PABATID: Ang istoryang ito ay likha lamang ng aking malikot na kaisipan. Walang bahagi ng istoryang ito ang hinango sa tunay na buhay. Your feedback is always valuable. Thank you so much for reading!
NAGPATULOY sila sa paglakad na magkahawak ang mga kamay. Tinumbok nila ang landas na sa tingin ni Asher ay tamang direksiyon. Matapos ang mahabang paglalakad ay sinapit nila ang ilog kagaya ng inaasahan ng binata. Nakadama na ng pagod si Raven kaya humiling siya kay Asher na baka p'wede silang magpahinga roon sa gilid ng ilog at sumang-ayon naman ito. Inalalayan siya nitong maupo sa tipak ng makinis na bato bago ito naupo sa tabi niya. Itinusok niya sa lupa ang gulok. Tumingin siya sa binata at nakita niyang malayo ang tanaw nito. "Asher," untag niya rito. Tumingin ito sa kaniya at hinintay ang sasabihin niya. "Kung...palarin tayong makaalis ng buhay rito sa isla, what's the first thing you'd do?" seryosong tanong niya sa binata. Saglit itong natigilan na wari'y nag-iisip, hindi ito nagsalita at kapagkuwan ay iniiwas ang tingin sa kaniya. She thought she'd asked the wrong question, so his temper of mind quickly changed. Napakurap siya at nakagat ang ibabang labi bago inii
MALAYO na ang nalalakad nila Asher at Raven sa gitna ng madawag na kagubatan. Dumidilim na ang paligid at nagsimula nang mag-ingay ang mga kuliglig at paniki. Malamig na rin ang simoy ng hanging yumayakap sa kanila. "Napapagod na ako, Asher!" padaing na reklamo ng dalaga sa kaniya. Iniligid niya ang tingin at nakita niya ang isang malaking puno ng kahoy. "Doon tayo." Hinawakan niya sa siko ang dalaga at iginiya palapit doon. Mataas ang mga ugat ng punong iyon at kahit papaano ay maaari nilang mapagkublihan. Magkatabi silang naupo sa pagitan ng mga ugat ng puno. Dama nila ang malamig na lupa na basa sa hamog pero nabalewala dahil sa kanilang pagod. Sa bungad pumuwesto si Asher para kahit paano ay maprotektahan ang dalaga. Kapwa lang sila tahimik at nakikinig sa huni ng mga kuliglig at paniki sa paligid. Tiningnan niya si Raven at nabanaagan niya ang pagod na nakalarawan sa maamo nitong mukha. Dinig niya ang paghingal nito. Inalis niya ang tingin sa dalaga at tumitig sa ibang di
"RAVEN!" tawag ni Asher sa kaniya nang makita siya. Halos liparin nito ang distansya sa pagitan nila. "Ayos ka lang ba, Raven? Ano'ng nangyari sa 'yo? I told you not to leave, ‘di ba?” magkakasunod nitong tanong nang makalapit. Hingal na hingal ito, halatang galing sa napakalayong pagtakbo. “I told you I’ll be back anuman ang mangyari!” nagkaroon ng bahid ng inis sa huling sinabi nito, subalit bakas sa mukha ang pag-aalala nang makitang nagdurugo ang noo niya. "Asher, mamaya—" naputol siya sa pagsasalita nang bigla siya nitong kabigin at niyakap ng mahigpit. Halos hindi siya makahinga. Damang-dama at dinig na dinig niya ang pagtibok ng puso nitong napakabilis. Lumayo ito at nag-iwan ng hiblang distansya pagkaraan, ikinulong nito ang mukha niya sa nanlalamig at nanginginig nitong mga palad. Maluha-luha itong pinakatitigan siya. "Bakit ba labis mo akong pinag-alala, Raven, ha?" may hinanakit sa tono nito. "Asher, we—" pinutol na naman nito ang sasabihin niya sa pamamagitan ng
NAKAUPO sa gilid ng hospital bed si Asher at nakatulala sa puting dingding. Nasa private room siya ng isang ospital, doon siya dumiretso matapos niyang magtungo sa himpilan ng pulisya at mag-file ng police blotter. Hindi niya alam kung sino ang pangahas na nagtangka sa buhay niya na nagawang makapuslit kaagad bago pa makadalo ang iba niyang mga kasama sa simbahan kanina. Hindi niya nakita ng hantaran ang mukha nito dahil sa full facemask na suot nito. Subalit hindi siya dinaraya ng kaniyang mga mata, natitiyak niya sa pigura nito na isa itong babae. Gustuhin man niyang pagbayarin ito sa ginawang kapangahasan ay wala siyang magawa. He could not identify any suspect who possibly did this to him. Hindi niya maaaring basta na lang tukuyin o pagbintangan si Kayden dahil lamang sa komplikadong isyu sa pagitan nito at ni Raven. Isa pa ay hindi naman nila naipa-blotter nitong nakaraang araw ang tungkol sa pagtakas ni Raven buhat sa poder nito sapagkat plano na nilang magsampa ng kaso s
KANINA pa nakatulala si Raven sa labas ng bintana roon sa kaniyang silid. Matapos nilang magpa-blotter sa mga police kanina ay pinasya niyang bumalik na lang sa mansion at magpahinga imbes na dumiretso sa ospital kung saan naroon si Asher, sapagkat pakiwari niya ay pagod na pagod siya sa nangyari. Okupado ang isip niya nang mga kaganapan kanina, iniisip niya si Kayden bagay na ipinagtataka niya sa kaniyang sarili. Hindi ito dating nangyayari. Dapat ay matuwa siya sa nangyari sa asawa ngunit hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nababalisa siya at inaalala ang kalagayan nito sa mga sandaling iyan. Wala sa loob na nasapo ni Raven ang impis pa rin niyang puson kung saan naroon ang munting buhay na ipinunla ni Kayden. Tiyak alam na nito na buntis siya kaya marahil ay nagpipilit itong makausap siya. Napabuntong-hininga siya. Si Kayne, kumusta na kaya ito sa poder ng mga Alcaraz pagkatapos ng ginawa niyang pagtakas? Alam na kaya nito na magiging kuya na ito? Oras-oras niya ito
"SHE saved my life nang araw na iyon, Raven," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen. Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room. Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito. Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya. Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso. "Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kani
DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool. She believes that the cosy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation. "Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa ‘yo ng aking anak,” pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings." Nakaupo ito sa kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito. Is he telling her that Kayden has lost his mind? Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon. "Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito. "Is he truly lost his min
DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin. Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang likod niya sa pagkakaupo. Kaagad na nagtagpo ang mga paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala. Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya. Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan. Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya. Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik d
NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi maituturing
NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan
"TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal
PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher. Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira. Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan. Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya. "H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito. Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito. "Hello!" wika niya sabay ngiti ng manipis. "Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito. "What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan. Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama. Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip. Balisa ito at tila may kinatatakutan. Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito. "I thought you weren't coming,” umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak. Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap. "Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito. Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang napansin na tahimik doon sa pagbungad nila. "Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito. "Pinagbakasyon ko sila
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop. Tanaw niya ang dim light sa loob na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience roon. Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop. Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay kaagad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden. Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan. Nagpatuloy siya sa makisig na paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang nakatuon sa kaniya. Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. Kaagad itong tumayo at inilahad a