HALOS liparin ni Asher ang kinaroroonan niya nang makita nitong ibinababa na ng pangahas ang saplot niya sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Nang ganap itong makalapit ay ubos-lakas nitong hinataw ng suntok sa leeg ang abalang lalaki. Timbuwang ito sa tabi niya at hindi ito binigyan ng pagkakataon ni Asher para makabawi pa, mabilis itong umibabaw dito. "Hayop ka! Hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Asher habang binabayo ito ng suntok sa mukha, sunud-sunod, paulit-ulit at hindi tinigilan hanggang sa magmumog na ito ng sariling dugo at nawalan na ng malay. Tahimik siyang umiiyak habang nakatitig kay Asher. Humihingal ang binata nang huminto. Tiningnan siya nito bago siya nilapitan at masuyong inayos ang bahagya nang nakababa niyang saplot. Kapwa hindi sila makapagsalita habang nakatitig sa isa't-isa. Sa mga mata nito ay naroon ang guilt. Guilt dahil siguro iniwan siya? Nasa ganiyang ayos sila nang magulantang siya. Nakita niya ang lalaking may hawak na sanga ng kahoy s
"A-ASHER is that you?" ulit niya. Kahit pa nga hindi siya sigurado kung sinundan nga ba siya nito ay nagbabaka-sakali siyang ito ang lumilikha ng kaluskos sa paligid. Subalit wala pa rin siyang natanggap na tugon. Kinabahan na siya kaya kaagad siyang tumayo at dahan-dahang umatras palayo. Noon biglang lumundag malapit sa kaniya ang malaking bayawak. Nagulat siya at napatili sabay napakaripas ng takbo sa tubig. Hindi siya tumigil hanggang sa makalayo. Humihingal siyang huminto sa pagtakbo at pilit na kinalma ang sarili habang tahimik na idinadalangin na sana ay nasa paligid lang si Asher. Kahit sinabi niya na hindi na siya lalapit pa rito, piping dinadalangin ng puso niya na sana ay nasa malapit ito. Halos mabingi siya sa mabilis at malakas na tibok ng kaniyang puso, nadarama rin niya ang pangangatog ng kaniyang mga tuhod dahil sa labis na takot. Hindi pa man siya tuluyang kumakalma ay muli siyang napapitlag nang makarinig ng kulabsaw sa tubig. Akmang tatakbo siya pabalik
NAITAKIP ni Asher ang palad sa bibig ni Raven matapos nilang masilip kung saan nagmumula ang ingay na kanilang naririnig. Napaluha siya sa labis na takot at halos mag-collapse matapos makita kung ano iyon. Nasaan ba silang lupalop ng mundo at bakit nakikita nila ang ganoong kaganapan na akala nila ay sa isang palabas lamang nangyayari? Isa iyong grupo ng mga taong-gubat o isang tribo, kaiba ang diyalektong gamit ng mga ito at hindi nila maunawaan. Naka-grupo ang mga ito at tila naroon upang sumaksi sa isang iudicum iudicium kung saan ang akusado ay ang mga lalaking humabol sa kanila, na naroon at nakatali ng patayo sa bawat tulos ng kawayan sa lupa, nakapaikot ang mga ito at isa-isang sinisilaban kahit pa nga ang ilan ay mayroon pang buhay. Nakakikilabot ang sigawan ng mga lalaking iyon na sinasabayan ng mga taong-gubat ng animo'y mga wikang binibigkas at inaawit sa isang ritwal. Nanatiling nakayakap ang kaliwang braso ni Asher sa baywang niya buhat sa kaniyang likuran, hab
NAKADAMA na ng pag-aalala si Raven nang makalipas na ang mahabang sandali ay hindi pa rin bumabalik si Asher. Nakatulog na siya sa paghihintay at nagising ay wala pa rin ito. Mababa pa ang sikat ng araw sa silangan nang umalis ang binata kanina pero ngayon ay bahagya na iyong pakubli sa kanluran. Binabaha ng pag-aalala ang kaniyang dibdib. Alam niyang sa kalagayan ng binata ay mahihirapan na itong ipagtanggol ang sarili, kaya idinadalangin niya sana naman ay walang masamang nangyari. Tinangka niyang bumangon pero napadaing siya at muling napahiga nang maramdaman ang panlalata't pananakit ng buong katawan, kasabay ang humahapdi niyang sikmura. Napapikit siya at umusal ng panalangin bago sinubukang bumangon muli. Nang magawa iyon ay dumungaw siya sa ibaba. Tinanong niya ang sarili kung makakaya ba niyang bumaba roon kung susubukan niya, at hati ang tugon ng kaniyang isip. Tiningnan niya ang mga batong nakausli doon saka lakas-loob na sinimulang bumaba. Nakadarama siya ng labis na
KALUSKOS sa talahib ang ikinagising ni Raven. Nang mga oras na iyan ay mataas na ang sikat ng masiglang araw sa silangan, at kalat na ang liwanag sa kapaligiran. Akmang babalikwas siya ng bangon nang bigla siyang pigilan ni Asher. "Sshhh..." anas nito saka hinawakan ang kaniyang kanang kamay. Tinitigan niya ang binata sa mga mata pababa sa labi nito na bahagya nang nanunuyo. Patuloy ang mga kaluskos sa talahib hanggang sa marinig nila sa paligid ang ingay ng mga taong-gubat. Humigpit ang hawak nila sa isa't isa. Tahimik siyang napaiyak sa takot. "Don't move..." bulong nito sa hangin saka sumenyas na sa mga mata nito lamang siya tumingin. Tumangu-tango siya habang nakatitig sa mga mata nito. "It's okay... " bulong muli nito sa hangin. Nasa bingit sila ng kapahamakan ng mga sandaling iyan, ngunit ang titig nito ay nagbibigay ng lakas ng loob sa kaniya para maniwalang hindi pa sila matatapos doon. Unti-unting lumalapit ang kaluskos sa kinaroroonan nila habang patuloy s
NAGPATULOY sila sa paglakad na magkahawak ang mga kamay. Tinumbok nila ang landas na sa tingin ni Asher ay tamang direksiyon. Matapos ang mahabang paglalakad ay sinapit nila ang ilog kagaya ng inaasahan ng binata. Nakadama na ng pagod si Raven kaya humiling siya kay Asher na baka p'wede silang magpahinga roon sa gilid ng ilog at sumang-ayon naman ito. Inalalayan siya nitong maupo sa tipak ng makinis na bato bago ito naupo sa tabi niya. Itinusok niya sa lupa ang gulok. Tumingin siya sa binata at nakita niyang malayo ang tanaw nito. "Asher," untag niya rito. Tumingin ito sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya. "Kung...palarin tayong makaalis ng buhay rito sa isla, what's the first thing you'd do?" seryosong tanong niya sa binata. Saglit itong natigilan na wari'y nag-iisip, hindi ito nagsalita at kapagkuwan ay iniiwas ang tingin sa kaniya. She thought she'd asked the wrong question, so his temper of mind quickly changed. Napakurap siya at nakagat ang ibabang labi bago inii
MALAYO na ang nalalakad nila Asher at Raven sa gitna ng madawag na kagubatan. Dumidilim na ang paligid at nagsimula nang mag-ingay ang mga kuliglig at paniki. Malamig na rin ang simoy ng hanging yumayakap sa kanila. "Napapagod na ako, Asher!" padaing na reklamo ng dalaga sa kaniya. Iniligid niya ang tingin at nakita niya ang isang malaking puno ng kahoy. "Doon tayo." Hinawakan niya sa siko ang dalaga at iginiya palapit doon. Mataas ang mga ugat ng punong iyon at kahit papaano ay maaari nilang mapagkublihan. Magkatabi silang naupo sa pagitan ng mga ugat ng puno. Dama nila ang malamig na lupa na basa sa hamog pero nabalewala dahil sa kanilang pagod. Sa bungad pumuwesto si Asher para kahit paano ay maprotektahan ang dalaga. Kapwa lang sila tahimik at nakikinig sa huni ng mga kuliglig at paniki sa paligid. Tiningnan niya si Raven at nabanaagan niya ang pagod na nakalarawan sa maamo nitong mukha. Dinig niya ang paghingal nito. Inalis niya ang tingin sa dalaga at tumitig sa ibang di
"RAVEN!" tawag ni Asher sa kaniya nang makita siya. Halos liparin nito ang distansya sa pagitan nila. "Ayos ka lang ba, Raven? Ano'ng nangyari sa 'yo? I told you not to leave, ‘di ba?” magkakasunod nitong tanong nang makalapit. Hingal na hingal ito, halatang galing sa napakalayong pagtakbo. “I told you I’ll be back anuman ang mangyari!” nagkaroon ng bahid ng inis sa huling sinabi nito, subalit bakas sa mukha ang pag-aalala nang makitang nagdurugo ang noo niya. "Asher, mamaya—" naputol siya sa pagsasalita nang bigla siya nitong kabigin at niyakap ng mahigpit. Halos hindi siya makahinga. Damang-dama at dinig na dinig niya ang pagtibok ng puso nitong napakabilis. Lumayo ito at nag-iwan ng hiblang distansya pagkaraan, ikinulong nito ang mukha niya sa nanlalamig at nanginginig nitong mga palad. Maluha-luha itong pinakatitigan siya. "Bakit ba labis mo akong pinag-alala, Raven, ha?" may hinanakit sa tono nito. "Asher, we—" pinutol na naman nito ang sasabihin niya sa pamamagitan ng
NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi maituturing
NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan
"TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal
PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher. Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira. Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan. Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya. "H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito. Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito. "Hello!" wika niya sabay ngiti ng manipis. "Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito. "What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan. Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama. Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip. Balisa ito at tila may kinatatakutan. Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito. "I thought you weren't coming,” umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak. Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap. "Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito. Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang napansin na tahimik doon sa pagbungad nila. "Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito. "Pinagbakasyon ko sila
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop. Tanaw niya ang dim light sa loob na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience roon. Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop. Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden. Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan. Nagpatuloy siya sa makisig na paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang nakatuon sa kaniya. Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. Kaagad itong tumayo at inilahad a
DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin. Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang likod niya sa pagkakaupo. Kaagad na nagtagpo ang mga paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala. Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya. Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan. Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya. Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik d
DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool. She believes that the cosy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation. "Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa ‘yo ng aking anak,” pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings." Nakaupo ito sa kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito. Is he telling her that Kayden has lost his mind? Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon. "Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito. "Is he truly lost his min
"SHE saved my life nang araw na iyon, Raven," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen. Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room. Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito. Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya. Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso. "Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kani