Share

Chapter 3

Author: Daylan
last update Last Updated: 2021-11-13 14:32:51

Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal ang asawa ko. Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa kaya dapat lamang na pagsilbihan ko siya. Kahit paano ay marunong naman ako magluto ng pagkain pero mga basic lamang at iyong madaiing lutuin lamang.

Pagkatapos ng handaan kahapon ay pareho kaming pagod kaya agad kaming nakatulog pagsapit ng gabi at walang pulot-gata na na naganap sa amin. Ayos lang 'yon dahil marami pa namang araw at isa pa'y hindi pa ako handa para sa bagay na iyon. 

Tulog pa si Collin nang bumangon ako sa kama para ipaghanda siya ng almusal. Simplen almusal lang naman ang inihanda ko para sa kanya. Sinangag na kanin, itlog at bacon na may umuusok pang black cofee. Hindi kasi mahilig sa kape na may creamer ang asawa ko katulad ko. Sa kape pa lang ay nagkakasundo na kami kaya siguradong magkakasundo rin kami sa iba pang mga bagay.

Tapos na akong magluto at nakahanda na ang almusal sa mesa nang biglang pumasok sa kusina si Collin na nakasuot ng damit pang-alis.

"Aalis ka na? Nagluto ako ng almusal. Kumain ka muna bago ka umalis," nakangiting tanong ko sa kanya sabay lapit sa kanya para dampian siya ng halik sa labi. Nakaramdam ako ng munting kurot nang biglang umiwas siya kaya sa pisngi niya lamang dumampi ang mga labi ko. Pero naisip ko na baka na-eksakto lang na pumaling siya nang pahalik ako sa mga labi niya kaya sa iba dumampi ang mga labi ko at hindi niya iyon sinadya.

"May breakfast meeting ako ngayon umaga kaya maaga akong aalis. Ikaw na lang ang kumain sa mga niluto mo para hindi masayang ang pagkain," sagot nito. Hindi man lang ito nag-abalang humingi ng sorry sa akin dahil hindi nito matitikman ang pinaghirapan kong lutuin. Ni hindi man lang ito nagpaalam na lalabas na ng bahay at basta na lamang akong iniwan.

"Collin sandali lang,"habol ko sa kanya bago pa man siya makalabas sa pintuan. "Hindi ba tayo magho-honeymoon sa ibang lugar? Hindi ba niregaluhan tayo nina Mommy at Tito Amado ng roundtrip ticket papuntang Singapore para doon mag-honeymoon?" Nasa tono ng boses ko ang pag-asa na matutuloy ang dapat ay honeymoon namin.

"Marami akong hinahabol at kailangang tapusin na trabaho kaya hindi ako puwedeng umalis," walang ka-interes-interes ang sa mukhang sagot niya sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot dahil mukhang hindi siya excited o mas tamang sabihin na hindi siya interesado sa regalong ibinigay sa amin ng aming mga magulang.

"Pero hindi ba't hone—"

"Kung gusto mong tumuloy ay hindi kita pipigilan. Enjoy yourself," walang emosyong sagot nito. Bago pa man ako makapagsalitang muli ay tuluyan na siyang lumabas sa pintuan.

Nanghihinang nagbalik na lamang ako sa sala at umupo sa upuan. Tinitigan ko ang pagkaing inihain ko para sa kanya. "Aalis akong mag-isa? Honeymoon pa bang matatawag iyon kung mag-isa lamang akong  aalis?" hindi ko napigilang himutok ko. Ako na lamang ang kumain sa almusal na inihanda ko para sa kanya. Pero dagli rin akong napahinto sa pagsubo dahil parang hindi ko malunok ang pagkain. Medyo masama kasi ang loob ko sa kanya kaya hindi tuloy ako ginaganahang kumain. Tinakpan ko na lamang ang niluto ko pagkatapos ay hinarap ko ang mga gawaing bahay. Hapon na ako natapos sa ginawa kong general cleaning. Naglaba ng maruruming damit ng asawa ko at nagpalit ng mga kurtina na bagay sa loob ng bahay.

Maghapon akong naglinis sa malaking bahay kaya napagod ako ng sobra't nakatulog. Hindi naman marumi ang bahay ni Collin ngunit dahil walang babaeng nakatira kaya kulang ng tinatawag na "woman's touch" na siyang tinarabaho ko sa buong maghapon. Sa pagod ay nakatulog ako nang humiga ako sa kama naming mag-asawa. Naalimpungatan ako habang natutulog sa kama namin nang marinig kong nagri-ring ang cellphone ko na nasa gilid ng unan. Nang tingnan ko kung sino ang tumatawag ay tuluyang nagising ang diwa ko. Si Collin pala ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko nang pundutin ko ang answer button. 

"Huwag mo na akong hintayin ngayong gabi dahil hindi ako makakauwi," walang pasakalyeng wika ni Collin sa kabilang linya.

"Ha? Hindi ka uuwi? Bakit? Nasaan ka ba? Kumain ka na ba?" 'di mgkandatutong tanong ko sa kanya. Napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng boses ng isang babae sa background. "Sino 'yong babaeng nagsalita?" hindi ko napigilang usisa sa kanya.

"Nasa opisina pa ako ngayon. May tinatapos pa akong trabaho kaya kailangan kong mag-overtime," mabilis na sagot niya sa akin. "Sige na at masyado akong busy. Bukas pa ako uuwi ng hapon."

Bago pa ako makapagsalita ay tonog na ng linya ang narinig ko sa kabilang linya dahil mabilis na niyang pinutol ang tawag. Inis na isinubsob ko ang mukha ko sa unan. 

"Busy. Lagi na lang busy," naghihimutok ang dibdib na kausap ko sa aking sarili. Bagong kasal pa lang kami kaya dapat nasa akin pa ang lahat ng kanyang atensyon tulad ng mga bagong kasal. Pero sa halip na nala-loving-loving kami ay heto ako't mag-isa lamang dito sa bahay.

Bigla akong napabalikwas ng bangon nang maalala kong Valentine's Day pala bukas at nagkataong kaarawan ko rin. Napangiti ako nang may maisip ako na ideya. Isu-surprise ko siya pag-uwi niya bukas ng hapon. Siguradong matutuwa siya kapag makita niya ang ihahanda kong sorpresa. At baka kaya hindi siya umuwi ngayon ay balak niya akong surpresahin kaya bukas pa siya uuwi. Umandar na naman ang pagiging positibo kung mag-isip. Sa naisip kong iyon ay gumaan ang pakiramdam ko. Tuluyan na akong bumangon para pumunta sa kusina dahil biglang kumalam ang aking sikmura. Hindi nga pala ako kumain kaninang umaga at tanghali.

Nagpunta ako sa kusina at ininit ko na lamang sa oven ang niluto ko kaninang umaga dahil hindi naman napanis maliban sa sinangag na hindi na puwedeng kainin dahil panis na. Pagkatapos kong kumain ay tinawagan ko ang mommy ko para sabihing huwag na silang maghanda dahil maghahanda ako rito sa bahay namin para sa aming dalawa.

"Sure ka na ayaw mong maghanda rito sa bahay?" paniniguro sa akin ni Mommy.

Ngumiti ako kahit na hindi naman niya makikita. "Yes, Mom. First birthday at first Valentine's Day ko ito bilang may asawa kaya dapat espesyal," hindi ko mapigilang makaramdam ng kilig sa eksenang nakikita ko sa aking isip. Sumasayaw kami ni Collin kahit walang tugtog at halos magkayakap na kaming nagsasayaw. Ang sweet.

"O sige, ikaw ang bahala. By the way, bakit hindi kayo umalis papuntang Singapore para mag-honeymoon?'

"Busy pa kasi si Collin, Mom. May tinatapos silang project kaya bawal umalis. Kapag matapos na ang mg hinahabol niyang trabahao ay yayayain ko siya na ituloy ang honeymoon namin," paliwanag ko kay Mommy. Siguro naman ay hindi ako tatanggihan ng asawa ko kapag hindi na ito masyadong busy.

Pagkatapos akong batiin ng happy birthday at happy Valentine's Day ay tinapos na namin ang usapan namin. Tinawagan ko rin isa-isa ang mga bilihan ng gamit para sa gagawin ko bukas. Excited na ako sa pagdating ng bukas. Sana magustuhan ni Collin ang gagawin ko. 

***

Nasisiyahan ako nang matapos ko ang dekorasyong ginawa ko. Kaninang umaga ay dumating ang mga in-order kong mga gamit sa pag-decorate ko sa kuwarto. May mga pulang rose petal na hinugis ko ng heart sa ibabaw ng kama namin at sa itaas ay mga pula at puting lobo na hugis-puso. Sa gilid ay may isang maliit na mesa na may dalawang upuan. Nakalagay sa ibabaw ng mesa ang in-order kong steak, vegetable salad at champagne. Perfect ang ambience para sa themes ng araw na ito. Matapos kong pagmasdang muli ang dekorasyong ginawa ko ay nagpasya na akong maligo para pagdating ni Collin ay fresh na fresh ako.

Mabilis lamang akong nag-shower dahil baka dumating ang asawa ko na nasa loob pa ako ng banyo ay masasayang lamang ang sorpresang ginawa ko. Isang simple at pulang night dress ang isinuot ko na abot lamang hanggang sa kalahati ng aking hita ang pinili kong isuot. Naglagay ako ng light makeup sa mukha at hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok. At siyempre, hindi mawawala ang aking paboritong kong brand ng pabango. Nag-spray ako sa leeg, sa likuran ng aking tainga at sa aking pulsuhan. Excited ako na dumating na ang asawa ko para makita niya ang sorpresa ko sa kanya.

Nang marinig ko ang kotse niya na pumarada sa tapat ng bahay namin ay agad kong pinatay ang ilaw sa loob ng kuwarto. Medyo kinakabahan at excited kong hinintay ang pagpasok niya sa loob ng kuwarto. At nang pumasok na nga si Collin ay saka ko ginawa ang plano ko.

"Surprised!" nakangiti kong wika  matapos kong buksan ang nakapatay na ilaw. Inaasahan kong matutuwa siya sa kanyang makikita ngunit iba ang kanyang naging reaksyon.

"Ano ito? Ano itong mga kalat na ginawa mo sa loob ng kuwarto ko?" may halong inis ang tono ng boses na sita niya sa akin.

"Sorpresa ko sa'yo," mahina ang boses na sagot ko sa kanya. Nabura ang matamis na ngiti sa aking mga labi at lumarawan ang sakit sa mukha ko sa naging reaksyon niya sa ginawa kong sorpresa. Hindi ko inaasahan na iyon ang magiging reaksyon niya. "Ito ang unang beses na magsi-celebrate tayo ng Valentine's Day bilang mag-asawa at saka birthday ko rin ngayon."

Napaismid si Collin sa sinabi ko. "Tatapatin kita, Ann. Hindi kita niligawan at pinakasalan dahil mahal kita. Ginawa ko lamang iyon para makaganti sa Daddy ko at sa Mommy mo dahil sa ginawa nila sa Mommy ko. Gusto kong masaktan sila kapag nalaman nila na nasasaktan ang pinakamamahal nilang si  Trixe Ann Guiller."

Parang bombang sumabog sa mukha ko ang mga ipinagtapat sa akin ni Collin. "A-anong sabi mo?" tanong ko sa kanya kahit na narinig ko naman ng malinaw ang mga sinabi niya. 

"Hindi ka lang pala madaling mauto kundi bingi ka pa. Ang sabi ko ksya lamang kita pinakasalan ay dahil gusto kong makaganti sa mga magulang natin. Kaya 'wag kang umasa na magiging masaya ang buhay may asawa mo dahil hindi mangyayari iyon, At wala kang dapat na sisihin kundi ang Mommy mo at Daddy ko."

Doon lamang unti-unting bumalong ang luha sa aking mga mata hanggang sa tuluyang bumagsak sa mga pisngi ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ngayon ko lang na-realized ang mga nangyari. Hindi ito dumating sa araw ng kasal namin, hindi rin pumayag na umalis kami para mag-honeymoon, umiwas siya nang hinalikan ko siya at hindi umuwi rito sa bahay kaagad kahit bagong kasal pa lang kami. Pinagplanuhan pala nito ang lahat.

"Bakit? Bakit kailangang idamay mo pa ako sa galit mo sa kanila?" umiiyak kong tanong. "Kahit konti ba ay hindi mo ako minahal?" kahit masakit ay gusto ko pa ring marinig sa mga labi niya ang totoo.

Lumapit sa akin si Collin at mahigpit akong hinawakan sa magkabilang braso. "Dahil gusto kong maramdaman nila kung gaano kasakit makitang nasasaktan ang taong mahal mo. At ikaw ngayon ang aani sa galit ko sa kanilang dalawa," madilim ang mukha at nagtatagis ang mga bagang na sagot nito pagkatapos ay isinalya niya ako sa ibabaw ng kama.

"Hindi mo ba ako minahal kahit konti?" ulit kong tanong sa kanya dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Yes. Hindi kita minahal kahit konti dahil galit lamang ang nararamdaman ko para sa'yo at mga taong nanakit sa Mommy ko't naging dahilan kung bakit siya nagpakamatay," sagot ni Collin matapos niya akong titigan ng matagal. Binuksan niya ang pintuan ng kuwarto ngunit hindi tuluyang lumabas. "Itapon mo ang mga kalat na iyan dahil ayokong makalat ang loob ng kuwarto ko. At magmula ngayon ay sa kabilang kuwarto ka na matutulog. Ayokong makatabi pa sa pagtulog ang anak ng taong dahilan ng pagkamatay ng mommy ko," pahabol pa niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Napahagulgol na lamang ako nang wala na siya sa paningin ko. Sobrang sakit at bigat ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay nagkanda-pirapiraso ang aking puso. Hindi ko matanggap na kinasangkapan lang pala niya ako para masaktan ang mommy ko at daddy niya. Ang inaasahan ko na magiging pinakamasayang birthday at Valentine's Day ko ay naging pinakamasakit pala. Sobrang sakit to the point na nahiling ko na sana ay bumuka ang sahig at lamunin ako para hindi ko na maramdaman  ang sakit at hapdi ng puso ko. Ang aking napakagandang panaginip ay nauwi sa napakasaklap na bangungot.

Related chapters

  • A Wife For Revenge    Chapter 4

    Pasado alas otso na ng umaga ngunit nananatiling nakahiga pa rin ako sa ibabaw ng kama ni Collin. Nakatulala lamang sa ceiling ng kuwarto na tila wala sa aking sarili. Iniisip ko kung bangungot lamang ba ang nangyari kahapon sa pagitan namin ng asawa ko. Na hindi totoo ang sakit na naramdaman ko at hindi rin totoo ang natuklasan ko. Ngunit laking pagkadismaya ko nang pagbangon ko ay nakita ko ang mga inayos ko sa loob ng kuwarto para sana sorpresahin ang asawa ko. Muling nanariwa sa isip ko ang masasakit na salita na binitawan niya sa akin. Nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pag-alpas ng isang hikbi. Ang sakit, ang sakit-sakit pa rin ng nararamdaman ko ngayon. San ay hindi na lang ako nagising para hindi ko na maramdaman ang sakit.Napahinto ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko kung saan nagmumula ang tunog dahil hindi ko makita kung nasaan ang phone ko. Nakita ko ito sa gilid sa ibaba ng kama. Hi

    Last Updated : 2021-12-19
  • A Wife For Revenge    Chapter 5

    Pagkagising ko kinabukasan ay wala pa rin si Collin. Nadudurog ang puso ko sa isiping magkasama ang dalawa sa buong magdamag habang ako ay parang tanga na hinihintay siyang umuwi sa condo. Kaysa isipin na naroon si Collin sa bahay ng ibang babae ay minabuti ko na lamang na alisin na ang mga nasayang na dekorasyonna ginawa ko. Mahirap na at baka maabutan pa iyon ng aking asawa ay mas lalo lamang siyang magalit sa akin dahil hindi ko pa naliligpit ang aking "kalat" Pagkatapos kong magligpit ay naglinis na rin ako ng buong condo at naglaba ng mga damit. Nilabhan ko rin ang mga maruruming damit ng asawa ko para naman pag-uwi niya ay matuwa siya sa akin kahit saglit lamang. Pagkatapos ko sa mga gawaing bahay ay saka pa lamang ako naligo at nagluto ng aking makakain. Kahit tila ayaw malunok ng pagkain ay pilit ko pa ring nilunok para malagyan ng laman ang aking sikmura. Kasalukuyan kong is

    Last Updated : 2021-12-26
  • A Wife For Revenge    Chapter 6

    Masakit ang ulo ko nang magmulat ako ng mga mata. Napansin ko na nasa loob na ako ng silid namin sa condo at nakahiga sa kama. Ang huling natatandaan ko ay bigla akong hinimatay matapos kong matagpuan ang kuwintas ni Collin na aksidente kong naitapon sa basurahan.Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay bumangon pa rin ako sa kama at hinanap ang asawa ko ngunit wala siya sa loob ng condo. Nalungkot ako nang malaman kong umalis n siya kaagad. Hindi man lang niya ako ipinagluto ng almusal kahiy siguradong alam niya na masama ang pakiramdam ko dahil mainit ang katawan ko.Walang ibang magbubuhat sa akin at magpapasok sa loob ng condo lalo pa ang bihisan at nilisan ako kundi ang asawa ko. Basang-basa ksi ako kagabi at maruming-marumi dahil sa mga basurang kinalkal ko mahanap lamang ang kuwintas niya. Kahit paano ay nakadama ako ng ligaya sa pag-iisip na binihisan at nilisan ako ni Collin. Ibig sab

    Last Updated : 2021-12-30
  • A Wife For Revenge    Chapter 7

    Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal si Collin. May kasabihan kasi tayo na "A way to a man's heart is through to his stomach" kaya naman susubukan ko ang paraan na 'yan at baka sakaling umepekto sa asawa ko. Bago ako lumabas sa kusina para magluto ay naligo muna ako para presko at magaan sa pakiramdam. Napangiti ako paglabas ko sa kuwarto nang makita ko na bukas ang ilaw sa kabilang kuwarto kung saan natutulog si Collin. Hindi kasi kami magkasamang natutulog sa iisang kuwarto. Ako ang natutulog sa kuwarto niya noong wala pa siyang asawa at siya naman ay sa guest room natutulog. Kahit magkaiba kami ng kuwartong tinutulugan ay masaya pa rin ako dahil umuuwi na siya rito tuwing gabi. Kahit ang simpleng bagay na iyon ay nagpapasaya na rin sa akin. Hindi naman ako gano'n kagaling magluto pero ngayong may asawa na ako ay mas natuto pa ako. Para ka

    Last Updated : 2022-01-04
  • A Wife For Revenge    Chapter 8

    Hindi man lang nagpaliwanag sa akin si Collin pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina niya. Pagdating niya sa condo ay deretso lamang siya sa kuwarto niya na para bang walang nangyari. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya sa guest room na ngayon ay kuwarto na niya. Talagang hinintay ko ang pagdating niya para makapag-usap kaming dalawa."Anong kailangan mo?" malamig ang tono na tanong niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. Kahit konting pagka-guilty ay wala akong nababanaag sa kanyang mukha. Para bang hindi siya nagkaroon ng kasalanan sa akin."Hindi ka man lang ba magpapaliwanag tungkol sa nakita ko kanina sa loob ng opisina mo, Collin?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag itong gumaralgal. Palagi na lang kasi akong nagmumukhang kawawa sa harapan niya kaya kahit sa mga ora na iyon ay maging matapang man lang ako na harapin siya.

    Last Updated : 2022-01-07
  • A Wife For Revenge    Chapter 9

    Nagising ako sa isang silid na puro puti ang pinturang nakikita ng aking mga mata. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba ang langit? Magkakasunud-sunod kong tanong sa aking isipan. Ngunit dagli ring nabura ang ideyang patay na ako nang mapansin ko ang nakakabit na dextrose sa aking kamay. Hindi pala ako patay kundi nasa loob lang pala ako ng isang ospital. Malamang ay si Collin ang nagdala sa akin dito sa ospital.Tinangka kong bumangon sa kinahihigaan ko. Hindi pa ako nakakabangon ng tuluyan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Collin na may dalang isang basket ng mga prutas. May pag-aalala na napatakbo siya palapit sa akin."Huwag ka munang bumangon at hindi ka pa magaling," pigil niya sa akin. Maingat na ibinalik niya ako sa pagkakahiga sa hospital bed. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang sugat mo?"Hindi ako makakibo. I'm speechl

    Last Updated : 2022-01-08
  • A Wife For Revenge    Chapter 10

    Pakiramdam ko ay may hindi nakikitang kamay na pumipiga sa aking puso. Ang sakit at tila ba hindi ako makahinga. Akala ko ay nag-uumpisa nang maayos ang relasyon namin ni Collin. Akala ko ay magiging maayos na ang pagsasama naming dalawa. Hindi pala. Dahil lahat ng iyon ay puro lang pala akala.Kalahating araw akong nag-iiyak hanggang sa ma-realized ko na hindi ako dapat na umiyak. Dapat ay ipaglaban ko ang karapatan ko bilang asawa ni Collin. Sa halip na magalit ako ay dapat ipakita ko kay Collin na karapat-dapat akong maging asawa niya. Sa isiping iyon ay lumakas ang loob ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat na magpatalo sa Samantha na iyon.Imbes na isipin ko ang nakita ko ay nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pagkatapos ay nag-grocery ako sa supermarket. Magluluto ako ng masasarap na pagkain at sabay kaming maghahapunan ng asawa ko. Pagkatapos kong magluto ng mga pagkain ay nagpahinga lang ako saglit pagkat

    Last Updated : 2022-02-25
  • A Wife For Revenge    Chapter 1

    Araw ng kasal ko. Ikakasal ako sa lalaking minahal ko mula pagkabata kaya naman walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon. Ito ang pinakamasayang araw ng buhay ko. Naroon lahat sa loob ng simbahan ang mga mahahalagang tao sa buhay ko. Pakiramdam ko ay nakalutang ako alapaap nang mga sandaling ito. Sabihin man ng ibang tao na OA ang reaksyon kong ito ay wala akong pakialam. Hindi naman nila alam ang mga pinagdaanan ko bago kami nauwi sa simbahan ng lalaking pakakasalan ko na walang iba kundi si Collin Dela Serna. Ang kapitbahay at minahal ko ng lihim simula pa pagkabata namin. Suplado at aloof si Collin noon kaya hindi ko siya malapitan para makipag-kaibigan. Noong nagbinata siya at nagdalaga naman ako ay mas lalo lamang akong nawalan ng tsansa na makalapit sa kanya dahil maraming mga babae ang may gusto sa kanya sa school namin. Nanliliit ako sa sarili ko dahil kumpara sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay wala akong panama. Puro kasi magaganda, seksi, mestisa

    Last Updated : 2021-11-13

Latest chapter

  • A Wife For Revenge    Chapter 10

    Pakiramdam ko ay may hindi nakikitang kamay na pumipiga sa aking puso. Ang sakit at tila ba hindi ako makahinga. Akala ko ay nag-uumpisa nang maayos ang relasyon namin ni Collin. Akala ko ay magiging maayos na ang pagsasama naming dalawa. Hindi pala. Dahil lahat ng iyon ay puro lang pala akala.Kalahating araw akong nag-iiyak hanggang sa ma-realized ko na hindi ako dapat na umiyak. Dapat ay ipaglaban ko ang karapatan ko bilang asawa ni Collin. Sa halip na magalit ako ay dapat ipakita ko kay Collin na karapat-dapat akong maging asawa niya. Sa isiping iyon ay lumakas ang loob ko. Inayos ko ang sarili ko. Hindi ako dapat na magpatalo sa Samantha na iyon.Imbes na isipin ko ang nakita ko ay nilibang ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay at pagkatapos ay nag-grocery ako sa supermarket. Magluluto ako ng masasarap na pagkain at sabay kaming maghahapunan ng asawa ko. Pagkatapos kong magluto ng mga pagkain ay nagpahinga lang ako saglit pagkat

  • A Wife For Revenge    Chapter 9

    Nagising ako sa isang silid na puro puti ang pinturang nakikita ng aking mga mata. Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Ito ba ang langit? Magkakasunud-sunod kong tanong sa aking isipan. Ngunit dagli ring nabura ang ideyang patay na ako nang mapansin ko ang nakakabit na dextrose sa aking kamay. Hindi pala ako patay kundi nasa loob lang pala ako ng isang ospital. Malamang ay si Collin ang nagdala sa akin dito sa ospital.Tinangka kong bumangon sa kinahihigaan ko. Hindi pa ako nakakabangon ng tuluyan nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Collin na may dalang isang basket ng mga prutas. May pag-aalala na napatakbo siya palapit sa akin."Huwag ka munang bumangon at hindi ka pa magaling," pigil niya sa akin. Maingat na ibinalik niya ako sa pagkakahiga sa hospital bed. "Kumusta ang pakiramdam mo? Sumasakit ba ang sugat mo?"Hindi ako makakibo. I'm speechl

  • A Wife For Revenge    Chapter 8

    Hindi man lang nagpaliwanag sa akin si Collin pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina niya. Pagdating niya sa condo ay deretso lamang siya sa kuwarto niya na para bang walang nangyari. Hindi ako nakatiis at pinuntahan ko siya sa guest room na ngayon ay kuwarto na niya. Talagang hinintay ko ang pagdating niya para makapag-usap kaming dalawa."Anong kailangan mo?" malamig ang tono na tanong niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pintuan. Kahit konting pagka-guilty ay wala akong nababanaag sa kanyang mukha. Para bang hindi siya nagkaroon ng kasalanan sa akin."Hindi ka man lang ba magpapaliwanag tungkol sa nakita ko kanina sa loob ng opisina mo, Collin?" tanong ko sa kanya. Pilit kong pinapatatag ang boses ko para huwag itong gumaralgal. Palagi na lang kasi akong nagmumukhang kawawa sa harapan niya kaya kahit sa mga ora na iyon ay maging matapang man lang ako na harapin siya.

  • A Wife For Revenge    Chapter 7

    Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal si Collin. May kasabihan kasi tayo na "A way to a man's heart is through to his stomach" kaya naman susubukan ko ang paraan na 'yan at baka sakaling umepekto sa asawa ko. Bago ako lumabas sa kusina para magluto ay naligo muna ako para presko at magaan sa pakiramdam. Napangiti ako paglabas ko sa kuwarto nang makita ko na bukas ang ilaw sa kabilang kuwarto kung saan natutulog si Collin. Hindi kasi kami magkasamang natutulog sa iisang kuwarto. Ako ang natutulog sa kuwarto niya noong wala pa siyang asawa at siya naman ay sa guest room natutulog. Kahit magkaiba kami ng kuwartong tinutulugan ay masaya pa rin ako dahil umuuwi na siya rito tuwing gabi. Kahit ang simpleng bagay na iyon ay nagpapasaya na rin sa akin. Hindi naman ako gano'n kagaling magluto pero ngayong may asawa na ako ay mas natuto pa ako. Para ka

  • A Wife For Revenge    Chapter 6

    Masakit ang ulo ko nang magmulat ako ng mga mata. Napansin ko na nasa loob na ako ng silid namin sa condo at nakahiga sa kama. Ang huling natatandaan ko ay bigla akong hinimatay matapos kong matagpuan ang kuwintas ni Collin na aksidente kong naitapon sa basurahan.Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay bumangon pa rin ako sa kama at hinanap ang asawa ko ngunit wala siya sa loob ng condo. Nalungkot ako nang malaman kong umalis n siya kaagad. Hindi man lang niya ako ipinagluto ng almusal kahiy siguradong alam niya na masama ang pakiramdam ko dahil mainit ang katawan ko.Walang ibang magbubuhat sa akin at magpapasok sa loob ng condo lalo pa ang bihisan at nilisan ako kundi ang asawa ko. Basang-basa ksi ako kagabi at maruming-marumi dahil sa mga basurang kinalkal ko mahanap lamang ang kuwintas niya. Kahit paano ay nakadama ako ng ligaya sa pag-iisip na binihisan at nilisan ako ni Collin. Ibig sab

  • A Wife For Revenge    Chapter 5

    Pagkagising ko kinabukasan ay wala pa rin si Collin. Nadudurog ang puso ko sa isiping magkasama ang dalawa sa buong magdamag habang ako ay parang tanga na hinihintay siyang umuwi sa condo. Kaysa isipin na naroon si Collin sa bahay ng ibang babae ay minabuti ko na lamang na alisin na ang mga nasayang na dekorasyonna ginawa ko. Mahirap na at baka maabutan pa iyon ng aking asawa ay mas lalo lamang siyang magalit sa akin dahil hindi ko pa naliligpit ang aking "kalat" Pagkatapos kong magligpit ay naglinis na rin ako ng buong condo at naglaba ng mga damit. Nilabhan ko rin ang mga maruruming damit ng asawa ko para naman pag-uwi niya ay matuwa siya sa akin kahit saglit lamang. Pagkatapos ko sa mga gawaing bahay ay saka pa lamang ako naligo at nagluto ng aking makakain. Kahit tila ayaw malunok ng pagkain ay pilit ko pa ring nilunok para malagyan ng laman ang aking sikmura. Kasalukuyan kong is

  • A Wife For Revenge    Chapter 4

    Pasado alas otso na ng umaga ngunit nananatiling nakahiga pa rin ako sa ibabaw ng kama ni Collin. Nakatulala lamang sa ceiling ng kuwarto na tila wala sa aking sarili. Iniisip ko kung bangungot lamang ba ang nangyari kahapon sa pagitan namin ng asawa ko. Na hindi totoo ang sakit na naramdaman ko at hindi rin totoo ang natuklasan ko. Ngunit laking pagkadismaya ko nang pagbangon ko ay nakita ko ang mga inayos ko sa loob ng kuwarto para sana sorpresahin ang asawa ko. Muling nanariwa sa isip ko ang masasakit na salita na binitawan niya sa akin. Nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi para pigilan ang pag-alpas ng isang hikbi. Ang sakit, ang sakit-sakit pa rin ng nararamdaman ko ngayon. San ay hindi na lang ako nagising para hindi ko na maramdaman ang sakit.Napahinto ako sa pag-iyak nang biglang tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko kung saan nagmumula ang tunog dahil hindi ko makita kung nasaan ang phone ko. Nakita ko ito sa gilid sa ibaba ng kama. Hi

  • A Wife For Revenge    Chapter 3

    Maaga akong gumising para ipaghanda ng almusal ang asawa ko. Ito ang unang araw namin bilang mag-asawa kaya dapat lamang na pagsilbihan ko siya. Kahit paano ay marunong naman ako magluto ng pagkain pero mga basic lamang at iyong madaiing lutuin lamang.Pagkatapos ng handaan kahapon ay pareho kaming pagod kaya agad kaming nakatulog pagsapit ng gabi at walang pulot-gata na na naganap sa amin. Ayos lang 'yon dahil marami pa namang araw at isa pa'y hindi pa ako handa para sa bagay na iyon.Tulog pa si Collin nang bumangon ako sa kama para ipaghanda siya ng almusal. Simplen almusal lang naman ang inihanda ko para sa kanya. Sinangag na kanin, itlog at bacon na may umuusok pang black cofee. Hindi kasi mahilig sa kape na may creamer ang asawa ko katulad ko. Sa kape pa lang ay nagkakasundo na kami kaya siguradong magkakasundo rin kami sa iba pang mga bagay.Tapos na akong magluto at nakahanda na ang almusal sa mesa na

  • A Wife For Revenge    Chapter 2

    "Si Collin dumarating!"Hindi ko magawang kumilos sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sigaw na iyon ng isa sa mga lalaking nasa loob kanina ng simbahan."Bakit ngayon ka lang, Collin? Alam mo ba kung gaano kalaking kahihiyan itong nagawa mo? Hindi mo na inisip ang mararamdaman ni Ann," galit na tanong agad ng daddy ni Collin nang makapasok na sa loob ng simbahan ang binata."I'm sorry. Medyo naparami kami ng inom kagabi ng mga kaibigan ko kaya't tinanghali ako ng gising," paumanhin ni Collin sa ama ngunit pakiramdam niya ay kulang iyon sa sinseridad. Parang hindi naman ito humihingi ng sorry kundi nagsasabi lamang ng dahilan kung bakit hindi ito nakarating sa kanilang kasal."Wala na ang mga taong a-attend sana sa kasal ninyo pati na rin ang pari ay umalis na. Ano na ngayon ang gagawin mo?" narinig kong tanong ni Mommy kay Colt. Hindi pa kasi ako lumilingon. Nananatili l

DMCA.com Protection Status