“Sino?” tanong niya rito agad habang magkasalubong ang mga kilay.“Ang tagapagmana ng pamilya Montemayor, si Noah Montemayor.” sagot naman nito sa kaniya. Nang mga oras na iyon ay biglang bumilis ang tibok ng puso ni Alexa at talagang kinabahan. Ilang segundo siyang nanatiling tahimik at hindi alam kung paano sasagot sa tanong nito. Kapag sinabi niyang dating asawa niya ito ay parang hindi naman tama dahil hindi pa sila naghihiwalay.Kapag sinabi niya namang asawa niya ito ay parang niloko na lang din niya ang sarili niya dahil napagkasunduan na nilang maghiwalay, isa pa ay binayaran na siya nito at ipinaparada na nito sa madla si Lily kaya hindi niya pwedeng isagot rito iyon. Ilang sandali pa ay nakapag-isip siya ng pwede niyang isagot rito. “Kamag-anak ko siya. Pinsan, oo pinsan ko siya.” sagot niya at biglang ngumiti ng alanganin ngunit kitang-kita niya ang malalim na pagkunot ng noo nito.“Pinsan? Pero Acosta ang apelyido mo at Montemayor naman ang apilyido mo, paano mo siyang nag
Nang maramdaman ni Axel na tahimik si Alexa ay mabilis siyang lumingon kay ALexa at ngumiti lalo na at nakita na rin niya ang lalaking palapit sa kanila ng mga oras na iyon. “O, nandiyan ang pinsan mo.” sabi niya rito.Sandaling natigilan naman si Alexa at mabilis na yumuko at napalunok na lamang bigla. Nang tuluyang makalapit sa kanila si Noah ay mabilis na iniunat ni Axel ang kamay nito at magalang na nagsalita. “Ako nga pala si Axel, kaibigan ni Alexa. Ikinagagalak kong makilala ang isang pinsan niya.” sabi nito kay Noah.Bigla namang napalingon si Noah sa kaniya at napatitig sa kanyang ng malamig at dahil rito ay halos manlamig din ang buong pagkatao niya. “Pinsan? Pinsan mo ako?” halos hindi makapaniwalang tanong nito sa kaniya.Nakipagtitigan naman si Alexa rito ng ilang segundo bago niya nagawang ibuka ang kanyang bibig upang sumagot. “Ahh, oo diba?” sagot niya at pinandilatan ito upang ipabatid rito na sumakay na lamang sa sinasabi niya.Napakuyom ang kamay ni Noah at halos ma
Tinitigan ito ni Alexa. Nakasandal ito sa pader at nakalagay ang isang kamay nito sa bulsa. Napabuntung-hininga siya at seryosong tumitig rito. “Bakit hindi e ikaw ang dahilan para madugtungan pa ang buhay ng lola ko, idagdag pa na dahil sa perang nanggaling sayo ay nakabili ako ng bahay para sa pamilya ko at laking pasasalamat ko iyon sa iyon. Tinuruan ako at pinalaki na marunong magbayad ng utang kaya tama lang iyon.” sagot niya rito.Tahimik lang naman na nakinig sa sagot niya si Noah. “ibig sabihin ay pagtanaw lang ng utang na loob ang lahat ng iyon?” tanong niya rito.Natahimik naman si Alexa at hindi nakapagsalita. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ito. Isa pa ay tama bang sabihin niya na bukod sa pagtanaw ng utang na loob ay may pagmamahal rin siya rito peero ngayon na nagpasya na silang maghiwalay na dalawa at nagkakamabutihan na silang muli ni Lily ay wala ng dahilan pa para sabihin niya pa iyon. Hindi na lamang niya ito sinagot at muli itong tinalikuran upang muling
“Okay lang ako. Aksidente ko lang na nasagi ang vase.” sabi ni Alexa kay Noah nang dali-dali itong pumunta sa kinaroroonan niya. Yumuko siya upang pulutin ang mga piraso ng basag na vase.“Ako na, tumayo ka na diyan at baka masugatan ka pa.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hinila siya sa isang tabi. Inilapag nito ang cellphone na hawak sa isang cabinet kung saan ay nakalimutan niya palang patayin ang tawag. Nakita ni Alexa ang basurahan kaya mabilis niyang inilapit ito rito. “Mag-ingat ka.” sabi niya rito.Agad naman na napangiti si Noah ng wala sa oras. “Makapal ang balat ko at hindi basta-basta masusugatan.” sabi ni Noah sa kaniya at pagkatapos ay yumuko at nag-umpisang pulutin ang mga basag na bahagi ng vase at pagkatapos ay itinapon sa basurahan.“Nonsense. May balat ba na hindi pwedeng masugatan?” tanong naman ni Alexa rito at muling umupoo sa tabi nito upang tulungan itong pumulot ng basag na vase.Agad naman na pinigilan ni Noah ang kamay niya. “Hayaan mo na akong linisin
Agad na inabot ni Lily ang isang baso ng tubig na ibinibigay nito sa kaniya at pagkatapos ay napanguso at mabilis na nilingon siya. “Kasalanan mo ang lahat ng ito e.” sabi niya rito at pagkatapos inirapan ito. “Sinabi ko na sayo noon na dapat pagkatapos lang ng isnag taon ay balikan ko na siya pero hindi ka pumayag. Tingnan mo, isang taon pa ang pinalipas ko at ngayon ay may higad nang nasa tabi niya.” inis na sabi niya rito.Sinulyapan lamang siya nito at pagkatapos ay napabuntung-hininga at sumandal sa sofa. “Prinotektahan lang kita. Isa ba ay mas mainam na rin iyon dahil ngayon ay naisguro mo na magaling na talaga siya. Bakit kung sakaling muli siyang hindi makalakad bigla, handa ka bang alagaan siya?” tanong nito sa kanya.Hindi naman siya nakaimik at pagkatapos ay uminom na lamang siya ng tubig. Matapos niyang uminom ay hindi muna siya nakapagsalita kaagad nang bigla na naman itong nagtanong sa kaniya. “Tinanggap ba niya ang tseke na sinabi mong ibibigay sa kaniya?” tanong nito.
Pagkatapos ma-xray ang kamay niya ay doon dumating si Noah. nasa kalagitnaan siya ng meeting ng makatanggap siya ng tawag dahil nga diumano ay nabali daw ang kamay ni Alexa. Pagdating niya doon ay nakita niya ito kaagad na namumula pa ang mga mata at kahit sino siguro ang makakakita sa sitwasyon nito ay baka makaramdam ng pagkabalisa.Lukot ang mukha ni Noah na lumapit kay Alexa at pinipigilan niya ang kanyang galit. Katabi nito ang may-ari ng restaurant kaya napatingin siya rito na may galit na mga mata. “Sino ang may gawa nito sa kaniya?” agad-agad niyang tanong rito.Bigla namang nanginig sa takot ang may-ari ng restaurant at pagkatapos ay nagmamadaling sumagot. “Ayon sa mga tauhan ko ay mukhang food delivery rider daw iyon at nang matapos ang insindente ay dali-dali itong tumakas.” sagot nito sa nanginginig na tinig.Agad na nagkiskisan ang kanyang mga ngipin ng marinig niya ito at mabilis na lumingon sa kanyang likod kung saan ay naroon ang isa niyang tauhan. “Hanapin mo ang taon
Ang tauhan ni Noah ay mabilis na nag-ulat sa kaniya pagkapasok niya sa kotse. “Ilang tao rin sir ang kinailangan para mahanap ang lalaking iyon. Nang mahuli siya ay nakasakay siya sa kulay itim na taxi at pilit na tumatakas ngunit sa kabila ng lahat ay nahuli pa rin namin siya.” sabi nito sa kaniya.Nang mga oras na iyon ay napakalamig ng mga mata ni Noah habang nakatingin sa labas ng bintana at nagngangalit pa rin ang kanyang mga panga. “Sino ang lalaking iyon?” walang emosyong tanong niya rito kaagad.“Siya si Rigor Mendoza, kapatid niya si Alberto Mendoza na siyang kumidnap noon kay Miss Alexa. Napag-alalam din namin na sangkot siya sa ilang pagnanakaw. Sa pagtatanong-tanong namin ay nagpanggap daw itong isang food delivery rider habang nagmamatyag sa shop na pinapasukan ni Miss Alexa at hanggang sa sinundan daw siya nito sa restaurant upang gantihan siya.” dagdag pa nitong paliwanag sa kaniya.Mahigpit ang pagkakakuyom ng mga kamay ni Noah ng mga oras na iyon at halos bumaon na an
Agad na ngumiti si Axel sa kaniya. “Nandito rin pala ang pinsan ni Alexa.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nilingon si Alexa. “Kakalabas ko lang mula sa operating table at nabalitaan ko ang nangyari sa kamay ni Alexa kaya pumunta ako rito.” sabi nito sa kaniya.Ang mukha ni Noah ay nanatiling ganun pa rin at hindi nagbabago ngunit sa totoo lang ay naiinis na siya. “Hmm, mukhang napakarami mong pinagkaka-abalahan.” sabi niya rito sa malamig na tinig.Agad naman na ngumiti ito sa kaniya at mabilis na sumagot. “Ang trabaho ko talaga ay isang doktor at ang shop na pinapasukan ni Alexa ay pag-aari ng aking ama.” mabilis na sagot nito sa kaniya. Ilang sandali pa nga ay nilampasan siya nito at naglakad patungo kay Alexa pagkatapos ay umupo sa tabi nito.Inilapag ni Axel ang dala-dala niyang bulaklak sa bedside table at pagkatapos ay tiningnan ang kamay ni ALexa at mahinahong nagtanong rito. “Masakit pa ba ang mga daliri mo?” tanong nito kay Alexa.Tumango naman kaagad si Alexa kay Axel.