BINALOT na sila ng nakakabinging katahimikan. Bahagyang inihawak ni Alyson sa laylayan ng suot na damit ang nagpapawis niyang palad."Tapos na tayo kaya hindi na dapat pa nating pinag-uusapan ito, Geoff." Tinitigan na ni Alyson sa mata si Geoff. Pilit inaarok kung ano ang tunay na nararamdaman ng l
NAGKATINGINAN ang mag-asawang Ruben at Azon ng may malakas na nagtanong ng bagay na 'yun. Tikom ang bibig nila. Ayaw na sumagot. Ayaw nilang sa kanila magmula ang tsismis ng dating mag-asawa."Ano pa raw? Pero magtataka pa ba tayo? Eh parang si Alyson ang apo niya kung ituring keysa kay Geoff.""Sab
BUMUHOS ang mga luha ni Loraine sa narinig. Para siyang mauupos sa selos sa pagiging prangka ng Don. Hindi lang 'yun, ngayon pa lang ay parang hindi na niya kaya ang hinihiling ng matanda. Napuno ng lungkot ang mukha ng babae habang nakatingin sa matandang Don, hindi niya napigilang manginig ang buo
MAINGAT na inalalayan pahiga ni Geoff ang katawan ni Loraine sa kama. Namumutla pa rin ito at halatang napagod ng araw na 'yun."Gusto mo bang dalhin kita sa hospital? Ano bang nararamdaman mo? Babe, sabihin mo sa akin. Huwag mo naman akong pakabahin." "Hindi na. Kailangan ko lang ng pahinga. Napag
INI-OFF ni Alyson ang cellphone. Rinding-rindi siya sa nangyayari. Ang buong akala niya ay may peace of mind na siya after pumirma ng annulment, mali siya, hindi pa pala. Mukhang lumala pa ang sitwasyon niya ngayon kumpara sa dati."I have to leave. Kailangan kong pagnilayan ang lahat ng problema. H
MALALIM ang buntong-hininga na naupo si Alyson sa kanyang kama. Saglit na inilibot ang mga mata. Tinanggal niya lang ang ilan sa mga gamit niyang dala sa quick escapade niya sa maleta at muli na naman siyang nag-impake ng mga gamit. Ayon sa palitan nila ng message ni Geoff kanina after nitong makara
NAPAPAHIYA ng tiningnan ni Geoff si Alyson na nagpatuloy sa pagkain. At para pagtakpan 'yun ay dinaan na lang sa mahinang tawa ni Geoff ang lahat. Hindi 'yun ang inaasahan niyang magiging sagot ni Alyson. Kung dati ay kayang-kaya niya itong pasunurin, ngayon ay di na. Bumaligtad na ang mundo nila."
KINAUMAGAHAN, nauna si Alyson na gumising at lumabas ng silid. Hindi pa sana siya babangon pero ang sakit ng likod niya sa pagtulog. Nag-inat siya ng dalawang braso. Hindi na siya sanay na matulog sa single bedroom. Iyon ang size ng kama na nasa guestroom. Masyado siyang naliliitan at nasisikipan. M