Ang bawat daing nito, ang kakaibang amoy nito, ang pakiramdam na siya ang nakauna dito. Lahat ng iyon ay nananatili sa kanyang isipan, maging ang lambot ng labi nito ang sarap ng katas nito. Hindi niya lubos maisip na may babaeng darating sa kanyang buhay na para hangin lamang. At kusang ibinigay nito ang virginity sa kanya kahit hindi sila mgkakilala. Sa katunayan matapos ng gabing iyon, sa tuwing may makikita siyang babae sinasadya niyang mapalapit sa mga ito para malanghap ang pabango ng mga ito. Ngunit bigo pa rin siyang maamoy ang napakabangong lutos na iyon. Lutos na tila natural na amoy ng babae.
Isa pang pinoproblema niya ay ang kanyang spoiled brat na anak, hanggang ngayon wala pa rin siyang makuhang yaya nito. Mas lalong nagiging pasaway ang bata, minsan naaawa na siya kay Manang Dorry pero matiyaga naman itong nagbabantay sa kanyang anak dahil apo na ang turing ng matanda dito.Kahapon nga, nagbasag ng pinggan ang bata dahil lamang sa ayaw nito ng meryendang niluto para dito ni Manang Dorry. Napalo nanaman niya ito pero hindi ito umiyak, tiningnan lamang siya ng masama at sinigawan siyang " I Hate You Daddy". Napakatigas na talaga ng ulo ng batang iyon, pero kahit pa pinipilit siya ng magulang na kukuhain ito ayaw talaga niyang pumayag.
Pero nagsabi na rin sa kanya si Manang Dorry kumuha na ng magiging Yaya nito dahil nahihirapan na rin daw itong pagsabayin ang pagbabantay dito at paggawa ng mga gawain nito sa bahay. Naaawa nga siya dito kaya naman ilang agency na ang tinawagan niya para kumuha ng magiging yaya nito pero halos lahat ay alam ang background ng anak niya. Halos lahat alam kung ano ang kinahihinatnan ng mga nagiging yaya nito kaya wala ng gustong mag-apply pa bilang yaya nito kahit pa nag alok na siya ng dobleng sahod. Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.
" Sir, tumawag ang isang branch natin sa Makati kailangan daw po kayo don. May konting problema po yata ang branch at kelangan nyong personal na puntahan." sabi ng kanyang sektarya.
Isang malaki at kilalang company sa Pilipinas ang kompanyang pag-aari ng kanyang pamilya at dahil siya lamang naman ang panganay at nag-iisang lalaking anak siya ang nakatukang magpalakad nito. Isa itong Telecom Company na ilang taon na ring nag ooperate sa bansa. So far, dumarami na ang kalaban ngunit patuloy pa rin ang tiwala ng mga tao sa kanilang kompanya at isa na iyong napakalaking blessings para sa kanya.
Mabigat ang nakaatang sa kanyang balikat pero kinakaya niya para na rin sa pamilya at sa nag-iisang anak. Oo at hindi niya ito maalagaan at maipakita na mahal niya ito pero gusto naman niya itong mabigyan ng magandang buhay.
" Okey Seig, pakisabi na pupunta na ako after lunch. " sabi niya sa kanyang Secretary. Tumango naman ito, iniwan ang ilang mahahalagang papeles sa kanyang mesa tsaka nagpaalam na ito.
Muli siyang tumanaw sa kawalan at tila inaaninag ang mukha ng babae pero hindi naman nabubuo sa balintataw niya ang itsura nito. Napabuntunghininga nalang siya at lumapit sa mesa para icheck ang mga papers na dinala ng kanyang Secretary.
Samantala sa opisina kung saan nakaasign si Alison.
Nahilot nalang niya ang batok at sintido ng pagdating niya sa kanilang opisina heto at punong-puno nanaman ng sticky note sa kanyang computer maging sa desk at dingding. Medyo masama pa naman ang kanyang pakiramdam nitong mga huling araw. Pano ba namang di sasama, masasakit pa rin ang katawan niya dahil sa pagkawala ng kanyang virginity. Maging balakang niya ay medyo masasakit pa rin, idagdag pa ng stress niya sa kanyang ex. Tuluyan na kasi siyang nakipaghiwalay dito. Sinabi niya na alam na niya ang tungkol sa panloloko nito at ni Jenny sa kanya. Humihingi ito ng tawad sa kanya kesyo mahal daw siya nito na nagawa lang naman daw nito iyon dahil mas malaking magbigay ng pera si Jenny, galanti daw ito kumpara sa kanya at isa pa anytime daw na gustuhin nitong magparaos ei nagagawa nito kay Jenny.
Sa kanya daw hindi dahil na rin daw sa ayaw nya nga at ginagalang daw nito iyon. Mahal lang daw siya nito kaya sa iba nalang daw nito ginagawa ang lahat kesa naman daw sa kanya na alam nitong mahalaga sa kanya ang kanyang virginity.Isang malakas na sampal ang tugon niya sa mga kabaliwan nito. Tapos tuluyan na niyang sinabi na tapos na sila. Ngunit nagmagaling pa ito na kesyo hindi daw niya mapapanindigan ang desisyon niyang iyon, baka daw ilang araw lang ei umiiyak na siya at naglulumuhod na makipagbalikan dito. Suklam na suklam siya dito nong time na yon, don lang niya narealize kung gaano pala siya nagpakatanga sa lalaking iyon. Doon lang niya narealize na naging bulag pala talaga siya sa kasamaan ng pag-uugali nito. Kaya nagpapasalamat nalang siya na nakilala na niya ang totoong ugali nito.Yon nga lang dahil sa nasaktan siya nito ng lubusan nakagawa siya ng isang desisyong alam niya na siya rin ang talo sa huli. Pero kahit na ganon, mabuntis man siya aakuin at pakamamahalin niya ang baby kung sakali mang magbunga ang kanyang kahibangan.
Isa pang ikinasasama ng kanyang pakiramdam ei, hindi niya maiwaglit sa isipan ang gabing iyon. Lalo na ang lalaking nakaniig niya, ang mainit at malambot na palad nitong humahaplos sa kanyang balat. Ang masarap na halik na pinalasap nito sa kanya, ang bawat paglapat ng labi nito sa kanyang katawan. Ang nakakabaliw na pagsamba nito sa kanyang pagkababae at ang pag-angkin nito ng tuluyan sa kanya hanggang sa sabay nilang narating ang paraiso. Lahat ng iyon ay hindi mawala sa kanyang isipan. Kinabukasan ng gabing iyon nilagnat siya sanhi ng sakit ng katawan, marahil normal lang iyon lalo pa at first time niya.
Hindi nga siya nakapasok ng araw na iyon, kinabukasan katakot-takot na sermon ng inabot niya sa kanilang team leader at pati na sa kanyang mga co-worker. Lalo lamang siyang nanghina ng makita ang notes na nakadikit sa kanyang cubicle halos mapuno na iyon pero pinilit niyang tapusin lahat iyon para naman di na siya masermonan. Napabuntunghininga nalang siya kapag nababasa ang ibang notes na labas ng masyado sa trabaho niya, pero ginawa pa rin niya iyon.
Ngayon, heto nanaman. Hay naku, pero ano pa nga ba ang magagawa niya. Sinimulan niyang kolektahin ang mga iyon para iarrange ang mga dapat niyang unahin at ihuli. At sa awa ng Diyos bago maglunch halos maubos na rin ang mga notes. Iilan nalang ang natira kaya nagpasya muna siyang maglunch. Nagtungo siya canteen, naabutan niya doon ang ilang ka officemate.
" Oh, Alison buti naman dumating kana. Pwede bang makisuyo, ayoko kasi ng mga ulam nila dito sa canteen ei. Pwede bang ibili mo nalang ako ng Mang Inasal, ayoko kasi lumabas masyado mausok at tsaka napakainit pa mangingitim ako ei. " utos sa kanya ni Windy.
Nais niyang tumutol kasi talagang gutom na gutom na siya at isa pa gusto na talaga niyang makaupo para lamang makapagpahinga pero heto at may ipinag uutos nanaman ito. Kung susumahin ito talaga ang may pinakamaraming notes sa kanya ei. Kulang na nga lang siya na ang gumawa ng trabaho nito pero mabait siya ei kaya naman tumango nalang siya at ngumiti. Kinuha niya ang inaabot nitong pera at umalis na, sa kabilang kanto pa naman ang Mang Inasal kaya medyo matatagalan siyang makabalik nito lalo na at lunch break siguradong marami ang nakapila.
Pagpasok ni Alison sa loob di nga siya nagkamali, napakarami ngang tao at medyo mahaba ang pila. Napailing siya, sigurdo siyang di nanaman siya makakakain ng lunch nito. Biscuit at tubig nanaman ang kakabagsakan niya nito. Mabuti si Windy halos walang ginagawa kaya pwede itong kumain anytime kahit nasa opisina. Samantalang siya ei hindi na yata nawawalan ng mga gawain. Muli siyang napabuntunghininga at pumila nalang din.
Si Blade naman ay nagpark ng kotse niya sa parking lot ng Mang Inasal. Balak niyang dito nalang kumain, nagpasya kasi siyang magtungo na sa kanilang branch sa Makati dahil wala na rin naman siyang ginagawa kanina.
Nakaramdam siya ng gutom kaya nagpasya siyang dito nalang kumain ng lunch, hindi naman kasi siya maarte pagdating sa pagkain. Mas gusto pa nga niya dito, mura na nga masarap pa. Bumaba siya ng kotse at nagtungo na sa loob, konti nalang ang nakapila. Naglakad na siya may counter, ngunit nabangga siya ng babaeng papalabas naman. Hindi siya nito napansin dahil may kung anong tinitingnan ito sa take out na pagkain, siguro tinicheck nito.
Saglit na napatingin ang babae sa kanya at nagsorry, saka nagmamadali na itong lumabas.Napakunot ang noo niya, agad na may bumundol na kaba sa kanyang dibdib, suminghot-singhot siya sa hangin animo may inaamoy.
" Shit! Ang amoy na iyon! Lutos! Di kaya sya ang... " sabi niya sa sarili.
Agad siyang tumakbo palabas ng Mang Inasal at agad niyang hinanap ang babae. Marami ang taong naglakakad noon, imposibleng makita pa niya ito pero hindi siya nawalan ng pag asa. Patuloy niya itong hinanap pero ilang minuto na, napapagkamalan na nga siyang baliw ng mga babaeng inaakala niyang ito. Kaya naman bagsak ang balikat na nagbalik na lang siya sa loob ng Mang Inasal para kumain.
" Siguro hindi siya iyon, malay ko ba kung maraming gumagamit ng pabangong iyon! Hayyy, may pag-asa pa kayang magkita kaming muli? " tila nawawalan ng pag-asang bulong niya sa sarili.
ITUTULOYIniabot ni Alison kay Windy ang pinabili nito pero padabog nito iyong kinuha tapos nakasimangot pa. " Napakatagal mo naman Alison! Hindi ko na to makakain kasi patapos na ang lunch break, sa susunod naman bilisan mo!" inis na sabi nito, tsaka binuksan na ang pagkain at sinimulang kainin. Parang hindi na niya kaya pang magtimpi sa ugali ng babaeng ito. Sya pa ang may ganang magalit dahil sa medyo natagalan siya, at dipa man lang nagpasalamat. Huminga siya ng malalim, pinilit niyang kalmahin ang sarili. " Pasensya ka na kung medyo natagalan ha, marami kasing pila sa Mang Inasal kanina kasi nga lunch break. Pero sana naman next time Windy matuto kang magpasalamat manlang hindi iyong ikaw pa itong galit. " mahinahon niyang wika dito.Kunot noong tiningala siya nito. " At kailan ka pa natutong sumagot ngayon ha?! Pinapangaralan mo pa ako? Lumayas ka nga sa harapan ko, bwesit! " galit na sin
Inis na nahiga si Alison sa kanyang kama ng dumating na siya sa kanyang Condo. Nabwesit kasi siya don sa mamang bigla nalang nanyakap kanina sa may parking lot ng kanilang building. Naiwan niya kasi sa kanyang cubicle ang kanyang biniling bagong release na song hits. Balak niya sanang maglibang sa pagtugtog ng guitara. Hilig talaga niya ang music, pinakapaborito niyang instrumento ay guitara sunod naman ay piano. Medyo may boses din siya katulad nga ng sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya syempre lalo na ang kanyang Inay. Kapag nalulungkot siya, o may pinagdadaanan sa kanta lamang siya humuhugot ng lakas. Kaya lang di na niya tinuloy ang pagkuha kasi naman may manyak na lalaking basta nalang nanyakap sa kanya kanina. Sarap gulpihin ei, tama lang na nasampal niya ito para magtanda. Tsaka bigla namang sumagi sa isipan niya iyong naganap sa kanila ng estranghero noong nakaraang linggo. Tapos parang tinutudyo siya ng isipan na, iyon nga hinayaan mong maan
Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Alison matapos niyang patayin ang call ng future boss niya. Ewan ba niya pagkarinig niya ng boses nito tila nangatog yata pati tuhod niya. Napakabaritono kasi ng boses nito, animo palaging nag uutos, yon bang parang napakataas at anumang sabihin ay dapat masunod. Buti na nga lang pumayag sa hinihingi niyang palugit. Hindi naman kasi pupwedeng basta nalang siya aalis ng walang paalam sa kompanya. Isa pa sayang naman ang back pay niya at iba pa niyang matatanggap kapag umalis siya sa company.Pero pakiramdam niya ngayon, lumuwag ng kanyang pakiramdam sa isiping makakaalis na rin siya sa trabahong iyon. Sa totoo lang naman, walang problema sa trabaho sa mga kasamahan lamang niyang abuso. Yon lang ang nagiging dahilan para maging mahirap ang lahat sa kanya, mahal niya ang trabaho pero hanggang kelan pa ba siya aasa na hindi na siya aabusuhin ng mga kasamahan. Kinabukasan agad siyang nagpasa resignation lett
Inayos ni Alison ang ilang piraso niyang damit sa built in cabinet sa kwartong pinagdalhan sa kanya ni Manang Dorry. Ang matandang sumalubong sa kanya, kasambahay din ito ng pamilya pero sa tingin niya ay hindi lang ito kasambahay don. Kitang-kita kasi na malapit ito sa bata at sa kanyang boss. Kanina, pinakilala na sa kanya ang kanyang aalagaang si Alexa. Napakaganda ng bata, medyo may hawig ang mata sa ama nito pero tiyak niyang mas kamukha ito ng Mommy nito. Mukhang amerikana din ito, napakaputi at mamula-mula pa ang pisngi. Mukhang mabait naman ang bata, angelic face nga ito ei tsaka bahagya siyang nginitian nito kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit wala itong nagtatagal na yaya. Pagkatapos niyang ayusin ang ilang damit, lumabas na siya ng kwarto para sumabay mag almusal sa mga ito. Sinabihan kasi siya ni Manang Dorry na lumabas din agad para makapag almusal. Bago niya harapin ang trabaho, marami pa daw ka
Minadali ni Alison na linisan ang sarili, malagkit ang kanyang buhok dahil sa mantikang halos naipaligo yata sa kanya maging ang katawan niya pero hindi siya naligo, mahirap na. Tinuyo lamang niya ang kanyang katawan na cotton na towel at pati na rin ang kanyang buhok. Pero naglulugita pa rin ito, madulas na pakiramdam niya ay basa kahit hindi naman. Nagpaligo na lamang siya ng pabango para mabango pa rin siya kahit mukha siyang mabaho. Tsaka na siya nagtungong muli sa kwarto ni Alexa. Kumatok muna siya pero medyo nakaramdam siya ng kaba. Baka kasi hindi totoo ang ipinangako ni Alexa sa kanya, tapos may bago nanaman itong patibong sa kanya. Maaaring mangyari yon lalo na at ang nais ng bata ay mapaalis ang mga nagiging yaya nito para mapansin ito ng Daddy nito.Pero bahala na, kailangan niya ang trabahong ito tsaka gusto na rin niyang umalis talaga sa apartment niya. Palagi kasing nandoon si Jenny at kung ano-anong sinasabi na parang siya pa
Hindi magkandatuto ang lalaki pagkakita sa kanya, hinablot nito ang kumot at agad na ibinalabal sa harapan nito. Siya naman ay hindi pa rin makaget over sa nakita, first time na mangyari iyon sa buong buhay niya. Nahamig tuloy niya ang sarili, kakaiba kasi ang epekto ng napanood sa kanyang katawan. Parang parehas ng nararamdaman niya sa tuwing naaalala niya ang lalaking nakatalik niya noong gabing iyon. Tila bigla siyang kinapos ng hininga at bigla-bigla ang pagragasa ng kakaibang init sa kanyang katawan. " Anong ginagawa mo dito?! " madiin ang boses na tanong nito pero halatang nahihiya ito sa kanya, hindi kasi ito makatingin sa kanya ng deritso. " K-Kwan po Sir, a-ano po kasi.. Uhhmmm, p-pinapatawag ka po ni Manang Dorry kasi kakain na daw po ng p-pananghalian. " pautal-utal na sagot niya dito. " Pwede namang kumatok ka ah, o kaya tawagin mo nalang ako sa labas. " salubong ang kilay na sabi nito sa kanya. " Eh, ka
Kaybilis ng panahon.Mahigit isang buwan na agad si Alison sa bahay ng mga De Vega. Nagustuhan na niyang talaga ang trabaho kaya naman tuluyan na niyang iniwan ang kanyang apartment. Napakalaki na ng ipinagbago ni Alexa, naging napakabait at masunurin na rin itong bata. Tinutulungan din niyang kahit papano magkalapit ang mag-ama pero itong kanyang boss talaga ang may katigasan ng loob. Mabuti nalang kahit ganon ang pinapakita nito nadadala pa rin si Alexa sa mga paliwanag niya. Isa pa halos sa kanya na nakadepende ang bata. Kadalasan nga kapag namamasyal sila sa mall o kaya kahit sa park napapagkamalan silang mag-ina. At kadalasan din na sinasabi ni Alexa na Mommy siya nito, hinahayaan na lamang niya ito dahil alam niyang sabik ito sa isang ina. Minsan nga natatawag siya nitong Mommy, sinasabihan niya itong mali iyon dahil papano nalang kung marinig iyon nt daddy nito. Baka malagot siya, baka sabihin
Napakunot noo si Blade ng marinig ang masasayang tawanan sa may pool. Tinanghali siya ng gising dahil na rin sa medyo naparami ang inom nila ni Felix kagabi buti nalang sunday ngayon wala siyang pasok. Masayang boses ng anak niya ang kanyang naririnig, maging boses ni Felix na animo nakikipaglaro sa kanyang anak. Pero mas nangunot ang noo niya ng marinig ang masayang halakhak ni Alison. Agad siyang napapihit ng deriksyon patungo sa pool, sa kusina sana siya patungo para magpatimpla ng kape kay Manang Dorry. Naabutan niyang masayang nagtatampisaw ang tatlo sa pool. Si Alexa ay tinuturuan ni Felix na lumangoy habang nakaabang naman si Alison dito. Animo isang masayang pamilya ang nakikita niya sa tatlo.Agad na kumulo ang dugo niya, parang gusto niyang sugurin ang mga ito at sapakin naman si Felix. Lalo na ng tinuturuan ni Felix magfloating si Alexa pero napalubog ang kanyang anak kaya agad na dinaluhan ito ni Alison pero dahil hawak
Matapos ang kasal kinabukasan lumipad patungong Japan ang mga bagong kasal para doon mag honeymoon. Isang linggo lamang ang inilagi nila doon, hindi rin naman halos sila nakapaggala dahil na rin sa pag-aalalang baka magkapano si Alison dahil nga buntis ito. Mas nais nilang mamalagi sa room na hotel at doon puro kwentuhan, lambingan, kasweetan at kung ano-ano pang dapat ginagawa ng bagong mag-asawa. Syempre isa na doon ang love making na kinaadikan na talaga ni Blade pero syempre nag iingay din ito lalo pa at buntis nga si Alison. Damang-dama ni Alison kung gaano siya kamahal ng asawa, yon ang pinagpapasalamat niyang talaga. Sumapit ang kabuwanan ni Alison. Palagi na noong balisa si Blade, isang bagay ang kinatatakutan nya. Hindi niya iyon sinasabi kay Alison pero habang papalapit ang araw na manganganak ito mas lalong tumitindi ang kaba nya. Papano kung sa pangalawang pagkakataon, mawala nanaman ang ina ng
Habang naglalakad sa red carpet si Alison hindi niya mapigilan ang hindi maluha, lalo pa at ang tinutogtog ay ang song na Beautiful in White by Westlife na isa sa favorite niyang kanta. Dati nga sinabi nya sa sarili na ang kantang iyon ang nais nyang gamiting kanta sa kasal nya. Si Blade mismo ang pumili ng kanta hindi nya nga akalain na iyon ang pipiliin nito. Napakagwapo ng kanyang groom sa suot nitong black suit, napakafresh nitong tingnan at lalaking-lalaki. Walang panama ang mga nagagwapuhang artista dito. Para ngang nahahawig ito kay Massimo Torricelli/Michele Morrone bida sa movie na 365 Days. Natawa nga siya sa sarili dahil naihalintulad pa niya ang mahal niya sa bida ng movie na yon, pero talagang hawig ang dalawa lalo na ngayon dahil nakasuot nga ito ng black suit.Kitang-kita niya na lumuluha din ito katulad nya, ngayon niya natiyak na mahal na mahal talaga sya ng lalaki. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili dito. Maging ang pamily
Panay buntunghininga ni Blade habang nasa dalampasigan, palingon-lingon siya sa daan na dadaanan ng bridal car na nilululanan ng kanyang Bride. Kinakabahan siya, gusto na agad niyang makita si Alison. Gusto nya sana na kasabay na ito sa pagtungo sa dalampasigan pero bawal daw ang ganon. May pamahiin daw ang matatanda sa probensya na bawal magsabay ang groom at bride sa pagpunta sa simbahan. Ganon din daw kahit pa sa beach sila ikakasal. Nakaubos na nga siya ng halos kalahating kaha ng yosi pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Hindi nya akalaing ganito pala ang feeling ng mga ikinakasal, sabagay ikinasal na rin naman siya sa namayapa niyang asawang si Camella pero ibang-iba sa nararamdaman nya ngayon ang feeling. Basta hindi niya maipaliwanag, magkahalong kaba at kasiyahan ang naghahari sa kanyang dibdib. "Andito na ang Bride!" hiyaw ng isang lalaki. Napalingon naman siya at patakbo na sana siyang magtutungo sa bridal car na karar
Kinabukasan...Ang lahat ay excited sa paglabas ng Bride mula sa kanilang bahay. Mga kapitbahay, kamag-anak, kaibigan ng pamilya at maging nakikiusyoso lang.Sa silid naman ni Alison, manghang-mangha siya sa ayos niya. Animo ibang tao ang taong nakikita niya ngayon sa salamin. Napakaganda niya sa suot niyang wedding gown, bagay na bagay din sa kanya ang katatapos palang na pagmake up sa kanya at maging ayos ng kanyang buhok. Napakaeleganteng tingnan niyon idagdag pa ang tila headband na punong-puno ng rhinestone. Animo nagsilbing korona niya ito. Hindi siya makapaniwalang ganito pala siya kaganda kapag nakaayos. "OMG! Sa lahat yata ng namake-upan kong bride ikaw na yata ang pinakabongga Alison! Goshhh! Para kang dyosa sa wedding gown mo! Siguradong mapapanganga ang groom kapag nakita ka nya!" bulalas ng baklang nagmake up sa kanya. "Salamat," tipid na sagot niya dito. Napalingon siya sa may pinto ng
Bago sumapit ang mismong araw ng kasal, marami pang kakaibang naranasan si Blade sa lugar nina Alison. Sumubok din siyang magsibak ng kahoy, nagkasugat-sugat pa nga ang kanyang kamay at sa tuwing hapon tumutulong din siyang mag-igib ng tubig. Nawiwili na nga siya mag-igib ng tubig dahil nasisiyahan siyang sumalok ng tubig sa balon, expert na siya sa bagay na iyon. Naransan na rin niyang sumama manlakaya o manghuli ng isda kasama ang Itay ni Alison. First time niya iyon kaya tuwang-tuwa siya ng makahuli ng isang maliit na pugita. Para pa nga siyang nanalo sa lotto nagsisigaw sa gasangan. Natatawa na lamang sa kanya ang iba pang mga nanlalakaya na taga doon. Tuwang-tuwang sila dahil kahit batid ng mga itong may kaya siya sa buhay ay sinusubukan niya ang buhay ng mga simpleng tao. Simple pero walang kapantay ang saya na mapabilang sa mga katulad nila. Dalawang araw pa ang inilagi nila ng dumating ang photographer na kukuha ng prenup photos nila ni
Kinahapunan nagpasya ding bumalik ng Manila sina Blade. Natutuwa siya sa naging kinalabasan ng kanyang paghahanap kay Alison. Ngayon legal na sila sa mga magulang at mga Kuya nito at napapayag na rin niya ang mga ito na maikasal sila ni Alison. Sa susunod na buwan magiging ganap na niyang Misis si Alison at iyon ang hindi na niya mahintay pa. Gusto na niyang ganap nitong dalhin ang kanyang apelyido. Siguro naman sa kasiyahang natatamasa niya ngayon ei wala ng hahadlang pa sa kanila.Hinding-hindi siya makakapayag na may maging balakid pa sa pagsasama nila ni Alison. Kaya ang nais niya ay mapadali ang kasal at maipadama dito na ito ang pinakamagandang bride sa araw na iyon. Gabi na ng marating nila ang kanilang bahay. Si Alexa ay nakatulog na sa biyahe kaya naman binuhat na lamang niya ito patungong silid nito. Si Alison naman ay ininit ang mga pagkaing iniluto ni Manang Dorry.Hindi na kasi sila kumain pa dahil may baon naman silang sandwich at mga kutkutin s
Kinabukasan.Natuloy ang mag-anak na maligo sa dagat, syempre kasama si Blade at Alexa.Tuwang-tuwa ang bata dahil unang beses itong nakakita ng dagat sa personal. Tuwang-tuwa ito habang tila nakikipagpatentero sa mga alon sa may mababaw na bahagi ng dagat."Ay ano gang balak mo anak, sasama ka na ga sa mag-ama pabalik ng Manila? " tanong ng Inay ni Alison na noo'y tinutulungan niyang maglabas ng mga pagkaing nasa bag.Madaling araw pa lang ei nagluto na ang kanyang Inay pero mag-iihaw din sila may nakamarinade na itong hilaw na karne ng baboy at manok."Opo sana Inay kelangan po kasi ako ni Alexa, hindi po yan papayag na maiwan ako dito," sagot niya dito."Si Alexa lang ba ang dahilan? Ala ey inlove na talaga ang bunso ko, hindi makatagal na malayo sa mahal niya. Sabagay buntis ka naman na at katulad ng pangako ni Blade sa amin kagabi ay aasikasuhin na niya agad ang kasal ninyo
Kabanata 26Sumapit ang gabi.Kanina pa wala si Blade pati na ang kanyang tatlong Kuya,kakain na lamang ng hapunan ei wala pa ang mga ito."Inay nasan na po ba sina Kuya, gabi na ei wala pa sila," tanong ni Alison sa Inay niya,nakaupo siya noon sa sala habang nakayakap naman sa kanya si Alexa."Ala ey, ewan ko ga sa mga iyon. Baka nasa barrio, ipinapasyal si Blade. Maanong umuwi na ang mga yon ng tayo ay makakain na," sagot naman ng kanyang Inay."Mommy, totoo po ba na magsuswimming tayo bukas sa dagat?" tanong naman ng paslit na si Alexa.Ang kanyang Kuya Lenon kasi ay pinangakuan ito na maliligo daw sa dagat kaya ayon, nagbalak ang pamilya nila na bukas na magpicnic. Sabagay malapit lamang naman ang dagat sa kanila, maraming mga beaches na maari nilang paliguan pero mas pinili ng kanyang Inay na doon na lamang sa pribadong lugar sila maligo. May lupa kasi na malapit sa tabing dagat ang namana nito sa kan
" Ala ey sigurado ka gang kaya mong mag-igib sa balon hijo?" tanong ng Inay ni Alison na noo'y nagwawalis ng mga tuyong dahon sa likod ng bahay.Maliligo daw si Alison kaya ipag-iigib niya ito ng tubig. Tumanggi naman si Alison at kuya nalang nito ang pinakisuyuan pero nagpumilit siya dahil na rin nais niyang patunayan ditong kaya niyang pangatawanan ang sinabi niya ditong gagawin ang mga makalumang panliligaw ng mga kabinataan noon. Sumang-ayon naman ito pero medyo kinakabahan siya dahil isang balong malalim pala ang iniigiban ng tubig dito. Akala niya ei gripo, yon pala ei sa sentro pa ng barrio ang may gripo. Isang balon na may tubig ang iniigiban at may tila pinutol lamang na maliit na galoon na kinabitan ng isang lubid."Opo Tita, kayang-kaya po," nakangiting sagot niya dito.Pero ang totoo hindi niya alam kung papano, sa katunayan kanina pa nga siya butil-butil ang pawis dahil nakailang hulog na siya ng pansalok na galong may