Share

Chapter 66

JASS

"JASS! JASS! Tingnan mo!"

Mula sa mahimbing na pagkakatulog ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Bukod sa nakakabinging sigaw, ay ang malalakas na yugyog ng asawa ko ang walang habas na gumising sa akin.

"Ano ba 'yon, sweetheart?"

Accidentally akong napatingin sa digital clock at alas-dos pa lang iyon ng madaling araw.

"Ayan! Wala na. Antagal mo kasing tumingin."

"Ano ba 'yon?"

Kahit antok na antok ay pinilit ko ang sariling bumangon.

"Ano'ng oras na? Bakit hindi ka pa rin natutulog?" usisa ko.

Nakaupo si Jen at nakasandal sa headboard ng kama. Himas-himas niya ang tiyan na kitang-kita dahil itinaas niya ang suot na duster.

"Ano ba 'yan? Anlamig-lamig. Itago mo 'yang tiy-"

Pero bigla niyang inipit ang mga labi ko gamit ang mga daliri niya. Sinenyasan niya rin akong huwag mag-iingay. May itinuturo ang mga mata niya na sinundan ko naman ng tingin. Ang kaniyang tiyan.

"Tingnan mong maigi. Ang mga anak mo, nagre-wrestling yata sa loob," pabulong na sabi niya habang natatawa. "Nag
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status