Mali ang na-upload ko sa previous chapter. Baka maguluhan kayo. Need pa ng editor's approval bago ma-edit. Pasensya na. happy reading. may shield na kaagad ako sa mga galit ninyo. LOL
"Dad, I’m gonna be late!”Umabot hanggang dito sa walk-in closet nilang mag-asawa ang matinis na boses ni TJ. Kanina pa siya nito pinagmamadali. Seven in the morning on a holiday, pero maaga itong gumising gayong alas nueve pa ang swimming class nito. “Dad!” Hindi na nakatiis na sinilip siya ng anak. Nakabihis na ito at bitbit sa kamay ang backpack na kinasisidlan ng swimming gear.“All right, Daddy will follow. Mauna ka na sa dining.”Magtatampo ang asawa niya kapag hindi pinansin ang agahang nakahanda sa mesa. Kahit may kapansanan, pinaglalaanan nito ng oras na makitulong sa kusina. Pagbaba niya ay kumakain na ang mga anak sa dining. Halos buo na kung lamunin ni TJ ang bacon sandwich dahil sa pagmamadali. Ang kambal ay pareho ring abala sa pagpapak ng cookies na isinawsaw sa kani-kaniyang gatas. “Like your cookies that much?”He kissed the twins. Popping kisses na nagpabungisngis sa mga ito. “So yummy, Daddy.”Sinubuan siya ng dalawa at exaggerated naman siyang lumunok. Ginawa na
“It was a dying wish of my mother to donate her cornea to your wife.”The man seated opposite him was undeniably powerful. The del Blanco's empire ranged from construction to yacht-building. Sa iilang pagkakataon, nakasama na niya ang mga ito pero hindi sila nabigyan ng pagkakataong personal na makasalamuha. Iba ang industriyang kinabibilangan ng mga angkan nila. “Paano nakilala ng ina mo ang asawa ko?”"Through art." Kinuha ng kaharap ang phone at may ini-scroll. Nag-flash sa screen ng nakataas na phone ang larawan ng iilang artworks. “These artworks were my mother’s companion when she was alone and sick. Napapasaya siya ng mga ito. Editha made her smile. When she learned Editha was blind, she made it a point to make her the beneficiary of her cornea.”Everything felt surreal. Over the years, ilang subok ang ginawa nila pero mukhang hindi umaayon ang pagkakataon. Out of the blue, sa isang pitik ng mga daliri, may nagmagandang loob na tulungan sila. Finally, an answered prayer.“I ca
“Open your eyes, Mommy.”Mas lalong ipinikit ni Meredith ang mga talukap at nagkunwang natutulog at hindi naririnig ang pagtawag ni Phin sa kanya. They were in the garden having a little picnic. Maganda ang panahon at namumukadkad ang mga bulaklak ng sunflowers sa paligid. Nang magising kaninang umaga at nakita ang mga iyon, bigla na lang niyang dinala ang mga anak sa hardin dito sa bahay nila. After many days of working so hard for the exhibit, she found the best way to relax. “Mommy!”Gusto na niyang bumunghalit nang kagatin ni Phin nang marahan ang tungki ng ilong niya. It hurt a bit kaya napangiwi siya. It was a habit na nadala nito simula noong maliit pa ito.“Mummy,” cute na tawag ni Maddie sa kanya. Shaky na ang boses nito na iginalaw-galaw pa ang braso niya. Kalaunan ay pinupog nito ng halik ang mukha niya. Kasamang dumapo sa balat niya ang malagkit na residue ng candy na kinakain nito. It was uncomfortable, but nothing beats the happiness that these little kisses could bring.
Pinasadahan ni Meredith ng titig ang sarili sa malaking salamin sa kanyang harapan. Kuntento siya sa nakikita. Bumagay sa kanya ang black cocktail dress na abot lang hanggang itaas ng tuhod niya. Nagsisilbing accent sa kabuuan niyang ayos ang emerald earring at necklace na iniregalo nina Mommy Audrey at Daddy Henry noong birthday niya. The jewelry made her look exquisite. Manipis lang din ang make up niya at maayos na naka-bun ang mahaba niyang buhok. Finishing touches niya ang pagwisik ng perfume sa katawan. Her favourite vanilla scent. Caleb's fave also. Nang masiguradong okay na ang lahat, pinulot niya ang purse sa ing babaw dresser at naglakad palabas ng silid. Para siyang naninibago sa taas ng takong pero kinaya naman niyang dalhin nang hindi natutumba.Pababa na siya ng hagdanan nang hindi niya maiwasang libutin ng tingin ang kabuuan ng bahay. Tatlong buwan na rin silang bumukod nina Caleb. Mahabang paliwanagan pa ang kinailangan bago sila payagan ni Mommy Audrey. “Namatay na ng
Bettina Alcantara.Paulit-ulti na tila kalimbang na naglalaro sa isip ni Meredith ang pangalang 'yon. Narinig na ba niya ang pangalang Bettina Alcantara? It didn’t ring a bell. Kailanman, hindi pa niya ito nakatagpo pero sa kung anong dahilan, may gumapang na kirot sa puso niya. Ang nalilitong isipan ay inagaw ng isang bulto ng katawan na iniluwa mula maindoor ng bahay. Wala sa sariling napalapit siyang lalo sa gate at napahawak sa bakal. Malayo man pero hinulma ng imahinasyon niya ang imahe ng babaeng nakatayo roon. Once again, her heart was racing so fast. Nakabibingi ang ingay ng puso niya. Hindi niya maagaw ang mga titig sa babaeng unti-unti na ngayong naglalakad patungo sa kinaroroonan nila. Gaya ng kung paanong ayaw nitong tantanan ng titig ang kinaroroonan niya.May nababasa siyang mga emosyon sa mga mata nito.There was even a touch of longing.Bakit?Mas nadagdagan ang mga tanong niya sa sarili. Mas lumalawak ang hinala.Nakita niya kung paanong halos makuyumos nito ang hawak
Kanina pa nakatitig si Meredith sa name plate na nakapaskin sa pintuan ng silid na nasa harapan niya. She silently reading the name engraved on it in bold metallic color. Pangalan ng psychiatrist na nagmamay-ari ng clinic. It was a Sunday pero pinayagan sila ni Dra. Lutgardo na pumasok dito. Sitting beside her felt like… Hindi niya maipaliwanag. Ilang minuto na rin silang magkatabing nakaupo sa bench sa lobby ng private office. Kung siya lang, makakaya niyang huwag kausapin ang katabi kahit magdamagan pa, pero iyon ang ipinunta nila dito. Para sa kanya, ito ang perpektong lugar para mag-usap. Sa kanyang peripheral view, nakita niya ang katabi na tahimik lang ding nakaupo. Her hands were clasp on her thighs. Kabado ito. Kanina nang dumating ito, hindi ito makatingin sa kanya ng tuwid. Ramdam niyang nahihiya ito. Dapat lang. Once she unleashes her fury, baka kung saan ito pupulutin. However, she’s here to know her side of the story, and she had to start somewhere. “I used to spend cou
Sumabog ang palakpakan sa buong venue nang matapos ang presentation ng nakahilerang mga toddlers sa stage. Itinuon ni Meredith ang camera sa anak niyang si Maddie at sunod-sunod na kinunan ito ng larawan. Ang cute ng anak niya sa suot nitong white tutu. Habang lumalaki ito, mas lalo namang gumaganda at mas naging prominente ang talent nito sa dancing. Sa isang pag-click niya ng camera, on point niyang nakunan ang anak na kumakaway sa gawi nila. Litaw ang maliliit na pares ng mga ngipin.“She looks so pretty.”Hindi mapuknat ang palakpak at papuri ni Hannah. Nagiging malikot ito na kumakaway-kaway pa sa anak niya.“Careful .” Bumaba ang tingin niya na maumbok nitong tiyan. “Baka mapingot ako ng mister mo. Halos ayaw ka ngang pasamahin sa akin ng isang ‘yon.” Nasa bakasyon sina Mommy Audrey at Daddy Henry. Si Caleb naman ay nasa business trip kaya, ang buntis ang binitbit niya sa recital.Napahinto sa pagpalakpak si Ninang Hannah at nakaingos na lumingon sa kanya. “Pitikin ko ‘yong betlo
May mainit at malambot na bagay na dumampi sa kanyang punong-tainga. May tila rin naghalong tila tumutusok at nakakakiliting kung ano sa balat niya. Was she still dreaming? Sumamyo kasi sa ilong niya ang pamilyar na scent ng asawa niya.Nasa Japan pa si Caleb. Kausap niya ito kahapon."Hmm, it smells nice."Boses iyon ni Caleb. Ibinuka niya ang namimigat na mga talukap. And there, Caleb's playful grin and lustful stares greeted her eyes. Tuluyan na ngang nagising ang diwa niya. Umangat ang mga kamay niya at hinaplos ang pisngi ng asawa niyang nakaluhod sa harapan niya. Nakabakod sa katawan niya ang matititpunong mga braso na nakatukod sa sandalan ng upuan. Kung alam lang nito kung gaano siya kasaya na sa wakas ay nahahawakan at naaamoy na niya ito. She couldn’t contain her happiness."Caleb…""Hello baby."He moved his face closer to her. Naglapat ang mga labi nila habang masuyong humahagod ang buko ng mga daliri sa kanyang mukha. Malambing ang pagkakahagod na tila nag-i-engganyo sa ka