Pumasok sina Luke at Bernard sa isang private room ng restaurant. Nadatnan nila si Damian at isang lalaki na naglalaro ng chess. Sa isang mahabang sofa ay nakaupo pa ang dalawang lalaki na pinapagitnaan ang isang babae at tahimik lang ang mga itong nanonood kina Damian. Namumukhaan ni Luke na ang dalawang lalaki ay kasamahan ni Damian kanina sa mesa.Unang nakapansin sa pagpasok nila ay ang babae. Unang tiningnan ng babae ay si Bernard pero nang ilipat nito kay Luke ang tingin nito ay napansin ni Luke ang kakaibang kinang sa mga mata nito nang magtagpo ang kanilang tingin. Hindi naman ito natamaan ng liwanag o hindi rin ito nakasuot ng contact lenses para kuminang ng ganun ang mga mata nito. Namalikmata lang ba siya?Agad na nag-iwas ng tingin si Luke."May magagawa pa ba ako? Mukha atang talo na ako."Dahil sa patalo na si Damian ay nakapokus lang ito sa board at hindi namalayan ang pagpasok nina Bernard at Luke."You can just resign Mr. Barlowe. Maliit lang naman para sa'yo ang isang
Sa isang masukal na kalsada kung saan hindi masyado dinadaanan ng mga sasakyan ay nandoon at nakaparada ang limang puting van. Sa bawat van ay naglalaman ito ng walo hanggang sa sampung armadong lalaki.Ang lalaki sa passenger seat sa pinakaunahang van ang siyang leader nila. Kasalukuyan itong humihithit ng sigarilyo habang hawak-hawak ang kanyang cellphone. Maya't-maya niya iyon kung tingnan na para bang may hinihintay na mensahe."Patapos na ang banquet. Sigurado ka bang wala ka pang natatanggap na mensahe Julio?" hindi mapakaling usisa ng nasa driver's seat."Kalmahan mo lang Denver. Basta abante kaagad tayo kapag natanggap ko na ang hudyat."Hindi tumugon si Denver. Hindi niya sigurado kung magiging matagumpay ba ang misyon nila lalo pa't puro sikat na business man ang bisita sa banquet. Posible na may mga koneksyon ang iba sa kanila sa underground society.Kapag nangyari mang isa sa kanila ang makakontak ng tulong mula sa underground society bago pa man nila magawa ang kanilang mi
"Hindi rin ako makapaniwala sa nangyari." sambit ni Bernard kay Luke. Kasalukuyan silang sakay ng kotse nito patungong Quezon. "Mabuti nalang at binuhay nito ang kanilang lider. Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng awtoridad ang nangyari at kung sino ang kliyente nila." "Saan pumunta ang umatake sa kanila pagkatapos?" tanong ni Luke. May pakiramdam siyang ang babaeng iyon at si Ms. Natalia ay iisa. "Hindi ko alam. Pagbalik ng kuryente ay tanging mga nakahandusay na katawan ng bandido ang bumungad sa'min. Gladly ay walang nasaktan sa mga bisita ni Mr. Barlowe." Si Luke ang nagpatay ng kuryente at siya rin mismo ang nagbukas nang marinig niyang tumahimik ang komosyon sa loob ng restaurant. Tulad nga ng kanyang inaasahan ay inatake rin ng kakaibang babae ang mga bandido na nasa loob ng restaurant. Pero bakit sila nito tinulungan? Siya ba talaga si Ms. Natalia? Ang kakayahan nito ay imposibleng magawa ng isang normal na tao. Ibig lang nitong sabihin ay malamang na hindi tao si Natalia.
"Sa buong talambuhay ko ay ngayon ko lang narinig ang patungkol sa pamilya Cruise at kung gaano sila kayaman. At nagmula pa mismo ang impormasyong iyon sa'yo Young Master Cruise. Salamat sa pagbahagi." malugod na sambit ni Carlos.Kasalukuyan silang nakasakay ng elevator ni Carlos. Kakagaling lang nila mag roving sa ibang palapag ng gusali. Naipaliwanag na ni Luke kay Carlos kung bakit kinailangan niyang magpanggap na security guard sa ENDX Corp sa kabila ng kanyang tunay na estado sa buhay. Makabuluhan naman lahat ng sinabi ni Luke kaya naninawala rin sa huli si Carlos."Pakiusap, Mr. Cruise o SG Cruise nalang ang itawag mo sa'kin."Mahinang natawa si Carlos saka tumango-tango. "Pero Mr. Cruise, isang mahalagang sekreto ang ibinahagi mo sa'kin. Paano ka nakasisigurong hindi ko ibubunyag ang lihim mo o ng iyong pamilya?"Nakataas ang kilay na tiningnan muna saglit ni Luke si Carlos. "May tiwala naman ako sa'yo. Kung sakali mang malaman kong ikinalat mo ang mga sinabi ko sa'yo ay hindi
Bumagsak ang balikat ni Ms. Javier nang makita niya ang lahat ng nakikiusisa na nakataas ang kamay at tanging siya, ang tatlo pang sales personnel, si Pauline at dalawang security guards lang ang pumapanig sa kanya.Talagang mas pinili nilang sabayan ang kasinungalingan ni Ken. Kung sabagay ay hindi niya rin masisisi ang mga ito. Marahil ay natatakot lang din ang ilan sa kanila.Ibinaling nito ang kanyang tingin kay Luke. Kita niya kung gaano kakampante si Luke pero para sa kanya ay wala rin itong magagawa laban kay Ken.Hindi nga natakot si Ken kay Pauline na isang Executive Manager, sa isang security guard pa kaya?"Nakakalungkot lang isipin Mr. Sy, na kahit buong mundo pa ang pumanig sa'yo, hindi mo maaalis ang katotohanang isang kasinungalingan ang pinanghahawakan mo. Hanggang sa hukay ay dadalhin mo ang pakiramdam na pinaglaban mo ang isang walang kabuluhang bagay, manalo ka man o matalo." sambit ni Luke.Ang iba sa mga nakikiusisa ay medyo naunawaan ang sinabi ni Luke. Ano nga ba
Hindi maiwasan ni Luke na mailing. Walang pakialam si Ken sa kapakanan ng ibang tao para lang magawa ang kanyang sariling kagustuhan kahit wala namang kabuluhan. Isa ito sa kanyang mga kinaiinisan. Sa parehong pagkakataon ay nakikita ni Luke kung gaano kahunghang si Ken."Dahil sa mabait naman ako, since wala pa si Uncle, bibigyan kita ng pagkakataon na hingin ang kapatawaran ko at maisalba ka mula sa pagkakakulong." sambit ni Ken kay Pauline. "Kneel down and tell me that you love me."Nalaglag ang panga ng lahat maging si Luke dahil sa sinabi ni Ken. Ganito ba talaga kadesperado si Ken sa pagmamahal ni Pauline?"You're pathetic. Mas gugustuhin ko pang makulong kaysa lumuhod sa harapan mo." nandidiring sambit ni Pauline.Natawa si Ken. "Mas pagandahin natin ang deal. Ganun pa rin ang gagawin mo, pero maisasalba mo rin silang lahat maliban nalang dito kay... Luke." sambit ni Ken na parang nandidiri pang banggitin ang pangalan ni Luke.Hindi nagdalawang-isip na sumagot si Pauline sabay n
"Imposible. bawat kotseng naririto sa palapag na 'to ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa isang milyong dolyar. Sinasabi mo bang may ganun kang halaga ng pera?" hindi makapaniwalang tanong ni Ken. "Aside from that, kung totoo man na isa sa mga kotse rito ang pagmamay-ari mo, paano ka nakasisigurong hindi ko ito kayang bilhin? Kahit pa pagsama-samahin lahat ng kotse rito ay kayang-kaya kong bayaran." kampanteng sambit ni Ken."Quit fooling around. We all know that you're just bluffing. Of course you're an employee here kaya paniguradong tutulungan ka ni Ms. Lee na imaneho ang alin mang kotse rito para pahiyain si Mr. Sy. Pero hindi mo kami mapapaniwalang pagmamay-ari mo ito." wika naman ni Greg.Lahat ng nakikiusisa maging ang mga sales personnel ay sang-ayon kay Ken at Greg. Sa pagkakaalam ng mga sales personnel ay bago lang si Luke na security guard sa ENDX Corp. Kahit sila ay hindi niya mapapaniwalang pagmamay-ari nga niya ang isa sa alin mang kotseng naririto lalo pa't sila mismo ang
Napagana nga ni Luke ang kotse!Natigilan ang lahat dahil sa sobrang pagkabigla. Paanong ang isang katulad ni Luke na isa lang security guard ay napagana ang pinakamahal na sasakyan sa buong mundo gamit ang kanya mismong fingerprints?"T-that means he's the real owner of the car!" hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga nanonood."This can't be real." pabulong na sambit ng isa pa habang inaalala niya kung paano niya laitin si Luke kanina.Halos lahat ng nang-insulto kay Luke ay hindi makatingin ng diretso sa sasakyan o kay Luke. Nakayuko ang ilan sa kanila at pinagsisisihan ang kanilang ginawang pangmamaliit kay Luke. Dahil sa napagana ni Luke ang kotse ay patunay lang na si Luke nga ang may-ari ng sasakyan.'Is he only pretending to be a security guard even though he is actually rich?' halos pare-parehas na katanungan nila sa kanilang isipan.Si Ken, na kasalukuyang naninigas sa kinatatayuan ay buo pa rin ang paniniwalang may ginamit lang na trick si Pauline at Luke para utuin sila.