Another mahaba again. Happy reading... Hindi naman sa pinapasama ko lalo ang image ni Ashley ha pero may pinaghuhugutan siya.
It was indeed a perfect day to get married. It was January but it seemed like summer. The sky was blue, walang anumang pagbabadyang uulan. Parang ang lahat sa paligid ay nakiisa sa mga puso nila ni Meredith. Ang malawak na sunflower field ay nagmistulang malawak na paraiso. Bawat bulaklak yata ay namukadkad at nakangiti habang sumasabay sa mabining hampas ng hangin. In such a short span of time, nagawang ihanda ng organizers at ng ina niya ang lugar na ito.Napabuga ng hangin si Caleb. Paraan iyon para pagaanin ang tila naninikip na dibdib. Inside his chest were intense emotions- relief, happiness, excitement and most of all, love. Hindi niya maiwasan ang pagsilip sa dulo ng aisle. Any second, lilitaw na ang asawa at maglalakad palapit sa kanya.“Ladies and gentlemen, the lovely bride!”Finally…Nagsitayuan ang lahat. Parang isang kumpas na sa entrada ng wedding venue nakatutok ang paningin ng mga ito. Behind that curtain was a sillhuouette of a woman, his Meredith. Dahan-dahan, nahawi
Ginising si Meredith ng magandang musika sa paligid- huni ng mga ibon, pagaspas ng mga dahon, marahang tunog ng daloy ng tubig sa ilog. Ang sarap sa pandinig. Higit na kaaya-aya sa lahat ay ang patag na paghinga ni Caleb sa tabi niya. Nahaplos niya ang braso nitong nakalingkis sa katawan niya. Nakasuksok pa talaga ang palad sa ilalim ng beywang niya na parang takot na iwanan niya.‘Where would a blind woman go?’Marahan siyang gumalaw at humarap sa asawa. Tumama sa mukha niya ang ritmikong paghinga nito. Dumikit sa balat niya ang hubad na katawan nito. Actually, they were both naked under the sheet. They hardly had time to wear anything. Maya’t-maya na lang kasi itong asawa niya decent. Habang pumapasok sa isip niya ang mga pinaggagawa nilang dalawa, hindi maiwasang makaramdam siya ng pag-iinit ng lahat ng sulok ng kanyang mukha. They were just unstoppable. Parang unang beses ulit nila. Lagi namang parang first time kapag naghaharutan na sila. Laging panibago ang enerhiya na tila wala
A seemingly perfect day had turned into a nightmare. Magbi-bente kwatro oras nang nawawala si TJ. Lahat ng pwedeng suyurin ay sinuyod. Lahat ng posibleng anggulo ay tiningnan- CCTV footage ng school at mga kalapit na establishment ng park na pinaglaruan ng anak at ng yaya. Still, walang anumang lead na nakukuha. Zero. Si Caleb at ang mga police katuwang si Tito Lorenzo ay walang tigil sa paghahanap. Nakahanda na rin ang pera kung sakaling may tumawag at manghingi ng ransom. Pero wala silang anumang tawag na natanggap. And she knew why. “Ang babaeng ‘yon ang kumuha sa anak ko.” Blunt accusation, hindi maiwasan ni Meredith. Walang proof pero bini-build up ng mga police ang pwedeng maging kuneksyon ni Ashley sa nangyari. Maliban sa mga kakumpetinsya sa negosyo, si Ashley lang ang may malaking motibo para gumawa ng masama sa pamilya niya. While the authority was trying so hard to find her son, heto siya, nagmumukmok sa loob ng silid. Mas nagagatungan ang pakiramdam ng kawalan ng silbi. N
“Bumaba na ang lagnat niya, Ma’am.” Mula sa paghahalo ng gatas sa baso ay napalingon si Ashley sa pintuan. Naroroon si Aling Choleng, nakataas sa kamay nito ang hawak na thermometer. Tinawagan niya ito kanina. Wala naman siyang ibang maisip na lapitan maliban dito. She didn’t know what to do. Wala siyang firsthand experience sa pag-aalaga ng bata lalo na at may sakit pa. Bahagya niya itong tinanguan at ibinalik ang pansin sa ginagawa. Para kasing hindi niya matagalan ang pagtitig sa mga mata nito. She always had that feeling that people are judging her. Or maybe, paranoid siyang masyado. Narinig niya ang mga hakbang ni Aling Choleng. Tumabi ito sa kanya, nanahimik. May gusto itong sabihin, nagdalawang-isip lang. “May sasabihin po kayo,” siya na ang nag-ungkat. Itinabi niya ang baso ng gatas at ang mansanas naman ang hinugasan sa ilalim ng gripo. “Hindi siya maaaring maging pamalit sa nawala sa’yo.” It rendered her speechless. Pansamantala siyang napahinto sa ginagawa. Wala naman si
Halos lundagin na ni Caleb pababa ang kotse. Wala siyang pakialam kung naisarado ba niya ang pinto ng sasakyan o hindi. Tanging sa maindoor ng bahay lang nila nakatutok ang paningin niya Just a while ago, halos suyurin niya ang buong probinsya ng Pampanga sa paghahanap sa anak niya. Habang patakbong tinahak ang pathway, walang tigil sa malakas na pagtibok ang puso niya. “Where's my son?” to one one in particular, he asked. May sumagot pero wala na roon ang atensyon niya. Diretso ang mga hakbang niya hanggang sa marating ang silid ni TJ. Ito kaagad ang hinanap niya nang makapasok. There he was. Yakap-yakap ito ng naluluhang si Meredith. Totoo ngang nakabalik na ang anak niya sa kanila. Nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Happy was an understatement. Parang sasabog ang puso niya sa labis na tuwa.“Daddy!” Oh, God! How he missed hearing his sweet little voice. Bago pa man ito dumausdos mula sa kandungan ni Meredith, mabilis na niya itong nalapitan at niyakap nang buong higpit. Walang t
"I lost our child, Caleb, ours.” His head was spinning around. Nahihirapan siyang iproseso. Kung kanina ay halos magwala siya sa galit, kinain naman siya ng kalituhan sa mga sandaling ito. Hindi niya magawang magsalita.“We almost had a child,” hilam na sa luha itong nagpatuloy. Kagat nito ang ibabang labi na parang pinipigil ang mapahagulhol pero natigmak pa rin ito ng mga luha. Sinikap niyang balikan ang mga huling sandaling nagkasama sila ni Ashley. Gaano ba siya naging kampante at iresponsable? Hindi na niya maalala. Malaking parte sa kanya ang ayaw maniwala. Hinanap nya ang katotohanan sa mga mata ng babae. “We had protection,” he tried to reason out. “Not all the time, Caleb. Noong mga huling beses natin, we became more reckless. I stopped taking my pills, too. I am so sorry, but I so badly wanted to keep you. A child was all I could think to make you stay.” ‘Yon ang mga panahong buo na ang desisyon niya na piliin ito. “I know it was selfish. I was just so desperate, Caleb.
"Dad, I’m gonna be late!”Umabot hanggang dito sa walk-in closet nilang mag-asawa ang matinis na boses ni TJ. Kanina pa siya nito pinagmamadali. Seven in the morning on a holiday, pero maaga itong gumising gayong alas nueve pa ang swimming class nito. “Dad!” Hindi na nakatiis na sinilip siya ng anak. Nakabihis na ito at bitbit sa kamay ang backpack na kinasisidlan ng swimming gear.“All right, Daddy will follow. Mauna ka na sa dining.”Magtatampo ang asawa niya kapag hindi pinansin ang agahang nakahanda sa mesa. Kahit may kapansanan, pinaglalaanan nito ng oras na makitulong sa kusina. Pagbaba niya ay kumakain na ang mga anak sa dining. Halos buo na kung lamunin ni TJ ang bacon sandwich dahil sa pagmamadali. Ang kambal ay pareho ring abala sa pagpapak ng cookies na isinawsaw sa kani-kaniyang gatas. “Like your cookies that much?”He kissed the twins. Popping kisses na nagpabungisngis sa mga ito. “So yummy, Daddy.”Sinubuan siya ng dalawa at exaggerated naman siyang lumunok. Ginawa na
“It was a dying wish of my mother to donate her cornea to your wife.”The man seated opposite him was undeniably powerful. The del Blanco's empire ranged from construction to yacht-building. Sa iilang pagkakataon, nakasama na niya ang mga ito pero hindi sila nabigyan ng pagkakataong personal na makasalamuha. Iba ang industriyang kinabibilangan ng mga angkan nila. “Paano nakilala ng ina mo ang asawa ko?”"Through art." Kinuha ng kaharap ang phone at may ini-scroll. Nag-flash sa screen ng nakataas na phone ang larawan ng iilang artworks. “These artworks were my mother’s companion when she was alone and sick. Napapasaya siya ng mga ito. Editha made her smile. When she learned Editha was blind, she made it a point to make her the beneficiary of her cornea.”Everything felt surreal. Over the years, ilang subok ang ginawa nila pero mukhang hindi umaayon ang pagkakataon. Out of the blue, sa isang pitik ng mga daliri, may nagmagandang loob na tulungan sila. Finally, an answered prayer.“I ca