PINAKIRAMDAMAN ni Brooke ang paligid ng makalabas siya ng kwarto. Kakatapos lang niyang mag-update ng story niya sa isang online reading app. Hindi naman kasi siya totally bummer. Isa siyang freelance writer. Nagsusulat siya sa iba't ibang online platform. And so far so good ay kumikita din siya. Natutustusan niya ang pangangailangan niya kahit na hindi siya bigyan ng pera ng magulang o kahit na i-freeze ng mga ito ang credit cards niya. May sarili din naman siyang pera at marunong din siyang mag-invest. Hindi din naman kasi puro gastos, marunong din siyang mag-save ng pera.Napatingin din si Brooke sa nakasarang pinto sa kwarto na tinutuluyan ni Seven. She stare at the door for a moment hanggang sa lumapit siya do'n. Inilapit din niya ang tainga para pakinggan kung nando'n ba sa loob ang lalaki pero wala siyang naririnig na kaluskos o senyales na naroon ito. Inalis naman na niya ang tainga na nakadikit do'n at umayos siya ng tayo. Mukhang lumabas na naman ito ng townhouse. Maybe, na
PAGKATAPOS makausap ni Seven ang kaibigang si Zander ay tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng kama. Pagkatapos niyon ay humakbang siya patungo sa banyo na nasa loob ng kwarto. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok ng tanggalin niya ang suot na damit. Pagkatapos niyon ay ibinaba din niya ang suot na pajama kasabay ng suot niyang brief. And he felt his cock sprang free. Binuksan naman ni Seven ang pinto sa banyo at pumasok na siya do'n. Lumapit naman siya sa tapat ng shower at binuksan niya iyon. Napapikit ng mga mata si Seven ng tumama sa kanyang mukha ang malamig na tubig na nanggaling sa shower. Ilang segundo din siyang nasa ganoong posisyon hanggang sa inabot niya ang shampoo. Pinatay mo na niya ang shower habang nagsa-shampoo siya ng kanyang buhok. At nang matapos siya ay inabot din niya ang sabon at sinabon niya ang katawan. Saglit din siyang nagtagal na nagsabon ng kanyang katawan at nang matapos ay binuksan niya ulit ang shower at tumapat siya do'n para mawala ang bola
LUMABAS ng kwarto si Brooke nang makita niyang alas siyete na pala ng gabi. Oras na kasi para kumain ng dinner. Hindi naman niya alam kung may pagkain, hindi naman kasi siya nagluto. Pero if ever na wala, tinapay na lang ang kakainin niya. Hindi din niya alam kung nando'n don si Seven. Pero baka nasa labas din ito, gabi-gabi na lang din kasi itong umaalis. At malalim na ng gabi ito umuuwi. Mukhang nagsasaya pa ito sa kandungan ng iba. Gaya na lang noong nakaraang araw, tadtad ng kissmark ang katawan nito ng umuwi ito ng gabi at nang lasing. Iiling na lang naman si Brooke. Nagpatuloy naman na siya sa paglalakad patungo sa kusina ng townhouse na tinutuluyan. Napatigil naman siya sa paglalakad nang makita niya si Seven sa loob ng kusina. So, mali siya. Hindi pala ito umalis ng townhouse. Nakatalikod din ang lalaki sa kanya kaya hindi siya nito nakita. Napansin niyang kumukuha ito ng isang plato. Mukhang kakain na din ito. At dahil hindi pa naman siya nito nakikita ay napagpasyahan niya
NAISIPAN ni Brooke na lumabas ng townhouse na tinutuluyan para magpaaraw. Sa loob ng ilang araw na pananatili niya sa Baguio ay bihira na lang siyang lumabas. Nasa loob lang siya ng bahay o hindi kaya ay nasa loob lang siya ng kwarto at nagsusulat siya ng manuscript niya para naman may pambuhay siya sa sarili. Dahil nga umalis siya ng bahay nila ay kailangan niyang kumayod para sa sarili niya, hindi na siya pwedeng umasa sa pamilya niya.At hindi din alam ni Brooke kung hanggang kailan siya do'n. Siguro kung nagbago na ang isip ng Papa niya at hindi na nito ituloy ang binabalak nitong ipakasal siya sa anak ng kilala nito ay babalik na siya sa kanila.Pagkalabas ng bahay ay hindi napigilan ni Brooke ang mapapikit ng mga mata ng humaplos ang malamig na hangin sa balat niya. It's really cold in Baguio, hindi lang iyon, maganda din ang simoy ng hangin. Mabuti na lang talaga at inalok siya ng kaibigang si Zarina na tumuloy siya do'n ng umalis siya ng bahay nila dahil kung hindi ay magpo-pr
NAPAHINTO si Brooke mula sa paglalakad ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng townhouse na tinutuluyan. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot nang noo ng tumingin siya sa dereksiyon ng nakasarang pinto. Akmang maglalakad siya palapit sa pinto para pagbuksan kung sino ang kumakatok ng mapahinto siya ng may maisip. Wala kasing inaasahan na bisita si Brooke, wala namang nakakaalam kung nasaan siya sa sandaling iyon, maliban na lang kay Zarina na nagpatuloy sa kanya. Imposible naman na ito ang kumakatok dahil sinabi nito sa kanya na hindi siya nito bibisitahin do'n dahil baka may sumusunod din dito.Mayamaya ay hindi niya napigilan ang mamilog ng mga mata ng may ma-realize siya. Paano kung natunton na siya ng magulang do'n. Paano kung ang kumakatok sa sandaling iyon ay walang iba kundi ang magulang siya. Grabe ang kabang nararamdaman ng puso niya. At sandaling iyon ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung saan siya magtatago para hindi siya makita ng m
LUMABAS ng kwarto si Brooke para pumunta ng kusina. Saktong lumabas siya ay ang paglabas din ni Seven sa pinto ng kwarto nito. Nagkagulatan pa silang dalawa. At mayamaya ay napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa suot niyang damit. Napansin din niya ang sunod-sunod na paglunok nito at ang paggalaw ng adams apple nito habang nakatitig ito do'n. Hindi naman niya napigilan ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Sinundan din niya ang tinitingnan nito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung ano ang tinitingnan--hindi pala, kung ano ang tinititigan nito sa sandaling iyon. Mabilis naman niyang tinakpan ang bakat na dibdib. Pagkatapos niyon ay tumalikod siya dito at pumasok siya sa loob ng kwarto niya. Isinara din niya ang pinto at sumandal siya sa likod niyon. Sa sandaling iyon ay grabe ang tibok ng puso niya na para bang tumakbo siya ng ilang kilomentro. Narinig nga din niya ang pagpasok ulit ni Seven sa loob ng kwarto nito dahil narinig niya ang pagsara ng pi
KUMUNOT ang noo ni Brooke ng bumaling siya sa pinto ng kwarto niya ng makarinig siya ng bahagyang pagkatok. At mayamaya ay narinig niya ang boses ni Seven na tumatawag sa pangalan niya mula sa labas ng kwarto na tinutuluyan niya. "Brooke?"Saglit naman siyang nakatingin sa nakasarang pinto hanggang sa bumangon siya mula sa pagkalahiga niya sa kama at naglakad siya palapit do'n para pagbuksan niya ito ng pinto. Hindi na nga siya nagsuklay ng buhok kahit magulo iyon dahil sa pagkakahiga niya. At nakita ni Brooke ang gwapong-gwapo na si Seven na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Nakasuot ito ng leather jacket at sa loob niyon ay puting V-neck Shirt. At right at the moment, he is dashing handsome. "What?" wika niya dito ng magtama ang mga mata nilang dalawa, bahagya din niya itong tinaasan ng isang kilay habang sinasalubong niya ang titig nito."Gusto mong sumama?" tanong nito sa kanya. "Where?" "I'm going to the Mall. Bibili ako ng regalo ng kambal," sagot naman nito sa kan
HINDI nagtagal ay nakarating na din sila Brooke sa Mall na pupuntahan nilang dalawa ni Seven ng sandaling iyon. Naghanap naman ng parking ang lalaki at nang makahanap ay inihinto nito ang bigbike nito na minamaneho nito kung saan siya nakasakay. Bumitiw naman si Brooke mula sa pagkakayakap niya kay Seven mula sa likod. Pagkatapos ay bumaba siya sa bigbike ng hindi inaalis ang helmet niya. At dahil do'n ay hindi niya masyado napansin ang binababaan niya dahilan para mawalan siya ng balanse. Pero bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse ay naging mabilis ang pag-kilos ni Seven, agad siya nitong nahawakan sa braso niya at marahan siya nitong hinila palapit sa katawan nito para hindi siya tuluyang matumba. Mabilis nga din ang naging reflexes ni Brooke dahil agad na kumuyapit siya sa kamay nito para ma-i-balanse din ang kamay."I got you," wika ni Seven sa buong-buong boses sa kanya. Napakurap-kurap naman si Brooke ng mga mata habang nakatitig siya dito. Suot pa din ni Seven ang helmet