NAPAHINTO si Brooke mula sa paglalakad ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng townhouse na tinutuluyan. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot nang noo ng tumingin siya sa dereksiyon ng nakasarang pinto. Akmang maglalakad siya palapit sa pinto para pagbuksan kung sino ang kumakatok ng mapahinto siya ng may maisip. Wala kasing inaasahan na bisita si Brooke, wala namang nakakaalam kung nasaan siya sa sandaling iyon, maliban na lang kay Zarina na nagpatuloy sa kanya. Imposible naman na ito ang kumakatok dahil sinabi nito sa kanya na hindi siya nito bibisitahin do'n dahil baka may sumusunod din dito.Mayamaya ay hindi niya napigilan ang mamilog ng mga mata ng may ma-realize siya. Paano kung natunton na siya ng magulang do'n. Paano kung ang kumakatok sa sandaling iyon ay walang iba kundi ang magulang siya. Grabe ang kabang nararamdaman ng puso niya. At sandaling iyon ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung saan siya magtatago para hindi siya makita ng m
LUMABAS ng kwarto si Brooke para pumunta ng kusina. Saktong lumabas siya ay ang paglabas din ni Seven sa pinto ng kwarto nito. Nagkagulatan pa silang dalawa. At mayamaya ay napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa suot niyang damit. Napansin din niya ang sunod-sunod na paglunok nito at ang paggalaw ng adams apple nito habang nakatitig ito do'n. Hindi naman niya napigilan ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Sinundan din niya ang tinitingnan nito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung ano ang tinitingnan--hindi pala, kung ano ang tinititigan nito sa sandaling iyon. Mabilis naman niyang tinakpan ang bakat na dibdib. Pagkatapos niyon ay tumalikod siya dito at pumasok siya sa loob ng kwarto niya. Isinara din niya ang pinto at sumandal siya sa likod niyon. Sa sandaling iyon ay grabe ang tibok ng puso niya na para bang tumakbo siya ng ilang kilomentro. Narinig nga din niya ang pagpasok ulit ni Seven sa loob ng kwarto nito dahil narinig niya ang pagsara ng pi
KUMUNOT ang noo ni Brooke ng bumaling siya sa pinto ng kwarto niya ng makarinig siya ng bahagyang pagkatok. At mayamaya ay narinig niya ang boses ni Seven na tumatawag sa pangalan niya mula sa labas ng kwarto na tinutuluyan niya. "Brooke?"Saglit naman siyang nakatingin sa nakasarang pinto hanggang sa bumangon siya mula sa pagkalahiga niya sa kama at naglakad siya palapit do'n para pagbuksan niya ito ng pinto. Hindi na nga siya nagsuklay ng buhok kahit magulo iyon dahil sa pagkakahiga niya. At nakita ni Brooke ang gwapong-gwapo na si Seven na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Nakasuot ito ng leather jacket at sa loob niyon ay puting V-neck Shirt. At right at the moment, he is dashing handsome. "What?" wika niya dito ng magtama ang mga mata nilang dalawa, bahagya din niya itong tinaasan ng isang kilay habang sinasalubong niya ang titig nito."Gusto mong sumama?" tanong nito sa kanya. "Where?" "I'm going to the Mall. Bibili ako ng regalo ng kambal," sagot naman nito sa kan
HINDI nagtagal ay nakarating na din sila Brooke sa Mall na pupuntahan nilang dalawa ni Seven ng sandaling iyon. Naghanap naman ng parking ang lalaki at nang makahanap ay inihinto nito ang bigbike nito na minamaneho nito kung saan siya nakasakay. Bumitiw naman si Brooke mula sa pagkakayakap niya kay Seven mula sa likod. Pagkatapos ay bumaba siya sa bigbike ng hindi inaalis ang helmet niya. At dahil do'n ay hindi niya masyado napansin ang binababaan niya dahilan para mawalan siya ng balanse. Pero bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse ay naging mabilis ang pag-kilos ni Seven, agad siya nitong nahawakan sa braso niya at marahan siya nitong hinila palapit sa katawan nito para hindi siya tuluyang matumba. Mabilis nga din ang naging reflexes ni Brooke dahil agad na kumuyapit siya sa kamay nito para ma-i-balanse din ang kamay."I got you," wika ni Seven sa buong-buong boses sa kanya. Napakurap-kurap naman si Brooke ng mga mata habang nakatitig siya dito. Suot pa din ni Seven ang helmet
"BROOKE, Seven."Napatingin si Brooke sa kanilang gilid nang marinig niya ang boses na iyon na tumawag sa pangalan nilang dalawa ni Seven pagpasok nila sa isang restaurant. At paglingon niya sa kanyang gilid ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Aria--ina ng birthday celebrant. Ngayong araw kasi ang Birthday ng kambal na anak nito. Dumalo silang dalawa ni Seven bilang pakikisama na din sa kapitbahay nila. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang tuluyang nakalapit si Aria sa kanilang dalawa ni Seven. "Mabuti naman ang nakapunta kayong dalawa ng asawa mo," wika ni Aria sa kanya, napansin din niya ang pagsulyap nito kay Seven na nasa likod niya.Hindi naman inuubo si Brooke pero hindi niya naiwasan na mapaubo ng sandaling iyon sa narinig na sinabi ni Aria sa kanila. Mukhang inakala talaga ng mga ito na mag-asawa silang dalawa ni Seven, mukhang naniwala ito sa sinabi ni Seven na mag-asawa sila. "You okay?" tanong naman ni Aria, mababakas sa boses nito a
"WHERE is your husband?" mayamaya ay tanong ni Brooke kay Aria nang matapos siyang kumain. Naku-curious kasi siya kung nasaan ito. Napansin kasi niya na ilang minuto na sila do'n pero hindi pa niya nakikita ang asawa nito. At dahil nakatingin siya kay Aria ng itanong niya kung nasaan ang asawa nito ay napansin niya na natigilan ito, may napansin din siya na bumakas sa lungkot sa ekspresyon ng mga mata nito sa sandaling iyon. Hindi naman niya napigilan ang pag-awang ng kanyang labi ng sandaling iyon habang nakatitig siya dito. Sadness is still visible in her eyes. May nasabi ba siyang mali?"I'm single mom," mayamaya sagot nito sa mahinang boses ng makabawi ito mula sa pagkabigla. Hindi naman niya napigilan ang makaramdam ng guilt sa naging tanong niya. Hindi naman kasi niya alam na single mom pala si Aria, kung alam niya o kung may ideya sana siya, eh, hindi na sana niya itinanong. . How sensitive she is. Mukhang nasira niya ang masayang araw nito sa naging tanong niya. Bumuntong
"WAIT!" wika ni Brooke kay Seven nang marinig niya ang sunod-sunod na katok nito sa labas ng pinto ng kwarto niya. Alam niyang si Seven iyon dahil ito lang naman ang kasama niya do'n. Binilisan naman niya ang ginagawa. Sinuklay niya ang mahabang buhok at saka niya iyon pinusod in a messybun style. At nang matapos ay kinuha niya ang sling bag at cellphone na nakalapag sa ibabaw ng kama. Inilagay niya ang cellphone sa loob ng bag at saka siya lumabas ng kwarto. Pagkalabas nga niya ay agad niyang nakita si Seven na nakatayo sa labas ng kwarto niya. "Ang tagal mo," wika nito sa kanya. Hindi naman niya napigilan na taasan ito ng kilay sa sinabi nito. "Masyado kang nagmamadali," wika naman niya sabay irap dito. Nakita naman ni Brooke ang pag-angat ng dulo ng labi ni Seven tanda ng pag-ngisi habang nakatitig ito sa kanya. Hindi naman niya pinansin ang pag-ngisi nito. "Halika ka na kamahalan," yakag naman na niya dito. Hindi na din naman niya ito hinintay na magsalita, nauna na siyang na
“ANG lamig,” komento ni Brooke ng lumabas siya ng kanyang kwarto. Nakasuot na siya ng jacket at pajama pero nanunuot pa rin ang lamig sa katawan niya. Iba talaga ang klima sa Baguio. At lalong nadagdagan ang lamig ng klima dahil umuulan ng malakas. Dinala ni Brooke ang dalawang kamay niya sa kanyang bibig para hipan iyon. At paglataposnay ipinasok niya iyon sa bulsa ng jacket niya para mainitin at saka siya nagpatuloy sa paglalakad patungo sa living room ng bahay. Pagdating niya do’n ay hindi niya napigilan ang mapataas ng isang kilay nang madatnan niya si Seven na nakaupo sa sofa. Nakita din niya ang bote ng whiskey sa center table sa may sala, may mga chitchirya din siyang nakita. May hawak din itong baso na may lamang whiskey. At mukhang naramdaman nito ang presensiya niya dahil nag-angat ito ng tingin patungo sa kanya. Simpatiko itong ngumiti ng magtama ang mga mata nila, napansin nga din niya na namumula ang magkabilang pisngi nito, mukhang lasing na ito. Pagkatapos ay i