KASALUKUYANG nakahiga na sa kama si Geoff. Hindi pa rin mawala sa isipan niya ang imahe kanina ni Alyson habang paalis ito ng hospital room. He wondered about kung okay na ba talaga ang pakiramdam nito ngayon. Bukod sa iika-ika pa rin ito ay bakas pa rin ang panghihina sa kanyang mukha."Bakit ko ba
PAGDATING ni Alyson sa sinabing restaurant ng ina ay naroon na ang lalake. Malayo pa lang siya ay napansin na niya ang bulto nito na prenting nakaupo sa table malapit lang sa bukana. Ayon sa ina, nasa 30's na ang edad nito. Nakasuot ng maroon suits at black leather shoes. Kumislap ang mga mata ni Al
NAKAPILANTIK ang ilang daliri sa kamay ni Alyson nang buhatin niya ang baso ng tubig na nasa harap niya. Pinanood siya ng lalakeng gawin 'yun. Matapos na sumimsim dito ay umayos siya ng upo. Tutal prangka naman ang lalake sa mga gusto niyang mangyari, maano bang maging open na rin siya sa opinyon.
TINAKASAN ng lakas si Alyson nang makita niya sa gilid ng matang biglang tumayo ang ka-date niya. Subalit, ang lalong nagpagulat sa kanya ay nang biglang haklitin ng stranger na lalake kanina ang isang braso niya."Tara na, Alyson. Tama na 'yan." Parang mahuhulog na ang panga ni Aly at puso sa sahi
HINDI pa nakakapagpalit ng damit na sinuot niya si Alyson pagdating ng bahay ay tumatawag na ang ina. Sa hula niya ay nagsumbong na ang ka-blind date niya. Malamang kaya ito tumatawag ay para awayin siya. Bagay na wala siyang panahon pero kailangan niyang sagutin ang tawag dahil sa hindi pa rin ito
"Kuya, hindi pa ba kayo papasok sa loob? Mukhang kanina pa kayo hinihintay ni Lolo. Pasok na kayo..."Humagikhik si Xandria nang makita ang matingkad na ngiti ni Loraine. Ngayong nakapirma na si Geoff sa annulment, wala ng dahilan para hindi niya ipakitang mas boto siya kay Loraine kumpara kay Alyso
PINANOOD ni Alyson na pumasok ang dalawa sa loob ng mansion. Mababanaag ang paghanga at inggit sa mga taong nakakakita sa kanila. Bagay na hindi naranasan ni Alyson noong siya ay asawa pa ni Geoff. Tago kasi siya. Kinakahiya. Natawa lang siya, medyo napailing. Magiging ipokrita siya kung sasabihin
PAGKAPASOK ni Alyson sa loob ay aksidenteng nabangga niya sa may pinto ang isang pares ng Tiyo at Tiya ni Geoff. Hindi naman nagulat ang mga ito nang makita siya rito."O? Alyson? Ikaw pala 'yan." Pinasadahan siya ng tingin ng Tiya Azon ni Geoff. Sa likod nito ay nanatili ang asawa nitong si Ruben.