MATAAS na naman ang sikat ng araw sa silangan nang magising si Raven kinabukasan. Ikinurap-kurap niya ang namumugtong talukap ng kaniyang mga mata dahil sa pagkasilaw sa liwanag ng masiglang araw. Tumingin siya sa side ng kama kung saan nahihiga si Kayden, wala ito roon, mag-isa na naman siyang muli sa kama. Kumilos siya at bumangon ngunit kaagad rin na napabalik sa pagkakahiga dahil sa biglang pagkahilo. Matagal siyang umiyak kagabi matapos ang nangyari sa kanila ni Kayden sa bathroom. Halos mag-uumaga na rin nang makatulog siya kaya naman hindi na siya nagtataka kung bakit bigla na lang umikot ang paningin niya sa kaniyang pagbangon. Pinalipas niya ang ilang sandali bago muling kumilos at bumangon. Napabuga siya ng hangin nang hindi na muling madama ang pagkahilo. Umibis siya sa kama at nagtungo sa bathroom. Nang sapitin niya iyon ay kaagad niyang dinampot ang toothbrush at nilagyan iyon ng toothpaste. Akmang sisimulan na niya iyong ikiskis sa kaniyang ngipin nang natigilan at
ITO na ang huling burol ng Lola ni Kayden at ngayon lang siya dinala ng asawa niya rito sapagkat hinintay pa nitong kumupas ang pasa sa kaniyang pisngi na tuluyang naikubli ng manipis niyang make up. Napalunok si Raven nang silipin niya ang Lola ni Kayden sa loob ng coffin nito. Medical doctor siya at hindi takot sa patay ngunit naalala niyang paborito nitong apo si Kayden kaya may mga kakatwang bagay ang sumilid sa isip niya habang sinisilip ang matanda roon. Kinapa niya sa kaniyang tabi si Kayne at inakbayan ito bago sinulyapan. Nakita niya sa mga mata nito ang lungkot habang nakatingin sa Lola nito. Tiningnan din niya si Kayden na noon ay nakatayo sa tabi ni Kayne, nakatunghay ito at nakapikit ang mga mata, tila nanalangin. Muli niyang tiningnan ang matanda at umusal din ng maikling panalangin para rito. Pagkaraan ay iginiya sila ni Kayden upang maupo sa unang hanay ng mga upuan doon sa kaliwang bahagi ng silid na iyon, katapat ng kinauupuan ng ama nito kung saan katab
TAHIMIK na bumuga ng hangin si Raven habang nakatitig siya sa kisame na natatanglawan ng makulimlim na liwanag buhat sa lampshade. Matagal na siyang nakahiga roon sa kama pero hindi pa rin siya dalawin ng antok, abala ang kaniyang isip sa nabuong plano na nakahandang isakatuparan bukas mismo, sa libing ng Lola ni Kayden, iyon ay ang walang kasawa-sawang pagtakas. Kailangan niyang maging maingat dahil natitiyak niyang ito na ang huling pagkakataon. Kapag nakabalik na sila sa Isla Alcaraz, malabo nang makatakas pa siya. Dapat maisasakatuparan niya ang plano ng maingat at mas matalino sa pagkakataong ito. Nagawa ni Kayden na palabasin na siya ay baliw, hindi niya alam kung ano pang p'wede nitong gawin lalo pa at parang hawak na nito sa mga kamay ang mundo. Bumuntong-hininga siya at nilingon sa kaniyang tabi ang nahihimbing na si Kayden. Kailangan niyang maisilid sa isip nito na bukas, sa araw mismo ng libing ng Lola nito ay wala siyang iniisip na kung anong bagay na lumalabag sa kag
"HINDI ko gusto ang pananahimik ni Raven," bulong ni Kayden kay Shanna habang nakatanaw sa kinaroroonan ng asawa. Naroon sila sa memorial park kung saan ang internment ng kaniyang Lola. Sabay silang napatanaw sa kinaroroonan ni Raven na noon ay inaalalayan ng kaniyang ama sa pag-upo in the first row of chairs, near his grandmother's coffin. "I'll keep my eyes on her, Boss Kayden, kaya h'wag kang mag-alala,” paniniyak nito sa kaniya. Napatango-tango siya matapos ang sinabi nito. "That's exactly what I want you to do, Shanna. Watch her carefully, ayokong sumakit ang ulo ko before we fly back to Isla Alcaraz tomorrow," madiing bilin niya rito. "Aye aye, Boss." "Good," wika niya at saglit pang napapikit habang tumatango. Gusto niyang mainis sa sarili. Masyado siyang napa-paranoid ngayon. Hindi niya maintindihan kung bakit, samantalang napakahabang panahon na ang lumipas na ganito ang sitwasyon nila ni Raven, nakampante naman siya noon. Kumilos siya at tinalikuran si Shanna, sila Die
SANDALING naestatuwa si Kayden nang makita ang ayos ni Raven nang makapasok sa bathroom gamit ang master key. Namutla siya at mabilis na binalot ng magkahalong takot at pag-aalala nang makitang paluhod itong nakaupo habang hawak ang piraso ng bubog sa kaliwang kamay at pinagmamasdan ang kanang pulsuhan kung saan sumisirit ang dugo. "Raven!" hiyaw niya nang matauhan kasabay ang paglapit dito at kaagad na inagaw ang bubog sa kamay nito saka inihagis sa malayo. "Let me die, Kayden," mapait nitong sabi. "Just let me die!" Tiningnan siya nito. Hilam ang mga mata nito sa luha na patuloy sa masaganang pagdaloy. Matigas siyang umiling kasabay ang pagkilos at binuhat sa kaniyang mga bisig ang nanlalata nitong katawan. "I won't let you die, Raven, because I will die too if I lose you! Kayne will be left alone, and you don't want that to happen, do you?” Napaiyak siya at nagmamadali sa paghakbang palabas. Muntik pa siyang madulas sa dumanak nitong dugo sa sahig. Mapait itong humikbi a
GUMALAW ang talukap ni Raven at nang tuluyang buksan ang mga mata ay ang doktora ang una niyang nakita. Kasama nito ang isang nurse na abala sa pagtingin sa vital signs niya. Kaagad na napilas ang manipis na ngiti sa labi ng doktora nang makitang gising na siya. "Oh, you are awake," turan nito na hindi masyadong maganda ang dating sa kaniya. Hindi siya nagsalita. Nadarama niya ang labis na panlalata sa katawan at ang pagkadismaya sa isip na hanggang sa sandaling ito ay buhay pa siya. "Your suicide attempts by cutting the wrist artery put your baby in danger right there in your womb," diretsong wika nito sabay turo sa tiyan niya. Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito. Nabingi siya. "A-Ano?" nanginig ang boses na tanong niya. "You're pregnant, Mrs. Alcaraz," mariing sabi nito, seryoso. “Congratulations!” Nasapo niya ang bibig upang pigilan ang mapahagulhol ng iyak. Pakiwari niya ay gumuho ang kaniyang mundo, gusto niyang panawan muli ng ulirat. Buntis si
PAKIWARI ni Kayden ay huminto ng mahabang sandali ang pagtibok ng puso niya matapos marinig ang balita ni Dra. Hernandez. Nawawala raw si Raven at hindi ito mahagilap sa loob at labas ng ospital na iyon. Bumakas ang matinding pagkabahala sa kaanyuan ng ama niya habang nakatitig sa kaniya. Habang sila Amanda at Athena ay tahimik na nakamasid lang. Nang makabawi siya ay nagmamadali niyang tinungo ang private room ng ospital kung saan ini-admit si Raven upang tiyakin na hindi mali ang balitang dala ng doktor, at ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang wala nga roon ang asawa at tanging hospital gown na lamang na hinubad nito ang kaniyang nakita. Tiim-bagang niyang kinuyom ang mga kamao upang pigilan ang paglukob ng galit, panlulumo, at sakit sa pagkatao niya. Gusto niyang magsisigaw, ngunit sinikap niyang pigilan ang sarili. Kinimkim niya lahat dahilan para sumikip ang kaniyang paghinga. Nasapo niya ang nananakit na dibdib kasabay ang panlalabo ng paningin at pakiwari niya ay
DAHAN-DAHANG iminulat ni Raven ang mga mata at ang pamilyar na kisame ang namulatan niya, ngunit kaagad din siyang napapikit dahil sa pagkasilaw sa maliwanag na paligid. Pinakiramdaman niya ang sarili, ang kaniyang katawan. Mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon, hindi na siya nanlalata at nahihilo. Si Asher, bigla itong pumasok sa alaala niya dahilan upang imulat muli ang kaniyang mga mata. "Raven!" tawag ng pamilyar na boses sa pangalan niya pero hindi niya nagawang tugunin. "Raven!" tawag pang muli sa pangalan niya na sa pagkakataong iyan ay tatlong boses na magkakasabay. Dahan-dahan niyang dinala ang tingin sa mga tumatawag sa kaniya. Saglit siyang natigilan bago napaiyak nang makita ang kaniyang mga magulang at ang kaibigan na si Loraine. Tinangka niyang bumangon pero pinigilan siya ng dextrose na nasa kaniyang kamay. Napatingin siya roon habang ang mga magulang niya ay dumulog sa kama na kinahihigaan niya at sabay na dumukwang para yakapin siya. Muli ay natigilan siya ba
NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi maituturing
NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan
"TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal
PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher. Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira. Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan. Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya. "H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito. Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito. "Hello!" wika niya sabay ngiti ng manipis. "Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito. "What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan. Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama. Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip. Balisa ito at tila may kinatatakutan. Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito. "I thought you weren't coming,” umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak. Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap. "Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito. Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang napansin na tahimik doon sa pagbungad nila. "Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito. "Pinagbakasyon ko sila
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop. Tanaw niya ang dim light sa loob na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience roon. Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop. Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden. Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan. Nagpatuloy siya sa makisig na paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang nakatuon sa kaniya. Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. Kaagad itong tumayo at inilahad a
DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin. Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang likod niya sa pagkakaupo. Kaagad na nagtagpo ang mga paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala. Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya. Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan. Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya. Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik d
DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool. She believes that the cosy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation. "Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa ‘yo ng aking anak,” pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings." Nakaupo ito sa kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito. Is he telling her that Kayden has lost his mind? Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon. "Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito. "Is he truly lost his min
"SHE saved my life nang araw na iyon, Raven," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen. Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room. Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito. Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya. Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso. "Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kani