JENSA muling pagmulat ng mga mata ko, nakahiga na ako habang may mga unipormadong tao sa paligid ko na nagtutulak sa stretcher kung saan ako nakahiga. May ikinakabit na ring kung ano sa may ilong ko. Kasabay niyon ang hindi maipaliwanag na sakit na nagmumula sa balakang ko. Umikot-ikot pa ang mga mata ko sa paligid. I think I know where I am now. Nasa ospital ako. Ngunit sa kabila ng sakit na nararamdaman ko, may isang tao akong naalala. Sinubukan kong tanggalin ang bagay na nakatakip sa ilong ko. "'Yong asawa ko po. N-Nasaan ang asawa ko?!" halos mamaos at histerikal na sigaw ko."Misis, ang alalahanin ninyo ay ang dinadala n'yo sa sinapupunan n'yo," iyon lang ang sinabi ng doktor saka muling ikinabit ang oxygen sa tapat ng ilong ko. Ipinasok na nila ako sa emergency room. Nagkakagulo sila. May naghubad agad ng damit ko at pinaltan iyon ng hospital gown. Napapaigik na ako sa sobrang sakit dahil ito na yata ang labor na sinasabi nila. Manganganak na siguro ako. Nakita ko ang hinu
SA mansion nina Jass sa Tagaytay kami iniuwing mag-iina ng aking mga in-laws. Isinama na rin si Mina na siyang magiging katuwang ko sa pag-aalaga ng kambal. Bukas ng umaga ay may darating pa raw na private nurse na tutulong upang magkaroon ako ng sapat na pahinga.Pero sa totoo lang, makakapagpahinga nga ba ako? Kung bawat minutong lumilipas, si Jass ang nasa isip ko? "Tay..." umiiyak na pahayag ko. Kausap ko sa cellphone si Tatay at halos isang linggo na rin ang lumipas mula nang makauwi kami sa mansion. "Tay, h-hindi kaya si D-Dino ang may gawa niyon? S-Siya lang ang naisip kong may motibo para gawin iyon eh. B-Baka hindi niya lubos na tanggap na wala na talaga kaming pag-asang magbalikan pa," sabi ko."Anak, huwag kang basta-basta mag-aakusa," mahinahong tutol ni tatay."Bakit hindi puwedeng siya eh siya lang naman ang may dahilan para gawin 'yon? N-Noong huling usap namin, m-mukhang hindi niya tanggap ang nangyari. N-Napangakuan ko siya at umasa siya. N-Naghintay siya sa akin nang
JEN"NOONG nakaraang buwan pa nailibing si Dino," halos pabulong na sabi ni Tatay habang pareho kaming nakatingin sa makintab at halatang bagong gawa pa lang na lapida. Nakasulat doon ang buong pangalan ng dati kong nobyo.Sandino June dela Cruz. Pati ang petsa ng kaniyang kapanganakan at ang araw ng kaniyang kamatayan. Hindi magkamayaw ang luha ko habang pinagmamasdan ang nitso nito. Parang kailan lang. Ambilis ng pangyayari. Hindi ko akalaing magagawa niya ito sa kaniyang sarili. At dahil pa sa akin!"Isang linggo, bago ko nabalitaan ang nangyari, nakita ko pa siya no'ng nagbibiyahe ng kanilang traysikel. Antagal ko siyang hindi nakita. Malamang kauuwi niya lang no'n galing Maynila. Anlaki ng ibinagsak ng katawan niya," patuloy lang ni Tatay. "Tapos isang araw, may nasagap na lang akong balita, wala na nga raw. Ang sabi, iyon nga... natagpuan na lang nilang walang buhay sa loob ng kuwarto."Lalo lang nadurog ang puso ko. Had I known that this would happen, dapat first day pa lang
JEN"Ma'am Jen, nandito na po ang pagkain n'yo," ani Mina matapos ilapag sa side table ng kinahihigaan ko ang isang tray. Mahina ang pagkakasabi nito dahil tulog pa nang mga oras na 'yon ang kambal ko."Salamat," matipid kong sagot. "Pasensya na, Ma'am. Ito lang kasi ang meron."Tutong na naman. At halos sabaw na lang ng sinigang ang dala niya. Tira-tira na naman ang aking magiging hapunan. Kung hindi tira-tira, kung minsan ay bahaw lang. That's how they used to treat me here for the last eight months. Mas masarap pa ang pagkain ng mga katulong kaysa sa idinudulot nila sa akin. Maging ang kuwartong tinutulugan ko sa umaga ay gano'n din. Pinalipat na ako ni Doktora sa baba, specifically sa sobrang kuwarto ng mga katulong. They never talked to me anymore na para akong hindi nag-e-exist doon.At marami akong bawal gawin. Bawal magpagala-gala sa loob ng mansion. Bawal makisabay sa kanilang kumain. At higit sa lahat, bawal ko ring dalhin sa labas ang mga anak ko.Sa gabi ko na lang din
JENISANG malutong na sampal ang natanggap ko."Napakawalanghiya at kapal talaga ng mukha mong babae ka! Matapos mo itong dulutin sa anak ko, may lakas ka pa ng loob na gawin 'to?"Tunay ngang walang lihim na hindi nabubunyag. Sa ika-sampung beses na yata naming subok ni Mina, naabutan kami nina Doktora na nakikiusap sa bantay ni Jass sa ospital. Dala ulit namin ang mga anak ko at talagang kulang na lang ay lumuhod ako sa guard maawa lang na papasukin ako. We never saw them coming. Nagulat na lang ako nang biglang may humablot sa braso ko at isang kamay ang lumapat sa pisngi ko."Dala-dala mo pa talaga ang mga apo ko? Paano kung madisgrasya ang mga 'yan? Itutulad mo pa 'yan kay Jass na pinahamak mo!" Kahit pinagtitinginan kami ay hindi man lang nangimi si doktora na ipahiya at sigawan ako."Tatawag ako ng mga pulis-""Gusto ko lang naman pong makita si Jass," naiiyak na pahayag ko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa isang hawakan ng stroller sa takot na agawin niya iyon sa akin. "Kahit
JASS "IS he alright? Is my son gonna be okay?" may kahalong takot ang tono ng nagsalita. "Don't worry, Misis. He's stable now. Wala na kayong dapat ipag-alala pa," tugon naman ng kung sino mang kausap nito. "Thank God! Thank God!" May kasama pang paghikbi ang boses na 'yon. At sobrang pamilyar ng boses na iyon sa akin. Sobra. "Magdahan-dahan ka sa emosyon mo. Ang altapresyon mo na naman, ha?" boses naman ng isang lalaki."I'm alright now, Jaime. You need not to worry a thing. Magkakahalong takot at galit kasi ang naramdaman ko nang mga oras na 'yon kaya iyon nangyari."Then I heard their gasps. And a sudden cry of babies from afar. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Kaya dahan-dahan kong sinubukan imulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ko silang makita. Kaya kahit hirap na hirap ako ay pilit kong inaangat ang talukap ng mga iyon. Para akong nagising sa isang napakahimbing na pagkakatulog. Everything was so
JASS"JASS, saan ang punta mo?" tanong ni mommy nang matapos ang ilang oras na pagkukulong sa kuwarto ay bumaba rin ako. Hindi tulad kanina, maaaliwalas na ang ayos ko ngayon. Nakaligo na rin at medyo basa pa nga ang buhok. I've found them sa may sala. My babies are playing on the matted floor. Lumapit ako sa mga ito at binuhat silang pareho."Papa papa papa papa," they both said while clapping their hands. May parte ro'n na parang gusto kong maluha. Tunay ngang kay tagal kong nawala. Andami kong mga na-miss na bagay. I wasn't there when their mom gave birth to them. Noong mga unang araw na tiyak kong pagod at puyat si Jennifer. I missed their first month. 'Yong time na kailangan silang pabakunahan sa center. No'ng first time nilang makadapa, masambit ang una nilang salita. Ano kaya iyon? Mama o Papa? Dati ay nasa tiyan pa lang sila ng mommy nila, pero ngayo'y heto na't ang lilikot at malapit nang maglakad. But why is your mommy not home? Ngunit ang mas masakit sa akin, nandito na
JEN"ANAK, kumusta ka naman diyan?" may pag-aalalang tanong ni Tatay sa kabilang linya. "Ayos naman ako rito, 'Tay. Nakapagsimula na ako ng trabaho ko," tugon ko."Buti naman. Eh 'yong tinutuluyan mo? Komportable ka ba riyan? Baka maraming adik diyan ah. Sabi ko naman sa 'yo, isama mo muna ang mga kapatid mo habang bakasyon pa sila para may kasa-kasama at kausap ka riyan. Hindi 'yong nagsosolo ka."Umiling ako. "Okay naman dito, Tay. Tahimik naman saka mabait naman 'yong nakatira sa katabi kong apartment. Ayoko po muna ng kasama dahil gusto ko muna pong mag-isa. Gusto ko rin pong matutong tumayo sa sarili kong mga paa.""Pero, 'nak, huwag mong ipilit kung hindi mo kaya. Makakalapit ka naman sa amin.""Kaya ko, 'Tay. Magtiwala kayo sa akin." "O, siya sige. Sabi mo eh. Basta palagi kang mag-iingat diyan."Tumango ako. "Opo. Kayo rin po."Nagpaalam na ako. Sakto niyon ay natapos na ang breaktime ko kaya balik trabaho na ulit ako. Dito ako ngayon sa isang malaking construction firm sa