae ay parang mahahati sa dalawa ang kany
HINDI MAGAWANG MAKAHUMA ni Addison habang magkahinang ang mga mata nilang dalawa ni Landon. Nakikita niya sa mga mata nito ang mga mata ng isang batang Landon noon na uhaw at sabik sa pigura ng isang ama. Noong naging magkarelasyon na sila. Ini-open nito sa kanya ang hindi mabilang na inggit kapag m
MALAYO ANG TANAW ng mga mata ni Addison habang nasa deck ng yate na pag-aari ng kanilang pamilya. Inililipad ng malakas na hangin ang ilang takas na hibla ng kanyang buhok na panaka-nakang tumatakip pa sa kanyang mukha. Dalawa silang nakatambay doon ni Landon, ngunit bumaba ang kanyang asawa na nagp
PILIT NA TINIIS ang masakit na mga salitang iyon ni Dos ni Landon. Tama naman ang bayaw niya. Wala nga siyang kinamulatan na role model pero alam niya kung paano i-trato ng tama si Addison at mahalin. Gusto niyang sumagot, ngunit syempre ayaw niyang masira ang okasyon kung kaya naman napayuko na lan
BUONG WEDDING CEREMONY nina Addison at Landon ay hindi makapag-focus nang maayos si Addison sa kasal nila dahil okupado ang kanyang isipan ng presensya ng kanyang mga kapatid. Iniisip niya na paano kung biglang sumulpot ang kanilang magulang doon at hadlangan ang kanilang kasal? Isang malaki na kahi
NAMATAY NA AT lahat ang tawag ay hindi pa rin umalis si Addison sa may harap ng bintana. Hindi niya maintindihan ang sarili na biglang niyakap ng labis na kalungkutan. Pakiramdam niya ay sapilitang nahiwalay siya sa kanyang pamilya. Nang makita naman ni Landon ang napipintong pag-iyak ng nobya ay ma
SUMERYOSO NA ANG mukha noon ni Addison na umahon na sa kanyang pagkakaupo. Akmang susugurin na niya si Dos nang humarang si Charlie sa kanilang pagitan. Anak ito ng Tita Xandria nila na kapatid ng kanilang ama na sa Denmark nakatira. Pilit silang pinaglayo. Nang hindi magpaawat ay lumapit na rin ang
NAHIHIMASMASANG NAPATANGO DOON si Landon habang mataman na ang mga mata ni Addison na nakatingin sa kanya. Tila binabasa kung ano ang laman ng isip niya. “Huwag mong sabihin na nakalimutan mo iyon?” Ngumisi si Landon at inilapag na sa center table ang hawak niyang baso. Malambing na yumakap na kay
HINDI AGAD PINAALIS ni Landon ang kanyang sasakyan at inasikaso muna si Addison na kahit mugtong-mugto na ang mga mata ay ayaw pa rin nitong tumigil sa pagluha. Ilang box na ng tissue ang naubos niya ngunit tuloy-tuloy pa rin ang iyak na naiintindihan naman ng kanyang nobyo kaya minabuti na lang nit