Home / Romance / ADDICTED / Chapter 1

Share

ADDICTED
ADDICTED
Author: Queen Amore

Chapter 1

NANG makita ni Brooke na ibinaba ng babae ang hawak nitong puting towel na nasa gitna ng kotse niya at kotse ng kalaban ay mabilis niyang inapakan ang gas ng kanyang kotse. Lihim siyang napangiti nang manguna siya sa kalaban sa sandaling iyon. Pilit nitong humahabol sa kanya pero hindi niya ito pinagbigyan. Ayaw kasi niyang matalo. Ayaw din niyang mawala ang kotse niya sa kanya.

Ang kotse kasi ni Brooke ang ipinusta niya sa karerang iyon. At kapag natalo siya sa karerang iyon, mawawala sa kanya ang kotse niya. Magtataka ang Papa niya kung bakit wala siyang kotse at doon nito malalaman na nakipagkarera na naman siya.

At kapag nalaman ng ama na nakipagkarera na naman siya ay for sure abot-abot hanggang langit ang sermon ang matatanggap niya mula rito. And worse ay baka grounded na naman siya. Dalawang linggo na namang walang cellphone, walang internet, confiscate ang ATM, debit card at bawal ang lumabas ng bahay. At dalawang linggong boring na naman ang life niya gaya ng nangyari sa kanya no’ng nakaraang taon.

Kasama niya ang bestfriend na si Zarina no’ng nakipagkarera sila. Ilegal iyon. At hindi nila inaasahan na mahuhuli sila ng pulis. Magdamag nga silang naghimas ng rehas dahil do’n. Nakalabas lang sila sa kulungan dahil sa tulong ng Kuya ni Zarina na si Kuya Zander.

At nang malaman iyon ng ama ay grounded siya ng halos dalawang linggo.

She was Brooklyn Marie Guevarra but her friends call her Brooke. Pangalawa siyang anak nina Brian at Maricel Guevarra—ang may ari ng malaking food of chain sa Pilipinas. Para sa amang si Brian ay sakit siya ng ulo. Sa kanilang tatlong magkakapatid kasi ay siya lang ang matigas ang ulo. Hindi siya katulad ng ate at kapatid niya na laging sumusunod sa sinasabi at gusto ng ama.

Noong sinabi nga ng ama na kumuha siya ng Business Management na kurso pagtuntong niya ng kolehiyo ay sa halip na sundin ito ay ibang kurso ang kinuha niya. Kumuha siya ng HRM, pero no’ng ma-bored sa kinuhang kurso ay nag-shift siya ng ibang course. Naka-tatlong course din siya. Halos anim na taon nga din siya sa college bago siya grumaduate. At sa pagkakataong iyon ay ang kinuha niyang kurso ay ang gusto ng ama—ang Business Management. Pero sa halip na tumulong din sa kompanya nila ay mas pinili niyang maging freelancer. Isa siyang freelance writer.

At dahil sa pagiging pasaway, matigas ang ulo ay madalas siyang mapagalitan ng ama. Madalas din siyang i-kompare sa ate at kapatid niya. Bakit daw hindi niya gayahin ang mga ito? Responsable at matino. At tumutulong pa ang mga ito sa negosyo ng pamilya.

Well, hindi naman siya affected kapag sini-sermonan o pinapagalitan siya. Immune na rin kasi siya sa sermon ng ama. At kapag pinapagalitan at senesermunan siya ay pinapasok lang niya iyon sa kanang tainga at inilalabas niya iyon sa kaliwang tainga.

“Na-ah.” sabi ni Brooke nang magpantay ang kotse nila ng katunggali. Sinagad niya ang pag-apak sa gas at nanguna na naman siya. She chuckled. “Sorry, but I’m not letting you win,” she whispered in the air. Pinaharurot na naman niya ang kanyang kotse. Hindi na nakahabol ang kalaban sa kanya. At naamoy na ni Brooke ang pagkapanalo. Malapit na siya sa finish line ng dumating ang hindi inaasahan. Narinig niya ang pagputok ng isang gulong ng kotse niya sa harapan dahilan para mawalan siya ng kontrol sa manibela.

Mabilis naman niyang inapakan ang break, pero huli na dahil babangga na siya sa concrete barrier. “Shit!” mura ni Brooke. Ipinikit na lang niya ang mga mata at hinintay na bumangga ang kotse niya sa concrete barrier. At saktong pagsalpok ng kotse sa barrier ay bumukas ang air bag ng kotse niya.

Mabilis namang rumesponde ang medics sa kinaroonan niya. Inilabas siya ng mga ito sa loob ng kotse. Sinapo niya ang noo at tiningnan niya ang kamay ng may maramdaman siyang basa do’n. At nang makita niya ang dugo sa kanyang kamay ay biglang nandilim ang paningin niya. Huli niyang narinig bago siya nawalan ng malay ay ang boses ng kaibigang si Zarina na tumawag sa pangalan niya.

At nang bumalik ang malay ni Brooke ay nasa hospital na siya.

“Brooke?”

Napatingin si Brooke sa kanyang gilid nang marinig niya ang boses ng kanyang Mama.

“`Ma?”

“Okay ka lang ba? May masakit ba sa iyo?” Nag-aalalang tanong ng Mama niya sa kanya.

Pinakiramdaman naman ni Brooke ang sarili. Wala naman siyang ibang nararamdaman maliban sa kirot sa noo niya. Salamat sa airbag ng kotse dahil nakatulong iyon para hindi siya masaktan ng husto ng bumangga ang kotse sa concrete barrier. Dahil kung hindi ay baka mas malala pa ang nangyari sa kanya.

Akmang bubuka ang bibig niya para sagutin ang Mama niya nang mapahinto siya ng bumukas ang pinto sa private room sa ospital na kinaroroonan niya.

Ganoon na lang ang kabang naramdaman niya nang makita ang Papa niya—lalo na nang mapansin niya ang seryosong ekpresyon ng mukha nito.

Fuck! She’s in trouble.

“`Pa.”

“Mabuti naman at gising ka na, Brooklyn,” anang ama sa seryosong boses. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Seryosong-seryoso pa rin iyon.

Kinagat niya ang ibabang labi. “K-kagigising ko lang, `Pa.”

Kilala niya ang Papa niya. Kapag ganoon ito ka-seryoso ay alam niya na galit ito. Kailangan na naman niyang ihanda ang sarili, lalo na ang tainga niya sa magiging sermon nito sa kanya.

Inilipat ng Papa niya ang tingin patungo sa Mama niya. “Nakausap ko na ang doctor. Wala siyang iternal at external damages na natamo sa aksidente. At anumang oras ay pwede na siyang lumabas.” wika nito. Pagkatapos niyon ay tumingin na naman ito sa kanya. “And you, let’s talk at home.” seryoso na naman ang boses ng Papa niya.

Hindi na nito hinintay na magsalita siya. Sa halip ay lumabas na ito ng kwarto. Nagpakawala na lang si Brooke ng malalim na buntong-hininga. Ilang minuto din silang nanatili do’n hanggang sa napagpasyahan na nilang lumabas ng ospital.

At habang sakay na sila ng kotse pauwi ng bahay nila ay namayani ang katahimikan. Wala silang imikan pati na rin ang Mama niya. At nang makarating sila sa harap ng bahay ay nagmamadali siyang pumasok sa loob ng bahay. Aakyat na sana siya sa pangalawang palapag ng bahay nila kung saan matatagpuan ang kwarto niya ng mapatigil siya ng marinig ang boses ng Papa niya.

“At saan ka pupunta, Brooklyn?” anang Papa niya na nakakunot ang noo. niya ang pangalawang palapag ng bahay nila.

“Sa kwarto po.”

“Mag-uusap pa tayo,” anang Papa niya.

Napangiwi siya. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga bago niya nilingon ang Papa niya. “Pwedeng bukas na lang po tayo mag-usap, `Pa. Gusto ko na pong magpahinga.” sabi niya. Pagkatapos niyon ay sinapo niya ang ulo. “Medyo masakit po ang ulo ko.” dagdag na wika niya. Sana makalusot ang pag-arte niya sa Papa niya.

“Huwag mo akong artehan, Brooklyn. Mag-uusap tayo ngayon,” wika nito. “Sa library tayo.” hindi na naman siya nito hinintay na magsalita. Sa halip ay naglakad na ito patungo sa dereksiyon ng library.

Brooke sighed and then follow her father. Pagkapasok niya sa library ay nakita niya itong nakaupo sa table nito. Naglakad naman siya at umupo sa visitor chair na nasa harap ng table nito.

“Papa—

“Kailan ka ba titino?” putol nito sa gusto sana niyang sasabihin.

“Matino naman ako, Papa.” depensa naman niya sa sarili.

Pinaningkitan siya ng mga mata ng Papa niya. “I have enough with you, Brooklyn. Maraming beses na kitang pinagsabihan pero mukhang balewala sa ` yo ang lahat ng sinasabi ko. At para magtanda at tumino ka. Napagdesisyonan kong ipakasal ka sa anak ng business partner ko.”

Nanlaki naman ang mga mata niya sa narinig na sinabi ng Papa niya. “What?!”

“Don’t shout at me, Brooklyn. I am your father. And whether you like it or not. You’re going to marry Jerome.” pinal na wika ng ama. “The sooner the better.”

TINANGGAL ni Brooke ang suot na ballcap nang nasa tapat na siya ng town house ng pamilya ng kaibigan na si Zarina. At matatagpuan iyon sa Baguio.

Inilabas niya ang cellphone at tinawagan si Zarina. Bilin kasi nito sa kanya na kapag nakarating na siya sa Baguio at sa town house mismo ng mga ito ay tawagan daw niya ito para alam nito. At para hindi ito mag-alala sa kanya.

Nakailang ring din bago sinagot ni Zarina ang tawag niya.

“Hello?” wika ni Zarina mula sa kabilang linya.

“Zarina, si Brooke ito.” pagpapakilala niya.

“Ikaw pala iyan, Brooke.”

“Yes, it’s me. I left my phone sa bahay. At bumili ako ng bago. Mahirap na baka ma-track pa ako ni Papa.” sabi niya rito. “And by the way, I’m already here at Baguio. At nasa tapat na ako ng town house niyo,” imporma niya rito.

Tumakas kasi si Brooke sa bahay nila. Against kasi siya desisyon ng Papa niya na ipakasal siya sa anak ng isa sa mga business partner nito para daw tumino at magtanda siya. Kahit na anong gawin kasi niyang pagtutol sa desisyon ng Papa niya ay hindi siya nito pinapakinggan. Sa ayaw at sa gusto daw niya ay ipapakasal siya nito kay Jerome. Pati nga ang Mama niya ay sang-ayon sa desisyon ng Papa niya.

Nitong makalipas nga ng araw ay inaayos na ng Papa niya ang engagement party nila ni Jerome. At bago pa sumapit ang engagement party nila ni Jerome ay umalis na siya ng bahay nila. Nag-iwan din siya ng sulat sa mga magulang niya na ayaw niyang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. At sinabi din niyang huwag siyang hanapin at hayaan siya.

At tinulungan siya ni Zarina sa pagtakas niya. Ito ang nag-suhestiyon na tumira siya sa town house ng mga ito sa Baguio. Wala naman daw kasing nakatira do’n. At hindi daw siya matutonton ng pamilya niya do’n. Kaya sa Baguio siya dumiretso pagkaalis niya ng bahay.

“Mabuti naman at safe kang nakarating diyan,” sabi ni Zarina. “Nasa iyo naman na iyong susi na ibinigay ko sa iyo noong nakaraang araw, `di ba?”

Inilabas naman ni Brooke ang susi na sinasabi nito sa bulsa ng suot niyang pantalon. “Yes.”

“Oh, good. Gamitin mo na lang iyan para buksan iyong pinto ng townhouse. Natawagan ko na rin iyong caretaker na diyan ka muna titira. Pinaayos ko na iyong kwartong gagamitin mo at mayroon na ring supply ng pagkain sa cupboard and then sa fridge.”

“Thank you so much for your help, Zarina.” sincere na wika niya sa kaibigan.

“What are friends for, Brooke. At alam ko naman na kung ako ang nasa kalagayan mo ay alam kung tutulungan mo din ako.”

“Of course, of course.” sabi naman niya.

“Okay. Mag-ingat ka diyan, ha. If you need my help or there is a problem. Just call me. I’m just one call away,” bilin nito. “And don’t worry, my mouth is sealed. Kahit pitpitin nila ang dila ko ay hindi ko sasabihin kahit kanino kung nasaan ka.”

She smiled. “I know that. And thank you Zarina.” sabi niya bago niya pinatay ang tawag. Ibinulsa na niya ang cellphone at naglakad na siya palapit sa pinto ng town house. Gamit ang susing hawak ay binuksan niya ang pinto. Nang ma-unlock ay pinihit niya ang seradura at pumasok sa loob. Inilibot ni Brooke ang tingin sa loob ng town house.

Maganda ang interior design ng loob ng town house. Maaliwalas din sa mata ang pinturang ginamit. May nakita din siyang fire place na nasa may sala.

Nagpatuloy na si Brooke na maglakad. Hinanap niya ang tutuluyang kwarto. Nang mahanap niya iyon ay inilapag niya ang dalang medyo malaking bagpack. Pagkatapos niyon ay pabagsak siyang humiga sa kama. Mamaya na lang niya aayusin ang gamit. Magpapahinga muna siya dahil napagod siya sa mahabang biyahe.

At dahil sa pagod na nararamdaman ay nakatulog agad siya.

Naalimpungatan si Brooke sa pagkakatulog nang maramdamang parang may mabigat na nakadagan sa kanya. Iminulat niya ang mga mata. Tumambad sa kanyang paningin ang madilim na paligid. Mukhang napasarap ang tulog niya at hindi niya namalayan na gabi na. Mayamaya ay tumingin siya sa kanyang gilid nang maramdamang may gumalaw.

At nanlaki ang mga mata ni Brooke nang maramdamang may mainit na bagay na dumapo sa kanang bahagi ng dibdib niya. Naramdaman din niyang may pumisil sa kanang dibdib niya. At nang bumaba ang tingin niya sa dibdib ay nakita niyang may isang kamay na nakahawak do’n. Sa pangalawang pagkakataon ay naramdaman niyang may pumisil muli sa dibdib niya. Makailang ulit pa.

Mukhang ginawa nitong stress ball ang dibdib niya!

Mabilis ang ginawa niyang pagbaling sa katabi. At hindi napigilan ni Brooke ang mapasigaw nang makitang may katabi siyang isang lalaki! Hindi niya napigilan ang sarili, sinipa niya ito ng malakas dahilan para mahulog ito sa kama. Narinig niya ang pagdaing at ang pagmumura nito.

Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga niya. Pagkatapos niyon ay in-on niya ang ilaw para makita ang pangahas na lalaki na pumasok sa kwartong tinutuluyan niya. Kasabay ng pagsindi ng liwanag ay ang pagtayo ng lalaki mula sa pagkakahulog nito mula sa kanya.

Kasabay ng panlalaki ng mata niya ay ang pag-awang ng labi niya nang makita ang lalaki. Wala itong suot na kahit na ano sa katawan. The man is on his birthday suit! Kaya kitang-kita niya ang perpektong katawan nito. Mula sa malapad na balikat, sa anim na abs nito at sa...

Sa pagkalalaki nitong malaki at tayong-tayo!

At hindi maipaliwanag ni Brooke kung bakit hindi niya maalis ang titig sa pagkalalaki nito. Para ngang may magnetikong naghihila kay Brooke na titigan iyon.

It was her first time to see manhood in a flesh! At hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Nag-iinit ang buong katawan niya.

At doon lang inalis ni Brooke ang tingin sa parang ahas na handa ng manuklaw nang marinig niya ang boses ng lalaki. Nag-angat siya ng tingin mula sa mukha ng lalaki.

“Who are you?” raspy ang boses na tanong ng lalaki. Hindi man lang ito nag-abala na kumuha ng pantakip para takpan ang pagkalalaki. Proud na proud pa itong ibalandra iyon sa sa harap niya. Sa halip naman na sagutin ito ay dinampot niya ang isang figurine na nakapatong sa ibabaw ng bed side table at walang babalang itinapon iyon sa dereksiyon ng lalaki.

Malas, dahil nakailag ang lalaki.

“What the hell lady!” anang lalaki.

Naghanap uli siya nang mapanbabato rito. At bago pa siya makahanap ay mabilis nang nakalapit ang lalaki sa kanya. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya and then he pinned her on the wall.

Lalong nanlaki ang mata niya sa posisyon nilang dalawa sa sandaling iyon. Lalo na iyong maramdaman niya iyong matigas na bagay na tumutusok sa may puson niya.

His erection is poking her!

“Who are you?” tanong muli nang lalaki. Gusto namang mapapikit ni Brooke ng tumama ang mabangong hininga ng lalaki sa mukha niya nang magsalita ito. Hindi din siya nakasagot dahil ang atensiyon niya ang nasa matigas na pagkalalaki nito na tumutusok sa may puson niya. Para talagang may cobra na nasa harap niya at hindi siya makakilos dahil takot siyang matuklaw.

Sa pangatlong pagkakataon ay muli siyang tinanong ng lalaki. “Sino ka?”

At sa pagkakataong ding iyon ay do’n lang siya nakakilos, do’n lang din siya nakasagot sa tanong nito. “Ako dapat ang magtanong niyan? Sino ka? At ano ang ginagawa mo sa townhouse nina Zarina?” sunod-sunod na tanong niya rito, pilit niyang sinasalubong ang titig nito.

“You know Zarina?”

“Yes. She is my bestfriend,” sabi niya rito.

Sa pagkakataong iyon ay pinakawalan siya nito mula sa pagkakahawak. Bahagya namang itong lumayo sa kanya. At sa ginawa nito ay nagkaroon na naman siya ng pagkakataon para makita ang pagkalalaki nito na hanggang ngayon ay tayong-tayo pa rin. Parang may flag ceremony dahil sumasaludo pa iyon—sa kanya.

Darn!

“Hey, eye’s up here, lady,” untag sa kanya ng lalaki. “Sensored iyang tinitingnan mo. At baka matuklaw ka pa niyan.”

Mabilis ang ginawa niyang pagtalikod rito ng maramdaman ang pag-iinit ng pisngi niya.

Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ng estrangherong lalaki.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
hahahahahaha tawa ko hahahaha............brooke palit tayo......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status