LUMABAS ng kwarto si Brooke nang makita niyang alas siyete na pala ng gabi. Oras na kasi para kumain ng dinner. Hindi naman niya alam kung may pagkain, hindi naman kasi siya nagluto. Pero if ever na wala, tinapay na lang ang kakainin niya. Hindi din niya alam kung nando'n don si Seven. Pero baka nasa labas din ito, gabi-gabi na lang din kasi itong umaalis. At malalim na ng gabi ito umuuwi. Mukhang nagsasaya pa ito sa kandungan ng iba. Gaya na lang noong nakaraang araw, tadtad ng kissmark ang katawan nito ng umuwi ito ng gabi at nang lasing. Iiling na lang naman si Brooke. Nagpatuloy naman na siya sa paglalakad patungo sa kusina ng townhouse na tinutuluyan. Napatigil naman siya sa paglalakad nang makita niya si Seven sa loob ng kusina. So, mali siya. Hindi pala ito umalis ng townhouse. Nakatalikod din ang lalaki sa kanya kaya hindi siya nito nakita. Napansin niyang kumukuha ito ng isang plato. Mukhang kakain na din ito. At dahil hindi pa naman siya nito nakikita ay napagpasyahan niya
NAISIPAN ni Brooke na lumabas ng townhouse na tinutuluyan para magpaaraw. Sa loob ng ilang araw na pananatili niya sa Baguio ay bihira na lang siyang lumabas. Nasa loob lang siya ng bahay o hindi kaya ay nasa loob lang siya ng kwarto at nagsusulat siya ng manuscript niya para naman may pambuhay siya sa sarili. Dahil nga umalis siya ng bahay nila ay kailangan niyang kumayod para sa sarili niya, hindi na siya pwedeng umasa sa pamilya niya.At hindi din alam ni Brooke kung hanggang kailan siya do'n. Siguro kung nagbago na ang isip ng Papa niya at hindi na nito ituloy ang binabalak nitong ipakasal siya sa anak ng kilala nito ay babalik na siya sa kanila.Pagkalabas ng bahay ay hindi napigilan ni Brooke ang mapapikit ng mga mata ng humaplos ang malamig na hangin sa balat niya. It's really cold in Baguio, hindi lang iyon, maganda din ang simoy ng hangin. Mabuti na lang talaga at inalok siya ng kaibigang si Zarina na tumuloy siya do'n ng umalis siya ng bahay nila dahil kung hindi ay magpo-pr
NAPAHINTO si Brooke mula sa paglalakad ng makarinig siya ng mahinang katok na nanggaling sa labas ng townhouse na tinutuluyan. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot nang noo ng tumingin siya sa dereksiyon ng nakasarang pinto. Akmang maglalakad siya palapit sa pinto para pagbuksan kung sino ang kumakatok ng mapahinto siya ng may maisip. Wala kasing inaasahan na bisita si Brooke, wala namang nakakaalam kung nasaan siya sa sandaling iyon, maliban na lang kay Zarina na nagpatuloy sa kanya. Imposible naman na ito ang kumakatok dahil sinabi nito sa kanya na hindi siya nito bibisitahin do'n dahil baka may sumusunod din dito.Mayamaya ay hindi niya napigilan ang mamilog ng mga mata ng may ma-realize siya. Paano kung natunton na siya ng magulang do'n. Paano kung ang kumakatok sa sandaling iyon ay walang iba kundi ang magulang siya. Grabe ang kabang nararamdaman ng puso niya. At sandaling iyon ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kung saan siya magtatago para hindi siya makita ng m
LUMABAS ng kwarto si Brooke para pumunta ng kusina. Saktong lumabas siya ay ang paglabas din ni Seven sa pinto ng kwarto nito. Nagkagulatan pa silang dalawa. At mayamaya ay napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa suot niyang damit. Napansin din niya ang sunod-sunod na paglunok nito at ang paggalaw ng adams apple nito habang nakatitig ito do'n. Hindi naman niya napigilan ang bahagyang pagkunot ng noo niya. Sinundan din niya ang tinitingnan nito at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita kung ano ang tinitingnan--hindi pala, kung ano ang tinititigan nito sa sandaling iyon. Mabilis naman niyang tinakpan ang bakat na dibdib. Pagkatapos niyon ay tumalikod siya dito at pumasok siya sa loob ng kwarto niya. Isinara din niya ang pinto at sumandal siya sa likod niyon. Sa sandaling iyon ay grabe ang tibok ng puso niya na para bang tumakbo siya ng ilang kilomentro. Narinig nga din niya ang pagpasok ulit ni Seven sa loob ng kwarto nito dahil narinig niya ang pagsara ng pi
KUMUNOT ang noo ni Brooke ng bumaling siya sa pinto ng kwarto niya ng makarinig siya ng bahagyang pagkatok. At mayamaya ay narinig niya ang boses ni Seven na tumatawag sa pangalan niya mula sa labas ng kwarto na tinutuluyan niya. "Brooke?"Saglit naman siyang nakatingin sa nakasarang pinto hanggang sa bumangon siya mula sa pagkalahiga niya sa kama at naglakad siya palapit do'n para pagbuksan niya ito ng pinto. Hindi na nga siya nagsuklay ng buhok kahit magulo iyon dahil sa pagkakahiga niya. At nakita ni Brooke ang gwapong-gwapo na si Seven na nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto niya. Nakasuot ito ng leather jacket at sa loob niyon ay puting V-neck Shirt. At right at the moment, he is dashing handsome. "What?" wika niya dito ng magtama ang mga mata nilang dalawa, bahagya din niya itong tinaasan ng isang kilay habang sinasalubong niya ang titig nito."Gusto mong sumama?" tanong nito sa kanya. "Where?" "I'm going to the Mall. Bibili ako ng regalo ng kambal," sagot naman nito sa kan
HINDI nagtagal ay nakarating na din sila Brooke sa Mall na pupuntahan nilang dalawa ni Seven ng sandaling iyon. Naghanap naman ng parking ang lalaki at nang makahanap ay inihinto nito ang bigbike nito na minamaneho nito kung saan siya nakasakay. Bumitiw naman si Brooke mula sa pagkakayakap niya kay Seven mula sa likod. Pagkatapos ay bumaba siya sa bigbike ng hindi inaalis ang helmet niya. At dahil do'n ay hindi niya masyado napansin ang binababaan niya dahilan para mawalan siya ng balanse. Pero bago pa siya tuluyang mawalan ng balanse ay naging mabilis ang pag-kilos ni Seven, agad siya nitong nahawakan sa braso niya at marahan siya nitong hinila palapit sa katawan nito para hindi siya tuluyang matumba. Mabilis nga din ang naging reflexes ni Brooke dahil agad na kumuyapit siya sa kamay nito para ma-i-balanse din ang kamay."I got you," wika ni Seven sa buong-buong boses sa kanya. Napakurap-kurap naman si Brooke ng mga mata habang nakatitig siya dito. Suot pa din ni Seven ang helmet
"BROOKE, Seven."Napatingin si Brooke sa kanilang gilid nang marinig niya ang boses na iyon na tumawag sa pangalan nilang dalawa ni Seven pagpasok nila sa isang restaurant. At paglingon niya sa kanyang gilid ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Aria--ina ng birthday celebrant. Ngayong araw kasi ang Birthday ng kambal na anak nito. Dumalo silang dalawa ni Seven bilang pakikisama na din sa kapitbahay nila. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang tuluyang nakalapit si Aria sa kanilang dalawa ni Seven. "Mabuti naman ang nakapunta kayong dalawa ng asawa mo," wika ni Aria sa kanya, napansin din niya ang pagsulyap nito kay Seven na nasa likod niya.Hindi naman inuubo si Brooke pero hindi niya naiwasan na mapaubo ng sandaling iyon sa narinig na sinabi ni Aria sa kanila. Mukhang inakala talaga ng mga ito na mag-asawa silang dalawa ni Seven, mukhang naniwala ito sa sinabi ni Seven na mag-asawa sila. "You okay?" tanong naman ni Aria, mababakas sa boses nito a
"WHERE is your husband?" mayamaya ay tanong ni Brooke kay Aria nang matapos siyang kumain. Naku-curious kasi siya kung nasaan ito. Napansin kasi niya na ilang minuto na sila do'n pero hindi pa niya nakikita ang asawa nito. At dahil nakatingin siya kay Aria ng itanong niya kung nasaan ang asawa nito ay napansin niya na natigilan ito, may napansin din siya na bumakas sa lungkot sa ekspresyon ng mga mata nito sa sandaling iyon. Hindi naman niya napigilan ang pag-awang ng kanyang labi ng sandaling iyon habang nakatitig siya dito. Sadness is still visible in her eyes. May nasabi ba siyang mali?"I'm single mom," mayamaya sagot nito sa mahinang boses ng makabawi ito mula sa pagkabigla. Hindi naman niya napigilan ang makaramdam ng guilt sa naging tanong niya. Hindi naman kasi niya alam na single mom pala si Aria, kung alam niya o kung may ideya sana siya, eh, hindi na sana niya itinanong. . How sensitive she is. Mukhang nasira niya ang masayang araw nito sa naging tanong niya. Bumuntong