©ALL RIGHTS RESERVED 2022
ITINAAS ni Kayden ang itim na tela na nakakuwintas sa kaniyang leeg upang takpan ang ibabang bahagi ng kaniyang mukha mula sa matangos niyang ilong paibaba. Kasunod ang dalawa niyang bodyguards ay humakbang siya papasok sa simbahan. "Boss Kayden, huminto tayo sandali upang makapag-isip ka pa," narinig niyang sabi ni Albert buhat sa likuran niya. "Mayroon pa ba akong dapat na isaalang-alang para mag-isip?" mapait niyang tanong dito. Hindi ito sumagot bagkus ay malungkot na nilingon sa tabi nito si Diego habang patuloy sa paglakad pasunod sa kaniya. Nang sapitin nila ang mayor na pintuan ay iniligid niya ang namamasang mga mata sa loob ng simbahan. Ilan lamang ang mga taong naroon at lahat ay abala sa tahimik na pananalangin. Humakbang siya at nagpatuloy sa paglakad palapit sa confessional booth na yari sa kahoy habang nakatitig doon ang namamasa niyang mga mata na puno ng pagkapoot. Sumunod pa rin ang dalawa pero pagsapit sa unang hanay ng pew benches ay magkatabing naupo ang mga ito roon. Nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa sapitin ang confessional booth. Hinawi niya ang kurtina sa kabilang pinto at pumasok doon tapos ay kaagad na lumuhod. Naramdaman ng pari sa kabila ng lattice wall ang kaniyang pagpasok. Marahan nitong ibinaba ang hawak na bibliya at sinalat ang silver na krus sa priest necklace nito. Nag-antanda naman siya ng krus. "Bless me, Father, for I have sinned. Since receiving my first communion, this is my second confession," pagsisimula niya. Mariin niyang itinikom ang mga labi habang binubunot ang baril na nakasuksok sa kaniyang baywang. "Nakasaad sa bibliya," wika ng pari nang manahimik siya, "Santiago, kapitulo lima at ika-labing-anim na bersikulo, ang Diyos ay tapat at makatarungan upang patawarin ang ating mga kasalanan habang ipinahahayag natin ito sa Kaniya. Kaya anak, aminin mo ang iyong mga pagkakasala." Napakalamig at napakahinahon ng pananalita ni Father Asher, dahilan para mapait siyang mapangiti. "I abducted a beautiful woman and took her to a distant island, then I forced her to marry me," pagku-confess niya habang ikinakabit ang silencer sa dulo ng kaniyang baril. Napakurap ito sa kabila ng lattice wall at sinubukan siyang banaagin, ngunit dahil nakatungo siya ay hindi nito nakita ang kaniyang mukha maging ang ginagawa niya sa baril na kasalukuyan na niyang ikinakasa. "Mayroon ka pa bang ibang pagkakasala?" napapalunok na tanong nito. "Despite my deep affection for her, I find myself in a painful predicament. Nanatiling nakatali ang puso niya sa iba, kaya naman ikinulong ko siya at pinagkaitan ng kalayaan upang angkinin ng puso ko habambuhay. Pero, tumakas siya dala ang aking anak sa kaniyang sinapupunan para balikan ang lalaking tunay niyang minamahal." Itinaas niya ang tingin upang makita nito ang kaniyang mukha sa kabila ng lattice wall. "I still determine to win her heart, and I'll pull out all the stops to make it happen," dugtong pa niya.Natigilan ito. Tinitigan siya nito na wari ay sinisikap na kilalanin siya sa kabila ng telang nakatabing sa ibabang bahagi ng kaniyang mukha. "Father, do you think I should kill myself!?" mapait niyang tanong sabay tutok ng baril sa kaniyang sentido. Nabigla si Father Asher. Napaatras ito at hindi nagawang magsalita habang nakatitig sa kaniya ang mga matang puno ng pagkabahala. "O dapat patayin kita ngayon dito mismo, bago ko ituloy ang pangungumpisal?" tapos ay tanong niya sabay tutok naman ng baril dito. Napakurap ito kasunod ang pamamasa ng mga mata at kapwa sila napatiim-bagang habang matamang nakatitig sa isa't isa sa pamamagitan ng lattice wall. Hindi siya naghintay ng tugon buhat dito, ibinaba niya ang kaniyang hintuturo sa gatilyo ng baril at walang alinlangang kinalabit iyon.NANATILING nakatitig sa puting kisame si Raven habang sinisikap na hindi kumawala sa lalamunan niya ang mga ungol habang papalapit sa kaniyang kasukdulan. Habang si Kayden ay abala ang balakang sa pagitan ng kaniyang mga hita. Ito ang parusang binibigay nito sa kaniya sa mga paggawa niya ng kasalanan o tuwing sasalungat siya sa gusto nito. Napakagat-labi siya nang kusang kumislot ang kaniyang balakang kasabay ang pag-arko ng katawan niya habang gumuguhit ang nakababaliw na kiliti sa loob ng kaniyang puson at pagkababae. “Ahhh…ahhh…” magkasunod na ungol ni Kayden at mas binilisan pa ang paggalaw ng balakang nito habang tila ba nababaliw. Nadama niya ang init ng inilabas ni Kayden sa loob ng kaniyang impis na puson, kasunod niyan ay ang unti-unting pagbagal ng paggalaw ng balakang nito. “Ahhmm…” nanlalatang ungol pa ni Kayden bago tuluyang huminto sa pagkilos. Humihingal itong bumagsak sa kaniyang tabi, naliligo sa sariling pawis at nanlalata. Kaagad siyang kumilos at umibis
MAGKATABI sila Raven at Kayden sa upuan. Nakasakay sila sa private plane na pag-aari nito mismo palipad sa Manila. Tulala siya dahil abala ang isip niya kung paano tatakas pagdating nila roon, kaya naman hindi niya napapansin ang pagkakatitig ni Kayden sa kaniya. “Raven…” Tinapik siya nito sa braso. Napakislot siya at napalingon dito. “Are you alright?” tanong nito habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Napaangat ang mga kilay niya at napatingin sa kinauupuan ni Kayne. Nakita niya na nasa batok nito ang paborito nitong neck pillow, nakapikit at anyong nahihimbing na. Malungkot siyang napangiti habang pinagmamasdan ang anak, partikular sa mukha nito. Naramdaman niya ang paghawak ni Kayden sa kaniyang kamay kaya naman muli siyang napalingon dito. Nang makita niyang nakatitig ito sa kaniyang mga mata ay kaagad niyang iniiwas ang tingin dito. Naramdaman niya ang magaan na paghaplos nito sa kaniyang kamay. “Kung tuwing titigan mo s’ya ay maaalala mo ang kahapon, please
HABANG tumatakbo ang limousine car na kanilang sinasakyan patungo sa mansion nila Kayden ay hindi maiwasan ni Raven ang tumanaw sa labas lalo pa at nasa tabi lamang ng kinauupuan niya ang bintana. Napakalaki na ng pinagbago ng Maynila sa loob ng isang dekadang lumipas. Para bang may kung ano sa kaniyang dibdib, her heart was beating so fast and she couldn’t stop crying silently. How is everyone doing? Ang lahat ng mga taong importante sa buhay niya. Her parents, her relatives, her best friend, Loraine. How are they doing? Sa mga taong lumipas, she always wondered in the silent late night...do the important persons in her life still remember her? Hinanap pa rin kaya siya ng mga ito at ninanais na muling makita kagaya ng pagnanais niyang makauwi sa piling ng mga ito? She remains looking out of the car. Nasa ganiyang ayos siya habang si Kayden ay nakaupo sa tabi niya at matamang nakatitig sa kaniya. Kayden could see the tears streaming down her cheeks, at kung nakaharap lamang
GUMALAW ang talukap ng mga mata ni Raven hanggang sa tuluyan niyang buksan. Kakaiba ang kisame na sumalubong sa paningin niya kaya naman kaagad siyang napabalikwas ng bangon habang iginagala ang mga mata sa kabuuan ng malawak na silid. She found herself laying alone in the center of the expansive bed, surrounded by the opulence of the luxurious bedroom. Kahit saan siya tumingin, lahat ng mga bagay na makita niya ay naghuhumiyaw sa karangyaan. The interior design of this room was manly, naaamoy rin niya sa hangin na hinahatid ng air conditioner sa ilong niya ang pamilyar na amoy ng pabango, so she instantly had an idea kung nasaan siya. Naroon siya sa bedroom suite ni Kayden. Napatingin siya sa glass-wall window at doon ay nakita niya ang madilim nang kalangitan, gabi na. Kumilos siya at umibis sa kama. Namimigat ang puson niya kaya hinanap niya ang pintuan ng bathroom doon. Maraming pintuan sa silid pero hindi siya nahirapang hanapin kung alin sa mga iyon ang kaniyang hinahanap.
“TINAPAT na ako ng doktor," basag ng ama ni Kayden sa namamayaning katahimikan sa pagitan nila sa harap ng mahabang dining table. Lahat sila ay napatingin dito. “The family doctor stated that Mama wouldn’t last long,” pagpapatuloy nito. “She was too weak and could barely move in her bed.” Malungkot nitong tinitigan si Kayden. “It will sadden her if you don't introduce her to your wife personally even in these moments.” Tapos ay tiningnan nito si Raven. Naramdaman niya ang pagtingin nito sa kaniya kaya dinala niya sa kinauupuan nito ang kaniyang tingin. Sa kabisera ito nakaupo habang nasa kanan nito ang asawa na si Amanda, katabi si Athena. Nasa kaliwa nito si Kayden at magkatabi sila, habang nasa tabi naman niya si Kayne. Sa paligid ay naroon nakabantay ang dalawa sa mga housemaids na nakatalaga sa komedor. Naramdaman niya ang pagtingin ng lahat sa kaniya maliban kay Kayne na abala sa pagkain. Tiningnan niya si Kayden sa kaniyang tabi. “Pagkatapos ng hapunan ay dadalhin ko an
HINDI nakakibo si Raven nang kumilos ang ama ni Kayden at tahimik na humakbang palabas sa pintuan. Napalunok siya nang lampasan siya nito. Napapikit siya sandali kasabay ang maluwag na paghinga. Ipinagpapasalamat niya na hindi siya nadamay sa inis nito sa anak. Nang buksan niya ang mga mata ay direktang dumapo ang tingin niya sa asawa na noon ay matiim na nakatitig sa kaniya. Nagtitigan sila, kapwa may hinahagilap sa mga mata ng isa't isa. "Kalimutan mo na lang kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon, Raven." Sinabayan nito ng paghakbang palapit sa kaniya ang sinabi. Pasimple siyang napalunok. "M-Mayroon ba akong dapat isipin, Kayden?" Pinilit niyang patatagin ang boses upang hindi nito mahalata na kinakabahan siya lalo pa at ganap na itong nakalapit sa kaniya. Halos pigilan niya ang paghinga. Imbes na tumugon sa tanong niya ay pumulupot ang braso nito sa baywang niya at kinabig siya papasok sa loob ng kanilang silid. Inilapat nito ang door leaf at ini-lock. Binitawan siya nito.
NATIGILAN si Raven nang sumapit sila sa resort spa na sinasabi ni Athena. Pamilyar ito sa kaniya pero dahil nga isang dekada na ang nakaraan at marami na rin marahil ang nabago rito ay hindi na niya matiyak kung ito nga ba talaga ang resort spa na madalas nilang puntahan noon ng kaniyang ina kasama si Loraine. "Minsan kaming napasyal ng kaibigan ko sa resort spa na ito and we enjoyed it so much that we decided to visit often," malawak ang ngiting sabi ni Athena saka umakbay kay Kayne at iginiya ito patungo sa isang direksyon. Napatitig siya sa pagkakalapat ng kamay nito sa balikat ng kaniyang sa anak bago inihakbang ang mga paa para sa sumunod sa mga ito. "My friend is on her way here, but let's have a massage habang hinihintay natin s’ya," narinig niyang sabi ni Athena habang patuloy sa paglakad patungo sa direksyon ng massage studio habang akbay si Kayne. Nagpasya siyang magpatianud dito habang humahanap siya ng magandang tiyempo para isakatuparan ang kaniyang plano. ** NAT
"KAYDEN!" tawag sa kaniya ni Athena na noon pala ay sumunod pa sa kaniya kasama si Myrtle. Huminto siya sa gagawing pagsakay sa sasakyan at nilingon ang dalaga. Maluha-luha itong tinitigan siya. "I just wanted—" “Who the fuck care?!” pigil ang galit na putol niya rito. Pumihit siya at humarap dito ng tuwid kasabay ang pagngisi. "I don't need you!” Gigil niya itong dinuro sa pagmumukha mismo. “I don't need you to entertain her. She's not allowed to leave the property so you fuckin' don't have to take her out to roam. Now that you know, please leave my wife alone!" paasik at mariing sabi niya kay Athena bago tiningnan si Myrtle na noon ay namumula ang mga mata dahil sa pinipigil na luha. Kumilos siya upang sumakay na nang tuluyan sa sasakyan. "Kayden!" untag sa kaniya ni Myrtle na siyang nagpahinto sa pagkilos niya. "Naging masaya ka naman ba, ha?" mapait na tanong nito sa kaniya. Tiningnan lang niya ito pero hindi siya nagsalita bagkus ay sumakay sa kotse at pabalabag na isi
NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi maituturing
NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan
"TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal
PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher.Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira.Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan.Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya."H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito.Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito."Hello…" wika niya sabay ngiti ng manipis."Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito. "H
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito."What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan.Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama.Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip.Balisa ito at tila may kintatakutan.Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito."I thought you weren't coming…" umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak.Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap."Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito.Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang mapansing tahimik doon sa kanilang pagbungad."Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito."Pinagbakasyon ko sila noong
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop.Tanaw niya ang dim light sa loob ng coffee shop na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience doon.Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop.Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden.Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa lamang ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan.Nagpatuloy siya sa makisig niyang paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang sa kaniya ay nakatuon.Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. K
DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin.Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang kaniyang likod sa pagkakaupo.Kaagad na nagtagpo ang paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala.Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya.Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan.Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya.Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik dito.G
DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool.She believes that the cozy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation."Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa'yo ng aking anak." Pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings."Nakaupo ito kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito.Is he telling her that Kayden has lost his mind?Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon."Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito."Is he truly lost his mind, or is th
"SHE saved my life nang araw na iyon," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen.Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room.Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito.Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya.Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso niya."Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kaniya. Tin