Home / Romance / ADDICTED / Chapter 6

Share

Chapter 6

IBINABA ni Brooke ang hawak na pocketbook sa kanyang kandungan ng makarinig siya ng kaluskos na nanggaling sa labas ng kwarto niya. Napatingin naman siya sa wall clock na nakasabit sa pader at nakitang ala una na ng madaling araw. Hindi kasi makatulog si Brooke kaya naisipan niyang magbasa ng pocketbook para sakaling antukin siya. Pero masyado siyang nalibang sa pagbabasa kaya inabot na siya ng ala una ng madaling araw.

Hindi din napigilan ni Brooke ang mapakunot ng noo ng mapansing gumagalaw ang seradura ng kanyang pinto sa kwarto. Parang may nagbubukas niyon. Kinuha ulit niya ang pocketbook sa kanyang kandungan at inilapag niya iyon sa ibabaw ng bedside table. Pagkatapos ay tinanggal din niya ang suot na reading glass.

Bumaba naman si Brooke mula sa pagkakasampa niya sa kama at bago siya humakbang palapit sa pinto ay dinampot niya ang baseball bat na nasa gilid ng kama.

Patuloy pa din ang paglangitngit ng seradura ng pinto sa kwarto niya. Mukhang hindi sumusuko kung sino man ang magtangkang magbukas niyon. Mas humigpit ang pagkakawak niya sa hawak na baseball bat. Subukan lang ng kung sino man ang pumasok sa loob ng kwarto niya. Hahatawin niya ang ulo nito ng baseball bat.

Inilapit ni Brooke ang tainga sa likod ng pinto. "Ah... I never locked my door. Why couldn't it open?"

Kumunot ang noo ni Brooke nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon ni Seven na nasa labas ng pinto ng kwarto niya. Mukhang ito ang nagtatangka na magbukas ng pinto niya. At mayamaya ay napaigtad siya ng biglang sinipa nito ang pinto.

Halos magsalubong naman ang kilay niya ng buksan niya ang pinto. At pagkabukas niya ay akmang sisipain na naman sana nito ang pinto dahilan para mawalan ito ng balanse.

At bago pa ito mapasubsob sa sahig ay mabilis ang naging pagkilos niya, mabilis niya itong nahawakan para ibalanse ang katawan nito.

"Oh, Hi, boardmate. What are you doing in my room?" tanong nito sa kanya na nakangisi.

Pinamaywangan naman niya ito habang nakatitig siya sa namumulang pisngi nito. Naamoy din niya ang alak sa bibig nito ng humaplos iyon sa mukha niya ng magsalita ito. "Are you drunk?" tanong naman niya sa halip na sagutin ang tanong nito.

"Me?" wika nito sabay turo sa sarili. Pagkatapos niyon ay umiling-iling ito sa kanya. "I'm not drunk. Nakainom lang. Konti lang," sagot naman nito sa kanya na binuntutan pa nito ng pagtawa.

Hindi naman nagsalita si Brooke, sa halip ay sinamaan lang niya ng tingin si Seven. Pero mukhang balewala lang dito kahit na samaan niya ito ng tingin. "Excuse me. I want to sleep," mayamaya ay wika ni Seven. Hinawi naman siya nito patungo sa gilid para makaraan ito.

"Hey, Seven. This is not your room," wika naman niya dito ng lingunin niya ito.

Pero sa halip na pansinin siya nito ay tuloy-tuloy ito sa paglalakad, pasuray-suray nga ito. But he still manage to walk.

"What the..." sambit niya ng ibagsak nito padapa ang katawan sa kama niya. Halos kalahating katawan nga lang nito ang nakadapa sa kama dahil nakalaylay ang binti nito sa sahig.

Nagpakawala naman si Brooke ng malalim na buntong-hininga. She stares Seven for a moment and she walks towards him to wake him up.

"Seven, wake up. Do'n ka matulog sa kwarto mo," paggising niya dito sabay yugyog sa balikat nito. Pero kahit na anong gawin niya ay hindi pa din ito magising-gising. Narinig nga niya ang mabining pag-hilik nito tanda ng tulog na ito. Sa sobrang kalasingan nga nito ay hindi na nito natanggal ang sapatos na suot nito. Mabuti na lang at nakauwi pa ito ng ligtas sa estado nito.

Darn.

Ginulo naman ni Brooke ang buhok dahil sa frustration na nararamdaman.

Nagpakawala din siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos niyon ay kinuha niya ang unan at kumot at nag-martsa siya palabas ng kwarto niya. Pero hindi pa siya tuluyang nakakalabas ng kwarto ng napatigil siya sa paglalakad.

Saglit niyang ipinikit ang mga mata at saka niya binalikan si Seven. Hindi kasi maatim ng konsensiya niya na iwan ito sa ganoong kalagayan. Baka hindi din siya makatulog kung sakali dahil sa konsensiya na nararamdaman.

Inilapag naman niya ang hawak sa gilid ng kama. Pagkatapos niyon ay tinanggal niya ang suot nitong sapatos.

Itinulak naman ni Brooke si Seven para mapatihaya ito mula sa pagkakahiga nito. Nagdalawang isip pa siya kung tatangalin niya ang suot nitong long sleeves pero sa bandang huli ay tinanggal pa din niya. Isa-isa niyang kinalas ang butones ng long sleeves nito.

At akmang tatanggalin niya iyon ng mapatigil siya nang makita niya na madaming pulang marka na nagkalat sa buong dibdib nito. Kissmark ang lahat ng iyon at sigurado siyang mag-iiwan iyon ng marka sa katawan nito bukas.

Iiling lang naman si Brooke nang makita iyon. Mukhang hindi lang pag-iinom ang ginawa ni Seven, mukhang may kasamang pleasure pa iyon. At mukhang gusto pa talaga nito ng remembrance.

Pinagpatuloy naman na ni Brooke ang pagtanggal sa suot nitong long sleeves. Pagkatapos ay pumunta siya ng banyo para kumuha ng palanggana at nilagyan niya iyon ng tubig. Kumuha din siya ng maliit na towel at saka niya binalikan si Seven.

She started to wipe his face down to his broad chest. Sa inis na nararamdaman ay halos kiskisin niya ang bakas ng lipstick na nagkalat sa buong dibdib nito. Madaling araw na pero binigyan pa siya nito ng trabaho.

At napahinto si Brooke sa ginagawa ng umungol si Seven. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata nito sa sumunod na ginawa nito.

"Ahh..Shaina, keep pleasuring me. I want your mouth inside my cock," ungol na wika nito. Nag-i-sleep talk ito.

Darn. Mukhang Shaina ang pangalan ng ka-sex nito kanina.

Binilisan naman na niya ang ginagawa at nang matapos siya ay kinuha niya ang kumot at tinalukbong niya iyon sa hubad nitong katawan. Hindi na siya nag-abalang palitan ang ibabang suot nito.

Nang matapos si Brooke ay ibinalik na niya ang kinuhang palanggana sa banyo. Lumabas naman siya agad do'n at kinuha ang unan niya at lumabas na siya ng kwarto. Dumiretso naman siya sa sala at nag-desisyon siya na sa sofa na lang matutulog. Humiga naman na siya do'n at ipinikit ang kanyang mga mata. At sa pagpikit ay agad naman siyang nakatulog.

Nagising na lang si Brooke ng mag-uumaga na. Nag-inat naman siya habang nakapikit pa din ang mga mata, ilang saglit din siyang nanatili sa kinahihigaan hanggang sa nagmulat siya ng mga mata. At ganoon na lang ang gulat na naramdaman niya ng pagmulat niya ang sumalubong sa kanyang mata ang mukha ni Seven. Nakita niyang wala itong saplot sa katawan.

Mabilis naman siyang bumalikwas ng bangon mula sa pagkakahiga niya sa sofa. At pigil niya ang sarili na huwag mapatingin sa hubad nitong katawan pero hindi pa din niya mapigilan ang sarili. At kitang-kita niya na tadtad ng hickeys ang palibot ng dibdib nito patunay na pinanggigilan ng kung sino ang lalaki kagabi. At talagang ibinabandera nito iyon sa kanya!

Base sa magulong buhok nito at medyo namumulang mga mata ay mukhang kagigising lang din nito.

Seven stares at her for a moment. "I'm sorry," mayamaya ay wika nito sa kanya.

Tinaasan naman niya ito ng isang kilay. Napansin naman niya ang pagtaas ng isang kamay nito patungo sa batok nito at kinamot nito iyon habang nakatingin sa kanya. "I spend the night in your room because I...

"You thought it's your room." Siya na ang nagtapos sa gusto nitong sasabihin.

He bit his lips and nodded. "Next time, drink moderately," pangaral na wika niya dito.

"Yes, Ma'am!" wika naman nito sa kanya sabay saludo sa kanya. Sa ginawa nito ay nag-flex tuloy ang muscles nito sa braso. And she had to admit, Seven is oozing with sex appeal. He had masculine body.

"Anyway," mayamaya ay wika nito, hindi naman niya napigilan ang mapakunot nang makita niya ang dahan-dahan na pag-angat ng dulo ng labi nito tanda ng pag-ngisi. At habang nakatingin siya sa nakangising mukha nito ay parang may kapilyuhan itong naiisip. At mukhang tama siya sa naisip ng bumuka ang labi nito para magpatuloy sa pagsasalita. "Bakit long sleeves at sapatos ko lang ang tinanggal mo kagabi?" wika nito. "You know, you can remove my pants and my underwear, I don't mind. Nakita mo na din kasi ang hubad kong--

Hindi na nito natapos ang iba nitong sasabihin ng damputin niya ang unan niya na nasa ibabaw ng sofa at saka niya ibinato iyon dito. Sapol naman ito sa mukha.

Tumayo naman si Brooke at nag-martsa siya pabalik sa loob ng kwarto niya.

Narinig naman ni Brooke ang malutong na pagtawa ni Seven.

Ahh! The nerve of this guy!

Queen Amore

Thank you for patienly waiting.

| 1
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monaliza Naquila R
salamat miss fiona.........
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status