Inayos ni Alison ang ilang piraso niyang damit sa built in cabinet sa kwartong pinagdalhan sa kanya ni Manang Dorry. Ang matandang sumalubong sa kanya, kasambahay din ito ng pamilya pero sa tingin niya ay hindi lang ito kasambahay don. Kitang-kita kasi na malapit ito sa bata at sa kanyang boss. Kanina, pinakilala na sa kanya ang kanyang aalagaang si Alexa.
Napakaganda ng bata, medyo may hawig ang mata sa ama nito pero tiyak niyang mas kamukha ito ng Mommy nito. Mukhang amerikana din ito, napakaputi at mamula-mula pa ang pisngi. Mukhang mabait naman ang bata, angelic face nga ito ei tsaka bahagya siyang nginitian nito kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit wala itong nagtatagal na yaya.
Pagkatapos niyang ayusin ang ilang damit, lumabas na siya ng kwarto para sumabay mag almusal sa mga ito. Sinabihan kasi siya ni Manang Dorry na lumabas din agad para makapag almusal. Bago niya harapin ang trabaho, marami pa daw ka
Minadali ni Alison na linisan ang sarili, malagkit ang kanyang buhok dahil sa mantikang halos naipaligo yata sa kanya maging ang katawan niya pero hindi siya naligo, mahirap na. Tinuyo lamang niya ang kanyang katawan na cotton na towel at pati na rin ang kanyang buhok. Pero naglulugita pa rin ito, madulas na pakiramdam niya ay basa kahit hindi naman. Nagpaligo na lamang siya ng pabango para mabango pa rin siya kahit mukha siyang mabaho. Tsaka na siya nagtungong muli sa kwarto ni Alexa. Kumatok muna siya pero medyo nakaramdam siya ng kaba. Baka kasi hindi totoo ang ipinangako ni Alexa sa kanya, tapos may bago nanaman itong patibong sa kanya. Maaaring mangyari yon lalo na at ang nais ng bata ay mapaalis ang mga nagiging yaya nito para mapansin ito ng Daddy nito.Pero bahala na, kailangan niya ang trabahong ito tsaka gusto na rin niyang umalis talaga sa apartment niya. Palagi kasing nandoon si Jenny at kung ano-anong sinasabi na parang siya pa
Hindi magkandatuto ang lalaki pagkakita sa kanya, hinablot nito ang kumot at agad na ibinalabal sa harapan nito. Siya naman ay hindi pa rin makaget over sa nakita, first time na mangyari iyon sa buong buhay niya. Nahamig tuloy niya ang sarili, kakaiba kasi ang epekto ng napanood sa kanyang katawan. Parang parehas ng nararamdaman niya sa tuwing naaalala niya ang lalaking nakatalik niya noong gabing iyon. Tila bigla siyang kinapos ng hininga at bigla-bigla ang pagragasa ng kakaibang init sa kanyang katawan. " Anong ginagawa mo dito?! " madiin ang boses na tanong nito pero halatang nahihiya ito sa kanya, hindi kasi ito makatingin sa kanya ng deritso. " K-Kwan po Sir, a-ano po kasi.. Uhhmmm, p-pinapatawag ka po ni Manang Dorry kasi kakain na daw po ng p-pananghalian. " pautal-utal na sagot niya dito. " Pwede namang kumatok ka ah, o kaya tawagin mo nalang ako sa labas. " salubong ang kilay na sabi nito sa kanya. " Eh, ka
Kaybilis ng panahon.Mahigit isang buwan na agad si Alison sa bahay ng mga De Vega. Nagustuhan na niyang talaga ang trabaho kaya naman tuluyan na niyang iniwan ang kanyang apartment. Napakalaki na ng ipinagbago ni Alexa, naging napakabait at masunurin na rin itong bata. Tinutulungan din niyang kahit papano magkalapit ang mag-ama pero itong kanyang boss talaga ang may katigasan ng loob. Mabuti nalang kahit ganon ang pinapakita nito nadadala pa rin si Alexa sa mga paliwanag niya. Isa pa halos sa kanya na nakadepende ang bata. Kadalasan nga kapag namamasyal sila sa mall o kaya kahit sa park napapagkamalan silang mag-ina. At kadalasan din na sinasabi ni Alexa na Mommy siya nito, hinahayaan na lamang niya ito dahil alam niyang sabik ito sa isang ina. Minsan nga natatawag siya nitong Mommy, sinasabihan niya itong mali iyon dahil papano nalang kung marinig iyon nt daddy nito. Baka malagot siya, baka sabihin
Napakunot noo si Blade ng marinig ang masasayang tawanan sa may pool. Tinanghali siya ng gising dahil na rin sa medyo naparami ang inom nila ni Felix kagabi buti nalang sunday ngayon wala siyang pasok. Masayang boses ng anak niya ang kanyang naririnig, maging boses ni Felix na animo nakikipaglaro sa kanyang anak. Pero mas nangunot ang noo niya ng marinig ang masayang halakhak ni Alison. Agad siyang napapihit ng deriksyon patungo sa pool, sa kusina sana siya patungo para magpatimpla ng kape kay Manang Dorry. Naabutan niyang masayang nagtatampisaw ang tatlo sa pool. Si Alexa ay tinuturuan ni Felix na lumangoy habang nakaabang naman si Alison dito. Animo isang masayang pamilya ang nakikita niya sa tatlo.Agad na kumulo ang dugo niya, parang gusto niyang sugurin ang mga ito at sapakin naman si Felix. Lalo na ng tinuturuan ni Felix magfloating si Alexa pero napalubog ang kanyang anak kaya agad na dinaluhan ito ni Alison pero dahil hawak
Agad na nahugot ni Blade ang sandatang nakabaon sa hiyas ni Alison. Ito naman ay inayos ang sarili. Mabuti nalang nakatalikod siya sa anak kaya naman hindi nito ganap na nasilayan ang kababalaghang ginagawa nila. Sh*t yan, sa tindi ng init na kanyang nararamdaman ei nakalimutan na niyang wala nga pala sila sa tamang lugar para gawin iyon. Agad na lumapit si Alison sa kanyang anak at hinalikan ito sa noo. " Ahh, ano kasi baby napaso si Yaya habang naglalagay ako ng mainit na tubig sa tasa mo kaya ayon tinulungan niya ako. " paliwanag naman nito sa kanyang anak. " Ah ganon po ba, okey ka lang po ba Yaya? " nag aalalang tanong nito. " O-Okey lang naman ako baby, halika na inumin mo na ang milk mo para makabalik na tayo sa pool. " narinig niyang sabi nito. Sh*t, mukhang mabibitin pa yata siya ah. Tatakasan na yata siya nito. " Ahm, Alison diba may gagawin ka pa sa kwarto ko? Hayaan mo na munang m
Kabanata 15Kinakabahan pero hindi magawang tumanggi ni Alison sa kapusukan ng amo. Kahit ang namagitan sa kanila kaninang umaga hindi rin niya nagawang suwayin ito. Bagkus nadarang siya at ayon na nga ang nangyari. Nalunod siya sa mga halik at pagpapalasap nito ng kaligayahan sa kanya. Lalo na ng sambahin nito ang kanyang pagkababae na halos magpawala ng katinuan niya. Hindi niya lubos maisip na mangyayari ulit ang pagpaparaya niya tulad ng nagawa niya dati. Nang ipagkaloob niya ang sarili sa lalaking hindi niya kilala. Pero isa pang ipinagtataka niya bakit habang ginagawa iyon sa kanya ng kanyang Sir Blade, ang lalaki ang nasa isip niya pakiramdam niya ay iisa lamang ang mga ito. Pero napakaimposible namang manyari iyon. Lalo pa at ang tingin niya sa kanyang boss ay hindi papatol kung kanino lamang. Pero bakit siya? Ano nga ba siya? Bakit napakabilis nitong madarang sa kanya at ganon din naman siya. Kalokohan man o isang kabaliwan
Kabanata 16Napatanga si Alison sa tanong ni Blade sa kanya. Tama ba ang pagkakarinig niya, wife agad? Hindi ba pwedeng girlfriend muna? Napakabilis naman nito, pero natawa siya sa sarili. Mabilis pa pala yon ah, ei nakipags*x na nga siya dito kahit wala pang kung ano sa kanila.Yaya siya ng anak nito at Boss naman niya ito,yon lang ang relasyong meron sila pero ipinagkaloob na niya ang sarili dito. Tsaka bakit pa ba siya tatanggi ei gusto din naman talaga niya ang kanyang Boss medyo may kapormalan lang ito noon kaya dobleng ingat siya na hindi nito iyon mahalata. Tsaka napamahal na rin sa kanya si Alexa, itinuturing na niyang tunay niya itong anak kaya bakit pa siya tatanggi. Gayong maaalagaan na niya hanggang sa paglaki nito si Alexa.Isa pa natitiyak niyang hindi ito ang huling beses na may mangyayari sa kanila. Natitiyak niyang maraming beses pa itong magaganap kaya tatanggapin na niya ang nais nito. Kesa naman palaging may mangyayari sa kanila t
Kabanata 17Tamang-tama paglabas nila ni Alexa sa school nito nasa labas na rin si Blade naghihintay sa kanila. Half day lang ang pasok ni Alexa kaya talagang hinihintay na niya ito para hindi na siya mahirapan pa sa pagsundo dito.Kumaway ito sa kanila, malapad ang pagkakangiti habang nakasandal sa kotse nito. Napakagwapo talaga ng lalaki, hindi manlang sumagi sa isipan niya na magugustuhan siya nito. Malayong-malayo sa itsura nito ang ex niya. Hindi naman mahalaga sa kanya ang panlabas na anyo, bale bunos nalang ang pagiging pogi ni Blade pero ang nagustuhan talaga niya dito ay ang ugali nito.Unang-una masipag, maalalahanin batid kasi niyang hindi man nito pinaparamdam sa anak na mahal nito ito ei palagi naman nitong kinukumusta ang bata. Parati nitong inaalam ang tungkol sa anak nito at isa pa tapat ito kung magmahal. Patunay nalang ang pagmamahal nito sa asawa nito kahit yumao na.Medyo may kirot sa bahagi iyon,pero ano ba ang
Matapos ang kasal kinabukasan lumipad patungong Japan ang mga bagong kasal para doon mag honeymoon. Isang linggo lamang ang inilagi nila doon, hindi rin naman halos sila nakapaggala dahil na rin sa pag-aalalang baka magkapano si Alison dahil nga buntis ito. Mas nais nilang mamalagi sa room na hotel at doon puro kwentuhan, lambingan, kasweetan at kung ano-ano pang dapat ginagawa ng bagong mag-asawa. Syempre isa na doon ang love making na kinaadikan na talaga ni Blade pero syempre nag iingay din ito lalo pa at buntis nga si Alison. Damang-dama ni Alison kung gaano siya kamahal ng asawa, yon ang pinagpapasalamat niyang talaga. Sumapit ang kabuwanan ni Alison. Palagi na noong balisa si Blade, isang bagay ang kinatatakutan nya. Hindi niya iyon sinasabi kay Alison pero habang papalapit ang araw na manganganak ito mas lalong tumitindi ang kaba nya. Papano kung sa pangalawang pagkakataon, mawala nanaman ang ina ng
Habang naglalakad sa red carpet si Alison hindi niya mapigilan ang hindi maluha, lalo pa at ang tinutogtog ay ang song na Beautiful in White by Westlife na isa sa favorite niyang kanta. Dati nga sinabi nya sa sarili na ang kantang iyon ang nais nyang gamiting kanta sa kasal nya. Si Blade mismo ang pumili ng kanta hindi nya nga akalain na iyon ang pipiliin nito. Napakagwapo ng kanyang groom sa suot nitong black suit, napakafresh nitong tingnan at lalaking-lalaki. Walang panama ang mga nagagwapuhang artista dito. Para ngang nahahawig ito kay Massimo Torricelli/Michele Morrone bida sa movie na 365 Days. Natawa nga siya sa sarili dahil naihalintulad pa niya ang mahal niya sa bida ng movie na yon, pero talagang hawig ang dalawa lalo na ngayon dahil nakasuot nga ito ng black suit.Kitang-kita niya na lumuluha din ito katulad nya, ngayon niya natiyak na mahal na mahal talaga sya ng lalaki. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili dito. Maging ang pamily
Panay buntunghininga ni Blade habang nasa dalampasigan, palingon-lingon siya sa daan na dadaanan ng bridal car na nilululanan ng kanyang Bride. Kinakabahan siya, gusto na agad niyang makita si Alison. Gusto nya sana na kasabay na ito sa pagtungo sa dalampasigan pero bawal daw ang ganon. May pamahiin daw ang matatanda sa probensya na bawal magsabay ang groom at bride sa pagpunta sa simbahan. Ganon din daw kahit pa sa beach sila ikakasal. Nakaubos na nga siya ng halos kalahating kaha ng yosi pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Hindi nya akalaing ganito pala ang feeling ng mga ikinakasal, sabagay ikinasal na rin naman siya sa namayapa niyang asawang si Camella pero ibang-iba sa nararamdaman nya ngayon ang feeling. Basta hindi niya maipaliwanag, magkahalong kaba at kasiyahan ang naghahari sa kanyang dibdib. "Andito na ang Bride!" hiyaw ng isang lalaki. Napalingon naman siya at patakbo na sana siyang magtutungo sa bridal car na karar
Kinabukasan...Ang lahat ay excited sa paglabas ng Bride mula sa kanilang bahay. Mga kapitbahay, kamag-anak, kaibigan ng pamilya at maging nakikiusyoso lang.Sa silid naman ni Alison, manghang-mangha siya sa ayos niya. Animo ibang tao ang taong nakikita niya ngayon sa salamin. Napakaganda niya sa suot niyang wedding gown, bagay na bagay din sa kanya ang katatapos palang na pagmake up sa kanya at maging ayos ng kanyang buhok. Napakaeleganteng tingnan niyon idagdag pa ang tila headband na punong-puno ng rhinestone. Animo nagsilbing korona niya ito. Hindi siya makapaniwalang ganito pala siya kaganda kapag nakaayos. "OMG! Sa lahat yata ng namake-upan kong bride ikaw na yata ang pinakabongga Alison! Goshhh! Para kang dyosa sa wedding gown mo! Siguradong mapapanganga ang groom kapag nakita ka nya!" bulalas ng baklang nagmake up sa kanya. "Salamat," tipid na sagot niya dito. Napalingon siya sa may pinto ng
Bago sumapit ang mismong araw ng kasal, marami pang kakaibang naranasan si Blade sa lugar nina Alison. Sumubok din siyang magsibak ng kahoy, nagkasugat-sugat pa nga ang kanyang kamay at sa tuwing hapon tumutulong din siyang mag-igib ng tubig. Nawiwili na nga siya mag-igib ng tubig dahil nasisiyahan siyang sumalok ng tubig sa balon, expert na siya sa bagay na iyon. Naransan na rin niyang sumama manlakaya o manghuli ng isda kasama ang Itay ni Alison. First time niya iyon kaya tuwang-tuwa siya ng makahuli ng isang maliit na pugita. Para pa nga siyang nanalo sa lotto nagsisigaw sa gasangan. Natatawa na lamang sa kanya ang iba pang mga nanlalakaya na taga doon. Tuwang-tuwang sila dahil kahit batid ng mga itong may kaya siya sa buhay ay sinusubukan niya ang buhay ng mga simpleng tao. Simple pero walang kapantay ang saya na mapabilang sa mga katulad nila. Dalawang araw pa ang inilagi nila ng dumating ang photographer na kukuha ng prenup photos nila ni
Kinahapunan nagpasya ding bumalik ng Manila sina Blade. Natutuwa siya sa naging kinalabasan ng kanyang paghahanap kay Alison. Ngayon legal na sila sa mga magulang at mga Kuya nito at napapayag na rin niya ang mga ito na maikasal sila ni Alison. Sa susunod na buwan magiging ganap na niyang Misis si Alison at iyon ang hindi na niya mahintay pa. Gusto na niyang ganap nitong dalhin ang kanyang apelyido. Siguro naman sa kasiyahang natatamasa niya ngayon ei wala ng hahadlang pa sa kanila.Hinding-hindi siya makakapayag na may maging balakid pa sa pagsasama nila ni Alison. Kaya ang nais niya ay mapadali ang kasal at maipadama dito na ito ang pinakamagandang bride sa araw na iyon. Gabi na ng marating nila ang kanilang bahay. Si Alexa ay nakatulog na sa biyahe kaya naman binuhat na lamang niya ito patungong silid nito. Si Alison naman ay ininit ang mga pagkaing iniluto ni Manang Dorry.Hindi na kasi sila kumain pa dahil may baon naman silang sandwich at mga kutkutin s
Kinabukasan.Natuloy ang mag-anak na maligo sa dagat, syempre kasama si Blade at Alexa.Tuwang-tuwa ang bata dahil unang beses itong nakakita ng dagat sa personal. Tuwang-tuwa ito habang tila nakikipagpatentero sa mga alon sa may mababaw na bahagi ng dagat."Ay ano gang balak mo anak, sasama ka na ga sa mag-ama pabalik ng Manila? " tanong ng Inay ni Alison na noo'y tinutulungan niyang maglabas ng mga pagkaing nasa bag.Madaling araw pa lang ei nagluto na ang kanyang Inay pero mag-iihaw din sila may nakamarinade na itong hilaw na karne ng baboy at manok."Opo sana Inay kelangan po kasi ako ni Alexa, hindi po yan papayag na maiwan ako dito," sagot niya dito."Si Alexa lang ba ang dahilan? Ala ey inlove na talaga ang bunso ko, hindi makatagal na malayo sa mahal niya. Sabagay buntis ka naman na at katulad ng pangako ni Blade sa amin kagabi ay aasikasuhin na niya agad ang kasal ninyo
Kabanata 26Sumapit ang gabi.Kanina pa wala si Blade pati na ang kanyang tatlong Kuya,kakain na lamang ng hapunan ei wala pa ang mga ito."Inay nasan na po ba sina Kuya, gabi na ei wala pa sila," tanong ni Alison sa Inay niya,nakaupo siya noon sa sala habang nakayakap naman sa kanya si Alexa."Ala ey, ewan ko ga sa mga iyon. Baka nasa barrio, ipinapasyal si Blade. Maanong umuwi na ang mga yon ng tayo ay makakain na," sagot naman ng kanyang Inay."Mommy, totoo po ba na magsuswimming tayo bukas sa dagat?" tanong naman ng paslit na si Alexa.Ang kanyang Kuya Lenon kasi ay pinangakuan ito na maliligo daw sa dagat kaya ayon, nagbalak ang pamilya nila na bukas na magpicnic. Sabagay malapit lamang naman ang dagat sa kanila, maraming mga beaches na maari nilang paliguan pero mas pinili ng kanyang Inay na doon na lamang sa pribadong lugar sila maligo. May lupa kasi na malapit sa tabing dagat ang namana nito sa kan
" Ala ey sigurado ka gang kaya mong mag-igib sa balon hijo?" tanong ng Inay ni Alison na noo'y nagwawalis ng mga tuyong dahon sa likod ng bahay.Maliligo daw si Alison kaya ipag-iigib niya ito ng tubig. Tumanggi naman si Alison at kuya nalang nito ang pinakisuyuan pero nagpumilit siya dahil na rin nais niyang patunayan ditong kaya niyang pangatawanan ang sinabi niya ditong gagawin ang mga makalumang panliligaw ng mga kabinataan noon. Sumang-ayon naman ito pero medyo kinakabahan siya dahil isang balong malalim pala ang iniigiban ng tubig dito. Akala niya ei gripo, yon pala ei sa sentro pa ng barrio ang may gripo. Isang balon na may tubig ang iniigiban at may tila pinutol lamang na maliit na galoon na kinabitan ng isang lubid."Opo Tita, kayang-kaya po," nakangiting sagot niya dito.Pero ang totoo hindi niya alam kung papano, sa katunayan kanina pa nga siya butil-butil ang pawis dahil nakailang hulog na siya ng pansalok na galong may