NATIGILAN si Raven nang sumapit sila sa resort spa na sinasabi ni Athena. Pamilyar ito sa kaniya pero dahil nga isang dekada na ang nakaraan at marami na rin marahil ang nabago rito ay hindi na niya matiyak kung ito nga ba talaga ang resort spa na madalas nilang puntahan noon ng kaniyang ina kasama si Loraine. "Minsan kaming napasyal ng kaibigan ko sa resort spa na ito and we enjoyed it so much that we decided to visit often," malawak ang ngiting sabi ni Athena saka umakbay kay Kayne at iginiya ito patungo sa isang direksyon. Napatitig siya sa pagkakalapat ng kamay nito sa balikat ng kaniyang sa anak bago inihakbang ang mga paa para sa sumunod sa mga ito. "My friend is on her way here, but let's have a massage habang hinihintay natin s’ya," narinig niyang sabi ni Athena habang patuloy sa paglakad patungo sa direksyon ng massage studio habang akbay si Kayne. Nagpasya siyang magpatianud dito habang humahanap siya ng magandang tiyempo para isakatuparan ang kaniyang plano. ** NAT
"KAYDEN!" tawag sa kaniya ni Athena na noon pala ay sumunod pa sa kaniya kasama si Myrtle. Huminto siya sa gagawing pagsakay sa sasakyan at nilingon ang dalaga. Maluha-luha itong tinitigan siya. "I just wanted—" “Who the fuck care?!” pigil ang galit na putol niya rito. Pumihit siya at humarap dito ng tuwid kasabay ang pagngisi. "I don't need you!” Gigil niya itong dinuro sa pagmumukha mismo. “I don't need you to entertain her. She's not allowed to leave the property so you fuckin' don't have to take her out to roam. Now that you know, please leave my wife alone!" paasik at mariing sabi niya kay Athena bago tiningnan si Myrtle na noon ay namumula ang mga mata dahil sa pinipigil na luha. Kumilos siya upang sumakay na nang tuluyan sa sasakyan. "Kayden!" untag sa kaniya ni Myrtle na siyang nagpahinto sa pagkilos niya. "Naging masaya ka naman ba, ha?" mapait na tanong nito sa kaniya. Tiningnan lang niya ito pero hindi siya nagsalita bagkus ay sumakay sa kotse at pabalabag na isi
MALAKAS na suntok sa mukha ang sumalubong kay Kayden pagpasok pa lang niya sa office suite ng kaniyang ama. Pasandal siyang bumagsak sa kakalapat na dahon ng pintuan. Napangiwi siya sabay sapo sa kaniyang panga, akala niya ay nabasag na iyon dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ng ama sa kaniya. "Kayden, you're overdoing it!" nanginginig ang pigil nitong boses dahil sa galit. Naghihinakit niya itong tiningnan. "It's your fault, Dad. I've talked to you about Athena, but you don't seem to have done anything,” saltik ang mga bagang na turan niya. “Inilabas niya si Raven dito.” Tinuro niya ang marbled floor. “What do you want me to do? Hintayin ang susunod na mangyayari hanggang sa mapunta na lang ako sa sulok at magmukmok dahil ang mga pagsisikap ko sa loob ng maraming taong lumipas manatili lang sa akin si Raven will all come to nothing! Iyon ba ang gusto mo, ha, Dad?!" pabulyaw at dire-diretso na wika niya sa ama. Nagsaltik ang mga bagang nito habang matalim ang titig sa kani
"I'M serious, Loraine...nakita ko s'ya," giit ni Raven sa kaibigan na kausap niya sa kabilang linya. Nagpatuloy siya sa paglakad palayo sa seafood restaurant na iyon kung saan ay nakita niya si Asher. "So, ano'ng ginawa mo?" tanong naman nito na bakas sa tinig na hindi pa rin naniniwala sa kaniyang ibinalita. "Nilapitan mo ba s'ya? Kinausap?" "Umalis ako sa restaurant, hindi ko alam pero parang hindi sapat 'yong three years na lumipas to face him again," wika niya bilang tugon sa tanong nito. Narinig niya ang pag buntong-hininga nito, siya naman ay napasapo sa kaniyang dibdib. "Alam mo 'yon…'yong naramdaman ko nang makita ko s'ya ulit? As I watched him, sa bawat pagngiti niya, sa bawat pagsasalita, at sa bawat pagkilos niya…pakiwari ko huminto sa pag-spin ang mundo!" maluha-luha na wika niya. Hindi niya maintindihan o malaman kung paano ba ipapaintindi rito ang eksaktong nararamdaman niya sa mga sandaling iyan. "In love pa rin ako sa kaniya, Loraine, at natatakot ako." Nakagat niy
ASHER let go of her hand at the intensity impact as they fell into the sea. Pakiramdam niya her heart had stopped beating as she continued to plunge under the sea water. Parang namamanhid ang buo niyang katawan at hindi niya magawang igalaw ang kaniyang mga paa't kamay. "Raven!" narinig niya ang tawag sa kaniya ng binata pero parang napakalayo ng kinaroroonan nito. She tried to open her eyes that were still closed at that moment. The shady surroundings under the sea opened before her eyes. Natakot siya. Ibinuka niya ang kaniyang bibig upang tawagin si Asher pero pumasok ang tubig dagat sa bibig niya na siyang tila umagaw sa natitira pang oxygen sa kaniyang dibdib. 'Asher!' sigaw niya sa pangalan ng binata sa pamamagitan ng kaniyang puso. Sinisigaw ng kaniyang puso ang pangalan nito habang naroon ang matinding takot, ang matinding takot na baka hindi na niya muling makita ang mukha nito, na hindi na niya muling marinig ang boses at mga pagtawa nito. She couldn't stop herself from
MATAPOS ni Kayden sumilip sa kaniyang Lola ay sa home mini bar siya dumiretso. Sa kalagayan ng pag-iisip niya ngayon ay tiyak na mahihirapan siyang makuha ang kaniyang tulog, kaya naman kumuha siya ng baso ng wine sa freestanding wine glass cabinet. Pumili siya ng hard wine sa hanay ng mga alak na naroon sa wine credenza. Kumuha na rin siya ng cube ice at nilagay iyon sa wine glass upang matiyak na hindi mabilis na mawawala ang lamig niyon. Matapos niyang masalinan ng sapat na dami ng alak ang wine glass ay ibinalik niya ang bote ng alak kung saan niya iyon kinuha. Binitbit niya ang ang wine glass na may laman palabas sa home mini bar pabalik sa kaniyang bedroom suite. Nang sapitin niya ang silid ay kaagad siyang napatingin sa malawak niyang kama, bakante iyon. Tumingin siya sa nakapinid na pintuan ng bathroom. Sumimsim muna siya ng alak sa wine glass before walking closer to the bedside cabinet para kunin ang master key. Sanay na siya kay Raven, ugali na nitong mag-locked sa bat
MATAAS na naman ang sikat ng araw sa silangan nang magising si Raven kinabukasan. Ikinurap-kurap niya ang namumugtong talukap ng kaniyang mga mata dahil sa pagkasilaw sa liwanag ng masiglang araw. Tumingin siya sa side ng kama kung saan nahihiga si Kayden, wala ito roon, mag-isa na naman siyang muli sa kama. Kumilos siya at bumangon ngunit kaagad rin na napabalik sa pagkakahiga dahil sa biglang pagkahilo. Matagal siyang umiyak kagabi matapos ang nangyari sa kanila ni Kayden sa bathroom. Halos mag-uumaga na rin nang makatulog siya kaya naman hindi na siya nagtataka kung bakit bigla na lang umikot ang paningin niya sa kaniyang pagbangon. Pinalipas niya ang ilang sandali bago muling kumilos at bumangon. Napabuga siya ng hangin nang hindi na muling madama ang pagkahilo. Umibis siya sa kama at nagtungo sa bathroom. Nang sapitin niya iyon ay kaagad niyang dinampot ang toothbrush at nilagyan iyon ng toothpaste. Akmang sisimulan na niya iyong ikiskis sa kaniyang ngipin nang natigilan at
ITO na ang huling burol ng Lola ni Kayden at ngayon lang siya dinala ng asawa niya rito sapagkat hinintay pa nitong kumupas ang pasa sa kaniyang pisngi na tuluyang naikubli ng manipis niyang make up. Napalunok si Raven nang silipin niya ang Lola ni Kayden sa loob ng coffin nito. Medical doctor siya at hindi takot sa patay ngunit naalala niyang paborito nitong apo si Kayden kaya may mga kakatwang bagay ang sumilid sa isip niya habang sinisilip ang matanda roon. Kinapa niya sa kaniyang tabi si Kayne at inakbayan ito bago sinulyapan. Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot habang nakatingin sa Lola nito. Tiningnan din niya si Kayden na noon ay nakatayo sa tabi ni Kayne, nakatunghay ito at nakapikit ang mga mata, tila nanalangin. Muli niyang tiningnan ang matanda at umusal din ng maikling panalangin para rito. Pagkaraan ay iginiya sila ni Kayden upang maupo sa unang hanay ng mga upuan doon sa kaliwang bahagi ng silid na iyon, katapat ng kinauupuan ng ama nito kung saan katab
NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi maituturing
NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan
"TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal
PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher. Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira. Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan. Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya. "H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito. Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito. "Hello!" wika niya sabay ngiti ng manipis. "Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito. "What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan. Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama. Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip. Balisa ito at tila may kinatatakutan. Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito. "I thought you weren't coming,” umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak. Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap. "Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito. Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang napansin na tahimik doon sa pagbungad nila. "Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito. "Pinagbakasyon ko sila
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop. Tanaw niya ang dim light sa loob na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience roon. Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop. Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden. Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan. Nagpatuloy siya sa makisig na paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang nakatuon sa kaniya. Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. Kaagad itong tumayo at inilahad a
DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin. Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang likod niya sa pagkakaupo. Kaagad na nagtagpo ang mga paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala. Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya. Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan. Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya. Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik d
DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool. She believes that the cosy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation. "Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa ‘yo ng aking anak,” pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings." Nakaupo ito sa kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito. Is he telling her that Kayden has lost his mind? Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon. "Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito. "Is he truly lost his min
"SHE saved my life nang araw na iyon, Raven," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen. Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room. Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito. Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya. Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso. "Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kani