Share

Chapter 2

Автор: Ate Sanggol
last update Последнее обновление: 2024-10-29 19:42:56

Sumapit ang kaarawan ng kasintahan ni Alison. Maaga siyang nagpaalam sa opisina para bumili ng regalo niya para dito. Nagtungo siya sa mall na binanggit nitong nakitaan nito ng gusto nitong mountain bike. Nang matapos, umuwi na rin siya agad. Naihanda na rin niya ang kailangan nitong pera na inutang pa nga niya kay Jenny.  

Isa nalang ang hindi niya naihanda, ang kanyang sarili. Matapos na halos isang linggo itong hindi nagparamdam sa kanya, kahit anong text niya dito hindi manlang nagrereply, kahit tawag hindi manlang siya sinasagot. Halos buong linggo siyang hindi siya mapakali dahil sa inaasal nito, kaya naalarma siya na baka totohanin na talaga nito na makipaghiwalay sa kanya.  

Kaya nagpasya siyang ibigay na ang inuungot nito, ang pinakaiingat-ingatan niyang pagkababae. Sabi nalang niya sa sarili, para din naman talaga ito sa boyfriend nya kaya lang advance lang niyang ibibigay ito dito.  Siguro naman kapag nagkaganon, hindi na sila parating mag-aaway. At baka dumalas pa ang tawag at text nito na halos isang beses lang yata nito sa isang araw gawin.  

Naligo na siya at nagbihis, mga alas siyete kasi ng gabi ang balak niyang magtungo sa apartment ng kanyang kasintahan. Inihanda niya ang perang regalo niya para dito, ngunit iniwan na muna niya ang bike para ito na ang kumuha bukas dito sa apartment niya. Balak niya kasing sa apartment na nito matulog. 

Bumuga siya ng hangin bago lumabas ng bahay, pinanlalamigan kasi siya ng katawan. Kinakatakutan niya ang nakatakdang maganap sa kanila ni Rico. Ngunit hinamig niya ang sarili, bakit siya natatakot? Hindi ba dapat,pananabik ang kanyang maramdaman. Iiling-iling na pumara nalang siya ng tricycle patungong pilahan ng jeep. 

Sa bahay ng mga De Vega.

" Nanay Dorry, ang tagal naman po ng Daddy. Miss na miss ko na po sya, gusto ko po maglaro kaming dalawa. " medyo nanunulis ang ngusong sabi ni Alexa sa matandang kasambahay.  Nahahabag na linapitan ito ng matanda at hinagod ang buhok.  

" Alexa, hintay ka pa ng konti darating na din iyon. Baka nga may pasalubong pa iyon sayo. " nakangiting nitong sabi sa bata. 

Kanina pa kasi ito naghihintay sa pagdating ng Ama galing sa trabaho nito. Kahit na hindi ito pinapansin ng Ama, hindi pa rin napapagod ang bata sa paghihintay dito.  

Bilang matagal ng kasambahay sa pamilyang ito, naiintindihan na ni Aling Dorry ang pinagdadaanan ng bata. Sabik na sabik ito sa pagmamahal ng isang ama kaya gumagawa ito ng paraan na mapaalis ang lahat ng kinukuha ng Ama nitong Yaya dahil ang gusto ng bata ay ang mismong ama nalang nito ang mag-alaga dito. Na sa tingin naman niya ay imposibleng mangyari, lalo pa't kamukhang-kamukha ito ng sariling ina. 

Palagi niya itong nahuhuling umiiyak sa tuwing magtatangka itong lumapit sa ama ngunit hindi naman ito pinapansin ng ama.  Pero magkagayon man, hindi pa rin ito napapagod sumubok na  mapalapit sa ama. 

Ilang sandali lamang at narinig na nila ang kotse ni Blade, nangningning ang mukha ng bata at patakbong lumabas ng bahay.  Sumunod naman ang matanda dito. 

" Daddy! Daddy! Daddy! " masiglang tawag nito sa ama habang tumatalon-tumatalon pa.  

Lumabas ng kotse si Blade at malamig na tiningnan ang bata, sabay tila hanging nilampasan lamang ito. Diridiritsong pumasok sa loob si Blade . 

Naiwan namang nakatayo ang bata habang walang kakilos-kilos ito.  Alam ng kasambahay na umiiyak ito dahil sa napansin nitong bahagyang umuuga ang dalawang balikat ng bata.  

Linapitan niya ito at inalo. 

" Wag ka ng umiyak Alexa ha, pagod lang siguro ang Daddy mo kaya wala sya sa mood makipaglaro ngayon. " nahahabag na sabi nito sa bata na ngayon ay malakas na umiiyak. 

" H-Hindi po ba a-ako love ni D-daddy Nanay? " paputol-putol na tanong nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak.  

" Shhhh, anak wag mong sabihin iyan. Mahal na mahal ka ng Daddy mo, pagod lang siya ngayon kaya ganon sya. " paliwanag niya dito habang hinahagod ang likod.  

" Hindi nya talaga ako love Nanay, mabuti pa sina Tito Felix love nila ako pero sya hindi! Puro work nalang parati inuuna niya kesa sakin! I hate him! " pasigaw na sabi nito at tumakbo sa loob ng bahay.  

Nasalubong nito ang ama ngunit diridiritso lang itong pumasok sa sariling kwarto at pabagsak na isinara ang pinto. 

" Manang Dorry, may pagkain na po ba? " balewalang tanong ni Blade sa kasambahay. 

" Meron na hijo, ipaghahayin na ba kita? " 

" Oo Manang, medyo kumakalam na kasi ang sikmura ko. " sabi niya dito. 

Umupo siya sa sofa at akmang bubuksan na ang tv ng biglang makarinig siya ng lumagabog sa kwarto ng anak.  Sinundan pa ng pagkabasag ng isang bagay. Patakbo siyang nagtungo sa kwarto nito ngunit nakalock ang pinto.  

" Alexa! Buksan mo ang pinto, ano bang nagyayari sayo ha?! Buksan mo ito kung ayaw mo sirain ko to!" galit na sigaw niya sa anak.

Hindi pa rin nito binuksan ang pinto, sa halip nakarinig ulit siya ng nabasag na bagay. Nakita niyang papalapit si Manang Dorry,nag-aalala rin ito para sa bata dala-dala ang susi ng kwarto ng anak. 

Binuksan ni Blade ang pinto at dali-daling pumasok sa loob. 

Naabutan niyang hawak-hawak ni Alexa ang isang base at tangkang babasagin ito kaya tinakbo niya ito at inagaw dito ang hawak.  

" Tumigil ka Alexa! Kailan kapa naging ganito kabayolente ha?! Napakabata mo pa pero grabe na ang ugali mo! Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sayo! " galit na sabi niya dito habang mahigpit na hawak sa balikat ang bata. 

Hindi manlang ito sumagot sa ama, sa halip tumingin lang ito sa kanya na blanko ang expression habang patuloy na bumabagsak ang luha. Pumiksi ito sa pagkakahawak niya at tumalikod, sabay higa sa kama at nagtalukbong ng kumot. Tila nauubusan ng pasensyang napasabunot sa sariling buhok si Blade.  

" Manang, pakilinis nalang po itong kwarto. Magpapahangin lang po ako sa labas. " sabi niya sa kasambahay na dinaluhan ang kanyang anak.  

" Nakahayin na ang pagkain Sir, kumain po muna kayo ng hapunan. " sabi nito kay Blade na noo'y nasa may pintuan na ng kwarto.  

" Hindi na po Manang, nawalan na ako ng gana. Pakisamahan nalang po muna ang batang yan, baka ho umaga na akong makabalik. " sabi ulit niya dito. 

" Sige po Sir, tatawag nalang po muna ako sa anak ko na hindi muna ako uuwi. " 

" Salamat po Manang. " 

Tumango lang ang matanda,nagtungo naman siya sa sariling kwarto para magpalit ng damit. 

Napatingin siya sa wedding picture nilang mag-asawa. Lumamlam ang kanyang matang nakatuon dito. 

" Love, napakasama ko ba talagang Ama? Hindi ko talaga magawang alagaan ang ating anak? Hindi mo naman siguro ako masisisi, kasalanan mo rin kasi ito. Iniwan mo agad kami ng napakaaga, hindi ko alam kung bakit ako ganito sa kanya,sana mapatawad mo ako Love. " tahimik na pakikipag-usap niya sa picture. 

Matapos magbihis, lumabas na siya ng bahay. Kailangan nanaman niyang

magpakalunod sa alak, para ng sa gano'y makalimutan niya ang sakit na kanyang nararamdaman,isama pa ang problema niya sa anak. Tiningnan niya ang relong pambisig, nine o'clock na ng gabi. Nagtungo siya sa garahe, kung saan nakaparada ang apat na mamahalin niyang sasakyan.  Pinili niyang gamitin ang bagong-bago niyang BMW M3 Sedan na kakabili lamang niya noong isang buwan.  

Ilang sandali pa at binabagtas na niya ang kahabaan ng Makati.  Pagliko ni Blade sa huling kanto bigla siyang napapreno, may isang babaeng tumawid bigla sa kalsada na animo wala sa sarili. May kadiliman sa kalsada kaya laking pasasalamat niya dahil kahit madilim napansin pa rin niya ang babae. Sa lakas ng impact ng pagpreno niya, halos mahilo-hilo si Blade dahil napasubsob siya sa manibela ng kanyang sasakyan. 

Nashock si Blade sa nangyari, hindi agad siya nakagalaw, imagine muntik na siyang makapatay.  Bigla niyang naalala ang babae kaya dali-dali siyang bumaba ng sasakyan para madala niya ito sa ospital. Nahabag siya sa itsura nito, nakatalungko ang babae habang yakap-yakap ang sariling binti. Linapitan niya ito. 

" Miss are you alright?" nag-aalalang tanong niya dito, sabay hawak sa balikat nito. Napansin niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito, naisip nalang niya na marahil dahil sa takot kaya nagkakaganon ito.

Bagama't nasa ganon silang sitwasyon, hindi nakaligtas kay Blade ang kaaya-aya nitong amoy. Hindi niya mawari kung pabango nito iyon o talagang normal na amoy lamang ng katawan nito ang nakakahibang na amoy na iyon. Kung hindi siya nagkakamali, parang amoy ng lutos ito.  Naipilig niya ang ulo, kung ano-ano pa ang sumasagi sa kanyang isip nasa ganito na nga silang sitwasyon. Tinanong niya itong muli ngunit hindi pa rin ito nagsalita bagkos mahihinang hikbi nito ang kanyang narinig. Nagpanic na si Blade. 

" Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo? " nag-aalalang tanong niya muli dito, medyo lumakas na ang boses niya.  

Madilim sa bahaging iyon  kaya naman kahit anong pilit niyang aninawin ang mukha nito, hindi talaga niya makita ito. Nagsisi tuloy siya na napatay pa niya ang headlight ng kotse niya bago bumaba.  

Nag-angat ito ng mukha, tumitig sa kanya na kahit hindi niya makita ay ramdam niyang tagos sa kaloob-looban niya ang tinging iyon.

" Mr, p-pwede bang angkinin mo ako? " biglang sabi ng babae na ikinagulat naman niya. Tila nabuhay yata lahat ng himaymay ng kanyang laman dahil sa narinig. 

                   Itutuloy

Комментарии (2)
goodnovel comment avatar
Jean Costelo
sana may karugtong pa ang ganda nman ng story..
goodnovel comment avatar
Melba Visaya Ritos
kawawa nman c Alexa grabe k Blade, ano nman kasalanan ng anak mo
ПРОСМОТР ВСЕХ КОММЕНТАРИЕВ

Related chapter

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 3

    Wala sa sariling naglakad sa kalsada si Alison, habang patuloy sa pagluha. Hindi niya napansin ang paparating na sasakyan buti nalang nakapagpreno ang driver.Napaupo si Alison sa kalsada dali-dali namang dinaluhan siya ng driver tinanong kong ayos lang sya." Miss! Answer me! Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?! " nag-aalalang tanong ng lalaki sa kanya. Tiningala niya ito ngunit hindi niya halos makita ang mukha nito dahil sa luha.Madilim din ang lugar na iyon kaya talagang hindi niya ito makikilala.Wala siya sa sarili habang patawid ng kalsada dahil sa natuklasan niya. Ang mahal niyang boyfriend at ang kanyang bestfriend lang naman ay may relasyon pala. Niloloko lang pala siya ng dalawa, excited pa naman siya habang patungo sa apartment ng kanyang boyfriend para ipagkaloob ang matagal na nitong inuungot sa kanya.Isusurprise sana niya ito pero hindi niya akalaing siya pala ang masusurprisa. Nakapasok siy

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 4

    Hindi malaman ni Alison kung ano ang gagawin, parang hindi niya kaya pang ipagpatuloy ang kanyang kabaliwan.Sobrang sakit ng unang pag ulos na ginawa ng estrangherong lalaki. Hindi ito naging gentle akala siguro nito hindi na siya virgin. Hindi maampat ang luha niya, parang nais niyang suntukin ang lalaki dahil sa ginawa nito. Pero siya rin naman ang may kasalanan ei, tsaka hindi niya maipaliwanag. Ang bawat pagdantay ng kamay nito at labi nito sa kanyang katawan ay tila magugustuhan niya. Iyon bang pakiramdam niya ei kahit paulit-ulit pa siya nitong angkinin ay hindi siya mangingiming pumayag.Bago ang lahat ng pinaparanas nito sa kanya pero ewan ba niya dahil gustong-gusto niya ang mga pinagagagawa nito. Maging ang mabango nitong hininga at mabango nitong amoy na tila napakasarap langhapin ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. " V-Virgin ka pa?! " narinig niyang tanong ng lalaki. Tila hindi ito makap

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 5

    Nakatulala habang nakatanaw sa salaming dingding ng kanyang opisina si Blade, hanggang ngayon kasi iniisip pa rin niya ang misteryosang babaeng nakatalik niya noong isang linggo. Kahit anong pilit niyang iwaksi sa isipan ang babae, hindi niya magawa. Kaya inaabala nalamang niya ang sarili sa trabaho, ngunit kapag ganito wala siyang pinagkakaabalahan hindi talaga mawala sa isipan niya ang babae. Ang bawat daing nito, ang kakaibang amoy nito, ang pakiramdam na siya ang nakauna dito. Lahat ng iyon ay nananatili sa kanyang isipan, maging ang lambot ng labi nito ang sarap ng katas nito. Hindi niya lubos maisip na may babaeng darating sa kanyang buhay na para hangin lamang. At kusang ibinigay nito ang virginity sa kanya kahit hindi sila mgkakilala. Sa katunayan matapos ng gabing iyon, sa tuwing may makikita siyang babae sinasadya niyang mapalapit sa mga ito para malanghap ang pabango ng mga ito. Ngunit bigo pa rin siyang maamoy ang napakabangong lutos na iyon. Lutos

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 6

    Iniabot ni Alison kay Windy ang pinabili nito pero padabog nito iyong kinuha tapos nakasimangot pa. " Napakatagal mo naman Alison! Hindi ko na to makakain kasi patapos na ang lunch break, sa susunod naman bilisan mo!" inis na sabi nito, tsaka binuksan na ang pagkain at sinimulang kainin. Parang hindi na niya kaya pang magtimpi sa ugali ng babaeng ito. Sya pa ang may ganang magalit dahil sa medyo natagalan siya, at dipa man lang nagpasalamat. Huminga siya ng malalim, pinilit niyang kalmahin ang sarili. " Pasensya ka na kung medyo natagalan ha, marami kasing pila sa Mang Inasal kanina kasi nga lunch break. Pero sana naman next time Windy matuto kang magpasalamat manlang hindi iyong ikaw pa itong galit. " mahinahon niyang wika dito.Kunot noong tiningala siya nito. " At kailan ka pa natutong sumagot ngayon ha?! Pinapangaralan mo pa ako? Lumayas ka nga sa harapan ko, bwesit! " galit na sin

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 7

    Inis na nahiga si Alison sa kanyang kama ng dumating na siya sa kanyang Condo. Nabwesit kasi siya don sa mamang bigla nalang nanyakap kanina sa may parking lot ng kanilang building. Naiwan niya kasi sa kanyang cubicle ang kanyang biniling bagong release na song hits. Balak niya sanang maglibang sa pagtugtog ng guitara. Hilig talaga niya ang music, pinakapaborito niyang instrumento ay guitara sunod naman ay piano. Medyo may boses din siya katulad nga ng sinasabi ng mga taong nakapaligid sa kanya syempre lalo na ang kanyang Inay. Kapag nalulungkot siya, o may pinagdadaanan sa kanta lamang siya humuhugot ng lakas. Kaya lang di na niya tinuloy ang pagkuha kasi naman may manyak na lalaking basta nalang nanyakap sa kanya kanina. Sarap gulpihin ei, tama lang na nasampal niya ito para magtanda. Tsaka bigla namang sumagi sa isipan niya iyong naganap sa kanila ng estranghero noong nakaraang linggo. Tapos parang tinutudyo siya ng isipan na, iyon nga hinayaan mong maan

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 8

    Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Alison matapos niyang patayin ang call ng future boss niya. Ewan ba niya pagkarinig niya ng boses nito tila nangatog yata pati tuhod niya. Napakabaritono kasi ng boses nito, animo palaging nag uutos, yon bang parang napakataas at anumang sabihin ay dapat masunod. Buti na nga lang pumayag sa hinihingi niyang palugit. Hindi naman kasi pupwedeng basta nalang siya aalis ng walang paalam sa kompanya. Isa pa sayang naman ang back pay niya at iba pa niyang matatanggap kapag umalis siya sa company.Pero pakiramdam niya ngayon, lumuwag ng kanyang pakiramdam sa isiping makakaalis na rin siya sa trabahong iyon. Sa totoo lang naman, walang problema sa trabaho sa mga kasamahan lamang niyang abuso. Yon lang ang nagiging dahilan para maging mahirap ang lahat sa kanya, mahal niya ang trabaho pero hanggang kelan pa ba siya aasa na hindi na siya aabusuhin ng mga kasamahan. Kinabukasan agad siyang nagpasa resignation lett

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 9

    Inayos ni Alison ang ilang piraso niyang damit sa built in cabinet sa kwartong pinagdalhan sa kanya ni Manang Dorry. Ang matandang sumalubong sa kanya, kasambahay din ito ng pamilya pero sa tingin niya ay hindi lang ito kasambahay don. Kitang-kita kasi na malapit ito sa bata at sa kanyang boss. Kanina, pinakilala na sa kanya ang kanyang aalagaang si Alexa. Napakaganda ng bata, medyo may hawig ang mata sa ama nito pero tiyak niyang mas kamukha ito ng Mommy nito. Mukhang amerikana din ito, napakaputi at mamula-mula pa ang pisngi. Mukhang mabait naman ang bata, angelic face nga ito ei tsaka bahagya siyang nginitian nito kanina. Hindi niya maintindihan kung bakit wala itong nagtatagal na yaya. Pagkatapos niyang ayusin ang ilang damit, lumabas na siya ng kwarto para sumabay mag almusal sa mga ito. Sinabihan kasi siya ni Manang Dorry na lumabas din agad para makapag almusal. Bago niya harapin ang trabaho, marami pa daw ka

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 10

    Minadali ni Alison na linisan ang sarili, malagkit ang kanyang buhok dahil sa mantikang halos naipaligo yata sa kanya maging ang katawan niya pero hindi siya naligo, mahirap na. Tinuyo lamang niya ang kanyang katawan na cotton na towel at pati na rin ang kanyang buhok. Pero naglulugita pa rin ito, madulas na pakiramdam niya ay basa kahit hindi naman. Nagpaligo na lamang siya ng pabango para mabango pa rin siya kahit mukha siyang mabaho. Tsaka na siya nagtungong muli sa kwarto ni Alexa. Kumatok muna siya pero medyo nakaramdam siya ng kaba. Baka kasi hindi totoo ang ipinangako ni Alexa sa kanya, tapos may bago nanaman itong patibong sa kanya. Maaaring mangyari yon lalo na at ang nais ng bata ay mapaalis ang mga nagiging yaya nito para mapansin ito ng Daddy nito.Pero bahala na, kailangan niya ang trabahong ito tsaka gusto na rin niyang umalis talaga sa apartment niya. Palagi kasing nandoon si Jenny at kung ano-anong sinasabi na parang siya pa

Latest chapter

  • A Wild Night With Miss Intruder   Epilogue

    Matapos ang kasal kinabukasan lumipad patungong Japan ang mga bagong kasal para doon mag honeymoon. Isang linggo lamang ang inilagi nila doon, hindi rin naman halos sila nakapaggala dahil na rin sa pag-aalalang baka magkapano si Alison dahil nga buntis ito. Mas nais nilang mamalagi sa room na hotel at doon puro kwentuhan, lambingan, kasweetan at kung ano-ano pang dapat ginagawa ng bagong mag-asawa. Syempre isa na doon ang love making na kinaadikan na talaga ni Blade pero syempre nag iingay din ito lalo pa at buntis nga si Alison. Damang-dama ni Alison kung gaano siya kamahal ng asawa, yon ang pinagpapasalamat niyang talaga. Sumapit ang kabuwanan ni Alison. Palagi na noong balisa si Blade, isang bagay ang kinatatakutan nya. Hindi niya iyon sinasabi kay Alison pero habang papalapit ang araw na manganganak ito mas lalong tumitindi ang kaba nya. Papano kung sa pangalawang pagkakataon, mawala nanaman ang ina ng

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 32 finaL

    Habang naglalakad sa red carpet si Alison hindi niya mapigilan ang hindi maluha, lalo pa at ang tinutogtog ay ang song na Beautiful in White by Westlife na isa sa favorite niyang kanta. Dati nga sinabi nya sa sarili na ang kantang iyon ang nais nyang gamiting kanta sa kasal nya. Si Blade mismo ang pumili ng kanta hindi nya nga akalain na iyon ang pipiliin nito. Napakagwapo ng kanyang groom sa suot nitong black suit, napakafresh nitong tingnan at lalaking-lalaki. Walang panama ang mga nagagwapuhang artista dito. Para ngang nahahawig ito kay Massimo Torricelli/Michele Morrone bida sa movie na 365 Days. Natawa nga siya sa sarili dahil naihalintulad pa niya ang mahal niya sa bida ng movie na yon, pero talagang hawig ang dalawa lalo na ngayon dahil nakasuot nga ito ng black suit.Kitang-kita niya na lumuluha din ito katulad nya, ngayon niya natiyak na mahal na mahal talaga sya ng lalaki. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili dito. Maging ang pamily

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 31

    Panay buntunghininga ni Blade habang nasa dalampasigan, palingon-lingon siya sa daan na dadaanan ng bridal car na nilululanan ng kanyang Bride. Kinakabahan siya, gusto na agad niyang makita si Alison. Gusto nya sana na kasabay na ito sa pagtungo sa dalampasigan pero bawal daw ang ganon. May pamahiin daw ang matatanda sa probensya na bawal magsabay ang groom at bride sa pagpunta sa simbahan. Ganon din daw kahit pa sa beach sila ikakasal. Nakaubos na nga siya ng halos kalahating kaha ng yosi pero hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Hindi nya akalaing ganito pala ang feeling ng mga ikinakasal, sabagay ikinasal na rin naman siya sa namayapa niyang asawang si Camella pero ibang-iba sa nararamdaman nya ngayon ang feeling. Basta hindi niya maipaliwanag, magkahalong kaba at kasiyahan ang naghahari sa kanyang dibdib. "Andito na ang Bride!" hiyaw ng isang lalaki. Napalingon naman siya at patakbo na sana siyang magtutungo sa bridal car na karar

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 30

    Kinabukasan...Ang lahat ay excited sa paglabas ng Bride mula sa kanilang bahay. Mga kapitbahay, kamag-anak, kaibigan ng pamilya at maging nakikiusyoso lang.Sa silid naman ni Alison, manghang-mangha siya sa ayos niya. Animo ibang tao ang taong nakikita niya ngayon sa salamin. Napakaganda niya sa suot niyang wedding gown, bagay na bagay din sa kanya ang katatapos palang na pagmake up sa kanya at maging ayos ng kanyang buhok. Napakaeleganteng tingnan niyon idagdag pa ang tila headband na punong-puno ng rhinestone. Animo nagsilbing korona niya ito. Hindi siya makapaniwalang ganito pala siya kaganda kapag nakaayos. "OMG! Sa lahat yata ng namake-upan kong bride ikaw na yata ang pinakabongga Alison! Goshhh! Para kang dyosa sa wedding gown mo! Siguradong mapapanganga ang groom kapag nakita ka nya!" bulalas ng baklang nagmake up sa kanya. "Salamat," tipid na sagot niya dito. Napalingon siya sa may pinto ng

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 29

    Bago sumapit ang mismong araw ng kasal, marami pang kakaibang naranasan si Blade sa lugar nina Alison. Sumubok din siyang magsibak ng kahoy, nagkasugat-sugat pa nga ang kanyang kamay at sa tuwing hapon tumutulong din siyang mag-igib ng tubig. Nawiwili na nga siya mag-igib ng tubig dahil nasisiyahan siyang sumalok ng tubig sa balon, expert na siya sa bagay na iyon. Naransan na rin niyang sumama manlakaya o manghuli ng isda kasama ang Itay ni Alison. First time niya iyon kaya tuwang-tuwa siya ng makahuli ng isang maliit na pugita. Para pa nga siyang nanalo sa lotto nagsisigaw sa gasangan. Natatawa na lamang sa kanya ang iba pang mga nanlalakaya na taga doon. Tuwang-tuwang sila dahil kahit batid ng mga itong may kaya siya sa buhay ay sinusubukan niya ang buhay ng mga simpleng tao. Simple pero walang kapantay ang saya na mapabilang sa mga katulad nila. Dalawang araw pa ang inilagi nila ng dumating ang photographer na kukuha ng prenup photos nila ni

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 28

    Kinahapunan nagpasya ding bumalik ng Manila sina Blade. Natutuwa siya sa naging kinalabasan ng kanyang paghahanap kay Alison. Ngayon legal na sila sa mga magulang at mga Kuya nito at napapayag na rin niya ang mga ito na maikasal sila ni Alison. Sa susunod na buwan magiging ganap na niyang Misis si Alison at iyon ang hindi na niya mahintay pa. Gusto na niyang ganap nitong dalhin ang kanyang apelyido. Siguro naman sa kasiyahang natatamasa niya ngayon ei wala ng hahadlang pa sa kanila.Hinding-hindi siya makakapayag na may maging balakid pa sa pagsasama nila ni Alison. Kaya ang nais niya ay mapadali ang kasal at maipadama dito na ito ang pinakamagandang bride sa araw na iyon. Gabi na ng marating nila ang kanilang bahay. Si Alexa ay nakatulog na sa biyahe kaya naman binuhat na lamang niya ito patungong silid nito. Si Alison naman ay ininit ang mga pagkaing iniluto ni Manang Dorry.Hindi na kasi sila kumain pa dahil may baon naman silang sandwich at mga kutkutin s

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 27

    Kinabukasan.Natuloy ang mag-anak na maligo sa dagat, syempre kasama si Blade at Alexa.Tuwang-tuwa ang bata dahil unang beses itong nakakita ng dagat sa personal. Tuwang-tuwa ito habang tila nakikipagpatentero sa mga alon sa may mababaw na bahagi ng dagat."Ay ano gang balak mo anak, sasama ka na ga sa mag-ama pabalik ng Manila? " tanong ng Inay ni Alison na noo'y tinutulungan niyang maglabas ng mga pagkaing nasa bag.Madaling araw pa lang ei nagluto na ang kanyang Inay pero mag-iihaw din sila may nakamarinade na itong hilaw na karne ng baboy at manok."Opo sana Inay kelangan po kasi ako ni Alexa, hindi po yan papayag na maiwan ako dito," sagot niya dito."Si Alexa lang ba ang dahilan? Ala ey inlove na talaga ang bunso ko, hindi makatagal na malayo sa mahal niya. Sabagay buntis ka naman na at katulad ng pangako ni Blade sa amin kagabi ay aasikasuhin na niya agad ang kasal ninyo

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 26

    Kabanata 26Sumapit ang gabi.Kanina pa wala si Blade pati na ang kanyang tatlong Kuya,kakain na lamang ng hapunan ei wala pa ang mga ito."Inay nasan na po ba sina Kuya, gabi na ei wala pa sila," tanong ni Alison sa Inay niya,nakaupo siya noon sa sala habang nakayakap naman sa kanya si Alexa."Ala ey, ewan ko ga sa mga iyon. Baka nasa barrio, ipinapasyal si Blade. Maanong umuwi na ang mga yon ng tayo ay makakain na," sagot naman ng kanyang Inay."Mommy, totoo po ba na magsuswimming tayo bukas sa dagat?" tanong naman ng paslit na si Alexa.Ang kanyang Kuya Lenon kasi ay pinangakuan ito na maliligo daw sa dagat kaya ayon, nagbalak ang pamilya nila na bukas na magpicnic. Sabagay malapit lamang naman ang dagat sa kanila, maraming mga beaches na maari nilang paliguan pero mas pinili ng kanyang Inay na doon na lamang sa pribadong lugar sila maligo. May lupa kasi na malapit sa tabing dagat ang namana nito sa kan

  • A Wild Night With Miss Intruder   Chapter 25

    " Ala ey sigurado ka gang kaya mong mag-igib sa balon hijo?" tanong ng Inay ni Alison na noo'y nagwawalis ng mga tuyong dahon sa likod ng bahay.Maliligo daw si Alison kaya ipag-iigib niya ito ng tubig. Tumanggi naman si Alison at kuya nalang nito ang pinakisuyuan pero nagpumilit siya dahil na rin nais niyang patunayan ditong kaya niyang pangatawanan ang sinabi niya ditong gagawin ang mga makalumang panliligaw ng mga kabinataan noon. Sumang-ayon naman ito pero medyo kinakabahan siya dahil isang balong malalim pala ang iniigiban ng tubig dito. Akala niya ei gripo, yon pala ei sa sentro pa ng barrio ang may gripo. Isang balon na may tubig ang iniigiban at may tila pinutol lamang na maliit na galoon na kinabitan ng isang lubid."Opo Tita, kayang-kaya po," nakangiting sagot niya dito.Pero ang totoo hindi niya alam kung papano, sa katunayan kanina pa nga siya butil-butil ang pawis dahil nakailang hulog na siya ng pansalok na galong may

DMCA.com Protection Status