Nagkalat ang pira-pirasong basag na mamahaling banga sa sahig nang masiko iyon ni Noah dahil sa pagkabigla sa sinabi ni Joey. Humugot muna ito ng lakas ng loob bago muling kausapin si Joey."Y-you mean Luke Cruise, the Young Ma—""Young man with a really poor backround at masipag na empleyado sa iyong kompanya. He's working hard to earn money pero tatanggalin mo lang siya sa trabaho na hindi man lang inaalam kung ano ang totoong nangyari?" agad na putol ni Joey sa sasabihin sana ni Noah dahil sa muntik na nitong mabigkas ang salitang hindi dapat marinig ng karamihan.Agad namang naunawaan ni Noah ang sitwasyon at ibig sabihin ni Joey. Napahawak pa siya sa kanyang kaliwang bahagi ng dibdib dahil sa biglang pagbilis ng kabog nito dahil sa pagkasabik.Hindi niya akalain na ang usap-usapan tungkol sa Young Master na nagmula sa pamilya Cruise at kasalukuyang nasa Quezon dahil sa isang training ay nagtatrabaho pala sa kanyang pagmamay-aring restaurant."Kasama ako ni Ms. Salazar nang masaksi
Nabuhayan ng dugo si Richard sa sinabi ni Ludwig. "Tama. Alam naming wala ka naman talagang alam sa pakikipaglaban. Marahil ay ini-exaggerate lang ni Mr. Alanis ang pagkikwento pero ang totoo ay tanging mahihinang suntok lang ang pinakawalan mo upang patumbahin ang mga lampang nagtangkang magnakaw kay Mr. Alanis. Kahit sino naman ay kayang gawin yun." Nakatawang sambit nito."Kung totoo ngang mahusay ka sa pakikipaglaban, bakit hindi mo subukang talunin si Ludwig? Don't worry, he's not very good at fighting. He's just a white belter in karate club. Baka talunin mo lang siya within one minute kung totoo nga ang sinasabi niyo ni Mr. Alanis." sambit ni Matthew. Mapupuna ang pagkasarkastiko sa tono ng kanyang pananalita.Nakangising tinanguan ni Richard si Matthew. Ang totoo ay isang black belter si Ludwig. Dahil sa pribado lang kung mag training ito ay sila-sila lang din ang nakakaalam ng kanyang totoong kakayahan.Nang minsang bumisita sila ni Matthew at Richard sa bahay ni Ludwig ay eks
Nangangatog ang mga tuhod na nagpatuloy sa pag-urong si Ludwig."Akala ko ba kaya mong sabayan ang kakayahan ko sa pakikipaglaban? Bakit tila nangangatog na ang mga tuhod mo umpisa palang?" wika ni Luke habang patuloy naman sa paglapit kay Ludwig. "Kung luluhod ka ngayon din at aamining mas mahusay akong makipaglaban kaysa sa'yo, papatawarin kita at hahayaan kayong umalis sa mansyong ito." pagbabalik ni Luke sa sinabi ni Ludwig kanina.Hindi nagdalawang-isip si Ludwig na bumawi ng postura upang lumuhod sa harapan ni Luke."S-suko na ako! Aminado na akong mas mahusay ka nga kaysa sa akin!" pasigaw na sambit nito na halos halikan na ang semento."What are you doing? Paanong suko ka na?" gulat na tanong ni Richard. Dismayadong pinagmamasdan si Ludwig."What on earth just happened? Napasuko ni Luke si Ludwig nang ganun kabilis?" manghang patanong na wika ni Divina sabay napatakip pa sa kanyang bibig. Ito ba ang Luke na isang tagahugas lang ng plato sa kanilang restaurant?Napangiti lang si
Nagtagpo ang tingin ni Luke at Kina. Bahagya pang napataas ang kilay ni Kina nang makilala si Luke. 'Siya ang lalaking nagligtas sa'kin sa bar noon.' pagkumpirma nito sa kanyang isip. Bahagya siyang nakaramdam ng saya pero hindi niya ipinahalata iyon. Sinabayan niya lang ang titig ni Luke. Ang mga mata nila ay tila parehas na nangungusap sa isa't-isa. Ilang segundo silang nagkatitigan bago iyon naputol nang magsalita si Theodore. "Lord Javier! You shouldn't be here. Magsisimula na ang main event." sambit nito. "Why I shouldn't be here? May nakapagsabi sa'kin na may nagaganap na gulo rito kaya gusto kong makita kung ano iyon. Hindi ko ba pwedeng makita kung anong nangyayari dito?" usisa ni Javier. Medyo namamaos na ang kanyang boses dahil sa katandaan. "H-hindi po yun ang ibig kong sabihin. I'm already taking care of things here." tugon ni Theodore habang bahagyang nakayuko. "Hindi mo na po dapat inabala pa ang sarili mo." Kahit na mas mataas ang estado ng pamilya Velasquez sa pam
Sumunod silang lahat na pumasok sa mansyon at nagkanya-kanya ng pinuntahan habang nasa hulihan nila si Luke at Joey. "Humihingi ako ng paumanhin Mr. Cruise sa abalang naidulot sa'yo nina Richard at ni Mr. Velasquez. Nauunawaan kong baka nais ninyong parusahan sila sa ginawa nila. But please, this event is very important for both families, sana hayaan niyo muna naming tapusin ang pagdiriwang na ito." bahagyang nakayukong pakiusap ni Joey. "Hindi mo kailangang ihingi sila ng kapatawaran, Mr. Alanis. Lalo na si Richard. Nauunawaan kong isang mahalagang pagdiriwang ito at may respeto ako kay Lord Javier." Sa laki ng atraso ni Richard sa kanya ay gustong-gusto na niyang tapusin ang kahibangan nito. Lalo pa't nakilala nito si Kina, bagay na ipinag-aalala niya pa. Sigurado siyang handa nitong kalimutan si Veronica at traydurin si Lance para lang maangkin si Kina. "Salamat sa pag-unawa, Mr. Cruise." nakangiting sambit ni Joey. "Do you plan to stay here and watch the event? O gusto niyong s
Unti-unting naliwanagan si Luke sa sitwasyon. Kung tama ang kanyang pagkakatugma, ang kakalabasan nito ay sapilitan lang ang kasal ni Kina. Nagtatrabaho si Kina bilang waitress upang masuportahan ang kanyang sarili. Marahil ay ang pag-aaral niya. Dahil hindi naman talaga kabilang na ang mga magulang ni Kina sa pamilya Alanis. Anuman ang dahilan ay mga magulang na mismo ni Kina ang nagpaunawa nito kay Luke na itinakwil sila ng pamilya Alanis. Nang makita ni Luke kung gaano kalungkot si Kina kanina sa garden house ay tingin ni Luke na ang dahilan nito ay ang sapilitang kasal nila ni Lance. Bukod pa rito ay kaibigan ni Lance si Richard pero maging si Richard ay ngayon lang nakilala si Kina. Ibig sabihin lang ay hindi pa gaano katagal na magkakilala si Kina at Lance. May mabubuo bang pag-ibig sa kanilang dalawa sa loob lang ng maiksing panahon na hahantong sa desisyon nilang magpakasal? Kung magiging magkasintahan man ang dalawa ay hindi naman siguro nila maiisipang magpakasal kaagad. L
Pagkatapos ng napakaganda at napakahusay na pag-perform nina Dwayne ay nakumbinsi nga nito ang mga bisita katulad ng sinabi ni Theodore sa kanila."Mahusay nga sila. Ano ang pangalan ng club nila?""I'll make sure to hire bodyguards from their dojo!""Mr. Dwayne pa-autograph po ako mamaya!""Ang galing nila! Totoo nga ang sinabi ni Mr. Velasquez!"Kaliwa't-kanang komento at papuri ang maririnig mula sa mga bisita. Maging si Javier ay napahanga rin sa ipinamalas nina Dwayne.Wala namang karea-reaksyon ang mukha ni Dwayne habang bahagya lang nitong tinatanguan ang mga bisita bilang pasasalamat sa binibigay nilang papuri."Who's this instructor again? Bakit hindi ko siya kilala kung taga rito siya sa Quezon?" tanong ni Javier kay Theodore."He is Dwayne Lacson. He's training his students at White Dragons Dojo Club in a low-key manner. Iilan lang ang personal na nakakakilala sa kanya, kabilang na si Richard." sagot ni Theodore na may malawak na ngiti sa kanyang mukha."White Dragons Dojo
"Nabingi ba ako? Tinawag ba ni Mr. Dwayne na Mr. Cruise ang lalaking 'yan sa nakapagalang na pamamaraan?" nagtatakang sambit ng isang bisita.Lahat sila ay hindi makapaniwala kung paanong ang isang tulad lang ni Luke ay kakilala sina Natalia at Dwayne."Nandito ako dahil sa aking trabaho." wika lamang ni Luke kay Dwayne. Sinusubukang ipaunawa rito na hindi pwedeng malaman ng mga taong naroroon ang tunay niyang pagkakakilanlan.Nauwanaan naman agad iyon ni Dwayne nang mapagtantong nakasuot si Luke ng uniporme pangtrabaho. Gusto man niyang humingi ng paumanhin ay hindi na siya nagsalita pa.Kabilang si Dwayne sa White Dragon Knights. Isa siya sa may mataas na ranggo sa herarkiya ng gang. Nagkita na sila ni Luke nitong huwebes lang sa Paraisong Tunay Bar nang isama ito ni Leon upang ipakilala kay Luke. Doon din nalaman ni Luke na may dojo pala ito rito sa Quezon.Samantala, nanigas naman sa kinatatayuan nila sina Richard at Theodore. Magkakilala si Luke at Dwayne? Imposible!Agad na buma
Umihip ang malamig na hangin at tangay niyon ang pinaghalong amoy ng tuyong dahon at pabango ni Kina. Nilingon niya si Kina na nakatitig lang sa kanya, tila pinag-aaralan ang kanyang mukha. "Silence means yes," sambit ni Kina pagkalipas ng ilang saglit na pananahimik ni Luke. Nabasa na nito sa mata ni Luke ang kasagutan sa kanyang tanong. "That night after you saved me from the members of the Blazing Phoenix Gang, nakita ko kung gaano ka kakampante na kaya mo silang talunin sa kabila ng kapangyarihang meron sila sa underground society. Gusto kitang pigilan nang oras na iyon dahil ayokong may mangyaring masama sa lalaking nagligtas sa'kin noong gabing iyon." Ngumiti ito, muling pinagmasdan ang napakakalmadong lawa. "Pero may parte sa isip ko noong nagsasabing magtiwala lang ako sa'yo." Saglit na huminto ito at nagpakawala ng mababaw na buntong-hininga. "Ang mas ikinabigla ko pa ay nang makita ko kayong malapit ni Mr. Malcov sa isa't-isa. Batid kong pagpapanggap lang ang mga sinabi niya
Dali-daling pinulot ni Luke ang chess board at ipinatong iyon sa mini table. Nagtaka si Bernard sa inasta ni Luke."Pakilagay nalang niyan dito at pakiayos na rin." pautos na sambit ni Luke kay Bernard na nauna nang pulutin ang mga piyesa.Mas lalong nagulumihanan si Bernard. 'Does Mr. Cruise wants to play chess right now?'Inayos ni Luke at Bernard ang pagkakalagay ng bawat piyesa ayon sa tamang parisukat na lagayan nito sa chess board. Nasa tapat niya ang itim at nasa tapat naman ni Bernard ang puti."T-Titira na ba ako Mr. Cruise?" nakakunot ang noong tanong ni Bernard."Hindi." tugon lang ni Luke pagkatapos ay may bahagyang ngiti sa labing pinagmasdan ang chess board. Partikular niyang pinagmasdan ang walong pawns na nakahilera sa kabilang dako ng board. 'Ang walong puting kalbo...' sambit niya sa isip. Pinagsalikop niya ang kanyang palad sa ilalim ng kanyang baba at ginamit iyon upang panukod sa kanyang ulo.Naunawaan na rin ni Luke sa wakas na ang kahulugan ng walong puting kalb
Tila bumagal ang takbo ng oras para kay Lance nang puntong matanggap niya ang sipa ni Luke. Unti-unti siyang umangat at tumilapon papalayo sa kinatatayuan ni Luke. Blangko ang kanyang isip habang nakatingin sa madilim na kalangitan na pinupuno ng bituin.Napaka-aliwalas ng kalangitan, hindi kakikitaan ng anumang ulap. Kasing linaw niyon ang isiping totoong higit na mas malakas si Luke kaysa sa kanya. Sa kabila ng natamong kalakasan mula sa drogang itinurok lang sa kanyang katawan ay kulang pa iyon upang mapantayan niya ang husay na mayroon si Luke. Makailang ulit din niyang binigkas sa kanyang isip ang katagang 'I'm still weak' bago siya tuluyang bumagsak nang pitong metrong layo mula kay Luke.Isang kamay ang sumalo kay Lance. "P-P'One," naisambit lang nito nang makita kung kaninong kamay iyon. Ang lalaki iyong kasama nito."Magpahinga ka muna, ako nang bahala sa lalaking 'to." sambit nito sa kampanteng tono habang ubod ang ngiting pinagmamasdan si Luke.Napahawak sa dibdib si Lance
Mabilis na binawi ni Lance ang kanyang paa mula sa pagkahawak ni Luke. Sinundan agad nito iyon ng isa pang sipa at suntok gamit ang kanang kamay.Inilagan ni Luke ang sipa ni Lance at kinontra-atake niya ang suntok nito ng left hook. Dahil sa bilis niyon ay hindi iyon nagawang dipensahan ni Lance o hindi man lang nito nagawang umilag. Tinamaan ito ni Luke sa baba nito kaya napayuko ito sa kanan nito. Pero hindi man lang nito ininda iyon.Sinubukang bawiin ni Lance ang postura nito pero hindi iyon hinayaan ni Luke. Mabilis siyang gumamit ng back kick at tinamaan niyon ang gitnang tadyang ni Lance kaya napaatras ito. Kahit na nasa masamang postura ay hindi natumba si Lance na nagawang maitukod ang kaliwang paa sa likuran. Galit na nag-angat kaagad ito ng tingin. Pero namilog ang mata nito nang makitang wala na sa unahan nito si Luke.'Side-jump technique huh?' gumuhit ang ngisi sa labi ni Lance. Napaghandaan na niya ang pamamaraan na ito ni Luke. Alam niya kung saan susulpot si Luke ka
"Hindi ko gustong labanan ka, Lance. Kung galit ka sa'kin dahil sa pangingialam ko sa relasyon niyo ni Kina, hahayaan lang kitang magalit sa'kin. 'Wag kang aasang hihingi ako ng paumanhin dahil sa naging desisyon ko." seryosong wika ni Luke. Kahit na ramdam niyang nag-uumapaw ang enerhiya ni Lance sa kagustuhan nitong kalabanin siya ay alam niyang kayang-kaya niya itong talunin.Sa unang pagkakataon ay natawa si Lance. "Sino bang may sabing kailangan ko ng paghingi mo ng paumanhin? 'Wag mo sabihing naduduwag ka lang na kalabanin ako?" panunudyo nito. "Nakikita mo na ba ang diperensya ng husay nating dalawa? Nakikita mo bang mas mahusay ako kaysa sa'yo?"Nailing-iling si Luke. Batid niyang sinabi lang iyon ni Lance upang patulan niya ito. O baka sadyang unti-unti na itong nawawala sa katinuan. "Umuwi ka nalang sa inyo. Mas makabubuti sa'yo kung magpapakita ka na sa'yong ama."Sa oras na ito ay marahil alalang-alala na si Theodore. Ipinangako niya ritong hindi niya sasaktan si Lance sak
Nakita ni Luke ang seryoso habang nakapamulsang si Lance, marahang naglalakad papalapit sa kanya. Napansin niyang may nagbago sa pangangatawan nito kumpara noong huli niyang kita rito. Parang mas naging matipuno ang pangangatawan nito.Tulad ng naging hula ni Theodore ay makikipagkita nga ito sa kanya, gayon din ang kanyang inaasahan. Malamang ay kokomprontahin siya nito tungkol sa nakansela nitong kasal."Anong nangyari sa'yo? Nag-aalala na nang husto si Theodore sa kalagayan mo." wika niya.Kahit papaano ay hindi maiwasan ni Luke na isiping siya ang dahilan kung bakit ito umalis sa bahay nito. Kung may masamang mangyari kay Lance dahil sa sama ng loob nito sa kanya ay parang kasalanan niya na rin."Mahirap bang sagutin ang tanong ko upang sagutin din ng tanong?" seryosong sambit ni Lance.Napakunot ang noo ni Luke dahil sa sinabi nito at tono ng pananalita nito. Hindi agad siya umimik sa halip ay nagtatakang pinagmasdan niya ang kakaibang katauhan nito. Hindi lang pisikal na kaanyua
Mag-aalas diyes na ng gabi nang matapos sina Luke. Si Alona lang ang pinakamatagal matapos kumain na para bang gustong ubusin ang laman ng kanyang card. Kung hindi pa nila ito pinilit na umuwi ay parang gusto na nitong doon tumira sa restaurant na iyon hangga't hindi nito nauubos ang halos sampung bilyong dolyar na laman ng SVIP card ni Luke.Nakapamulsang naglalakad si Luke, habang nasa likuran ng tatlong babae. Panay pang-aalo sina Jackielyn at Kina kay Alona na may bitbit pang bote ng champagne. Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nila."Jusko ang mga kabataan talaga ngayon, ang hihilig nang maglasing." wika ng aleng kanilang nakasalubong sa kasama nito.Nagsalubong ang kilay ni Alona nang marinig iyon. "Hoy manang! Sinong bata ang tinutukoy mo?" sigaw nito na aktong susugurin pa ang ale. Agad namang hinawakan ni Jackielyn at Kina ang magkabila nitong braso upang pigilan ito.Dahil sa takot ng ale at kasama nito ay binilisan ng mga ito ang kanilang paglakad.Natatawang na
Isang maitim na lalaki pa ang bumaba mula roon. Kalbo ito at malaki ang pangangatawan. May ilang peklat din ito sa kaliwang braso na parang nagsisilbing gantimpala nito sa naging karanasan nito sa isang mabangis na labanan. Makikita sa pangangatawan nito kung gaano ito kabatak sa pakikipaglaban."May gusto lang akong itanong sa'yo." wika ni Lance kay Darwin sa malamig na boses. "Come with us."Napakunot ang noo ni Darwin. "Ano 'yon? Pwede mo namang itanong ngayon. Abala ako kaya hindi—""I'm not asking, I'm ordering you." putol ni Lance sa sinasabi ni Darwin.Sumama ang ekspresyon ng mukha ni Darwin. "Anong sinabi mo?" galit at hindi makapaniwalang sambit nito. "Who the fuck are you para utusan ako? Hindi porket nakapasok na ang pamilya niyo sa upper class ay tingin mo magka-level na tayo. Tandaan mong nasa ilalim pa rin kayo at kumpara sa pamilya namin ay langgam lang ang pamilya niyo."Nanatiling kalmado si Lance sa kabila ng ginawang pagsigaw at pangmamaliit ni Darwin sa kanya. Bah
Napansin ni Luke na huminto rin sa paglalakad si Kina. "Marami akong gustong itanong sa'yo, Luke. Meet me tomorrow evening, sa likod ng paaralan." sambit nito bago muling nagpatuloy sa paglakad.Ang malamyos nitong boses ay parang naiwan pa sa kinaroroonan ni Luke kasabay ng nakakaakit nitong amoy ng pabango. Ilang segundo pang hindi nakakilos si Luke, ramdam niya ang bawat kabog ng kanyang dibdib sa tahimik na pasilyong iyon.Sumunod siya sa kwarto kung saan pumasok sina Kina. Saglit pang nahinto ang manager sa kanyang harapan nang makasalubong niya itong papalabas ng kwarto. Hindi ito umimik sa halip ay saglit lang siya nitong tiningnan bago tuluyang lumabas."Here, Luke." pag-aya ni Jackielyn sa kanyang maupo sa sopa, sa tabi nito.Binigyan lang ito ni Luke ng tipid na ngiti bago naupo roon. Nasa katapat na sopa sa harap niya mismo nakaupo si Kina habang si Alona naman ang katabi nito, nakahalukipkip at nakabusangot."Hindi ko alam na iyon pala ang apelyido mo." nakangiting wika ni