Chapter: EpilogueMatapos ang kasal kinabukasan lumipad patungong Japan ang mga bagong kasal para doon mag honeymoon. Isang linggo lamang ang inilagi nila doon, hindi rin naman halos sila nakapaggala dahil na rin sa pag-aalalang baka magkapano si Alison dahil nga buntis ito. Mas nais nilang mamalagi sa room na hotel at doon puro kwentuhan, lambingan, kasweetan at kung ano-ano pang dapat ginagawa ng bagong mag-asawa. Syempre isa na doon ang love making na kinaadikan na talaga ni Blade pero syempre nag iingay din ito lalo pa at buntis nga si Alison. Damang-dama ni Alison kung gaano siya kamahal ng asawa, yon ang pinagpapasalamat niyang talaga. Sumapit ang kabuwanan ni Alison. Palagi na noong balisa si Blade, isang bagay ang kinatatakutan nya. Hindi niya iyon sinasabi kay Alison pero habang papalapit ang araw na manganganak ito mas lalong tumitindi ang kaba nya. Papano kung sa pangalawang pagkakataon, mawala nanaman ang ina ng
Last Updated: 2021-07-08
Chapter: Chapter 32 finaLHabang naglalakad sa red carpet si Alison hindi niya mapigilan ang hindi maluha, lalo pa at ang tinutogtog ay ang song na Beautiful in White by Westlife na isa sa favorite niyang kanta. Dati nga sinabi nya sa sarili na ang kantang iyon ang nais nyang gamiting kanta sa kasal nya. Si Blade mismo ang pumili ng kanta hindi nya nga akalain na iyon ang pipiliin nito. Napakagwapo ng kanyang groom sa suot nitong black suit, napakafresh nitong tingnan at lalaking-lalaki. Walang panama ang mga nagagwapuhang artista dito. Para ngang nahahawig ito kay Massimo Torricelli/Michele Morrone bida sa movie na 365 Days. Natawa nga siya sa sarili dahil naihalintulad pa niya ang mahal niya sa bida ng movie na yon, pero talagang hawig ang dalawa lalo na ngayon dahil nakasuot nga ito ng black suit.Kitang-kita niya na lumuluha din ito katulad nya, ngayon niya natiyak na mahal na mahal talaga sya ng lalaki. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili dito. Maging ang pamily
Last Updated: 2021-07-08
Chapter: Chapter 31Panay buntunghininga ni Blade habang nasa dalampasigan, palingon-lingon siya sa daan na dadaanan ng bridal car na nilululanan ng kanyang Bride. Kinakabahan siya, gusto na agad niyang makita si Alison. Gusto nya sana na kasabay na ito sa pagtungo sa dalampasigan pero bawal daw ang ganon. May pamahiin daw ang matatanda sa probensya na bawal magsabay ang groom at bride sa pagpunta sa simbahan. Ganon din daw kahit pa sa beach sila ikakasal. Nakaubos na nga siya ng halos kalahating kaha ng yosi pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Hindi nya akalaing ganito pala ang feeling ng mga ikinakasal, sabagay ikinasal na rin naman siya sa namayapa niyang asawang si Camella pero ibang-iba sa nararamdaman nya ngayon ang feeling. Basta hindi niya maipaliwanag, magkahalong kaba at kasiyahan ang naghahari sa kanyang dibdib. "Andito na ang Bride!" hiyaw ng isang lalaki. Napalingon naman siya at patakbo na sana siyang magtutungo sa bridal car na karar
Last Updated: 2021-07-02
Chapter: Chapter 30Kinabukasan...Ang lahat ay excited sa paglabas ng Bride mula sa kanilang bahay. Mga kapitbahay, kamag-anak, kaibigan ng pamilya at maging nakikiusyoso lang.Sa silid naman ni Alison, manghang-mangha siya sa ayos niya. Animo ibang tao ang taong nakikita niya ngayon sa salamin. Napakaganda niya sa suot niyang wedding gown, bagay na bagay din sa kanya ang katatapos palang na pagmake up sa kanya at maging ayos ng kanyang buhok. Napakaeleganteng tingnan niyon idagdag pa ang tila headband na punong-puno ng rhinestone. Animo nagsilbing korona niya ito. Hindi siya makapaniwalang ganito pala siya kaganda kapag nakaayos. "OMG! Sa lahat yata ng namake-upan kong bride ikaw na yata ang pinakabongga Alison! Goshhh! Para kang dyosa sa wedding gown mo! Siguradong mapapanganga ang groom kapag nakita ka nya!" bulalas ng baklang nagmake up sa kanya. "Salamat," tipid na sagot niya dito. Napalingon siya sa may pinto ng
Last Updated: 2021-07-02
Chapter: Chapter 29Bago sumapit ang mismong araw ng kasal, marami pang kakaibang naranasan si Blade sa lugar nina Alison. Sumubok din siyang magsibak ng kahoy, nagkasugat-sugat pa nga ang kanyang kamay at sa tuwing hapon tumutulong din siyang mag-igib ng tubig. Nawiwili na nga siya mag-igib ng tubig dahil nasisiyahan siyang sumalok ng tubig sa balon, expert na siya sa bagay na iyon. Naransan na rin niyang sumama manlakaya o manghuli ng isda kasama ang Itay ni Alison. First time niya iyon kaya tuwang-tuwa siya ng makahuli ng isang maliit na pugita. Para pa nga siyang nanalo sa lotto nagsisigaw sa gasangan. Natatawa na lamang sa kanya ang iba pang mga nanlalakaya na taga doon. Tuwang-tuwang sila dahil kahit batid ng mga itong may kaya siya sa buhay ay sinusubukan niya ang buhay ng mga simpleng tao. Simple pero walang kapantay ang saya na mapabilang sa mga katulad nila. Dalawang araw pa ang inilagi nila ng dumating ang photographer na kukuha ng prenup photos nila ni
Last Updated: 2021-07-02
Chapter: Chapter 28 Kinahapunan nagpasya ding bumalik ng Manila sina Blade. Natutuwa siya sa naging kinalabasan ng kanyang paghahanap kay Alison. Ngayon legal na sila sa mga magulang at mga Kuya nito at napapayag na rin niya ang mga ito na maikasal sila ni Alison. Sa susunod na buwan magiging ganap na niyang Misis si Alison at iyon ang hindi na niya mahintay pa. Gusto na niyang ganap nitong dalhin ang kanyang apelyido. Siguro naman sa kasiyahang natatamasa niya ngayon ei wala ng hahadlang pa sa kanila.Hinding-hindi siya makakapayag na may maging balakid pa sa pagsasama nila ni Alison. Kaya ang nais niya ay mapadali ang kasal at maipadama dito na ito ang pinakamagandang bride sa araw na iyon. Gabi na ng marating nila ang kanilang bahay. Si Alexa ay nakatulog na sa biyahe kaya naman binuhat na lamang niya ito patungong silid nito. Si Alison naman ay ininit ang mga pagkaing iniluto ni Manang Dorry.Hindi na kasi sila kumain pa dahil may baon naman silang sandwich at mga kutkutin s
Last Updated: 2021-07-02