Share

Chapter 5

Author: Daylan
last update Huling Na-update: 2021-12-26 01:45:24

Pagkagising ko kinabukasan ay wala pa rin si Collin. Nadudurog ang puso ko sa isiping magkasama ang dalawa sa buong magdamag habang ako ay parang tanga na hinihintay siyang umuwi sa condo.

Kaysa isipin na naroon si Collin sa bahay ng ibang babae ay minabuti ko na lamang na alisin na ang mga nasayang na dekorasyonna ginawa ko. Mahirap na at baka maabutan pa iyon ng aking asawa ay mas lalo lamang siyang magalit sa akin dahil hindi ko pa naliligpit ang aking "kalat"

Pagkatapos kong magligpit ay naglinis na rin ako ng buong condo at naglaba ng mga damit. Nilabhan ko rin ang mga maruruming damit ng asawa ko para naman pag-uwi niya ay matuwa siya sa akin kahit saglit lamang. Pagkatapos ko sa mga gawaing bahay ay saka pa lamang ako naligo at nagluto ng aking makakain. Kahit tila ayaw malunok ng pagkain ay pilit ko pa ring nilunok para malagyan ng laman ang aking sikmura.

Kasalukuyan kong isinasampay sa hanger ang mga nilabhan kong damit ni Collin nang siya'y dumating. Agad ko siyang sinalubong ng matamis na ngiti sa mga labi na para bang walang nangyari.

"Nagtanghalian ka na ba? Nagluto ako ng lunch baka nagugutom ka,"salubong ko sa kanya. Lihim akong napakagat ng aking mga labi ng mkaamoy ako ng pambabaeng pabango mula sa damit niya. Hindi ko na kailangan pang tanungin kong kanino galing ang kumapit na pabangong iyon ng isang babae dahil tiyak namang galing iyon kay Samantha.

"Kumain na ako," walang emosyong sagot niya. Mayamaya ay napakunot ang noo niya nang makita ang mga damit niyang isinasampay ko nang dumating siya. Hindi ko alam kung bakit ngunit biglang dumilim ang kanyang mukha. Naglakad siya palapit sa mga nakasampay niyang damit at pahablotna inalis iyon mula sa pagkaka-hanger. "At sino ang nagsabi sa'yo na puwede mong galawin ang mga gamit? Sa susunod ay huwag kang mag-feeling asawa. Huwagna huwag mo na ulit gagalawin ang mga gamit ko at bawal ka rin magluto rito sa condo ko."

Nasaktan ako sa kanyang mga sinabi ngunit binalewala ko na lamang iyon.

"Asawa mo naman ako, Collin. Obligasyon ko na labhan ang mga damit at ipagluto ka ng makakain," sagot ko sa kanya na lalong nagpadilim sa madilim niyang mukha. Ilang hakbang lamang ang ginawa niya ay mabilis na siyang nakalapit sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking dalawang braso.

"Asawa?" nakaismid niyang tanong sa akin. "Baka gusto mong ipaalala ko ang mga sinabi ko sa'yo sa araw ng birthday mo? Ang dahilankung bakit kita pinakasalan?"

Biglang nag-ulap ang aking mga mata nang ipinaalala niya ang mga nangyari noong birthday ko ilang araw pa lamang ang nakalilipas. Ang birthday ko na kahit hanggang sa mamatay ako ay hinding-hindi ko makakalimutan.

"Huwag ka namang ganyan, Colt. Mag-asawa na tayo ngayon kaya kahit paano ay may karapatan na ako sa lahat ng kung ano na mayroon ka rito sa condomo. Kalimutan mo na ang galit mo sa mga mommy ko at sa daddy mo,"lakas-loob na sabi ko sa kanya. Nakaramdam ako ng takot sa kanya nang biglang nanlisik ang kanyang mga mata dala ng matinding galit.

"Kalimutan? Halika rito." Hinawakan niya ako ng mahigpit sa aking braso at halos pakaladkad na hinila patungo sa loob ng kuwarto namin at halos isubsob niya sa mukha ko ang malaking litrato ng mommy niya na nakalagay pa sa babasaging frame. "Sabihin mo, Ann. Sabihin mo ngayon na kalimutan ko na lamang ang galit ko sa mga taong pumatay sa  aking mommy!" malakas niyang bulyaw sa akin.

"Collin, bitiwan mo na ako. Nasasaktan na ako," naiiyak kong pakiusap sa kanya. Hindi ako naiiyak dahil nasasaktan ako sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking pulsuhan kundi naiiyak ako dahil sa pinaghalong matinding galit at lungkot na nakikita ko sa mukha niya. Matinding galit para sa aming mga magulang at matinding lungkot dahilsa pagkawalang pinakakamahal niyang ina.

Mukhang hindi man lang siya naawa na nasasaktan ako sa ginagawa niya dahil hindi man lang niya niluwagan kahit na konti ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko.

"Kaya huwag na huwag mong sasabihin na kalimutan ko na lamang ang galit ko sa kanila dahil kahit na kailan ay hindi ko 'yon magagawa. Tandaan mo 'yan," matigas niyang saad bago niya ako itinulak sa ibabaw ng kama.

Wala akong nagawa kundi ang muling umiyak na lamang. Hindi ko alam kung paano ko mapapawiang galit sa kanyang puso. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para maintindihan niya na wala naman akong kinalaman sa pagkamatay ng mommy niya kaya bakit kailangan pa niya akong gamitin at saktan para lamang masaktan niya ang mga taong sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang ina?

Palabas na sana si Collin sa loob ng kuwarto matapos niya akong ihagis sa kama nang bigla siyang bumalik na tila may napansin.

"Nasaan ang jacket ko na nakasabit sa likuran ng aking tokador?" nakatiim-bagang na tanong niya sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan na baka may nagawa na naman ako na hindi niya nagustuhan.

"Nandoon sa terrace dahil nilabhan ko. Mukhang labahan naman na iyon dahil marumi—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lamang siyang tumakbo palabas ng kuwarto. Pagbalik ay dala na ang jacket niya na hinahanap.

"Nasaan ang plastik na nasa loob ng jacket na iyan?" madilim ang mukha na tanong niya sa akin matapos itapon sa mukha ko ang basa ang jacket. Kakasampay ko pa lang kasi niyon at hindi ko ginamitan ng dryer dahil sobrang init naman ng sikat ng araw kaya tiyak mabilis itong matutuyo.

"I-itinapon ko sa b-basurahan," dala ng matinding kaba ay bigla akong nautal. Ang mga luha ko na kanina ay parang bukal na walang tigil sa pag-agos ay tila naging tuyot. Mukhang pati ang luha ko ay natakot sa galit ni Collin kaya biglang natuyo agad at ayaw ng lumabas.

Sa gulat ko ay bigla na lamang siyang sumampa sa ibabaw ng kama at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso't inalog ng malakas. "Bakit mo itinapon? Alam mo ba kung ano ang laman ng plastikna iyon at kung gaano iyon kahalaga? Kuwintas ko iyon na huling regalo sa akin bago niya kitlinang buhay niya dahil sa mommy mo!"halos lumabas na ang litid niya sa leeg sa matinding galit sa akin.

"K-kuwintas na bigay sa'yo ng m-mommy mo?" no wonder na magwawala siya. Isang napakahalagang bagay ang hindi sinasadyang naitapon ko sa b****ahan kanina. Ngunit anong magagawa ko? Nailabas ko na sa ibaba at nahalo na sa iba pang mga b****a ng mga nakatira sa condo. Alangan namang hanapin ko pa iyon sa tambak ng mga b****a.

"Oo. Kuwintas ko na bigay sa akin ng mommy ko. At kapag hindi mo nahanap at naibalik sa akin ang kuwintas ay huwagna huwag ka ng aapak pa sa loob ng aking condo."

Magpo-protesta sana ako ngunit bigla na niya akong hinila patayo at kinaladkad palabas ng condo kahit wala akong suot na sapin sa paa. Nahihiya ako dahil pinagtitinginan ako ng mga taong nakatira sa condo at pati na rin ang mga nagtatrabaho sa nasabing building. Wala namang naglakas ng loob na sawayin si Collin sa pagkaladkad sa akin dahil kilala na ma-impluwensiyang tao ang asawa ko.

Pagkarating namin sa mga tambak ng b****a na nasa gilid ng condo ay bigla niya akong itinulakng malakas patungo sa b****ahan. Napahiga tuloy ako sa kumpol-kumpol na mga b****a na iba't iba ang amoy.

"Hanapin mo ang kuwintas ko at huwag na huwag kang titigil at papasok sa loob hangga't hindi mo natatagpuan ang itinapon mong kuwintas. Dahil kung hindi ay 'di mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!" bulyaw niya sa akin, pagkatapos ay naglakad na siya pabalik sa loob ng condo.

Hindi ko naman mapigilan ang maiyak. Grabe naman ang galit ni Collin sa akin para papagkalkalin ako ng mga mababahong basurang ito para lamang mahanap ang nawawala niyang kuwintas. Ang totoo ay hindi ko naman alam kung naitapon ko nga iyon dahil ang plastik na natatandaan kong itinapon ko ay wala namang laman na kuwintas.

Tumutulo ang luha ko habang inuumpisahan kong isa-isahing buksan at kalkalin ang mga kumpol-kumpol na b****a. Umabot na ako ng isang oras sa pagkalkal sa mga b****a ngunit kahit anino ng plastik na tinutukoy ni Collin ay hindi ko makita. Halos maduwal-duwalna nga ako sa paghahanap ay wala talaga. At kung kanina ay luha ko ang tumutulo ngayon naman ay maruming pawis na ang tumutulo sa mukha ko. Marumi ang pawis ko dahil nadumihan na rin ang mukha ko sa walang tigil na kakapunas. Nakakalimutan ko kasi na marumi pala ang kamay ko at naipupunas ko sa mukha kong nangangati na. Basang-basa na rinang damit ko sa pawis. Sobrang init kasi ng araw kaya naman para na akong naligo sa hitsura kong ito.

"Nasaan ka na kuwintas? Magpakita ka naman, please." Naiiyak kong kausap sa kuwintas na aking hinahanap.

Mukhang nananadya ang panahon dahil biglang dumilim ang paligid. Ang init-init pa nga tapos biglang nawala ang araw at pinalitan ng pagdidilim ng panahon. At nang tumulo ang malalaking patak ng ulan ay napapikit na lamang ako. Kuwintas nasaan ka na ba?

Ilang oras na akong naghahanap sa kumpol-kumpol na mga b****a at sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan ay hindi ko pa rin nahahanap ang kuwintas ni Collin. Masama na ang pakiramdam ko at lalagnatin pa yata ako. Tumigil ako sa ginagawa kong pagkalkal ng b****a.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa lamig. Ngunit hindi ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang kuwintas ng asawa ko. Ayokong mas lalo lamang maragdagan ang galit niya sa akin dahil sa pangyayaring ito.

Laking-tuwa ko nang mahanap ko rin sa wakas ang hinahanap ko. "Sa wakas, nahanap din kita," nakangiti kong sambit. Tatayo na sana ako nang bigla na lamang nagdilim ang paningin ko. Tila hinugot ang lakas ko bigla na lamang akong bumagsak sa kumpol-kumpol na b****a.

Kaugnay na kabanata

  • A Wife For Revenge    Chapter 6

    Masakit ang ulo ko nang magmulat ako ng mga mata. Napansin ko na nasa loob na ako ng silid namin sa condo at nakahiga sa kama. Ang huling natatandaan ko ay bigla akong hinimatay matapos kong matagpuan ang kuwintas ni Collin na aksidente kong naitapon sa basurahan.Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay bumangon pa rin ako sa kama at hinanap ang asawa ko ngunit wala siya sa loob ng condo. Nalungkot ako nang malaman kong umalis n siya kaagad. Hindi man lang niya ako ipinagluto ng almusal kahiy siguradong alam niya na masama ang pakiramdam ko dahil mainit ang katawan ko.Walang ibang magbubuhat sa akin at magpapasok sa loob ng condo lalo pa ang bihisan at nilisan ako kundi ang asawa ko. Basang-basa ksi ako kagabi at maruming-marumi dahil sa mga basurang kinalkal ko mahanap lamang ang kuwintas niya. Kahit paano ay nakadama ako ng ligaya sa pag-iisip na binihisan at nilisan ako ni Collin. Ibig sab

    Huling Na-update : 2021-12-30
  • A Wife For Revenge    Chapter 7

    Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal si Collin. May kasabihan kasi tayo na "A way to a man's heart is through to his stomach" kaya naman susubukan ko ang paraan na 'yan at baka sakaling umepekto sa asawa ko. Bago ako lumabas sa kusina para magluto ay naligo muna ako para presko at magaan sa pakiramdam. Napangiti ako paglabas ko sa kuwarto nang makita ko na bukas ang ilaw sa kabilang kuwarto kung saan natutulog si Collin. Hindi kasi kami magkasamang natutulog sa iisang kuwarto. Ako ang natutulog sa kuwarto niya noong wala pa siyang asawa at siya naman ay sa guest room natutulog. Kahit magkaiba kami ng kuwartong tinutulugan ay masaya pa rin ako dahil umuuwi na siya rito tuwing gabi. Kahit ang simpleng bagay na iyon ay nagpapasaya na rin sa akin. Hindi naman ako gano'n kagaling magluto pero ngayong may asawa na ako ay mas natuto pa ako. Para ka

    Huling Na-update : 2022-01-04
  • A Wife For Revenge    Chapter 8

    Hindi man lang nagpaliwanag sa akin si Collin pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina niya. Pagdating niya sa condo ay deretso lamang siya sa kuwarto niya na para bang walang nangyari. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya sa guest room na ngayon ay kuwarto na niya. Talagang hinintay ko ang pagdating niya para makapag-usap kaming dalawa."Anong kailangan mo?" malamig ang tono na tanong niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. Kahit konting pagka-guilty ay wala akong nababanaag sa kanyang mukha. Para bang hindi siya nagkaroon ng kasalanan sa akin."Hindi ka man lang ba magpapaliwanag tungkol sa nakita ko kanina sa loob ng opisina mo, Collin?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag itong gumaralgal. Palagi na lang kasi akong nagmumukhang kawawa sa harapan niya kaya kahit sa mga ora na iyon ay maging matapang man lang ako na harapin siya.

    Huling Na-update : 2022-01-07
  • A Wife For Revenge    Chapter 9

    Nagising ako sa isang silid na puro puti ang pinturang nakikita ng aking mga mata. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba ang langit? Magkakasunud-sunod kong tanong sa aking isipan. Ngunit dagli ring nabura ang ideyang patay na ako nang mapansin ko ang nakakabit na dextrose sa aking kamay. Hindi pala ako patay kundi nasa loob lang pala ako ng isang ospital. Malamang ay si Collin ang nagdala sa akin dito sa ospital.Tinangka kong bumangon sa kinahihigaan ko. Hindi pa ako nakakabangon ng tuluyan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Collin na may dalang isang basket ng mga prutas. May pag-aalala na napatakbo siya palapit sa akin."Huwag ka munang bumangon at hindi ka pa magaling," pigil niya sa akin. Maingat na ibinalik niya ako sa pagkakahiga sa hospital bed. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang sugat mo?"Hindi ako makakibo. I'm speechl

    Huling Na-update : 2022-01-08
  • A Wife For Revenge    Chapter 10

    Pakiramdam ko ay may hindi nakikitang kamay na pumipiga sa aking puso. Ang sakit at tila ba hindi ako makahinga. Akala ko ay nag-uumpisa nang maayos ang relasyon namin ni Collin. Akala ko ay magiging maayos na ang pagsasama naming dalawa. Hindi pala. Dahil lahat ng iyon ay puro lang pala akala.Kalahating araw akong nag-iiyak hanggang sa ma-realized ko na hindi ako dapat na umiyak. Dapat ay ipaglaban ko ang karapatan ko bilang asawa ni Collin. Sa halip na magalit ako ay dapat ipakita ko kay Collin na karapat-dapat akong maging asawa niya. Sa isiping iyon ay lumakas ang loob ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat na magpatalo sa Samantha na iyon.Imbes na isipin ko ang nakita ko ay nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pagkatapos ay nag-grocery ako sa supermarket. Magluluto ako ng masasarap na pagkain at sabay kaming maghahapunan ng asawa ko. Pagkatapos kong magluto ng mga pagkain ay nagpahinga lang ako saglit pagkat

    Huling Na-update : 2022-02-25
  • A Wife For Revenge    Chapter 1

    Araw ng kasal ko. Ikakasal ako sa lalaking minahal ko mula pagkabata kaya naman walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Naroon lahat sa loob ng simbahan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ako alapaap nang mga sandaling ito. Sabihin man ng ibang tao na OA ang reaksyon kong ito ay wala akong pakialam. Hindi naman nila alam ang mga pinagdaanan ko bago kami nauwi sa simbahan ng lalaking pakakasalan ko na walang iba kundi si Collin Dela Serna. Ang kapitbahay at minahal ko ng lihim simula pa pagkabata namin. Suplado at aloof si Collin noon kaya hindi ko siya malapitan para makipag-kaibigan. Noong nagbinata siya at nagdalaga naman ako ay mas lalo lamang akong nawalan ng tsansa na makalapit sa kanya dahil maraming mga babae ang may gusto sa kanya sa school namin. Nanliliit ako sa sarili ko dahil kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay wala akong panama. Puro kasi magaganda, seksi, mestisa

    Huling Na-update : 2021-11-13
  • A Wife For Revenge    Chapter 2

    "Si Collin dumarating!"Hindi ko magawang kumilos sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sigaw na iyon ng isa sa mga lalaking nasa loob kanina ng simbahan."Bakit ngayon ka lang, Collin? Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan itong nagawa mo? Hindi mo na inisip ang mararamdaman ni Ann," galit na tanong agad ng daddy ni Collin nang makapasok na sa loob ng simbahan ang binata."I'm sorry. Medyo naparami kami ng inom kagabi ng mga kaibigan ko kaya't tinanghali ako ng gising," paumanhin ni Collin sa ama ngunit pakiramdam niya ay kulang iyon sa sinseridad. Parang hindi naman ito humihingi ng sorry kundi nagsasabi lamang ng dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa kanilang kasal."Wala na ang mga taong a-attend sana sa kasal ninyo pati na rin ang pari ay umalis na. Ano na ngayon ang gagawin mo?" narinig kong tanong ni Mommy kay Colt. Hindi pa kasi ako lumilingon. Nananatili l

    Huling Na-update : 2021-11-13
  • A Wife For Revenge    Chapter 3

    Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal ang asawa ko. Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa kaya dapat lamang na pagsilbihan ko siya. Kahit paano ay marunong naman ako magluto ng pagkain pero mga basic lamang at iyong madaiing lutuin lamang.Pagkatapos ng handaan kahapon ay pareho kaming pagod kaya agad kaming nakatulog pagsapit ng gabi at walang pulot-gata na na naganap sa amin. Ayos lang 'yon dahil marami pa namang araw at isa pa'y hindi pa ako handa para sa bagay na iyon.Tulog pa si Collin nang bumangon ako sa kama para ipaghanda siya ng almusal. Simplen almusal lang naman ang inihanda ko para sa kanya. Sinangag na kanin, itlog at bacon na may umuusok pang black cofee. Hindi kasi mahilig sa kape na may creamer ang asawa ko katulad ko. Sa kape pa lang ay nagkakasundo na kami kaya siguradong magkakasundo rin kami sa iba pang mga bagay.Tapos na akong magluto at nakahanda na ang almusal sa mesa na

    Huling Na-update : 2021-11-13

Pinakabagong kabanata

  • A Wife For Revenge    Chapter 10

    Pakiramdam ko ay may hindi nakikitang kamay na pumipiga sa aking puso. Ang sakit at tila ba hindi ako makahinga. Akala ko ay nag-uumpisa nang maayos ang relasyon namin ni Collin. Akala ko ay magiging maayos na ang pagsasama naming dalawa. Hindi pala. Dahil lahat ng iyon ay puro lang pala akala.Kalahating araw akong nag-iiyak hanggang sa ma-realized ko na hindi ako dapat na umiyak. Dapat ay ipaglaban ko ang karapatan ko bilang asawa ni Collin. Sa halip na magalit ako ay dapat ipakita ko kay Collin na karapat-dapat akong maging asawa niya. Sa isiping iyon ay lumakas ang loob ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat na magpatalo sa Samantha na iyon.Imbes na isipin ko ang nakita ko ay nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pagkatapos ay nag-grocery ako sa supermarket. Magluluto ako ng masasarap na pagkain at sabay kaming maghahapunan ng asawa ko. Pagkatapos kong magluto ng mga pagkain ay nagpahinga lang ako saglit pagkat

  • A Wife For Revenge    Chapter 9

    Nagising ako sa isang silid na puro puti ang pinturang nakikita ng aking mga mata. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba ang langit? Magkakasunud-sunod kong tanong sa aking isipan. Ngunit dagli ring nabura ang ideyang patay na ako nang mapansin ko ang nakakabit na dextrose sa aking kamay. Hindi pala ako patay kundi nasa loob lang pala ako ng isang ospital. Malamang ay si Collin ang nagdala sa akin dito sa ospital.Tinangka kong bumangon sa kinahihigaan ko. Hindi pa ako nakakabangon ng tuluyan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Collin na may dalang isang basket ng mga prutas. May pag-aalala na napatakbo siya palapit sa akin."Huwag ka munang bumangon at hindi ka pa magaling," pigil niya sa akin. Maingat na ibinalik niya ako sa pagkakahiga sa hospital bed. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang sugat mo?"Hindi ako makakibo. I'm speechl

  • A Wife For Revenge    Chapter 8

    Hindi man lang nagpaliwanag sa akin si Collin pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina niya. Pagdating niya sa condo ay deretso lamang siya sa kuwarto niya na para bang walang nangyari. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya sa guest room na ngayon ay kuwarto na niya. Talagang hinintay ko ang pagdating niya para makapag-usap kaming dalawa."Anong kailangan mo?" malamig ang tono na tanong niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. Kahit konting pagka-guilty ay wala akong nababanaag sa kanyang mukha. Para bang hindi siya nagkaroon ng kasalanan sa akin."Hindi ka man lang ba magpapaliwanag tungkol sa nakita ko kanina sa loob ng opisina mo, Collin?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag itong gumaralgal. Palagi na lang kasi akong nagmumukhang kawawa sa harapan niya kaya kahit sa mga ora na iyon ay maging matapang man lang ako na harapin siya.

  • A Wife For Revenge    Chapter 7

    Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal si Collin. May kasabihan kasi tayo na "A way to a man's heart is through to his stomach" kaya naman susubukan ko ang paraan na 'yan at baka sakaling umepekto sa asawa ko. Bago ako lumabas sa kusina para magluto ay naligo muna ako para presko at magaan sa pakiramdam. Napangiti ako paglabas ko sa kuwarto nang makita ko na bukas ang ilaw sa kabilang kuwarto kung saan natutulog si Collin. Hindi kasi kami magkasamang natutulog sa iisang kuwarto. Ako ang natutulog sa kuwarto niya noong wala pa siyang asawa at siya naman ay sa guest room natutulog. Kahit magkaiba kami ng kuwartong tinutulugan ay masaya pa rin ako dahil umuuwi na siya rito tuwing gabi. Kahit ang simpleng bagay na iyon ay nagpapasaya na rin sa akin. Hindi naman ako gano'n kagaling magluto pero ngayong may asawa na ako ay mas natuto pa ako. Para ka

  • A Wife For Revenge    Chapter 6

    Masakit ang ulo ko nang magmulat ako ng mga mata. Napansin ko na nasa loob na ako ng silid namin sa condo at nakahiga sa kama. Ang huling natatandaan ko ay bigla akong hinimatay matapos kong matagpuan ang kuwintas ni Collin na aksidente kong naitapon sa basurahan.Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay bumangon pa rin ako sa kama at hinanap ang asawa ko ngunit wala siya sa loob ng condo. Nalungkot ako nang malaman kong umalis n siya kaagad. Hindi man lang niya ako ipinagluto ng almusal kahiy siguradong alam niya na masama ang pakiramdam ko dahil mainit ang katawan ko.Walang ibang magbubuhat sa akin at magpapasok sa loob ng condo lalo pa ang bihisan at nilisan ako kundi ang asawa ko. Basang-basa ksi ako kagabi at maruming-marumi dahil sa mga basurang kinalkal ko mahanap lamang ang kuwintas niya. Kahit paano ay nakadama ako ng ligaya sa pag-iisip na binihisan at nilisan ako ni Collin. Ibig sab

  • A Wife For Revenge    Chapter 5

    Pagkagising ko kinabukasan ay wala pa rin si Collin. Nadudurog ang puso ko sa isiping magkasama ang dalawa sa buong magdamag habang ako ay parang tanga na hinihintay siyang umuwi sa condo. Kaysa isipin na naroon si Collin sa bahay ng ibang babae ay minabuti ko na lamang na alisin na ang mga nasayang na dekorasyonna ginawa ko. Mahirap na at baka maabutan pa iyon ng aking asawa ay mas lalo lamang siyang magalit sa akin dahil hindi ko pa naliligpit ang aking "kalat" Pagkatapos kong magligpit ay naglinis na rin ako ng buong condo at naglaba ng mga damit. Nilabhan ko rin ang mga maruruming damit ng asawa ko para naman pag-uwi niya ay matuwa siya sa akin kahit saglit lamang. Pagkatapos ko sa mga gawaing bahay ay saka pa lamang ako naligo at nagluto ng aking makakain. Kahit tila ayaw malunok ng pagkain ay pilit ko pa ring nilunok para malagyan ng laman ang aking sikmura. Kasalukuyan kong is

  • A Wife For Revenge    Chapter 4

    Pasado alas otso na ng umaga ngunit nananatiling nakahiga pa rin ako sa ibabaw ng kama ni Collin. Nakatulala lamang sa ceiling ng kuwarto na tila wala sa aking sarili. Iniisip ko kung bangungot lamang ba ang nangyari kahapon sa pagitan namin ng asawa ko. Na hindi totoo ang sakit na naramdaman ko at hindi rin totoo ang natuklasan ko. Ngunit laking pagkadismaya ko nang pagbangon ko ay nakita ko ang mga inayos ko sa loob ng kuwarto para sana sorpresahin ang asawa ko. Muling nanariwa sa isip ko ang masasakit na salita na binitawan niya sa akin. Nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pag-alpas ng isang hikbi. Ang sakit, ang sakit-sakit pa rin ng nararamdaman ko ngayon. San ay hindi na lang ako nagising para hindi ko na maramdaman ang sakit.Napahinto ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko kung saan nagmumula ang tunog dahil hindi ko makita kung nasaan ang phone ko. Nakita ko ito sa gilid sa ibaba ng kama. Hi

  • A Wife For Revenge    Chapter 3

    Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal ang asawa ko. Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa kaya dapat lamang na pagsilbihan ko siya. Kahit paano ay marunong naman ako magluto ng pagkain pero mga basic lamang at iyong madaiing lutuin lamang.Pagkatapos ng handaan kahapon ay pareho kaming pagod kaya agad kaming nakatulog pagsapit ng gabi at walang pulot-gata na na naganap sa amin. Ayos lang 'yon dahil marami pa namang araw at isa pa'y hindi pa ako handa para sa bagay na iyon.Tulog pa si Collin nang bumangon ako sa kama para ipaghanda siya ng almusal. Simplen almusal lang naman ang inihanda ko para sa kanya. Sinangag na kanin, itlog at bacon na may umuusok pang black cofee. Hindi kasi mahilig sa kape na may creamer ang asawa ko katulad ko. Sa kape pa lang ay nagkakasundo na kami kaya siguradong magkakasundo rin kami sa iba pang mga bagay.Tapos na akong magluto at nakahanda na ang almusal sa mesa na

  • A Wife For Revenge    Chapter 2

    "Si Collin dumarating!"Hindi ko magawang kumilos sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sigaw na iyon ng isa sa mga lalaking nasa loob kanina ng simbahan."Bakit ngayon ka lang, Collin? Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan itong nagawa mo? Hindi mo na inisip ang mararamdaman ni Ann," galit na tanong agad ng daddy ni Collin nang makapasok na sa loob ng simbahan ang binata."I'm sorry. Medyo naparami kami ng inom kagabi ng mga kaibigan ko kaya't tinanghali ako ng gising," paumanhin ni Collin sa ama ngunit pakiramdam niya ay kulang iyon sa sinseridad. Parang hindi naman ito humihingi ng sorry kundi nagsasabi lamang ng dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa kanilang kasal."Wala na ang mga taong a-attend sana sa kasal ninyo pati na rin ang pari ay umalis na. Ano na ngayon ang gagawin mo?" narinig kong tanong ni Mommy kay Colt. Hindi pa kasi ako lumilingon. Nananatili l

DMCA.com Protection Status