Share

Chapter 17 (Part 2)

Author: Eastlander
last update Last Updated: 2024-11-22 15:48:37
GUMALAW ang talukap ni Raven at nang tuluyang buksan ang mga mata ay ang doktora ang una niyang nakita. Kasama nito ang isang nurse na abala sa pagtingin sa vital signs niya.

Kaagad na napilas ang manipis na ngiti sa labi ng doktora nang makitang gising na siya.

"Oh, you are awake," turan nito na hindi masyadong maganda ang dating sa kaniya.

Hindi siya nagsalita. Nadarama niya ang labis na panlalata sa katawan at ang pagkadismaya sa isip na hanggang sa sandaling ito ay buhay pa siya.

"Your suicide attempts by cutting the wrist artery put your baby in danger right there in your womb," diretsong wika nito sabay turo sa tiyan niya.

Parang bombang sumabog sa pandinig niya ang sinabi nito. Nabingi siya. "A-Ano?" nanginig ang boses na tanong niya.

"You're pregnant, Mrs. Alcaraz," mariing sabi nito, seryoso. “Congratulations!”

Nasapo niya ang bibig upang pigilan ang mapahagulhol ng iyak. Pakiwari niya ay gumuho ang kaniyang mundo, gusto niyang panawan muli ng ulirat.

Buntis si
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lyn Maghanoy
......... nakaka sad nman... Sana nga Lng talaga tutuong tulong ang ginagawa mo Myrtle , Baka ihulog mo SA bangin Yang sasakyan mo kawawa nman si raven......
goodnovel comment avatar
Luzminda Pene
hay nku raven naniwla kpa ky athena gusto lng nya n mapalayo k kay kayden...paano n anak mo nyan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 18 : In Your Arms Once More

    PAKIWARI ni Kayden ay huminto ng mahabang sandali ang pagtibok ng puso niya matapos marinig ang balita ni Dra. Hernandez. Nawawala raw si Raven at hindi ito mahagilap sa loob at labas ng ospital na iyon. Bumakas ang matinding pagkabahala sa kaanyuan ng ama niya habang nakatitig sa kaniya. Habang sila Amanda at Athena ay tahimik na nakamasid lang. Nang makabawi siya ay nagmamadali niyang tinungo ang private room ng ospital kung saan ini-admit si Raven upang tiyakin na hindi mali ang balitang dala ng doktor, at ganoon na lang ang panlulumo niya nang makitang wala nga roon ang asawa at tanging hospital gown na lamang na hinubad nito ang kaniyang nakita. Tiim-bagang niyang kinuyom ang mga kamao upang pigilan ang paglukob ng galit, panlulumo, at sakit sa pagkatao niya. Gusto niyang magsisigaw, ngunit sinikap niyang pigilan ang sarili. Kinimkim niya lahat dahilan para sumikip ang kaniyang paghinga. Nasapo niya ang nananakit na dibdib kasabay ang panlalabo ng paningin at pakiwari niya ay

    Last Updated : 2024-11-22
  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 19 : Asher's Gaze

    DAHAN-DAHANG iminulat ni Raven ang mga mata at ang pamilyar na kisame ang namulatan niya, ngunit kaagad din siyang napapikit dahil sa pagkasilaw sa maliwanag na paligid. Pinakiramdaman niya ang sarili, ang kaniyang katawan. Mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon, hindi na siya nanlalata at nahihilo. Si Asher, bigla itong pumasok sa alaala niya dahilan upang imulat muli ang kaniyang mga mata. "Raven!" tawag ng pamilyar na boses sa pangalan niya pero hindi niya nagawang tugunin. "Raven!" tawag pang muli sa pangalan niya na sa pagkakataong iyan ay tatlong boses na magkakasabay. Dahan-dahan niyang dinala ang tingin sa mga tumatawag sa kaniya. Saglit siyang natigilan bago napaiyak nang makita ang kaniyang mga magulang at ang kaibigan na si Loraine. Tinangka niyang bumangon pero pinigilan siya ng dextrose na nasa kaniyang kamay. Napatingin siya roon habang ang mga magulang niya ay dumulog sa kama na kinahihigaan niya at sabay na dumukwang para yakapin siya. Muli ay natigilan siya ba

    Last Updated : 2024-11-22
  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 20 : Stolen Kiss (Flashback)

    MALAYO na ang nalalakad nila Asher at Raven sa gitna ng madawag na kagubatan. Dumidilim na ang paligid at nagsimula nang mag-ingay ang mga kuliglig at paniki. Malamig na rin ang simoy ng hanging yumayakap sa kanila. "Napapagod na ako, Asher!" padaing na reklamo ng dalaga sa kaniya. Iniligid niya ang tingin at nakita niya ang isang malaking puno ng kahoy. "Doon tayo." Hinawakan niya sa siko ang dalaga at iginiya palapit doon. Mataas ang mga ugat ng punong iyon at kahit papaano ay maaari nilang mapagkublihan. Magkatabi silang naupo sa pagitan ng mga ugat ng puno. Dama nila ang malamig na lupa na basa sa hamog pero nabalewala dahil sa kanilang pagod. Sa bungad pumuwesto si Asher para kahit paano ay maprotektahan ang dalaga. Kapwa lang sila tahimik at nakikinig sa huni ng mga kuliglig at paniki sa paligid. Tiningnan niya si Raven at nabanaagan niya ang pagod na nakalarawan sa maamo nitong mukha. Dinig niya ang paghingal nito. Inalis niya ang tingin sa dalaga at tumitig sa ibang di

    Last Updated : 2024-11-22
  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 21 : Nude Painting

    INIHINTO ni Asher ang kotse niya nang magpula ang traffic lights. Napabuntong-hininga siya at tila nanlalatang napasandal sa backrest ng kinauupuan niya. Hindi niya maiwaksi sa kaniyang isip ang ginawa niyang paghalik kay Raven kanina, maging ang pulso niya ay nananatili pa ring mabilis. Wala sa loob na sinapo niya ang kaniyang dibdib. Nasa ganiyang ayos siya nang mapatanaw sa napakataas at nagliliwanag na building sa di-kalayuang distansya. Iyon ang Golden Kingdom Resort and Casino na pag-aari ni Karl Alcaraz, tanyag ito at isa sa mga pinakamatataas na gusali sa bansa, nahahati sa dalawang gusali ang casino at nasa pagitan ng mga ito ang malawak na dancing fountain. Minsan na siyang nakapasok sa marangyang casino na iyon noon, at talaga namang nakamamangha sapagkat mayaman ito sa kalakaran. High-end poker rooms, exclusive villas with full butler service, a golf course , fine dining restaurants and bars plus its world class ambiance are some of the luxurious experiences t

    Last Updated : 2024-11-22
  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 22 : The Confession

    BAGONG ligo si Kayden at bihis na bihis. Kalalabas niya buhat sa walk-in closet nang marinig ang katok sa pinto. Pahinamad siyang sumulyap doon. "Come in." Sinabayan niya ng paglakad palapit sa bedside cabinet at kinuha ang cellphone sa ibabaw niyon, tapos ay nilagay sa bulsa ng kaniyang pantalon. Lumikha ng ingay ang dahon ng pintuan nang bumukas iyon at muling lumapat. Pinakiramdaman niya ang kung sinong nakatayo roon at hinintay na lumakad ito palapit sa kaniya habang hinihila niya ang drawer sa harap niya. Napatitig siya sa baril na naroon, akmang dadamputin na niya iyon nang matigilan dahil sa mabagal na mga yabag sa marbled floor. Hindi iyon yabag ni Kayne, maging ng kaniyang ama o kahit ng cleaner niya roon sa kuwarto niya. Awtomatiko siyang lumingon at nakumpirma ang hinala niya. Ang heels ni Athena ang lumilikha ng ingay sa marmol na sahig. Huminto ito halos dalawang dipa ang layo buhat sa kinatatayuan niya. Tinitigan niya ito sa mga mata habang hinahagod nito ng

    Last Updated : 2024-11-22
  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 23 : Flashback

    PAGKARAAN ng mahabang sandali ay lumabas sila ni Asher sa pinagkukublihan nila at tinugpa ang salungat sa direksyong nilandas ng tatlong kalalakihan. Ngunit hindi pa man sila masyadong nakakalayo ay nakasalubong na nila ang isa sa mga humahabol sa kanila. Halos takasan siya ng hininga dahil sa abot-langit na takot lalo na nang kaagad nitong itutok kay Asher ang hawak na baril. "Kamay sa ulo!" matigas na utos nito kay Asher. Nag-aalangan pang sinunod ng binata ang utos nito habang pasimpleng sumusulyap sa kaniya, pinakikiramdaman siya. "Asher!" nanginginig ang boses na sambit niya sa pangalan nito. "Nandito sila!" sigaw ng lalaking ito habang lumalapit sa kanila. Walang anu-ano'y hinampas nito ng hawak na baril sa mukha ang binata na kaagad napahandusay sa forest floor at tila nawalan ng malay. "Asher!" tili niya. Mabilis siyang lumapit dito para daluhan ito subalit kaagad siyang nilapitan ng lalaki at hinatak palayo sa binata. "Get off me!" gigil at paasik niyang bulyaw habang

    Last Updated : 2024-11-22
  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 23 (Part 2)

    HINDI niya alam kung ilang oras na ang nakalipas buhat nang makatulog siya. Pero nang imulat ni Raven ang mga mata ay medyo maliwanag na ang paligid. Naririnig na rin niya ang huni ng mga pang-umagang ibon sa paligid na animo'y nag-aawitan. Ang lamig na tiniis niya nang nagdaang magdamag ay naibsan nang bahagya ngayon. Ang kirot sa mga sugat sa talampakan ay nananatiling nandoon, habang hindi na masyadong masakit ang pilay niyang paa at tiyak hindi na siya masyadong mahihirapan lumakad. Sinubukan niyang gumalaw upang magbago ng puwesto pero natigilan siya. Parang may kung ano'ng pumigil sa pagkilos niya. Kinapa niya ang baywang at ang braso ni Asher ang kaniyang nahawakan doon. Napalunok siya ng laway at awtomatikong nawala sa normal ang pulso. Noon lang niya napagtanto na nakayakap pala sa kaniya ang binata, at iyon marahil ang dahilan kung bakit ang ginaw na nararamdaman niya sa magdamag ay naibsan. She'd wished to feel his embrace again many times over the last few years,

    Last Updated : 2024-11-22
  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 23 (Part 3)

    HALOS liparin ni Asher ang kinaroroonan niya nang makita nitong ibinababa na ng pangahas ang saplot niya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Nang ganap itong makalapit ay ubos-lakas nitong hinataw ng suntok sa leeg ang abalang lalaki. Timbuwang ito sa tabi niya at hindi ito binigyan ng pagkakataon ni Asher para makabawi pa, mabilis itong umibabaw dito. "Hayop ka! Hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Asher habang binabayo ito ng suntok sa mukha, sunud-sunod, paulit-ulit at hindi tinigilan hanggang sa magmumog na ito ng sariling dugo at nawalan na ng malay. Tahimik siyang umiiyak habang nakatitig kay Asher. Humihingal ang binata nang huminto. Tiningnan siya nito bago siya nilapitan at masuyong inayos ang bahagya nang nakababa niyang saplot. Kapwa hindi sila makapagsalita habang nakatitig sa isa't-isa. Sa mga mata nito ay naroon ang guilt. Guilt dahil siguro iniwan siya? Nasa ganiyang ayos sila nang magulantang siya. Nakita niya ang lalaking may hawak na sanga ng kahoy s

    Last Updated : 2024-11-22

Latest chapter

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Final Chapter (Part 2)

    NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi maituturing

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Final Chapter

    NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 30: Still

    "TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 29: Guilty

    PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher.Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira.Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan.Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya."H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito.Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito."Hello…" wika niya sabay ngiti ng manipis."Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito. "H

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 28: Surrendered

    "OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito."What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan.Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama.Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip.Balisa ito at tila may kintatakutan.Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito."I thought you weren't coming…" umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak.Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap."Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito.Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang mapansing tahimik doon sa kanilang pagbungad."Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito."Pinagbakasyon ko sila noong

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 27 (Part 2)

    PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop.Tanaw niya ang dim light sa loob ng coffee shop na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience doon.Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop.Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden.Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa lamang ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan.Nagpatuloy siya sa makisig niyang paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang sa kaniya ay nakatuon.Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. K

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 27 : A Father's Tears

    DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin.Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang kaniyang likod sa pagkakaupo.Kaagad na nagtagpo ang paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala.Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya.Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan.Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya.Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik dito.G

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 26 (Part 2)

    DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool.She believes that the cozy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation."Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa'yo ng aking anak." Pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings."Nakaupo ito kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito.Is he telling her that Kayden has lost his mind?Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon."Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito."Is he truly lost his mind, or is th

  • ABDUCTED: The Story of Forced Marriage   Chapter 26 : Parental Custody

    "SHE saved my life nang araw na iyon," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen.Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room.Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito.Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya.Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso niya."Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kaniya. Tin

DMCA.com Protection Status