NANATILING nakatitig sa puting kisame si Raven habang sinisikap na hindi kumawala sa lalamunan niya ang mga ungol habang papalapit sa kaniyang kasukdulan. Habang si Kayden ay abala ang balakang sa pagitan ng kaniyang mga hita.
Ito ang parusang binibigay nito sa kaniya sa mga paggawa niya ng kasalanan o tuwing sasalungat siya sa gusto nito. Napakagat-labi siya nang kusang kumislot ang kaniyang balakang kasabay ang pag-arko ng katawan niya habang gumuguhit ang nakababaliw na kiliti sa loob ng kaniyang puson at pagkababae. “Ahhh…ahhh…” magkasunod na ungol ni Kayden at mas binilisan pa ang paggalaw ng balakang nito habang tila ba nababaliw. Nadama niya ang init ng inilabas ni Kayden sa loob ng kaniyang impis na puson, kasunod niyan ay ang unti-unting pagbagal ng paggalaw ng balakang nito. “Ahhmm…” nanlalatang ungol pa ni Kayden bago tuluyang huminto sa pagkilos. Humihingal itong bumagsak sa kaniyang tabi, naliligo sa sariling pawis at nanlalata. Kaagad siyang kumilos at umibis sa kama. Hubo’t hubad niyang tinungo ang bathroom at ini-lock ang pintuan niyon. Kaagad niyang pinisil ang kaniyang puson habang lumalakad papasok sa walk-in shower. Lingid sa kaalaman ni Kayden ay ginagawa niya ito tuwing gagamitin siya nito upang ilabas ang ipinunla nito sa kaniyang puson. Ipinagpapasalamat niya na tila mayroon itong bisa sapagkat hindi siya nito nagawang mabuntis sa loob ng mga lumipas na taon. Wala siyang pagkakataon upang gumamit ng birth control maliban doon dahil kailanman ay hindi siya nagkaroon ng tiyansa upang makaalis dito sa isla to buy herself the things she needed, isa pa ay tiyak na hindi siya hahayaan ni Kayden na gumamit niyon. Pribado ang Isla Alcaraz at pag-aari ito ni Kayden. Walang ibang laman ang isla na ito kun’di ang marangyang mansion nito na nasa ituktok ng malaking bato kung saan natutunghayan ang maasul na karagatan, maliit na parke, kapilya, gas station, grocery store na para sa kanila lamang, paliparan kung saan lumalanding ang private plane ni Kayden, at rampa ng yate nito. Ang nag-iisa nilang karatig isla na tinawid niya kanina kasama si Kayne upang tumakas ay pag-aari rin mismo nito, kaya naman pala ipinagkanulo sila rito ni Dave, ang nakatalagang bantay sa lighthouse at cellular base station sa isla na iyon, na nilapitan nila upang hingan sana ng tulong. Gamit ang telephone sa lighthouse ay nagawa niyang makatawag sa 117 hotline kanina para humingi ng tulong ngunit walang dumating kagaya ng ipinangako ng 117 dispatcher. Natitiyak niyang may kinalaman doon si Kayden. Isang bagay lamang ang lubos niyang napatunayan at pilit na tinatanggap. Dito, no one has the right to decide kun’di si Kayden lamang. Bawat salita nito ay batas doon sa buong isla, no one can break it. Noon pa man ay ipinagbabawal na nitong gumamit siya ng kahit na anong devices na maaaring magamit niya sa pakikipag-komunika. Hindi niya magawang makapuslit sa paggamit niyon sapagkat bantay-sarado siya ng close-in bodyguard niya na si Shanna. Sa loob ng napakahabang panahon, hindi na niya halos mabilang, ay sa ganiyang sistema siya nabuhay dito. Labis na nakalulungkot, nakababagot. Mabuti na lamang at nariyan si Kayne, ang kanilang anak. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ninanais pa niyang mabuhay at patuloy na gumising sa bawat pagdungaw ng masiglang araw sa silangan. WHEN she thought she had released all of his semen, binuksan niya ang shower at itinapat ang kaniyang sarili sa tubig. Mahabang sandali rin siyang nanatili roon habang nakatulala at dumadaloy ang masaganang mga luha buhat sa malalamig niyang mga mata, mga luhang tila hindi nauubos at patuloy pa ring dumadaloy sa bawat pagkakataong kagaya nito. Natapos siya sa pagligo. Binalot niya ang sarili sa bathrobe at kumilos na palabas doon. When she came out of the bathroom, she saw Kayden who seemed to be asleep in a king sized bed. She sat on the edge of the bed and her pair of cold eyes looked out of the glass-wall window and gazed at the starry sky. Ilang sandali rin siya sa ganoong ayos bago nilingon si Kayden. Tumayo siya at lumigid sa kama. Inangat niya ang kamay at maingat na hinila ang drawer sa bedside cabinet sa side ni Kayden mismo. Napalunok siya at napatitig sa baril na naroon. Her right hand trembled as she picked it up. Sinikap niya iyong maikasa at itinutok sa nahihimbing na asawa. Natutop niya ang kaniyang labi before tried to pull the trigger but she couldn’t pull it completely bagkus ay tahimik siyang napaiyak, datapuwat nanatiling nakaumang dito ang hawak na baril. Nasa ganiyang ayos siya when Kayden suddenly opened his eyes. She was shocked and immediately backed away holding the gun with both hands, tightly. “Raven!?” nabiglang tawag nito sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya. “Put the gun down,” tapos ay mahinahong utos nito. Tigmaok sa luhang umiling siya. “Just die, Kayden! Just die, please!” paanas pero mariing sabi niya sa pagitan ng kaniyang pag-iyak. Ito naman ang napailing kasabay ang pagguhit ng pait sa mukha nito habang nakatitig sa kaniya. Dahan-dahan itong bumangon buhat sa pagkakahiga sa kama. “I did everything sa loob ng maraming taong lumipas para lamang tanggapin mo ako kahit hindi sa puso mo, pero at least hopefully as your husband, Raven, but why can’t you!?” bakas sa tinig ang pait na tanong nito. Umaangat ang kaliwang kilay niya. “Dahil kahit ano'ng gawin mo, bali-baliktarin mo man ang mundo hinding-hindi kita kayang tanggapin sa buong buhay ko, Kayden!” mapait ngunit madiin niyang sabi. “Kaya please, h’wag mo na akong hayaang pumatay ulit sa ikalawang pagkakataon. Nakuha mo na ang gusto mo sa akin, nakuha mo na ang katawan ko kagaya ng tanging nais mo!” Napahibi siya matapos iyang sabihin. “You hypocrite, Raven! Why don’t you admit to yourself that you see how much I love you and—” “Gusto kong patunayan mo sa akin, Kayden,” putol niya rito kasabay ang pagdiin ng hawak sa baril. “If you really love me, let me go. Matagal mo na akong ikinulong dito, dito sa tahanan mo that has seemed like a cage for me for so long!” nanginginig at garalgal ang boses na sabi niya sa pasigaw na paraan. Hindi ito nagsalita bagkus ay hubo’t hubad na humakbang palapit sa kaniya. “Hanggang d’yan ka lang, Kayden. Kung gusto mo pang mabuhay, don’t even try to take another step closer to me,” pagbabanta niya na sinikap patatagin ang anyo at tinig upang ipakita rito na desidido siya sa kaniyang sinabi sakali mang ipilit nitong lapitan siya. Subalit hindi ito natinag. “Pull it, Raven, if you can. Pull the trigger!” mapait at madiing utos nito sa kaniya. Napasaltik ang mga bagang niya lalo na nang makitang hindi ito humihinto sa paghakbang palapit sa kaniya. Napapikit siya sabay kalabit sa gatilyo ng baril subalit kaagad siyang napamulat nang hindi iyon pumutok at tanging lagitik lamang niyon ang kaniyang narinig. Namasa ang mga mata ni Kayden dahil sa masidhing galit. Tiim-bagang nitong hinablot ang baril sa kamay niya pero hindi lang iyan, ikinagulat niya nang isuntok nito ang kamao sa wall hibla lamang ang layo sa kaniyang mukha. Malakas ang pagsuntok nito roon dahil umugong at lumagapak iyon sa kaniyang pandinig. Hindi naman dumapo sa mukha niya ang kamao nito ngunit damang-dama niya ang sakit sa kaniyang dibdib, para iyong dinudurog. Mabalasik ang anyong tinitigan siya nito. “Leave, if that’s what you want, but you can’t take Kayne with you. Kung susuwayin mo ulit ang sinabi ko, ako mismo ang gagawa ng libingan para sa inyo.” Padarag nitong ibinalik ang baril sa drawer tapos ay hinataw ng suntok ang lampshade, tumilapon iyon at nabasag. Nanlalamig ang mga palad at talampakan niya dahil sa takot. Akala niya ay tuluyang iiral ang nakakatakot nitong volcanic temper, pero pasalamat siya sapagkat kumilos ito at padabog na lumabas doon sa kanilang silid. Nasapo niya ang kaniyang leeg. Pakiwari niya ay sinasakal siya sa tindi ng tensyon at emosyon na bumabalot sa pagkatao niya sa mga sandaling iyan. Ang tahimik na pag-iyak niya kanina ay nagkaroon ng bahagyang ingay ngayon. ‘Asher!’ wala sa loob na tawag ng kaniyang puso sa pangalang iyon. ___ DUMIRETSO sa home mini bar si Kayden nang lumabas siya at iwanan si Raven sa kanilang master bedroom suite. Gusto niyang malasing upang kahit sandali’y makalimot sa sakit. Alam naman niya na hindi talaga siya mahal ni Raven ngunit, hindi pa rin niya matanggap-tanggap kapag paulit-ulit nito iyong pinapamukha sa kaniya. Kumuha siya ng alak sa wine credenza at nagsalin sa wine glass. Pinuno niya iyon ng laman tapos ay tinungga, sinaid. He clenched the wine glass as he set it down on the counter bar. Tinitigan niya ang dumudugo niyang kamao kung saan ay hindi niya nadarama ang sakit, kun’di sa kaniyang puso. Sa mga sinabi ni Raven kanina, wala na sigurong mas sasakit pa sa isip na kayang-kaya pala nitong kitilin ang kaniyang buhay. Mabuti na lamang talaga at naging ugali na niyang i-unload ang kaniyang baril kapag naroon sa Isla Alcaraz mula nang araw na iuwi niya roon si Raven. Napabuntong-hininga siya at tiningnan ang wedding ring na nakasuot sa kaniyang daliri. Napatiim-bagang siya habang pinamimintanaan ng kapaitan ang kaniyang mga mata. Siya si Kayden Alcaraz, anak ng isa sa mga makapangyarihang tao sa bansa, mayroong kayamanang hindi mauubos, kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya, ngunit bakit hindi ang puso ng kaniyang asawa? Wala sa loob na mapait siyang napaluha. He’s deadly in love with Raven…every day, hindi niya kakayaning mawala ito sa kaniyang tabi, sa buhay niya. Mababaliw siya kapag nangyari iyan. Kahit malamig pa sa patay ang pakikitungo nito sa kaniya lalo na pagdating sa kama, wala siyang pakialam. Ang importante lamang ay kaniyang-kaniya ito, wala ng ibang p’wedeng umangkin pa. ‘Raven…’ bulong ng puso’t isip niya sa pangalan ng kaniyang asawa. Muli siyang nagsalin ng alak sa wine glass at nagpatuloy sa pag-inom na mag-isa. ___ MARARAHANG yugyog sa balikat ni Raven ang gumising sa kaniya. Ang medyo maedad na mayordoma na si Elisa ang namulatan ng kaniyang mga mata. “Pasensya ka na, Ma’am Raven. Inutusan ako ni Sir Kayden na gisingin ka. Please prepare your belongings and you will fly to Manila today with Sir Kayden,” mahinahong sabi nito bagama’t maramot ngumiti. Matapos marinig ang sinabi ni Elisa ay mabilis siyang bumangon, at dahil sa sobrang tuwa ay muntik pa siyang mahulog sa couch kung saan siya natulog nang nagdaang gabi. “Sa Manila?” hindi pa makapaniwala na tanong niya rito. “Opo, Ma’am. Malubha raw ang karamdaman ng Lola ni Sir Kayden at hinihiling na makita kayo ni Kayne,” tugon at pagpapaliwanag nito sa kaniya. Natigilan siya at napamata rito. Ngayon lamang niya nalaman na may Lola pa pala si Kayden, kung hindi pa pala ito nagkaroon ng malubhang karamdaman ay hindi niya malalaman. When they got married here, no one else attended but Kayden’s parents and only a few friends of his para maging saksi sa kanilang kasal. Alam niyang ginawa iyon ni Kayden upang matiyak na walang ibang makakaalam na tinangay siya nito roon at sapilitang ikinasal dito. Noon bumukas ang pintuan at pumasok si Kayden. Malamig ang anyo nito. “Kung matapos ang forty minutes at hindi ka pa nakahanda ay maiiwan ka rito.” Dire-diretso itong lumalakad patungo sa walk-in closet nang sabihin iyan. Kaagad siyang tumayo at tinalikuran si Elisa na walang paalam. Tinungo niya ang bathroom at dali-daling itinapat ang sarili sa shower. Ito na ba? Ito na ba ang pagkakataong matagal na niyang hinihintay upang makawala sa pagkakagapos sa kaniya ni Kayden? Nasa ganiyang pag-iisip siya when she was startled by the sudden opening of the glass door doon sa walk-in shower. Tumingin siya sa glass door at nakita niyang nakatayo roon si Kayden. She stared at him who was then staring at her as well. “I can hear your mind even though I’m out of this bathroom, Raven.” Kumilos ito at inalis isa-isa ang mga kasuotan nito. Napalunok siya at naiiwas ang tingin buhat dito. Nasusuka siya kapag nakikita ang kahubaran nito kahit pa nga mala-adonis ang pangangatawan nito. Matikas at talaga namang napakaguwapo nitong si Kayden, at tiyak na maraming nahuhumaling na babae rito, ngunit hindi siya. Napopoot siya rito, iyan lamang ang tanging nadarama niya para sa lalaking ito. “Hindi mo magagawa ang mga iniisip mo hangga’t humihinga ako.” Narinig pa niyang sabi nito habang kumikilos palapit sa kaniya. Hindi siya kumibo. Napaluha siya nang maramdaman ang paghapit nito sa maliit niyang baywang buhat sa kaniyang likuran. Nadama niya ang boner nito sa pagitan ng kaniyang pang-upo. Hinawi nito ang buhok niya at dinala sa kaniyang kanang balikat, tapos ay tumunghay upang maabot ng labi nito ang kaliwang balikat niya. Nadama niya ang mainit, malambot nitong labi at dila na masuyong lumalapat doon. Naipikit niya ang kaniyang mga mata hindi dahil nagustuhan niya ang ginagawa nito kun’di muli ay nilalamon ng paghihimagsik ang buo niyang pagkatao. Gusto niya itong patayin sa mga sandaling iyan ngunit kagaya ng maraming beses na niyang pagsubok, alam niyang mabibigo lamang din siya at mag-aaksaya ng lakas at pagod. Blackbelter at sharpshooter si Kayden, napatunayan na niya iyan noon pa. Napasinghap siya at napamulat nang maramdaman ang pagdapo ng mapula at mainit nitong dila sa puno ng kaniyang tainga at masuyong naggagalugad doon. Dumapo ang isa nitong kamay sa sikmura niya at papisil na humaplos paibaba hanggang sa marating ang impis niyang puson. Napalunok siya sapagkat tinatraydor na naman siya ng kaniyang katawan. Napakalmot na lamang siya sa marbled wall at wala nang nagawa pa nang magpatuloy pa ito sa ginagawa sa kaniyang katawan. Ipinikit niya mariin ang kaniyang mga mata habang binubuo sa isip ang panibagong plano. Kapag nasa Manila na sila ay titiyakin niyang makakawala na siya sa mga kamay nito.MAGKATABI sila Raven at Kayden sa upuan. Nakasakay sila sa private plane na pag-aari nito mismo palipad sa Manila. Tulala siya dahil abala ang isip niya kung paano tatakas pagdating nila roon, kaya naman hindi niya napapansin ang pagkakatitig ni Kayden sa kaniya. “Raven…” Tinapik siya nito sa braso. Napakislot siya at napalingon dito. “Are you alright?” tanong nito habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Napaangat ang mga kilay niya at napatingin sa kinauupuan ni Kayne. Nakita niya na nasa batok nito ang paborito nitong neck pillow, nakapikit at anyong nahihimbing na. Malungkot siyang napangiti habang pinagmamasdan ang anak, partikular sa mukha nito. Naramdaman niya ang paghawak ni Kayden sa kaniyang kamay kaya naman muli siyang napalingon dito. Nang makita niyang nakatitig ito sa kaniyang mga mata ay kaagad niyang iniiwas ang tingin dito. Naramdaman niya ang magaan na paghaplos nito sa kaniyang kamay. “Kung tuwing titigan mo s’ya ay maaalala mo ang kahapon, please
HABANG tumatakbo ang limousine car na kanilang sinasakyan patungo sa mansion nila Kayden ay hindi maiwasan ni Raven ang tumanaw sa labas lalo pa at nasa tabi lamang ng kinauupuan niya ang bintana. Napakalaki na ng pinagbago ng Maynila sa loob ng isang dekadang lumipas. Para bang may kung ano sa kaniyang dibdib, her heart was beating so fast and she couldn’t stop crying silently. How is everyone doing? Ang lahat ng mga taong importante sa buhay niya. Her parents, her relatives, her best friend, Loraine. How are they doing? Sa mga taong lumipas, she always wondered in the silent late night...do the important persons in her life still remember her? Hinanap pa rin kaya siya ng mga ito at ninanais na muling makita kagaya ng pagnanais niyang makauwi sa piling ng mga ito? She remains looking out of the car. Nasa ganiyang ayos siya habang si Kayden ay nakaupo sa tabi niya at matamang nakatitig sa kaniya. Kayden could see the tears streaming down her cheeks, at kung nakaharap lamang
GUMALAW ang talukap ng mga mata ni Raven hanggang sa tuluyan niyang buksan. Kakaiba ang kisame na sumalubong sa paningin niya kaya naman kaagad siyang napabalikwas ng bangon habang iginagala ang mga mata sa kabuuan ng malawak na silid. She found herself laying alone in the center of the expansive bed, surrounded by the opulence of the luxurious bedroom. Kahit saan siya tumingin, lahat ng mga bagay na makita niya ay naghuhumiyaw sa karangyaan. The interior design of this room was manly, naaamoy rin niya sa hangin na hinahatid ng air conditioner sa ilong niya ang pamilyar na amoy ng pabango, so she instantly had an idea kung nasaan siya. Naroon siya sa bedroom suite ni Kayden. Napatingin siya sa glass-wall window at doon ay nakita niya ang madilim nang kalangitan, gabi na. Kumilos siya at umibis sa kama. Namimigat ang puson niya kaya hinanap niya ang pintuan ng bathroom doon. Maraming pintuan sa silid pero hindi siya nahirapang hanapin kung alin sa mga iyon ang kaniyang hinahanap.
“TINAPAT na ako ng doktor," basag ng ama ni Kayden sa namamayaning katahimikan sa pagitan nila sa harap ng mahabang dining table. Lahat sila ay napatingin dito. “The family doctor stated that Mama wouldn’t last long,” pagpapatuloy nito. “She was too weak and could barely move in her bed.” Malungkot nitong tinitigan si Kayden. “It will sadden her if you don't introduce her to your wife personally even in these moments.” Tapos ay tiningnan nito si Raven. Naramdaman niya ang pagtingin nito sa kaniya kaya dinala niya sa kinauupuan nito ang kaniyang tingin. Sa kabisera ito nakaupo habang nasa kanan nito ang asawa na si Amanda, katabi si Athena. Nasa kaliwa nito si Kayden at magkatabi sila, habang nasa tabi naman niya si Kayne. Sa paligid ay naroon nakabantay ang dalawa sa mga housemaids na nakatalaga sa komedor. Naramdaman niya ang pagtingin ng lahat sa kaniya maliban kay Kayne na abala sa pagkain. Tiningnan niya si Kayden sa kaniyang tabi. “Pagkatapos ng hapunan ay dadalhin ko an
HINDI nakakibo si Raven nang kumilos ang ama ni Kayden at tahimik na humakbang palabas sa pintuan. Napalunok siya nang lampasan siya nito. Napapikit siya sandali kasabay ang maluwag na paghinga. Ipinagpapasalamat niya na hindi siya nadamay sa inis nito sa anak. Nang buksan niya ang mga mata ay direktang dumapo ang tingin niya sa asawa na noon ay matiim na nakatitig sa kaniya. Nagtitigan sila, kapwa may hinahagilap sa mga mata ng isa't isa. "Kalimutan mo na lang kung ano ang tumatakbo sa isip mo ngayon, Raven." Sinabayan nito ng paghakbang palapit sa kaniya ang sinabi. Pasimple siyang napalunok. "M-Mayroon ba akong dapat isipin, Kayden?" Pinilit niyang patatagin ang boses upang hindi nito mahalata na kinakabahan siya lalo pa at ganap na itong nakalapit sa kaniya. Halos pigilan niya ang paghinga. Imbes na tumugon sa tanong niya ay pumulupot ang braso nito sa baywang niya at kinabig siya papasok sa loob ng kanilang silid. Inilapat nito ang door leaf at ini-lock. Binitawan siya nito.
NATIGILAN si Raven nang sumapit sila sa resort spa na sinasabi ni Athena. Pamilyar ito sa kaniya pero dahil nga isang dekada na ang nakaraan at marami na rin marahil ang nabago rito ay hindi na niya matiyak kung ito nga ba talaga ang resort spa na madalas nilang puntahan noon ng kaniyang ina kasama si Loraine. "Minsan kaming napasyal ng kaibigan ko sa resort spa na ito and we enjoyed it so much that we decided to visit often," malawak ang ngiting sabi ni Athena saka umakbay kay Kayne at iginiya ito patungo sa isang direksyon. Napatitig siya sa pagkakalapat ng kamay nito sa balikat ng kaniyang sa anak bago inihakbang ang mga paa para sa sumunod sa mga ito. "My friend is on her way here, but let's have a massage habang hinihintay natin s’ya," narinig niyang sabi ni Athena habang patuloy sa paglakad patungo sa direksyon ng massage studio habang akbay si Kayne. Nagpasya siyang magpatianud dito habang humahanap siya ng magandang tiyempo para isakatuparan ang kaniyang plano. ** NAT
"KAYDEN!" tawag sa kaniya ni Athena na noon pala ay sumunod pa sa kaniya kasama si Myrtle. Huminto siya sa gagawing pagsakay sa sasakyan at nilingon ang dalaga. Maluha-luha itong tinitigan siya. "I just wanted—" “Who the fuck care?!” pigil ang galit na putol niya rito. Pumihit siya at humarap dito ng tuwid kasabay ang pagngisi. "I don't need you!” Gigil niya itong dinuro sa pagmumukha mismo. “I don't need you to entertain her. She's not allowed to leave the property so you fuckin' don't have to take her out to roam. Now that you know, please leave my wife alone!" paasik at mariing sabi niya kay Athena bago tiningnan si Myrtle na noon ay namumula ang mga mata dahil sa pinipigil na luha. Kumilos siya upang sumakay na nang tuluyan sa sasakyan. "Kayden!" untag sa kaniya ni Myrtle na siyang nagpahinto sa pagkilos niya. "Naging masaya ka naman ba, ha?" mapait na tanong nito sa kaniya. Tiningnan lang niya ito pero hindi siya nagsalita bagkus ay sumakay sa kotse at pabalabag na isi
MALAKAS na suntok sa mukha ang sumalubong kay Kayden pagpasok pa lang niya sa office suite ng kaniyang ama. Pasandal siyang bumagsak sa kakalapat na dahon ng pintuan. Napangiwi siya sabay sapo sa kaniyang panga, akala niya ay nabasag na iyon dahil sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ng ama sa kaniya. "Kayden, you're overdoing it!" nanginginig ang pigil nitong boses dahil sa galit. Naghihinakit niya itong tiningnan. "It's your fault, Dad. I've talked to you about Athena, but you don't seem to have done anything,” saltik ang mga bagang na turan niya. “Inilabas niya si Raven dito.” Tinuro niya ang marbled floor. “What do you want me to do? Hintayin ang susunod na mangyayari hanggang sa mapunta na lang ako sa sulok at magmukmok dahil ang mga pagsisikap ko sa loob ng maraming taong lumipas manatili lang sa akin si Raven will all come to nothing! Iyon ba ang gusto mo, ha, Dad?!" pabulyaw at dire-diretso na wika niya sa ama. Nagsaltik ang mga bagang nito habang matalim ang titig sa kani
NAKITA niya si Kayden na nakatayo roon. Bagong ligo ito at buhat sa kinatatayuan niya ay nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit na hinahatid ng hanging nagmumula sa kinaroroonan nito. Bakas sa mukha nito ang pagkabigla habang nakatitig sa kaniya, naestatuwa pa nga ito at hindi nakakibo, hindi kumukurap. Napaisip tuloy siya, totoo bang bulag ito? Hindi nagbago ang hitsura nito kagaya ng inaasahan niya. Medyo pumayat ito pero guwapo pa rin kahit pa nga nagkaroon na ito ng manipis na bigote at balbas na hindi nito hinahayaan tumubo noon. She took her gaze away from Kayden and brought it to the prison officer, who was looking at her with the shadow of malice in his eyes at the time. Ngumiti ito at sumenyas na pumasok siya. “Please, leave the door open,” mahinang pakiusap niya na bahagyang nagpakunot sa noo nito bagama't tumango rin naman. Napalunok siya bago itinulak ang stroller ni Kendrick papasok. Maliban sa metal na pintuan, ang silid na ito ay hindi maituturing
NATIGILAN si Karl nang mapasukan sa kanilang silid ang asawang si Amanda na hila ang dalawang malaking maleta. Huminto ito at sinalubong ang tingin niya, namumula sa luha ang mga mata nito. "This...relationship has long been ruined," garalgal ang tinig na sabi nito, napakalungkot. "I should have done it before." Humakbang siya at lumapit sa malawak na kama, naupo siya sa gilid niyon at tumanaw sa labas ng glass-wall window. "Hindi kita pipigilan kung iyan ang nais mo." Patay ang kaniyang emosyon, walang bakas ng pagsisisi at panghihinayang. Narinig niya ang mahinang ingay ng pag-iyak nito, bakas doon ang labis na pait at kabiguan. Kagat nito ang ibabang labi habang nakatitig sa kaniya at umiiling. Tiningnan niya ito. "I love you, Amanda. But he is everything to me. I would rather lose you, than lose him to me." Nanatiling normal ang kaniyang ang boses sa kabila ng pamamasa ng mga mata niya. "And Athena is everything to me as well," wika nito sa mapait na tono. "Pero pinabayaan
"TAYO bilang tao, will never run out of problems as long as we live in this world," mahinahong wika ni Father Asher habang nakatayo siya at nagsesermon sa harapan ng mga taong naroon sa loob ng simbahan. "Because problems are part of life as human beings, but we should still learn to be calm. Kung may problema ka imbes na magalit ka o magmaktol sa buhay ay ipikit mo ang iyong mga mata, manalangin ka sa Diyos ng mataimtim. Sapagkat ang lahat ng bagay rito sa mundo ay kontrolado Niya. Sabi nga sa bibliya, hindi Niya pahihintulutan na makapangyari ang mga pagsubok sa ating buhay kung ito ay higit sa ating kakayahan." May diin ang bawat salita niya. Pinunas niya ang pawisang mukha at saglit na huminto sa pagsasalita habang iginagala ang mga mata sa mga taong naroon at tahimik na nakikinig sa sermon niya. "Tanungin nga po natin ang ating mga katabi kung nananalig sila sa Diyos, na ang problema o pagsubok na kinakaharap ay kaya nating lampasan," nakangiting sabi niya, inilahad niya ang dal
PININDOT ni Raven ang doorbell sa condo unit ni Father Asher.Araw ngayon ng linggo at galing siya sa Saint Benedict Parish Church. Doon niya piniling magsimba para saksihan ang pagmimisa ni Father Asher at makausap tungkol kay Dynel, ngunit ibang pari ang naabutan niya dahil sa hapon pa pala ang schedule ng misa nito ngayong linggo. Isa sa sakristan sa simbahan ay sinabi na hindi pa ito umuwi sa presbytery kaya malamang nasa condo ito. Sa tulong naman ng kaniyang ina ay nalaman niya ang address ng condominium kung saan ito nakatira.Muli niyang pinindot ang doorbell at sa pagkakataong iyan ay bumukas ang pintuan.Bahagya pang nagulat si Asher nang mapagbuksan siya."H-Hi…" nabulol pa nitong bati sa kaniya habang ikinukubli ang katawan sa tuwalya na nasa batok nito.Topless ito at naka-boxer shorts lamang. Katatapos nitong maligo at nalalanghap niya ang mabangong amoy ng sabong ginamit nito."Hello…" wika niya sabay ngiti ng manipis."Akala ko ang cleaner," natatawa na sabi nito. "H
"OH, my God, Athena!" Umiiyak na salubong ni Myrtle sa kaniya pagbaba pa lamang niya sa kaniyang kotse na kapaparada sa garahe nito."What happened!?" nag-aalala at naguguluhang tanong niya rito habang mataman itong tinititigan.Dis oras na nang gabi pero tinawagan pa siya nito at nakiusap na puntahan niya roon dahil kailangan daw nito ng kasama.Kita niya ang panginginig ng mga kamay nito sa pagkakahalukipkip.Balisa ito at tila may kintatakutan.Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kaniya tapos ngayon ay bigla itong tumawag at nagkakaganito."I thought you weren't coming…" umiiling na sabi pa nito sa pagitan ng pag-iyak.Napabuntong-hininga siya kasabay ang pag-irap."Mag-usap tayo sa loob, Myrtle." Hinawakan niya ito sa braso at iginiya papasok sa loob ng bahay nito.Napaligid siya ng tingin sa living room nito nang mapansing tahimik doon sa kanilang pagbungad."Nasaan sila Sherly at Karlene?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay nito."Pinagbakasyon ko sila noong
PAGSAPIT ni Asher sa view deck ng mall ay kaagad niyang nakita ang coffee shop.Tanaw niya ang dim light sa loob ng coffee shop na nagbibigay ng comfortable and relaxing ambience doon.Nagpatuloy siya sa paglakad palapit sa coffee shop.Pagpasok pa lamang niya sa entrance ay agad na hinanap ng kaniyang mga mata ang ama ni Kayden.Hindi siya nahirapang makita ito dahil ilan lamang ang mga taong naroon. Mag-isa lamang ito sa table na nasa sulok katabi ang mga live green indoor plants at walang nakabantay na bodyguards. Napapaisip na talaga siya. Hindi siya nito inaya sa restaurant o kahit sa bar, mukhang masinsinan at nakagugulat ang kanilang magiging usapan.Nagpatuloy siya sa makisig niyang paglakad sa kabila ng suot niyang clergy priest polo. Nakuha niya ang atensyon ng ilan sa mga kababaihang naroon, ngunit dahil nakatuon ang kaniyang atensyon sa ama ni Kayden ay hindi niya napansin ang mga matang sa kaniya ay nakatuon.Hanggang sa sapitin niya ang kinaroroonan ni Karl Alcaraz. K
DAHAN-DAHANG bumukas ang pintuan sa silid na kinaroroonan ni Kayden, at sa mabagal na pagladlad ng dahon niyon ay ang unti-unting paghantad ng magandang mukha ni Raven sa kaniyang paningin.Awtomatikong bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napaunat ang kaniyang likod sa pagkakaupo.Kaagad na nagtagpo ang paningin nila. Nakita niya sa mga mata nito ang magkahalong takot at pagkabahala habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng kaniyang mukha. Lumampas ang kaniyang tingin sa likuran nito at nakita niyang nakatayo roon si Atty. Galvez. Tumango ito sa kaniya bilang paalala.Iniiwas niya ang tingin sa mga ito at tumitig sa wall. Nagsimulang mamula ang paligid ng kaniyang mga mata, naiiyak siya.Narinig niya ang mabagal na paghakbang ni Raven palapit sa kaniyang kinaroroonan.Muli niyang dinala ang tingin dito na nang sandaling iyan ay titig na titig pa rin sa kaniya na para bang sinusuri siya.Habang nakabantay siya sa bawat pagkilos nito at ay dama niya ang matinding pananabik dito.G
DINALA niya ang ama ni Kayden kasama ang abugado nito sa green garden nila sa backyard ng mansion, kung saan natatanaw ang malawak na rectangular pool.She believes that the cozy atmosphere here will contribute to the smoothness of their conversation."Raven," mahinang tawag ng ama ni Kayden sa pangalan niya nang makaupo na silang lahat sa garden chairs. "Alam kong walang kapantay ang sakit na naidulot sa'yo ng aking anak." Pagsisimula nito sa paksa nila. "Pero kung nasa katinuan lamang ang pag-iisip niya, he would certainly repent of his wrongdoings."Nakaupo ito kaibayo niya kaya madali sa kaniya ang mapamata rito matapos ang sinabi nito.Is he telling her that Kayden has lost his mind?Bigla ay naalala niya ang mga kalalakihang dumampot kay Kayden kahapon, sigurado siya, hindi psychiatric nurses ang mga iyon."Yes," tugon ng ama ni Kayden na wari ay nabasa ang iniisip niya. Narinig niya ang pagpalatak ng kaniyang ama kaya napatingin siya rito."Is he truly lost his mind, or is th
"SHE saved my life nang araw na iyon," wika ni Asher sa malungkot na tono buhat sa kaniyang likuran. Sinundan pala siya nito papunta sa preparatory kitchen.Patungo siya roon upang magtimpla ng juice para rito at sa kasama nitong si Nowanna na naiwan sa sitting room.Natigilan siya sa paghakbang at kagat-labi na nilingon ito bago dahan-dahang pumihit paharap dito.Nakarating kay Asher ang nangyari kahapon at matapos nitong dumaan sa presbytery pagkalabas sa ospital ay dumiretso ito roon upang kumustahin siya at ang baby na nasa sinapupunan niya.Ngunit hindi niya inaasahan na naroon ito hindi para lang kumustahin siya kun'di upang balikan ang nakaraan at ipaalam sa kaniya kung sino at paano ito nakaligtas sa tiyak na kamatayan matapos nilang iwan. "So, I'm supposed to thank her." Iyan ang mga salitang nahagilap niyang sabihin sapagkat guilty siya at unti-unting binabalot ng pagsisisi ang puso niya."Hindi," kaagad nitong salungat sa kaniya. "Ako ang dapat magpasalamat sa kaniya. Tin